KABANATA 1: Paghahanda Sa Pananaliksik

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

KABANATA 1: Paghahanda sa Pananaliksik

Ang pananaliksik ay isang makaagham na pagsisiyasat ng penomena, ideya, konsepto, isyu at mga bagay na
kinakailangang bigyang linaw, patunay o pasubali. Binubuo ito ng proseso ng paglilikom, pagtatanghal, pagsususri, at
pagpapaliwanag ng mga pangyayari o katotothanan na nag-uugnay sa espekulasyon ng tao sa katotohanan.
Ayon kay Arrogante (1992), ito’y isang pandalubhasang uri ng sulatin na nangangailangan sapat na pnahong-
paghahanda, matiyaga at msinsinang pag-aaral at maingat, maayos at malayuning pagsulat para mayari at mapangyari
itong maganda, mabisa at higit sa lahat, kapaki-pakinabang na pagpupunyagi.
Sa madaling salita, ito’y masasabi nating isang obra maestra na pinaghandaan nang lubusan, maingat na isinagawa
at dumaan sa maraming proseso.
Ayon naman kay San Miguel (1986), ang pananaliksik ay isang sining tulad din ng pagsulat ng isang komposisyon sa
musika.

Layunin ng Pananaliksik
Ang pagsasagawa ng pananaliksik ay naayon sa iba’t ibang kadahilanan. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
1. Nagbibigay ng pagkakataong makatuklas ng mga impormasyon o datos.
2. Naghahamon sa makatwirang pagpapalagay o pagtanggap ng katotohanan.
3. Nagdaragdag ng panibagong interpretasyon sa mga dating ideya o kaisipan.
4. Nagpapatunay sa valido o makatotohanang ideya, interpretasyon, palagay, paniniwala o pahayag.
5. Naglilinaw sa maladebate o pinagtatalunang isyu.
6. Nagpapakita ng makasaysayang paniniwala para sa isang senaryo.

Katangian ng Pananaliksik
1. Obhetibo. Ang pananaliksik ay batay sa walang kinikilingang batas. Batay ang mga interpretasyon sa maingat na
paghahanay, pagtataya, at pagsusuri ng mga datos.
2. Lohikal. Ang pananaliksik ay batay sa angkop at sistematikong pamamaraan at prinsipyo. Kinakailangan ang makatwirang
pag-aaral ng mga proseso upang mahalaw ang katanggap-tanggap na konklusyon.
3. Empirikal. Ang pananaliksik ay base sa tiyak na karanasan o pagmamasid ng isang mananaliksik. Nakabatay ang koleksyon
ng mga datos sa mga praktikal na karanasan na walang kinalaman sa siyentipikong kaalaman o teorya.
4. Kritikal. Ang pananaliksik ay nagpapakita nang maingat at tamang paghatol. Ang mga resulta na maaaring makabuluhan
o di-makabuluhan ay kinakailangan ng makumpiyansang pagpapakahulugan at pagpapaliwanag na nagiging gabay sa
pagtanggap o hindi pagtanggap ng hipotesis.

Tungkulin at Responsabilidad ng Mananaliksik


Ayon kina Constantino at Zafra (2000) sa kanilang nailathalang modyul na pimagatang “Kasanayan sa Komunikasyon”, ang
isang mananaliksik ay kinakailangang maging:
1. Matiyaga sa paghahanap ng mga datos mula sa iba’t ibang mapagkukunan ng sandigan.
2. Mapamaraan sa pagkuha ng mga datos na mahirap kunin.
3. Maingat sa pagpili ng mga datos batay sa katotohanan at sa kredibilidad ng pinagkukunan, sa pagsisiguro sa lahat ng
panig ng pagsisiyasat at sa pagbibigay ng mga konklusyon, interpretasyon, koment at rekomendasyon.
4. Analitikal sa mga datos at interpretasyon ng iba ukol sa paksa at mga kaugnay nito.
5. Kritikal sa pagbibigay ng interpretasyon, konklusyon at rekomendasyon sa paksa.
6. Matapat sa pagsasabing may nagawa nang pag-aaral ukol sa paksang pinag-aralan, sa pagkuha ng mga datos nang walang
itinatago, iniiwasan, ipinagkakaila nang walang pagkilala at permiso sa kaninuman; at sa pagtanggap sa limitasyon ng
pananaliksik.
7. Responsible sa paggamit ng mga nakuhang datos, sa mga tao o institusyong pinagkunan ng mga ito at sa pagtiyak na
maayos at mahusay ang mabubuong pananaliksik mula sa format hanggang sa nilalaman at sa prosesong pagdadaanan.
KABANATA 2: Paggawa ng Papel Pananaliksik

