Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Kasaysayan ng Kasaysayan

Ang Kasaysayan ay sinasabing nagmula sa salitang “Saysay” na ang ibig


sabihin ay kahalagahan, kahulugan at lalim. Ito ay isang konsepto na nagbibigay kulay sa
ating pag-aaral ng nakaraang pangyayari’t-kaganapan. Ang saysay ng isang pangyayari
ay nakabatay sa pananaw at pagtingin ng mambabasa’t-mag-aaral. Ang mga pangyayari
ay nakadalasan ay nailalahad sa “pananaw” o dili kaya’y punto de bistang dayuhan kung
kaya’t iba ang mga detalye sa inaasahan. Isang kaganapang Pilipino mula sa Pilipino at
paliwanag na likas sa Pilipino at dahil taal sa kanyang sariling pang-unawa ay kanyang
naiintindihan ito.
Ang punto de bistang dayuhan o kilala sa tawag na Pangkaming pananaw ay
isang halimbawa ng pagsasalarawan ng mga kaganapang pandayuhan sa pagpapaliwanag
ng mga pangyayari sa Pilipinas. Ang halimbawa nito ay ang pagsasabi na nadiskubre tayo
ng mga Kastila partikular na dito ay si Ferdinand Magellan (sa Ingles, Fernao Magalhaes
sa orihinal na Portuges o sa Kastila ay si Fernando Magallanes patunay na maging ang
pangalan ay nababago ayon sa punto de bista) na waring walang tao’t-kabihasnan sa
Pilipinas. Ito ay dulot na rin sa pananaw na Pangkami na sinasabi na ang kabihasnan ay
wala sa Pilipinas at hatid lamang ng mga dayuhang kanluranin. Isa pang klasikong
paliwanag ay ang pananaw na tayo ay kabilang sa lugar na tinawag ng mga dayuhan na
Far East dahil tayo ay nasa dulong silangan ng mga kanluraning bansa at kalakip na
konsepto na Middle East na kadalasan ginagamit pa ng mga kapwa nating Filipinong
manggagawa upang patungkulan ang lugar na tinatawag dapat na “West Asia.” Ang mga
pagbanggit ng mga lugar na ito bilang ekstensiyon ng kanilang teritoryo mula sa kanluran
ang dahilan upang tawagin ito sa ganitong pamamaraan at minarapat na tawag din ng
mga bansang nasakop ng mga kanluraning bansa kahit na ito ay di angkop sa kanilang
heograpiya na dapat ay pumapatungkol ang sinasabing lugar na ito sa Dagat Pasipiko sa
punto de bista o “Pantayong Pananaw.”
Ang Pantayong Pananaw sa madaling salita ay ang perspektibo hango sa Pilipino
mula sa kanyang sariling kamalayan, kabihasnan, karanasan at kalinangan. Ang
pagpapaliwanag ayon sa nasabing pananaw ay ang pagtatama ng mga kamaliang hatid ng
mga punto de bistang dayuhan upang maging angkop at makabuluhan ang pagkakaalam,
pagkakaintindi at pagtingin natin sa ating kasaysayan. Ang Pantayong Pananaw ay
maaaring ipaliwanag sa pagtutuon ng paggamit ng sariling wika upang maipaliwag ng
mas makatotohanan ang mga pangyayari’t-kaganapan na mahirap maunawaan o
maiintindihan sa kulturang dayuhan. Isang halimbawa nito ay ang diumanong pagligo ng
dalawang oras o mahigit pa ng isang Pilipino bawat araw sa harap ng panganib na
maaaring makain ito ng mga buwaya nito noon sa mga ilog at sapa noong panahong ng
kastila ayon sa isang kilalang abogadong kastila na si Antonio Morga, na isang juez lego
o assesor na kasapi ng Real Audiencia. Ito ay negatibong pag-uugali ng mga Pilipino
ayon sa nasabing abogadong kastila ngunit para sa atin at kaakibat na angkop na
kabihasnan na dapat maligo ang mga Pilipino bawat araw dulot na rin ng alinsangan ng
panahon at di naman angkop sa buhay Español dahil sa kanila ay malamig at
nagnaniniyebe. Isa pang pananaw na naging panunuya ng mga Español ay ang pagsusuot
natin ng mga salat na damit noong panahong nananakop sila. Samantalang, ang mga
Español ay nakasuot sa yaring metal na panlabas na paghahanda sa pakikidigma sa mga
nasasakupan.Sa ating pagbabalik-tanaw sa kasaysayan ngayon ay marapat nating
husgahan sa ngayon kung sino ngayon sa dalawang panig ang tama at makabuluhan sa
kanilang punto de bista’t-pananaw. Ayon din sa mga naunang mang-uulat at manunulat
na kastila ay walang matatawag na kabihasnan ang mga Pilipino dahil mismo ang ating
unang panulat ay hango lamang sa kanila, ang Doctrina Christiana noong ika-16 na
siglo ngunit ito ay patutunayang mali sa mga susunod na pahayag sa ibaba.
