Professional Documents
Culture Documents
GITnang Luzon HAnDoUtS
GITnang Luzon HAnDoUtS
GITnang Luzon HAnDoUtS
REHIYON III
Ang Rehiyon ay kilala sa karaniwang tawag na Gitnang Kapatagan (Central Plains) at itinuturing
na Palabigasan ng bansang Pilipinas (Rice Granary of the Philippines). Nagkaroon ng
mahalagang bahagi sa ating kasaysayan ang rehiyong ito. Ang mga lalawigan ng Nueva Ecija at
Tarlac ay kasama sa walong lalawigang nag-alsa at naghimagsik laban sa Kastila noong
1896. Kabilang din sa mga makasaysayang pangyayari sa rehiyon ang: pagbagsak ng Bataan sa
kamay ng mga Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig; Ang Martsa ng Kamatayan o
"Death March" na nagsimula sa Mariveles, Bataan at nagtapos sa Capas, Tarlac; ang
pagpapatayo ng Dambana ng Kagitingan sa bundok ng Samat sa Bataan ay nagpapagunita sa
mga Pilipinong nangagbuwis ng mga sariling buhay para sa bayan. Bahagi pa rin ng
makasaysayang pangyayari sa rehiyon ang pagsabog ng Bulkang Pinatubo.
May mga kilalang tao rin na nagmula sa rehiyong ito tulad ni Francisco Balagtas ng Bulacan,
kinikilalang Ama ng Panulaang Tagalog; Juan Crisostomo Sotto, Ama ng Panitikang
Kapampangan; Diosdado Macapagal ng Pampanga, naging pangulo ng Pilipinas na isa ring
manunulat ng tula, at si Nicanor Abelardo ng Bulacan na kilala sa larangan ng Musika.
Ang mga pinagkakakitaan ng mga mamamayan ng rehiyon ay pangingisda, paghahayupan,
pagsasaka, pagmimina, pagtotroso at paggawa sa mga paggawaan ng asukal at produktong yari
sa rattan. Ang mga pangunahing produkto ng rehiyon ay bigas, mais. isda, kawayan at mga
mineral tulad ng ginto, tanso, platinum at iba pa. Ang mga sentro ng kalakalan ng Rehiyon III ay
Olongapo sa Zambales. Angeles sa Pampanga, Cabanatuan at San Jose sa Nueva Ecija, Tarlac sa
lalawigan ng Tarlac, Malolos sa Bulacan at sa mga kabayanan ng Balanga sa Bataan. Ang rehiyon
ay may anim na lungsod: Angeles, Cabanatuan, Valenzuela, Olongapo, Palayan at San Jose.
LALAWIGAN NG AURORA
Ang lalalwigang ito na isinunod sa pangalan ng asawa ng dating Pangulong Manuel L. Quezon ay
dating bahagi ng Quezon. Naging ganap itong lalawigan sa bisa ng R. A. Blg. 648 noong 1979.
Nasa hangganan ng Hilagang Isabela, sa gawing timog nito'y ang Quezon, sa Silangan nito'y ang
Dagat Pacifico, sa kanluran ay ang Nueva Vizcaya at Quirino sa Timog-kanluran at Nueva Ecija.
Binubuo ito ng walong bayan/ munisipalidad: Baler, Casiguran, Dilasag, Dinalunga, Ding tlan,
Dipaculao, Maria Aurora at San Luis. Tagalog ang pangunahing wika ng mga naninirahan dito.
May mga nagsasalita rin ng Bikolano, Ilokano at Cebuano sa lalawigang ito. Malimit dalawin ng
bagyo ang lalawigan. Walang tagtuyot. Nakararanas sila ng matinding tag-ulan mula Oktubre
hanggang Disyembre. Pangunahing hanapbuhay ng mga taga-Aurora ang pangingisda at
pagsasaka kaya't mahuhulo ng lahat na ang kanilang mga produkto ay mga gulay,
prutas,legumes, niyog at kopra.