Bahagi ng Pananaliksik
I. Suliranin ng Kaligiran Nito
Ito ang panimulang bahagi na nagtataglay ng kaalaman tungkol sa kung ano ang suliranin na maaring isang katanggap-
tanggap na kadahilanan kung bakit isinasagawa ang pananaliksik. Nagbibigay ito ng pasa at ang pagpapaliwanag ukol sa
pag-aaral ng paksa at ang kalawakan nito na kung saan tinatalakay ang mga sitwasyon o pangyayari na nagpapakita ng
pangangailangan ng pananaliksik.
A. Rasyonal. Ang pinanggalingan ng palagay o kaisipan at ang kadahilanan kung bakit napili ang paksa ay
natatalakay sa bahaging ito.
B. Layunin. Ang paksa o ibig na matamo sa pananaliksik ng napiling paksa ay tinutukoy sa bahaging ito.
C. Kahalagahan ng Pananaliksik. Ang bahaging ito ay naglalahad ng kung sino ang maaaring makinabang sa
pananaliksik at kung papaano sila makikinabang dito.
D. Batayang Konseptwal. Ang batayang konseptwal ay tumatalakay sa mga ideya o konsepto ng mananaliksik ayon
sa kanyang isinasagawang pag-aaral.
E. Batayang Teoretikal. Ang batayang teoretikal naman ay naglalahad ng mga kadahilanan kung bakit
kinakailangang humanap pa ng mga panibagong datos ang mananaliksik na kanya namang susuriin, ipaliliwanag at
lalagumin.
F. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral. Ang bahaging ito ay tumatalakay sa delimitasyon ng pag-aaral na kung saan
ipinaliliwanag ang problema ng pananaliksik, ang lugar na pinagganapan, ang mga nakilahok at ang instrumentong
ginamit sa pananaliksik.
G. Pagbibigay Kahulugan sa mga Salita. Ang huling bahagi ng unang kabanata ay ang paglalahad ng key terms na
ginamit sa pag-aaral.

II. Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral


A. Kaugnay na Literatura. Matutunghayan sa bahaging ito ang mga nakalap na referensyang may kaugnayan sa
ginagawang pag-aaral.
B. Kaugnay na Pag-aaral. Ito ay kinapapalooban ng mga ideyang hinango sa mga tesis at disertasyon. Sa bawat
pahayag na kinuha, isinusulat ang apelyido ng mananaliksik at ang taon ng pagkakagawa ng pag-aaral.

III. Metodo at Pamamaraan


Ang metodo ay ang ikatlong bahagi ng isang formal na pananaliksik o tesis. Saklaw nito ang mga sumusunod: lugar ng pag-
aaral, disenyo ng pananaliksik, teknik sa pamimili ng populasyon o ng mga representante ng populasyon, kalahok sa pag-
aaral, mga instrumento sa pananaliksik, kagamitan sa pananaliksik, hakbang sa paglikom ng datos, statistical tools, at
presentasyon at pagsusuri ng mga datos.

Pamamaraan sa Pangongolekta ng Datos


Ang isang mahusay na pananaliksik ay dapat magkaroon ng isang epektibo at sitematikong pamamaraan sa mga datos.
Kailangan na maging maingat sa pagpili o paghanda ng pamamaraan sa pangongolekta ng mga datos na babagay sa isenyo
ng pananaliksik.