Ang Kasaysayan ay may batayang pinagmulan din katulad ng lahat ng bagay na
may kadahilanan sa pagiging makabuluhan nito. Ang mga pinagmulan na ito ay maaaring
Primaryang Batis o Sekundaryang Batis Pangkasaysayan. Ang primaryang batis
pangkasaysayan ay ang mga sinauna at orihinal na dokumentong pangkasaysayan o mula
sa ulat ng isang taong naroon sa pook pinangyarihan na maaari ay pasalita o pasulat. Ang
sekundarya ay ang mga impormasyon na nakalagay na sa mga pangunahing teksbuk na
kalakip na ang hinuha, palagay, opinyon at pag-aanalisa ng may-akda. Ang primaryang
batis sa isang banda ay isang taal, payak, dalisay, at walang pagkiling na paglalahad ng
mga kaganapang pangkasaysayan.

Kabihasnang Pilipino

Ang pagsasalarawan ng Pilipino sa kasaysayan ay tunay na masalimuot sapagkat


ito ay nakabatay sa mahabang kasaysayan ng ating mga mamamayan sa kanyang
karelasyon maging mga kolonyalista o dili kaya ay mga mangangalakal bago dumating
ang mga dayuhan. Ang kasaysayan bago dumating ang mga Kastila ay malinaw na
mabibigyan ng paliwanag batay sa mga patunay o ebidensiyang kasaysayan na may
materyal na lapit na maaaring makapaliwanag ng ganitong ng kalagayan, uri ng
pamumuhay, at antas panlipunan ng mga sinaunang pilipino . Isang napakagandang
halimbawa nito ang mga Pilipino ay masugid na nangangalakal sa kanyang mga kapwa
taga-Timog Silangang Asya sa ebidensiya ng Laguna Copperplate Inscription ng 980
A.D. Ito ay napakahalaga sa ating kasaysayan dahil ito ang patunay ng kauna-unahang
dokumentong nakasulat ng ating mga ninuno na natagpuan sa lunduyan ng Ilog Lumban
ng taong 1970's ng dalawang mag-asawang naghahanap ng "yaman ni Yamashita". Ito ay
naglalaman ng pagpapatawad ng utang ng isang maginoo o dugong maharlika na Pilipino
ng isang Javanese na hari sa kanyang pagkakautang ng mahigit 900 na gramo na ginto.
Ito ay di-lamang isang dokumentong pagpapatawad ng utang ngunit isang
pagsasalarawan din ng pagiging maluwag ng ating antas panlipunan (social class) dahil
na rin sa panandaliang pagkakautang ng Maginoong ito ay siya ay naging alipin
panandalian ng Hari at sa pagpapatawad niya ng utang ay naging malaya siya at bumalik
siya sa dati niyang estado bilang Maharlika. Ito ay malinaw na ebidensiyang
pangkasaysayan na nasa luklukan ng National Museum na ang ating antas panlipunan ay
napakaluwag at di katulad ng kanluranin na stratipikado at sarado sa kanilang absolutong
monarkiya at piyudal na sistema.
Ang nasabi ring dokumento ay nagsasaad ng karaniwang pakikipagtalastasan ng
isang Pilipino sa isang Javanese na sa ngayon ay maaaring isagawa kung marunong ang
mga ito ng internasyonal na wika na katulad ng Ingles. Ngunit ang suliraning ito ay di
makikita diumano kay Antoon Postma (tagapagsalin ng LCI ng mahigit isang dekada)
noon dahil nagkakaintindihan ang mga ito at ang patunay nito ay ang nasabing
dokumento ng pagpapatawad na walang kinailangan na tagapagsalin. Ito ay isang
ebidensiya na ating dapat pahalagahan sa pag-aaral ng kultura't tradisyon ng Pilipinas
sapagkat ito ay naglalahad kung gaano tayo ka-dinamiko sa pangangalakal at pagpapakita
ng lalim ng interaksiyon ng mga Pilipino at mga taga TSA sa larangan ng
"rehiyonalismo" noong mga bansang malapit sa kipot ng Malacca.
