Professional Documents
Culture Documents
Script 2019 - FINAL
Script 2019 - FINAL
HAZEL: Tunay nga na napakayaman ng ating bansa. Kaya naman kailangang pagyamanin natin ang
mga katutubong wikang ito para hindi ito tuluyang mawala at para mas umunlad pa ang ating bansa.
MARGIE: At isang paraan nga ng pagdiriwang natin sa ating paaralan ay ang taunang
patimpalak na nilalalahukan ng ating mga pili at katangi-tanging mag-aaral.
HAZEL: Sa mga nakaraang araw ay nagkaroon tayo ng sunod-sunod na aktibidad tulad
na lamang ng spoken word poetry, sabayang pagbigay, deklamasyon, interpretatibong
pagbasa at marami pang iba na nilahukan ng mga iba’t ibang mga mag-aaral.
HAZEL: Ang mga kalahok mula sa baitang pito, walo, siyam, sampu. Mula naman sa
senior high school ang baitang labing-isa at labindalawa.
I--II. PAMBUNGAD NA PANALANGIN AT PAGKANTA PILIPINAS KONG MAHAL
MARGIE: Kaya naman umpisahan na natin ang ating palatuntunan upang makita natin ang ilan sa
mga kalahok na ito. U p a n g s i m u l a n a n g a t i n g p a t i m p a l a k , t a y o ’ y t u m a y o p a r a s a
panalangin na pangungunahan ni April Joy Organista ang Pangulo ng Filipino
Club sa ating paaralan.
.
HAZEL: A t m a n a t i l i n g nakatayo para sa pagpupugay sa ating bansa sa ating pag-awit ng
Pilipinas kong mahal sa pagkumpas ni Bb. Christine Maeh Marquez.
III. MENSAHE
HAZEL: Hindi magiging tagumpay ang ating programang ito kung wala ang ulong guro ng
sekondarya na si G. Narcie Ricky Apilado. Ating pakinggan ang kaniyang mensahe.
(insert 1 mahahalagang linya mula sa mensahe. ADLIB)
IV. PAGTATANGHAL NG KASUOTAN NG MGA GURO
MARGIE: Ang araw na ito ay hindi lamang para sa ating mga mag-aaral ngunit ito rin ay para sa
ating mga guro. Kung inyong makikita ang lahat ng ating mga guro ay nakasuot ng kani-kanilang
katutubong kasuotan, barong o kaya ay filipinana. Kaya naman hindi natin papalampasin ang
pagkakataong ito.
HAZEL: Tama ma’am. Kaya naman inaanyahahan naming ang lahat ng ating mga guro para sa
kanilang pagtatanghal ng kanilang mga kasuotan na pangungunahan ni G. Apilado.
V . PAGTATANGHAL NG NANALO NG SALIP TI DEKLAMSYON
HAZEL: Ang buwan na ito nga ay hindi lamang selebrasyon ng ating wikang fililino bagkus pati rin ng
ating mga wikang katutubo. Ating tunghayan ang isa sa mga nagpapatunay na mayaman ang
dayalektong iloko, ating palakpakan si Angeline Ebreo para sa kaniyang Salip ti Deklamasyon na
nakasungkit ng ikalawang gantimpala sa provincial level.
MARGIE: Dumako tayo sa susunod na bahagi ng ating programa at ito ay ang panunumpa ng mga
opisyales ng samahan ng mga mag-aaral sa Filipino.
IKALAWANG BAHAGI
HAZEL: Ngunit atin munang kilalanin ang lupon ng inampalan at mga krayterya sa patimpalak sa
pangunguna ni Ginang. Mary Joyce Bueno.
MARGIE: Tunghayan naman natin ang spoken word poetry na inihanda ni Justin Flores mula sa
baitang labing-isa.
MARGIEl: Saksihan natin ang pag-indak ng mga mag-aaral mula sa ika-pitong baitang. Palakpakan
po natin sila.
HAZEL: Tiyak din na mapapabilib kayo sa susunod nating mag-aaral. Palakpakan natin ang
pangtatanghal ng deklamasyon mula sa ika-labing-isang baitang.
HAZEL: Dahil sa pagkakaisa ay naging matagumpay na man ang pagdiriwang natin sa buwan ng
wika. Baunin sana natin ang mga aral at alaala sa ating pag-uwi at lagi nating tatandaan ang
kahalagahan ng wika sa ating buhay.
MARGIE: Maraming salamat sa lahat ng dumalo at nawa’y gabayan tayo ng Maykapal sa pag-uwi.
HAZEL: Ako ng si Ginang Hazel Ann Negranza.
MARGIE: At ako na man si Ginang Margie Galez.
Ang nagsilbing Tagapagdaloy ng Palatuntunan. Magandang araw sa inyong lahat!