Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

I.

Pamagat
Buy Bust

II. Mga Tauhan

Anne Curtis bilang Nina Manigan,


Brandon Vera bilang Rico Yatco,
Victor Neri bilang Bernie Lacson,
Alda Lacson bilang Sheenly Gener
Aj Muhlach bilang Gelo Elia
Tarek El Tayech bilang Iggy Hizon
Mara Lopez bilang Loren Santos
Arjo Atayde bilang Biggie Chen,
Levi Ignacio bilang Chongki,
Nonie Buencamino bilang Detective Alvarez,
Lao Rodriguez bilang Detective Dela Cruz,
Alex Calleja bilang Teban,
Ricky Pascua bilang Solomon
Jonas Gamboa bilang Manok

III. Buod ng Pelikula

Kasama ng bago niyang squad ay muling naghahanda para sa


susunod niyang misyon ang anti-narcotics police agent na si Nina
Manigan (Anne Curis) sa ilalim ng pagsasanay ni Lacson (Victor
Neri). Naubos ang unang squad ni Nina at apektado pa din sya ng
sinapit ng kanyang mga kasama kaya determinado sya na di na
maulit ang nangyari. Di naman nagkukulang ang trainor nila na si
Lacson sa pagpapaalala na para maiwasan ang katulad na
pangyayari ay mahalaga ang pagsunod sa order ng pinuno,
maging team player at pangalagaan ang bawat isa. Sa bagong
drug buy bust mission ay magtutungo ang bagong squad kasama
ng asset sa Tondo upang mahuli ang target na si Biggie Chen
(Arjo Atayde) subalit makakatunog ang ka-deal ng asset
magbabago ng plano kung saan gaganapin na ang buy bust sa
lugar na tinatawag na Gracia Maria, isang kilalang lugar ng mga
squatters at droga. Magsisimula ang operasyon ng ika-7 ng gabi at
maingat na papasukin ng squad ang masikip na lugar. Subalit
bago pa man sumapit ang ika-9 ng gabi ay matutunugan na ang
buy bust at mapapalaban na ang squad. Mawawalan sila ng signal
upang tumawag ng back-up hanggang tuluyan silang maiwan sa
laban at mahihirapan hanapin ang daan palabas sa looban dahil
pati mga taong bayan sa lugar ay tutugisin din sila at walang
tutulong sa kanila ituro ang daan palabas. Bago sumikat ang araw
ay masasakote naman ni Nina ang target na si Biggie at
malalaman niya mula rito kung sino ang mga malaking “Judas” na
kasabwat niya sa hanay ng pulisya.

IV. Banghay ng mga Pangyayari

a. Tagpuan
Kalagayang Pisikal
*Slum Area / Gracia ni Maria
*Training Camp

b. Protagonista
Anne Curtis bilang Nina Manigan

c. Antagonista
Nonie Buencamino bilang Detective Alvarez
Arjo Atayde bilang Biggie Chen
Levi Ignacio bilang Chongki
Lao Rodriguez bilang Detective Dela Cruz

d. Suliranin
Ang labanan sa ipinagbabawal na droga.

e. Mga kaugnayan na pangyayari o Mga Pagsubok sa Paglutas ng Suliranin


Talamak ang droga sa Pilipinas kaya mahirap hanapin ang mga
taong namumuno nito, meron ding mga makapangyahirang tao na
sangkot sa paglago at pagpapanatili ng droga para sa pera na
nagbibigay ng mas mahirap na gawain para sa mga taong gustong
sugpuin at itigil na ito at nagbibigay din ng pagsubok sa paglutas ng
suliranin ay ang mga taong naiipit sa operasyon sa pagsugpo ng
droga.

f. Mga ibinunga
Nalaman na kung sino ang mga ‘Hudas’ na sangkot sa set up
habang nasa operasyon at nahuli na ang kanilang puntiryang ‘Drug
Lord’ na si Biggie Chen pero pinatay din ito ng isa sa mga ‘Hudas’
na sangkot sa set up. Ang wakas ng pelikulang ito ay nagpapakita
sa hindi matapos tapos na problema ng lipunan dahil sa korupsyon
sa Lipunan.
V. Paksa o Tema
Ang tema ng pelikulang ‘Buy Bust’ ay nakatuon sa isang squad na
sinusubukang hulihin ang isa sa mga ‘drug lord’ na kahit may maramig
hadlang o pagsubok na kailangan nilang pagdaanan kahit ito paman ay
kapalit ng kanilang buhay ay ginagawa parin nila ang lahat dahil ito ang
layunin ng kanilang trabaho. Ang pelikulang ito din ay nagpapakita sa
mga manunuod ang talamak na isyu ng droga, kahirapan at korupsyon
sa lipunan ng Pilipinas na kahit anong pilit na pag bura sa droga ay
babalik at babalik parin ito dahil sa korupsyon.

VI. Mga Aspektong Teknikal

a. Sinematograpiya
Maayos ang sinematograpiya ng pelikulang ito, sa mga anggulo ng
camera ay natutugma sa eksena.

b. Musika
Ang mga musikang ginamit ay naangkop sa tema ng mga eksena.

c. Visual effects
Maganda at naangkop ang kanilang mga ginamit na mga visual
effects simula sa mga pailaw na naangkop para sa kanilang eksena sa gabi
na kahit madilim makikita parin ang mga nagaganap sa lugar.

d. Set Design
Naaangkop ang mga ginamit na set design sa pelikulang ito sa
mga lugar kung san gaganapin ang eksena.

VII. Kabuuang Mensahe ng Pelikula


Layunin ng pelikulang ito ang pagmumulat sa publiko ng kabulukan
sa gobyerno kaugnay sa pagpapatupad ng programa laban sa
ipinagbabawal na droga. Nais din ipakita ng pelikulang ito ang
maduming gawain ng karamhian sa mga may matataas na
posisyon sa gobyerno.
Pagsusuring Pampelikula

“Buy Bust”

Isinumite ni:
Krisha Mae C. Avorque
Bs Psychology 2A

Isinumite kay:
Gelian Mae Viñas

You might also like