Kayarian NG Panaguri (Tagapanayam Jayzyl Espinocilla)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

SORSOGON STATE COLLEGE

PAARALANG GRADWADO

Lungsod ng Sorsogon

Unang Semestre T.P. 2019-2020

FIL 522 : Lingwistika

Propesor: Dr. Milagros Ebuenga

Paksa: Kayarian ng Panaguri

Tagapanayam: Jayzyl M. Espinocilla

KAYARIAN NG PANAGURI

PANAGURI – maaring buoin ng isang salita, isang parirala o isang sugnay.

Ang panaguring isang salita lamang ay maaaring pangngalan, panghalip,


pang-uri, pang-abay o pawatas. Sa sinasabing isang salita ay hindi isinasama
ang mga pananda.

PANAGURING PARIRALA - maaring pariralang pang-ukol o pariralang pawatas


na gumaganap ng tungkulin ng pangngalan o pang-abay.

Halimbawa ng pariralang pang-ukol:

1. Hinggil sa pagpapabahay sa mahihirap ang kumperensya kahapon.

Halimbawa ng pariralang pawatas:

1. Mag-aral magmaneho ng awto ang aasikasuhin niya ngayong


bakasyon.

Maaari ring gamiting panaguri ang sugnay. Gumaganap ang sugnay ng


tungkulin ng pangngalan.

Halimbawa ng panagurng sugnay:

1. Ang sinabi niya ay ipadadala raw kami sa Malaysia.

Ang mga uri ng panaguri sa itaas ay mga payak na pang-uri. Payak


sapagkat may iisa lamang salita, parirala o sugnay. Kapag may dalawa o higit
pang salita, parirala o sugnay na pinag-uugnay ng pangatnig, ang panaguri ay
sinasabing Tambalan.

Halimbawa ng panaguring tambalang pangngalan:

1. Ang inutusan ko ay si Bong at si Mike.

Halimbawa ng panaguring tambalang parirala:


1. Hinggil sa kalusugan at tungkol sa wastong pagkain ang nilalaman ng
mga artikulo.

Halimbawa ng panaguring tambalang sugnay:

1. Ang iniutos niya ay samahan mo kami sa sine at ipasyal mo kami sa


Rizal Park.

Sanggunian: Sintaksis p. 260-261

You might also like