Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

CENTRAL BICOL STATE UNIVERSITY OF AGRICULTURE - SIPOCOT


Sipocot, Camarines Sur
www.cbsua.edu.ph
Telefax No.: (054) 881 - 6681

PAGSULAT NG PINAL NA SIPI


(FIL 108)

 Matapos mabuo ang borador , maaaring nang pagtuunan ng pansin ang ispisipikong
detalye ng sulating pananaliksik. Muling Balikan ang file at isaalang-alang ang mga
sumusunod na usapin ng pormat.

Papel, Kompyuter at Printer

 Sukat at kapal ng papel.

 ang sukat ng papel ay 8.5 x11 o madalas tawaging short bond paper.

 ang kapal ng papel ay dapat katamtaman, maaaring substance 20-26.

 madaling mapunit, masira at mabulok ang paggamit ng manipis na papel

 Kompyuter.

 gumagamit na ng kompyuter sa pagsulat ang mga mananaliksik natin ngayon.

 higit ito matipid kesa sa paggamit ng papel ng pauli-ulit o pagpahid ng liquid


paper sa bawat mali.

 dapat lang na siguruhing mapapanaligan ang gagamiting unit upang maiwasan


ang pagkasira nito at pagkawala ng isinusulat.

 Printer.

 dapat na gumamit ng maayos na printer.

 siguruhing hindi nagkakalat ang tinta upang maging malinaw ang mga letra at
malinis ang papel pagkatapos.

Font Style at Font Size

 Font Style.

 bawat kolehiyo at unibersidad ay may itinakdang font style na gagamitin sa


mga sulating pananaliksik.

 ang mga madalas na ginagamit ay ang Courier New, Tahoma, Book Old
Roman, Times New Roman, Arial, Verdana at iba pa.
 iwasan ang mga fancy styles kagaya ng Nuptial Script, Comic Sans, Chiller,
Curlz MT at iba pa.
 Font Size.

 11-14 ang kadalasan na ginagamit na font size, pero depende padin ito sa
bawat kolehiyo at unibersidad.

 sa pagpili ng font size isaalang-alang ang kalinawan nito para sa mambabasa.

 ang mga dapat iwasan ay huwag sobrang laki at huwag naman sobrang liit.
Paggamit ng Malaking Letra, Pagdadaglat at Padsulat ng Bilang

 Paggamit ng Malaking Letra.

 ginagamit ang malaking letra sa simula ng bawat pangugusap

 at sa mga pangngalang pantangi.

 Pagsulat ng Bilang.

 sinusulat ng buong salita ang bilang isa (1) hanggang labing-isa (11).

 numerikal na bilang naman kung mataas na sa na labing-isa.

 halimbawa

 Isang saging, anim na kabayo, labing-isang kalabaw

 12 kabahayan, 99 na plantasyon, 215 kalalakihan

 Pagbabantas.

 Mahalaga ang wastong pagbabantas sa pagpapalinaw ng mga pahayag


(Casanova, 2001).

Mga Bantas Ginagamit…..

Tuldok 1. Sa katapusan ng pangungusap na paturol o pautos.


(.) 2. Sa mga pinaikling letra sa ngalan ng tao at sa mga salitang
dinaglat.

Tandang 1. Sa katapusan ng mga pangungusap na patanong.


Pananong 2. Sa loob ng panaklong upang magpahayag ng di katiyakan sa
(?) kawastuhan ng sinusundang salita o pamilang.

Tandang 1. Sa katapusan ng pangungusap na padamdam.


Padamdam 2. Sa mga salitang padamdam.
(!)

Kuwit 1. Sa paghihiwalay ng mga salita, parirala at mga sugnay na sunod-


(,) sunod.
2. Sa paghihiwalay ng araw at taon, bayan at lalawiganin.
3. Sa paghihiwalay ng sinasabi ng nagsasalita sa ibang bahagi ng
pangungusap.

Tuldokkuwit 1. Sa pagitan ng mga sugnay ng pangungusap na tambalan kapag


(;) hindi pinag-ugnay ng pangatnig.

Tutuldok 1. Kung ang oras ay sinusundan ng tambalan.


(:) 2. Kung may tala o lipon ng mga salitang halimbawa.

Panipi 1. Upang ipakita ang buong sinasabi ng isang nagsasalita.


( “salita” ) 2. Upang ipakita ang salitang ginamit ay banyaga.
3. Upang ipakita ang binabanggit na pamagat ng isang artikulo,
maikling kwento, sanaysay o dula.

Panaklong 1. Upang kulungin ang mga letra o bilang ng mga bagay na


( ) binabanggit nang sunod-sunod.
2. Upang kulungin ang bahaging nagpapaliwanag ngunit maaring
mawala o makaltas.

1. Sa pagitan ng mga salitang inuulit na may kahulugan.


2. Sa pagitan ng panlaping nagtatapos sa katinig at ng salitang-ugat
na nagsisimula sa patinig.
3. Sa pagitan ng unlaping maka- at taga- at ng mga pangngalang
pantangi.
Gitling 4. Kapag may nawawalang kataga sa pagitan ng dalawang salitang
(-) pinagsama.
5. Sa pagitan ng unlaping ika- at tambilang.
6. Sa pagitan ng dalawang magkasalungat na pandiwa.
7. Sa pagitan ng salitang di at sa at mga salitang ikinabit dito.
8. Sa pagitan ng panlaping magsa- at ng salitang ugat.
9. Sa pagitan ng mga pantig ng mga salitang magkakasunod na
taludtod.

Gatlang 1. Sa halip na panaklong.


(-)

Kudlit 1. Kapag may ponema o mga ponemang nakakaltas.


(‘)

Bilang ng Pahina

 Inilalagay ang pahina sa taas, gawing kanan ( upper right hand corner) ng papel.

 Ginagamit ang bilang na Hindu-Arabic.

Proofreading at Editing

 Sa pag-eencode , madalas nagkakamali sa gramar, ispeling, pagbabantas o sa


pagsipi ng mga datos. Upang maiwasan ito, mahalaga ang hakbang na
proofreading kung saan muling pinasasadahan ng mananaliksik ang teksto upang
maiwasto ang mga pagkakamali. Mainam din sumangguni sa isang mahusay na
editor ang mananaliksik.

Inihanda nina:

ANNABELLE R. CASTAÑEDA
OFELIA M. MONTARDE
BSED 3 – FILIPINO
MGA TAGAPAG-ULAT

Inihanda para kay:

ABE-GAEL M. ALMASCO
INSTRUKTOR

You might also like