LALAWIGAN NG BATAAN
Ang Bataan ay mula sa teritoryo ng Pampanga at bahagi ng Mariveles. Naging lalawigan ito sa
utos ni Gobernador Juan Arandia noong 1754. Matatagpuan ang lalawigan sa timogea mga
bulkan. Sa silano. ang lalawigan sa timog-kanlurang baybaying naha
hahati dalawang bahagi ng mga bundok na nagmula sa mga at Sta. Duikan. Rosa. Sa Sa silanpa
silan Sa bahagi ay naroon naman ang mga bundok ng Matib Mariveles, at sta. Bataan, Kosa. Sa
Cuyar sila.ng bahagi ay naroon naman ang mga bundok ng Mariveles, Bataan, Cuvag
amat kaya't ang lalawigan ng Bataan ay napaliligıran ng mga bundok"
wikang ginagamit ng mga mamamayan ng Bataan ay tagalog at Kapampano. Ang magagandang
pook na makikita sa lalawigang ito ay ang: Mar Demokrasya at Unang Pagtatanggol na nasa
Hermosa arket ng Martsa Kamatayan sa Orani: Dook ng Pagsuko ni Heneral B. King Jr. Sa bundo
ng anat, Dambana ng Kagitingan na matatagpuan sa bundok din sa Samat Ang Bayan naman ng
Mariveles ang pinakasentro ng Industriva Dito matatagpuan ang Bataan Export Processing Zone
Mula sa lalawigang ito sina Tomas Pinpin, ang unaguriang Ama Palimbagan dito sa Pilipinas;
Artemio Ricarte, isang magiting na kawal Cayetano Arellano, naging punong hukom ng Korte
Suprema.
LALAWIGAN NG BULACAN
Ang Bulacan ang sinasabing pinakamatandang lalawigang itinatag na mga Kastila noong
taong1572. Ang pangalang Bulacan ay nanggaling sa salitang "Bulak" na siyang pangunahing
produktong lalawigan. Ito'y matatagpuan sa hilaga ng Maynila. Ang kapatagan nito sa bandang
kanluranay napaliligiran ng lalawigan ng Pampanga at sa hilaga ay Nueva Ecija. Sa kabilang
bahagi namanay lalawigang Quezon sa silangan at ang lalawigan ng Rizal sa timog-kanlurang
bahagi.
Ang lalawigang ito ay naging bahagi ng mahahalagang pangyayaring naganap sa ating bansa.
Noong 1762 ang Bulacan ay naging sentro ng paghadlang sa pananakop ng British sa Maynila;
ang lalawigan ay isa sa mgaunang nagdala ng mga sandata laban sa Kastila noong unang
Rebolusyon ng Pilipino (1896); sa lalawigang ito naihayag ni Hen, Emilio Aguinaldo ang
pagtatalaga ng Unang Republika ng Pilipinas noong 1898; Setyembre 26, 186 niratipikahan ng
Kongreso ng Malolos ang Deklarasyon ng Kalayaan, sa makasaysayang Simbahan ng Barasaoin
ginawa ang Saligang Batas ng Unang Republika ng Pilipinas.
Ang Bulacan tulad ng ibang lalawigan sa Gitnang Luzon ay may mainitna klima mula sa
Nobyembre hanggang Abril. Tag-ulan ang iba pang mga buwan. Ang mga ilog ng Novaliches, llog
ng Apo at Ilog ng Angat ang nagbibigay ng mga pangangailangan sa irigasyon. Hindi lamang ang
Bulacan ang nakikinabang sa mga ilog na nabanggit kundi. pati ang mga karaug lalawigan nito.
Ang ikinabubuhay ng mga tao rito ay pagsasaka, pangingisda, paggawa sa mga pabrika at
paghahayupan. Ang pangunahing produkto ng Bulacan ay palay at mga prutas na tulad ng
mangga, milon, mais, atis at chico.
Ang mga kasiyahang dinarayo sa lalawigang ito ay ang Pestibal ng Pagluhod ng Kalabaw sa
bayan ng Pulilan, ang Pagoda sa ilog ng Bocaue, at ang Pagsasayaw sa Obando ng mga hindi
magkaanak.
Ang mga pook na dinarayo sa lalawigan ng Bulacan ay ang Damba Marcelo H. Del Pilar sa bayan
ng Bulacan, Groto ng Lourdes sa San Jose Monte: ang Bantayog i Col, John statssenberg, Café
Valenzuela sa Malaloc ang Biak na Bato; Sulo ng Kalayaan; Kuweba ng Tukod; Madlum: maa
ng Sibul; ang talon ng Tilandog sa San Míguel; ang Ipo Dam sa Norzasara ang Bukal at paliguan
sa Pandi at gayon din ang may mahigit na apat naraang taong simbahan ng Calumpit.
Tubong Bulacan ang mga bayaning tulad nina Gregorio del Pilar. Marcelo H. del Pilar, Mariano
Ponce, Teodoro Sandico, Isidro Torres at ang kilalang makatang Francisco Balagtas at Jose
Corazon de Jesus na kilala sa sagisag na Huseng Batute.
