Professional Documents
Culture Documents
Pagbasa at Pagsusuri... Reviewer1
Pagbasa at Pagsusuri... Reviewer1
PANANALIKSIK
OBHEKTIBO – Naglalahad ng mga impormasyong hindi basta galing sa opinyon o kuro-kurong pinapanigan ng manunulat
kundi nakabatay sa mga datos na maingat na sinaliksik, tinaya at sinuri.
SISTEMATIKO _Sumusunod na lohikal na mga hakbang at proseso patungo sa pagpapatunay ng isang katanggap-tanggap na
kongklusyon.
NAPAPANAHON AT MAIUUGNAY SA KASALUKUYAN – Nakabatay sa kasalukuyang panahon, nakasasagot sa suliraning
pangkasalukuyan at ang kalalabasan ay maaaring maging batayan ng desisyong pangkasalukuyan.
EMPIRIKAL – Ang kongklusyon ay nakabatay sa mga nakalap na datos mula sa tunay na naranasan at/o naobserbahan ng
mananaliksik.
KRITIKAL – Maaaring masuri at mapatunayan ng iba pang mananaliksik ang proseso at kinalabasan ng pag-aaral dahil taglay
nito ang maingat at tamang paghahabi at paghahatol ng mananaliksik.
MASINOP, MALINIS AT TUMUTUGON SA PAMANTAYAN – Nararapat na sumunod sa pamantayan at kakitaan din ng
masinop at malinis na kabuuan.
DOKUMENTADO – Nagmula sa mga materyales ang mga impormasyon at datos. Binigyang ng karampatang pagkilala ang
mga pinagmulan nito
1. Basic Research – Uri ng pananaliksik na ang resulta ay agarang magagamit para sa layunin nito. Makatutulong din ang
resulta nito sa pagbibigay ng karagdagang impormasyon sa isang kaalamang umiiral sa kasalukuyan.
2. Action Research – Ito ay ginagamit upang makahanap ng solusyon sa mga espesipikong problema o masagot ang mga
espesipikong mga tanong ng isang mananaliksik na may kinalaman sa kanyang larangan. Ang resulta nito ay ginagamit ding
batayan sa pagpapabuti ng bagay na siyang paksa ng pananaliksik.
3. Applied Research – ginagamit o inilalapat sa majority ng populasyon tulad ng baranggay, paaralan at komunidad.
BALANGKAS – itinuturing itong blueprint ng manunulat. Nakatutulong ito upang maging maayos o organisado ang kanyang isusulat
mula simula hanggang wakas. Mahalaga ang balangkas sapagkat:
KONSEPTONG PAPEL
-Ito ay nagsisilbing proposal para maisagawa mo ang iyong pananaliksik sapagkat sa pamamagitan nito mailalahad mo ang
magagawa mo upang mapatunayan ang iyong paksa at pahayag ng tesis.
-Makatutulong ito upang lalong magabayan ang mananaliksik lalo pa kung siya ay baguhan pa lamang
1. RATIONALE – Ito ay ang bahaging nagsasaad ng kasaysayan o dahilan kung bakit napiling talakayin ang isang paksa.
Mababasa mo rito ang kahalagahan at kabuluhan ng paksa.
2. LAYUNIN – Dito naman mababasa ang hangarin at tunguhin ng pananaliksik base sa paksa.
3. METODOLOHIYA – Inilalahad dito ang pamamaraang gagamitin ng mananaliksik sa pangangalap ng datos gayundin ang
paraang gagamitin sa pagsusuri naman niya sa mga nakalap na impormasyon.
May iba’t ibang paraan ng pangangalap ng datos halimbawa:
Literature search – pagkuha ng datos sa aklatan at inetrnet
Obserbasyon at pagdodokumento ng nga naobserbahan
Sarbey sa pamamagitan ng interview o survey queationaires
One-on-one interview sa mga taong may awtoridad o makapagbibigay ng pangunahing impormasyon
Focused group discussion
4. INAASAHANG AWTPUT O RESULTA – Dito inilalahad ang inaasahang kalalabasan o magiging resulta ng pananaliksik o pag
aaral. Dahil patuloy pa rin ang pangangalap ng impormasyon ay maaari pa ring mabago ang inaasahang resulta sa pinal na
papel depende sa kalalabasan ng pangangalap ng datos.
BIBLIYOGRAPIYA
- ito ay nagpapakita ng talaan ng mga aklat, dyornal, pahayagan,
magasin, di nakalimbag na batis tulad ng pelikula, programang
pantelebisyon, dokumentaryo at maging ang mga social media networking sites na pinagkuhanan ng impormasyon. Ito ang
magiging katibayan ng pagiging makatotohanan ng isang pananaliksik o aklat na ginawa. Ipinakikita nito na ang laman ng
pananaliksik ay hindi lamang pansariling opinyon kundi mayroon talagang ibat ibang basehan na nagpapatinay ng
katumpakan o katiyakan ng mga impormasyong nilalaman nito.
1. INTRODUKSYON – Ito ay maaaring maglaman ng sumusunod: maikling kaligiran ng paksa, layunin ng mananaliksik, pahayag
ng tesis o thesis statement kahalagahan ng paksa o kahalagahan ng pagsasagawa ng pananaliksik at saklaw at limitasyon ng
pananaliksik
2. KATAWAN – Sa pagsulat ng katawan ng sulating pananaliksik, ipinapayong ayusin ang iyong mga ideya sa paraang
makapagpapahatid ng kahalagahan ng aralin. Mas mabuting nakagrupo ang iyong mga ideya at gumamit ng headings upang
pangkat pangkatin ang mga ideyang ito. Tiyaking lohikal ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya upang mas maging malinaw
ang daloy ng paglalahad ng ideya.
3. KONGKLUSYON – Ang pagsusulat ng kongklusyon ay paglalagom at pagdidiin ng ideya. Samakatwid hindi natin ito kakikitaan
ng bagong ideya o dato. Bagkus ito ay nagpapahayag ng sintesis, ebalwasyon o paghatol ng mananaliksik sa impormasyon at
datos na kanyang nakalap na maaaring sumuporta o hindi sa kanyang pahayag ng tesis o thesis statement na nakasaad sa
introduksyon. Huwag ding kalimutan ang paglalahad ng resulta ng pananaliksik.