Ang dokumento rin ito ay nagpapatunay ng sistema ng kaayusan ng mga taga-
Timog Silangang Asya na nagkakaintindihan kahit na Hari ng taga Java-Indonesia ay
nakakausap ng walang namamagitan o intrepeter sa kanilang wika na sa kasalukuyang ay
imposible ng isagawa para sa karaniwang mamamayan ng bawat bansa kung walang
konkretong tagapamagitan sa larangan ng wika. Ito rin ay isang ebidensiya ng malawak at
malalim na relasyon ng mga taga Timog Silangang Asya sa kanyang pangangalakal at
diplomatikong relasyon sa rehiyon na ito kung kaya't tuluyang nagkakaintindihan sa
iisang wika, monetaryong batayan (fiscal standard) o maaari rin barter, at maluwag na
pag-uusap na walang pagkiling (bias) sa antas panlipunan (hal. hari sa maginoo). Ang
binabanggit din sa nasabing dokumento ay pagkakaroon ng nagkautang ng mga tagalakad
o tagapamagitan ngunit sa aspeto ng "pagpapalakas ng kanyang interes" na waring
pagpapatibay ng sistemang padrino at palakasan din ng mga maginoo ng Puliran,
Bulakan at Tondo. Ang paggamit ng padrino at palakasan sa ating kasaysayan ay waring
institusyon na sa aking palagay lalo na kung titingnan natin sa kontemporaryong panahon
sapagkat ito magpasa-hanggang ngayon ay ginagamit ito di lamang ng mga malalaking
pulitiko ngunit gayundin ng mga karaniwang mamamayang para mapanatili ang kanilang
interes at makuha ang ninanais.
Ang isa rin matibay na ebidensiya ay ang materyal na kultura na makikita sa mga
museo natin mula sa makikintab na mga banga mula sa Dinastiyang Sung at Ming sa
Tsina ganoon din ng mga magagarang jade na kuwintas, singsing, at pulseras. Ang mga
ito ay nakasulat sa mga sinaunang mapa na ginawa nilang paglalakbay ng mga
misyonerong Budista na si Chou Ju kua na nagsulat ng Chu Fan Chih at si Wang Ta
Yuan na nagsulat ng Tao I Chi Lueh. Sila ay nagpahayag na ang Pilipinas bago man ito
makilala sa ganong pangalan ay tambakan na ng mga produkto ng Silangan ganundin ng
kanluran dahil sa kalapitan nito sa Kipot ng Malacca at karagatan ng Timog Silangang
Asya. Ganoon din ng kontrobersiyal na ginintuang buddha na bago pa man ang 12 siglo
ay iniregalo daw ng prinsesa ng Thailand sa atin. Sa madaling salita, ang malawak na
tradisyon ng pangangalakal sa Pilipinas ay nagpahayag ng positibong "cultural diversity"
sa mga Pilipino kung kaya't ang mga pag-uugnayang ito ay di lamang nagdulot palitan ng
produkto ngunit gayundin ng palitan ng wika at kamalayan at amalgamasyon ng mga
mamamayan ng ibang bansa sa ating lipunan.
Ang historikal na kinalalagyan ng Pilipinas ay tuluyang iba sa kanluraning
pamamaraan at pamumuhay sapagkat ang ating pamunuan ay hindi isang hari o walang
absolutong kapangyarihan kung kaya't ang kanyang nasasakupan ay di gaanong kalawak
at ang sakop niyang kapangyarihan ay di rin makikita na nag-iisang gumagampan
sapagkat ito ay konsolidasyon ng kapangyarihan sa barangay : babaylan, catalonan,
konseho ng matatanda at umalohokan. Minsan ang kapangyarihan ng babaylan o
katalonan na isang paring babae ay mas malakas pa sa pulitikal na pinunong barangay,
ang datu lalo na sa usaping espiritwal, panrelihiyon sapagkat malaking bahagi ng
pamumuhay ng ating mga ninuno ay nakabatay sa rituwalistikong uri na kung saan ang
pulitika ay isang bahagi lamang at naipapaliwanag lamang ng mas mabuti sa mga kritikal
na panahon katulad ng mga dilubyo ng kalikasan sa mga sayaw, sigaw at ungol ng isang
paring babae. Kung kaya't ito ang dahilan kung bakit ang ating lipunan ay maluwag ang
ating stratipikasyon, antas panlipunan ay napaka"mobile" samantalang ang sa kanila ay
may malawak na kapangyarihan na halos abot langit sa pamamaraan ng kanyang
pamumuno sa kanyang kaharian sapagkat siya ay itinalaga ng diyos sa luklukang yaon
kung kaya't ang kanyang mga alipin naman ay may napakababang lugar sa lipunan na
hindi na maaaring galawin o magbago ayon sa tadhanang kinasadlakan niya.