A. Pagmamasid o Obserbasyon
Ang pamamaraang ito ay madalas gamitin sa mga pananaliksik na may kinalaman sa edukasyon at sikolohikal o saykolojikal
riserts. May tatlong uri ng obserbasyon:
1. Malayang obserbasyon (unstructured observation). Ang mananaliksik ay nanonood sa mga ginagawa ng
kanyang mga kalahok sa pananaliksik o respondents.
2. Binalangkas na obserbasyon (structured observation). Ito ay gumagamit ng mga gabay sa pagmamasid at mga
tiyak na gawain lamang ng mga kalahok ang inoobserbahan na may kaugnayan sa sarili.
3. Partisipasyong obserbasyon (participant observation). May partisipasyon ang mananaliksik sa gawaing ito.
Sumasali ang tagamasid sa mga gawain o aktivitis ng mga minamasid.

B. Pakikipanayam o Interbyu
Ang pakikipanayam ay isang paraan ng pagkuha ng impormasyon o kabatiran nang harap-harapan. Ang gawaing ito ay
nakakatulong nang malaki sa paghahanap ng mga impormasyong kailangan natin sa ating pananaliksik. Ang mga
sumusunod ay maaring magbigay gabay sa mga mananaliksik ng wastong pagpili ng taong iinterbyuhin:
1. Ito’y ang taong may pinakamahusay na awtoridad sa larangang pinag-aaralan.
2. Nagtataglay siya ng malawak na kaalaman para sa paksa.
3. Siya’y dapat na mapagkakatiwalaan.
4. May sapat na panahon para sa interbyu.

 Mga Pagpaplano sa Interbyu. Upang maging mabisa ang pakikipanayam, pangunahing kailangan ang kahandaan.
Maaring magtanung-tanong o kaya naman ay magbasa-basa kung sino ang tamang taong malalapitan upang
interbyuhin. Kung napag-alaman na kung sino ang target na iinterbyuhin, maari nang paghandaaan ang mga
sumusunod:
1. Sa pakikipagkita
a. Sulatan o kaya’y tawagan sa telepono ang taong ibig na interbyuhin.
b. Kung kinakailangan, dalhin nang personal ang sulat, kung hindi naman ito magawa sa iba’t ibang kadahilanan,
maaaring bigyan ng sapat na oras ang koreo upang ito ay maihatid.
c. Kung walang kasagutan sa loob ng maraming araw ay pasubaybayan (follow-up) sa pamamagitan ng telepono.
d. Sa mga pagkakataong malapit na kaibigan ang taong iintervyuhin, maaaring tawagan na lamang siya.
e. Anumang paraan ang gagamitin, huwag kalimutan na banggitin ang pangalan at ang paaralang pinagmulan.
f. Sabihin ang layunin ng panayam.
g. Banggitin ang panahong kailangang maisagawa ang interbyu o ang panahong gagamitin sa interbyu.
h. Itanong kung saang lugar ang pinakakomportable para sa kanya.
i. Maaaring bigyan ng listahan ng mga tanong sa gagamitin ang taong iinterbyuhin.
j. Kung tiyak na ang oras ng panayam, muling ipaalala ito bago sumapit ang takdang oras. Sa ganito ay makatitiyak
na hindi maghihintay nang matagal at hindi masasayang ang panahon.
2. Ang Preparasyon ng mga Tanong sa Interbyu. Ang paghahanda ng mga tanong ay nakatutulong nang malaki sa panig
ng mag-iinterbyu at iinterbyuhin. Lalo na kung kaonti lamang ang maiuukol na panahon ng kakapanayamin ay madali
niyang maihahanda ang sarili. Sa panig nang nag-iinterbyu ay makapaghahanda siya ng matatalinong tanong.
Maiiwasan ang paliguy-ligoy na pagtatanong.
3. Ang Pag-iinterbyu. Ito ang araw na pinakahihintay ng taong mag-iinterbyu. Sa pagsapit ng takdang panahon ng
interbyu ay nararapat na maging handang-handa. Ang mga sumusunod ay maaaring gabay:
a. Kailangan dumating sampung minuto bago ang takdang oras.
b. Magdala ng papel at panulat.
c. Maaring magdala ng camera o tape recorder para sa higit na makatotohanang interbyu. Maaari ring gawing
recorder ang cellphone tiyakin lamang na ito’y hindi makakaabala sa ginagawang interbyu.
d. Simulan ng pagpapasalamat sa kanyang pagpapaunlak.
e. Magalang na magpakilala.
f. Ulitin ang layunin at ilahad ang paraang gagamitin sa panayam.
g. Pagpakita ng tiwala sa sarili.
h. Limitahan ang pagtatanong sa napagkasunduang listahan.
i. Kung may iba pang inaakalang mahalagang-mahalaga ay gamitin ang sariling pagpapasya.
j. Hayaang magsalita nang buong laya ang iniinterbyu, maliban na lamang kung may ibig linawin sa kanyang sinabi
o may karagdagang katanungan o paglilinaw.
k. Ipakita at ipadama ang paggalang twina.
l. Iwasan ang mga personal na tanong.
m. Huwag makipagtalo.
n. Isulat ang mga tala nang mabilis, tiyak at malinaw.
o. Mga limang minuto bago sumapit ang oras ay balikan ang iyong mga tala upang linawin sa kanya.
p. Tapusin ang panayam sa ipinangakong oras.
q. Humingi ng pahintulot na makabalik o makatawag sa telepono kung kinakailangan.
r. Magpasalamat bago umalis.