Ang bundok ng Caraballo ang naghihiwalay sa Nueva Ecija at Nueva Vizcaya. Sa hilagang
silangan ay bahagi ng bundok Sierra Madre na naghihiwalay naman sa Nueva Ecija at lalawigan
ng Quezon. Apat na ilog ang bumabagtas sa lalawigang ito- ang ilog ng Pampanga,Chico,Diaman
at Peñaranda. Madalas dalawin ng bagyo ang Nueva Ecija. Mga liwasan, ilog, pook piknikan at
malawak na sakahan ang tanging atraksyon ng lalawigan ng Nueva Ecija.
LALAWIGAN NG PAMPANGA
Salitang "pampang" naman ang pinagmulan ng pangalan ng lalawigang ito. Batay sa kasaysayan
ng pook, ang mga mamamayan daw ng lugar na ito ay nangatira sa mga pampang ng ilog noong
unang panahon. Nang dumating ang mga Kastila, ito ay tinawag nilang "pampangan" hanggang
sa lumaon ay nagging Pamapanga.
Napaliligiran ng mga bundok ang lalawigan ng Pampanga. Bundok Arayat ang nasa dakong
timog-silangan at sa gawing kanluran namay ang mga bundok ng Dors at Cutano sa lalawigan ng
Zambales. Sa Pampanga matatagpuan ang pinakamahabang ilog na nagbubuhat sa Nueva Ecija.
Ang ilog naman ng Guagua ang nag-uugnay sa look ng Maynila na Siyang pinagmumulan ng mga
latian ng Candaba at Sexmoan na siyang pinanggagalingan ng daloy ng tubig sa mga bukirin. ito
ay karaniwang pinagkakakitaan ng mga tao. Sa lalawigang ito ay paghahayupan, pangingisda,
pagsasaka at paggawa sa mga pabrika. Ang pangunahing wikang ginagamit ng mga tao sa
Pampanga ay Kapampangan, bagamat may ilang mga ilokano, Tagalog at may ginagamit din na
wikang Kastila at Ingles.
Ang mga natátanging magandang tanawin sa lalawigan ng Pampanga ay ang Bundok ng Arayat.
Pinakasentro ng kalakalan ang Lungsod ng Angeles. Ang lalawigan ay may mga dakilang
Pampanguefño tulad nina Juan Crisostomo Sotto, isang makata at itinuturing na Ama ng
Panitikang Kapampangan; Monico Mercado, isang manunulat at tagapagtatag ng Academia
Pampanguena; Jose Abad Santos, isang bayani ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig; Diosdado
Macapagal, ikalimang pangulo ng Pilipinas; at Aurelio Tolentino, may akda ng walang
kamatayang "Kahapon, Ngayon at Bukas" ng panitikang Pilipino. Sa kasalukuyan ang lalawigan
ng Pampanga ay bantog sa paggawa ng makabagong anyo ng parol na pamasko. Sa bayan ng
San Fernando ang Paskoay panahon ng patimpalak sa paggawa ng malaki at kaakit-akit na mga
parol.
LALAWIGAN NG TARLAC
LALAWIGAN NG ZAMBALES
Ang ikinabubuhay ng mga tao sa lalawigang ito ay pangingisda sapagkat ito ay may mahabang
baybayin at mayamang karagatan na nagbibigay ng masaganang suplay ng isda. Bukod sa
pangingisda ang pagsasaka ay isa pa ring pinagkukunan ng ikinabubuhay ng mga tao sa
lalawigang ito. Palay ang pangunahing produkto ng lalalwigan. May malawak ding taniman ng
tubo naa pinagkukunan ng asukal. Kung prutas naman ang pag-uusapan, ang lalawigan ng
Zambales ay kilala sa mga pinanggagalingan ng pinakamatatamis na mango. Pinagkakakitaan
din ang pagmimina sa lalawigang ito. Punto ng atraksyon sa lalawigan ng Zambales ang Daang
Zigzao ngOlongapo, Grotto ng Our Lady of Pardon, Marker ng Oongapo – Premerto Sisterhood.
mga Liwasan ng Marikiet, Rizal at Gordon Memorial; ano Dalampasigang Fale Sierra, Skipper,
Salakot, Pallidium at Balay. Anak Zambales ang naging pangulo ng ating bansa na si Ramon
Magsaysay nainiidolo ng masang Pilipino.
LITERATURA NG REHIYON III
Ang Rehiyon III ay may maipagmamalaking literatuea na nasa iba'
ibang kaanyuan - ang bugtong, salawikain at kawikaan; awiting bayan, alamat,
maikling kwento at iba pa.