Ang dahilan ng pagpapababa ng antas panlipunan ayon kay Morga sa kanyang
natagpuan sa Pilipinas ay maaaring pagkatalo sa digmaan, di pagbayad sa pagkakautang
at ang pagpapakasal sa dati ng alipin at ang pagkakaroon ng mga alipin na mga
magulang.
Ang barangay ay ang pangunahing at payak na sistemang pampulitika noong
panahon bago dumating ang mga kastila ang kapangyarihan ng datu ay di nagmumula sa
sakop nitong lupa ayon kay Corpuz sapagkat di siya nagmamay-ari nito ngunit ito ay
komyunal na pag-aari ng mga kabilang sa barangay na yaon. Ang mga nagnanais
magsaka sa lupa ng isang barangay ay kinakailangan munang magpaalam sa datu at
kapag nakakuha ng magandang ani ay maaari siyang magbigay sa abot ng kanyang
makakaya sa datu. Ang pulu-pulutong na mga barangay na iyon na kanilang natagpuan
ay hindi rin katulad ng mga binabanggit ng mga sinaunang manunulat na mga kastila na
mga maliliit na kaharian (kingdoms o princedoms) sapagkat katulad ng nabanggit sa itaas
ay ang paraan ng pamumuno ay di-absoluto kungdi konsolidasyon lamang sa paraan ng
pamumuno at pamumuhay ng mga barangay ngunit pagdating sa lawak at sakop na
teritoryo, may katatagpuang mga malalaki meron din mga maliliit na barangay. Katulad
ng nabanggit na suprabarangay complex ni O.D. Corpuz sa kanyang Roots of the Filipino
Nation na mula Valenzuela hanggang Angono, Rizal ang abot ng kapangyarihan ng datu
(may nakapaloob na mahigit kumulang 200 pamilya) ngunit ang sa iba ay mayroon
lamang 20 pamilya ang mga nakapaloob. Ang mga ito ay kalimitang makikita sa mga tabi
ng ilog at tabing dagat sapagkat malapit sa kanilang kabuhayan na pangingisda at
pagsasaka sa matatabang lupa tabi ng mga ilog. Ngunit sa aking palagay ang usapin dito
ay hindi nagmumula sa pisikal na teritoryo ngunit sa anyo at lalim ng kapangyarihan
meron ang ating mga datu. Ang pangunahing suliranin dito ay ang kanilang paglalapat ng
perspektibong kanluranin upang ipaliwanag ang kanilang nakita, isinulat at ipinahayag sa
madlang Espanya at maging dito na rin sa Pilipinas. Hindi muna nilang inalam ng mabuti
sa pagkakaroon nila ng mga ladino na tagapagsalin ng mga prayle ng wika at sa katagalan
ng kulturang Pilipino kung ano ang kahulugan ng mga ito para tuluyang maging
makatotohanan at makabuluhan ang kanilang mga ulat. Ngunit narito sila upang
pagtibayin at palakasin ang punto de bista na sila bilang mga Kastila na "nagmamay-ari "
ng kalahati ng Mundo ay may mataas na antas na kalinangan, kabihasnan at kamalayan at
ilalapat nila ito sa mga "barbaro, salat sa kaalaman, mga nakahubad na katutubo."
Ang paglalapat ng kanilang kabihasnan at kaalaman sa "barbarong arkipelagong"
ito ayon sa mga kolonyalista ang tunay na mag-aahon sa kanila at mapabilang sa
sibilisasyon kanluranin. Ang paglalapat ng mga kaalaman na nakadatal na sa uri ng
pamumuhay nating mga Pilipino katulad ng pagsuot ng salat sa init ng tropikong klima at
hindi na mabibigat na mga metal na kasangkapang pandigma sapagkat mas mahalaga
para sa ating mandirigma ang opensa at mobilidad sa pakikidigma at hindi sa pigil na
paraan ng pakikidigma dahil sa angking bigat ng mga metal na nakabalot sa katawan ng
mga Kastila na napakainit sa tirik na tanghaling araw. Ang katuwang na pilosopiya na
pagiging malinis at mahilig sa paliligo. Ang paraan ng pagtitipon ng tubig sa matataas na
talampas para sa panahon ng init at tagbagtik o do-ok na makikita sa baitang na baitang
na tanimang lupa sa hilagang luzon na tinatawag na Payew ng mga Ifugao. Ang
pagsasakronika ng nasabing palapalapag na taniman ay sinasabing 800 B.C. at 800 A.D.
Ito ay masusing pinaghandaan ng mga Pilipino na tunay na naging "bihasa" sa kanilang
utilitaryang pamumuhay mula pangangalakal, pagsasaka at pagtatanim sa pagbubuo ng
kanilang matatawag na sariling "kabihasnan."

You might also like