C. Silid-aklatan o laybrari
Ang laybrari o silid-aklatan ay isa rin sa mga mahahalagang lugar na mapagkukunan ng mga datos hinggil sa iyong
pananaliksik. Ang mga sumusunod ay makakatulong upang ang gawaing pananaliksik sa laybrari ay magiging madali.
1. Bibliografi Gayd
2. Artikulong Ensayklopedya
3. Kard Katalog
4. OPAC (Online Public Access Catalog)

D. Internet
Ang Internet ay ang pinakamalawak at pinakamalaki na gamitin ng kompyuter network; pinag-uugnay mito ang milyung-
milyong kompyuter sa buong mundo. Tianatawag na network ang grupo ng mga kompyuter at ang grupo ng mga network
ay tinatawag naman nating internet network.

E. Talatanungan o Kwestyoneyr
Ang talatanungan ay lipon ng mga nakasulat na tanong ukol sa isang paksa, inihanda at ipinasagot sa layuning makakuha ng
mga sagot at opinyon mula sa mga taong kalahok sa pananaliksik.

IV. Presentasyon, Pagsusuri at Interpretasyon ng mga Datos


Ang pagsusuri ng mga datos ay kailangan kung ang pag-aaral ay nangangailangan ng istatistika. Dapat ipaliwanag ng
risertser kung paano susuriin o sinuri ang mga datos, halimbawa kung may haypotesis na patutunayan o kaugnayan sa
dapat madetermina.

Pagsusuring Istatistikal
Inilalahad sa bahaging ito ang paraan ng istatistika na ginamit sa pag-aaral. Ang pagpili ng paraan para sa pag-analisa ng
mga datos ay nangangailangan ng isang maingat na paghuhusga.

V. Paglalahad ng Resulta ng Pananaliksik


Sa bahaging ito ng pag-aaral ipinapakita ang mga nakuhang resulta ng pananaliksik, tatalakayin at susuriin ayon sa layuning
ng pag-aaral. Nangangailangan din ito ng introduksyon. Narito ang ilang patnubay na maaaring gamitin sa paglalahad ng
mga resulta ayon kay Dy.
1. Ipakita ang mga resulta ng pananaliksik sa maayos at mauunawaang pagkakasunud-sunod.
2. Ibase ang iyong pahlalahad sa mga layunin.
3. Huwag alisin ang mga negatibong resulta na importante.
4. Ihambing ang mga resulta sa mga dating pag-aaral.

You might also like