BUGTONG
Mataas kung nakaupo Sagot: aso
Mababa kung nakatayo
SALAWIKAIN AT KAWIKAAN
Ang sakit ng kalingkingan,
Damdam ng buong katawan.
ALAMAT
ANG ALAMAT NG BUNDOK NG PINATUB0
(Zambales)
May isang bundok sa Zambales na ang pangalan ay Pinatubo. Siyang lalong mataas sa mga
bundok doon. Ang dakong yaon ay isang nayon daw noong araw, at ang pangalan ay Pina. Ang
mga tao sa pook ay parang magkakapatid. Sila'y mababait. Ang mga tagaroon ay mga taong
tahimik at nananahang tiwasay Sumapit ang panahon na nagpunta noon ang isang
nangangalang 'Tulyok Ang tikas ni Tulyok ay mandiriga, at isang araw ay tinipon niya
ya ang lahat niyang kampon at kanilang sasalakay'in at sasakupin ang mga kalapit nayon.
Sinunod siya ng kanyang mga kampon at mula noon ay sinimulan nila panaanalakay. Sinalakay
nila ang mga liping tahimik na nanunog ng mga bahay at nang-agaw ng mga babae. Mula nang
namuno si Tulyok ang mga Taga- Pina ay naging mababagsik, manggagahasa at mapanganib.
Si Tulyok ay may isang anak na lalaki na nangangalang Pinatubo. Siya'y makisig. matapang at
mandirigma. Dinayo niya isang araw ang isang liping pinamumunuan ni Panday upang
salakayin, Nang sunmapit sila sa isang dakong malapit sa pook ni Panday ay may nakasalubong
silang isang magandang dalaga. Sinabi ni Pinatubo sa kanyang mga Kampon na magpatuloy sila
sa paglalakad at siyay susunod na samantala'y nakipagkilala siya sa magandang dalaga sapagka't
naibigan niya ito. Nabalitaan ni Tulyok na ang anak ay sasalakay sa pook nina Panday at
Kanyang inihanda ang mga kampon upang sumaklolo. Hindi nagluwat at ang dalawang hukbo ay
nagsagupa. Kaginsa-ginsa ay may nakita si Tulyok na nakabulagta sa gitna ng labanan. Nang
kanyang lapitan nakilala niyang yaon ang bangkay ni Pinatubo na kanyang anak. Si Tulyok ay
nagulumihanan at napasigaw, tuloy napatigil ang labaan. Sa gayon ang dalawang lipi na
magkalaban ay kapwa nag-isip na mabuti pa sila y magkasundo at mag-ibigan kaysa
maglabanan at magpatayan. Pagkatapos ng labanan ay tumaas nang tumaas ang dakong yaon
kinasumpungan sa bangkay ni P'inatubo. Ang dakong yaon na tumaas ay nagging bundok, at
upang alalahanin si Pinatubo ay siyang ipinangalan sa nabangit nabundok na kilala ngayon sa
pamagat na "Bundok Pinatubo."
(Ramos 14)
MGA MANUNULAT NG REHIYON
ANG BALAGTASAN
Ang masining na patulang paglatalo na karaniwang ginaganap sa tanghalan ay tinatawng na
Balagtnsan sn panulaang Pilipino, Ang Masining at matulaing pagtatagisan ng mga katwirang ito
ay pinangalanan mula sa pangalang Francisco Balagtas bilang parangal sa Sisne ng Panginay at
itinuturing na Ama ng Panulaang Tagalog.
Naging unang tanghalan ng Balagtasan ang Instituto de Mujeres sa Tondo, Maynila noong Abril,
1924, Ang mga unang mambabalagtas ay sina Jose Corazon de JesUs (lHuseng Batute) at
Florentino Collantes (Kuntil Butil). Ang paksang pinngtatalunan ay "Bulaklak ng lahing kalinis-
linisan". Si Batute ang paruparo at si Collantes ang bubuyog, samanatalang si Bb. Sofia Enriquez
ang naging kampupot at sí Lope K. Santos naman ang gumanap na lakandiwa. Dahil sa
pagtatanghal na iyon, itinanghal na Hari ng Balagtasan si Jose Corazon de Jesus (lHuseng
Batute); si Florentino Collantes ang pangalawa at si Noong 1969 ay pinutungan naman ng
korona si Cresenciano C. Marquez Pedro Gatmaitan ang pangatlo. bilang Hari ng Balagtasan sa
kasalukuyang panahon, Ito ang piyesa ng unang Balagtasan.
