BUWAN NG WIKA Solicitation

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ginoo/Ginang :

Maalab na Pagbati!

Ang buwan ng Agosto ay itinakdang “Buwan ng Wikang Pambansa” na may tema sa taong ito : “Wikang
Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino.” Ang kapisanan ng mga Guro sa Filipino sa bayan ng
Tagkawayan, Distrito II bilang mga taga-pagtaguyod ay nagkaisang magdaos ng “2019 Pandistritong
Pagdiriwang sa Buwan ng Wikang Pambansa” bilang pakikiisa at bigyang halaga ang ating mayamang
kultura na sumasalamin sa ating pagka-Pilipino. Ito ay gaganapin sa ika-23 ng Agosto 2019 mula ika-8
ng umaga hanggang ika-4 ng hapon sa Tagkawayan Central School.

Bilang bahagi ng aming aktibidad, kami ay magkakaroon ng Pandistritong Tagisan sa iba’t ibang
larangan :

1. Sulkas Tula
2. Madulang Pagkukuwento
3. Tagisan sa Ispel Mo
4. Sabayang Pagbasa
5. Balagtasan
6. Lakan at Lakambini ng Filipino ;

Layunin nitong maganyak ang aming mga mag-aaral na pahalagahan ang wikang pambansa sa
pamamagitan ng aktibong pakikilahok at pagpapalaganap ng wikang Filipino sa iba’t ibang larangan ng
karunungan.

Kaugnay po nito, kami ay buong pusong lumalapit at kumakatok sa inyong tanggapan upang manghingi
ng kahit anuman o ilang tulong-pinansyal na makakatulong para sa mga gantimpala sa aming mga
magiging kalahok sa kompetisyon.

Ang inyong malugod na pagpapaunlak sa aming hinihiling ay isang malaking tagumpay tungo sa
katuparan ng aming mithiin at kapakipakinabang na gawain ng aming pagdiriwang.

Mabuhay ang Lahing Kayumaggi!

You might also like