LAKANDIWA:
PARUPARO:
LAKANDIWA:
Sa kapangyarihang taglay ko na rin
Ikinagagalak na kayo'y tanggapin,
Magtuloy po kayo at dito sa hardin,
Tingnan sa kanila kung sino at alin.
PARUPARO:
BUBUYOG:
Hindi mangyayari at ang puso niya'y
Karugtong ng aking pusong nagdurusa,
Puso ni Bulaklak pag iyong kinuha,
Ang lalagutin mo'y dalawang hininga.
Pusong pinagtali ng isang pag-ibig
Pag pinaghiwalay ay kapanga-panganib,
Dagat ma't hatiin ang agos ng tubig,
Sa ngalan ng Diyos, ay maghihimagsik.
Ang dalawang ibong magkasintahan,
Papaglayuin mo't kapwa mamamatay,
Kambal na pag-ibig kapag pinahiwalay,
Bangkay ang umalis, patay ang nilisan.
Paruparong sawing may pakpak na itim
Waring ang mata mo'y nagtatakipsilim,
At dahil sa diwang baliw sa paggiliw
Di man Kampupot mo'y iyong inangkin.
Dinaramdam ko rin ang dinaranas mo
At sa kasawia'y magkauri tayo,
Ako ma'y mayroong nawawalang bango,
Ng isang bulaklak kaya naparito.
Buhat pa kanginang ikaw'y nangungusap
Bawat salita mo'y matulis na sibat
Saka ang hanap mong mabangong bulaklak
Luksang Paruparo, siya ko ring hanap.
PARUPARO:
Di ko pinipigil ang pagsasalaysay
Lalo't magniningning ang isang katwiran,
3. Rogelio R. Sikat
Nagtamo ng Palanca Award sa kanyang obrang "Impeng Negro"
4, Wilfredo Pascua Sanchez (Victoria Tarlac) Editor ng "The Literary Appentice" mula sa
kanyang panunulat ang
ilan sa mga dula sa T.V. Sumulat din siya ng isang sanaysay tungkol kay Nick
Joaquin na kung saan ay napanalunan niya ang Carlos P. Romulo Award noong 1961.
5. Jun Cruz Reyes (Bulacan) 1sa sa mga muhon ng Wikang Filipino
Itinuturing na
Nakapagpalabas ng maraming aklat, isa na rito ang Esa - Puwera na agkamit
ng unang premyo sa National Centennial Literary Contest noon; a
ong 1998. Noong 2002, ay ginawaran siya ng Gawad Alagad Balagtas ng Unyon ng Manunulat
ng
Pilipinas.
6. Danton Remoto (Pampanga)
Bilang manunulat ay nanalo siya ng Palanca Award para sa
Sanaysay noong 1987.
7. Sergio Canlas Navarro Jr. (San Fernando, Pampanga)
Naging sagisag niya sa paulat ang Esy; Esiong: Serna at Coni
del Sol. de
8. Tony Perez (San Fernando, Pampanga)
Siya ay "Fictionist at Playright" sa Ingles at Filipino. Ang ilan sa
mga obra niya ang Tatlong Paglalakbay; Oktubre noong tayo'y Nagmamahalan
pa, Noong akala mo na mahal Kita.
9. Jose M. Lansong Jr. (Pampanga)
Noong 1961 ay nailabas niya ang 55 na tula.
10. Jose Domingo Karasig (Malolos, Bulacan)
Ang kanyang maikling kwentong "Pilyang Pilya" ay napabilang
sa 50 Kuwentong Ginto ng 50 Batikang Kwentista. Ang ilan sa kanyang naisulat
ay: Saing-Saingan (1936), Agimat (1945), Tala ng Umaga (1948). at Anak ng
Bulkan (1959).
11. Zoilo Galang (Bacolor, Pampanga)
Kilala sa kasaysayan ng Panitikan sa Pilipinas bilang
tagapagpaunang manunulat sa Ingles. Siya ang sumulat ng unang nobela na
pinamagatang "A Child of Sorrow'".
12. Romeo Dizon (San Fernando, Paimpanga)
Kinikilalang eksperto sa Panitikang Filipino. Naging hurado s
Palanca- Literary Awards para sa mga kategoryang nobela, maikling kwentoa
sanaysay.
13. Lamberto E. Antonio (Cabiao, Nueva Ecija) ng
Makata at "Movie Scriptwriter". Siya ay editor ng
Adarna Project ng Childrens Communication Center.