Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 29

Antas ng Satispaksyon ng mga Laurelians sa Pagkonsumo

sa Street food

Isang pananaliksik na iniharap kay

Teacher Mc Kenneth Baluyot

Bilang bahagi ng pag-aaral

Sa Ekonimiks 9

Nina:

Angela Marie Penano

Andrea Nicole Sales

Pebrero, 2018
Pasasalamat

Ang mga mananaliksik ay taus-pusong nagpapasalamat sa mga taong nagbigay-

inspirasyon at malaki ang tulong, kontribusyon, at suportang ibinigay upang magkaroon ng

matagumpay na pananaliksik.

Sa guro ng Araling Panlipunan (Ekonomiks) na si Teacher Mc Kenneth Baluyot ay

lubos naming pinasasalamat sa pagbibigay nya ng pagkakataon sa aming mga mag-aaral na

makagawa ng ganitong klaseng pananaliksik. Pinasasalamatan din naming sya para sa

kanyang walang kapagurang pagtuturo’t paggabay sa aming mga mananaliksik.

Sa mga respondante na nakilahok ng mayos sa aming ginawang survey. Kung wala

ang mga nasabing respondante’y tiyak na hindi matatapos at mabibigyang linaw ang

pananaliksik na ito. Nagpapasalamat kami sa oras na kanilang inilaan sa pagsagot ng

inihandang survey questionnaire ng mga mananaliksik.

Mga street vendors na nakiisa sa ginawang pananaliksik. Ang kanilang pagiging bukas

sa mga katanungan pagsisiyasat ng mga mananaliksik

Sa mga magulang napalagiang naka suporta’t nagmamahal at sa kanilang walang

katapusang pagbibigay ng moral at pinansyal na suporta habang abala sa paggawa ng

pananaliksik na ito.

Sa mga gurong umintindi noong mga panahong kinakailangan gamitin ang oras nila

para tuluyang matapos ang ginagawang pananaliksik at maisakatuparan ang ginagawang

survey.

Sa poong may kapal na nagbigay ng lakas ng loob at determinasyon sa mga

mananaliksik upang tuluyang maisakatuparan ang pananaliksik na ito.


KABANATA I

Panimula

Ang pagkaing kalye sa panahon ngayon ay maituturing na isa na sa pangunahing

pinagkukunan ng mga mura at handa ng kaining klase ng pagkain. Ito ay karaniwan na

matatagpuan saan mang sulok ng bansa, mapa syudad man o probinsya

Dahil ang mga pagkaing kalye ay abot-kaya ng mga karaniwang tao, ito ay naging

natatangi na sa mga Pinoy. Ang street food ay hindi lamang sa Pinas kilala madaming mga

bansa ang merong kanya-kanyang uri ng street food na talagang tinatangkilik din ng kanilang

mga mamamayan. Sa ating bansa, hindi lang Pilipino ang kumakain ng mga street food kundi

pati na rin mga dayuhang nag babakasyon sa ating bansa. Masasabing isa na rin ang mga

pagkaing kalye sa mga pinagkuknan ng turismo ng isang bansa o rehiyon.

Sa bansang Pilipinas ang balut, isaw, kwek-kwek at marami pang iba ay mga tipikal

na halimbawa ng mga pagkain kalye na mapagkukunan ng turismo na nagreresulta ng mga

negosyo ukol sa mga pagkaing kalye na siyang lumalaki ang sukat na sapat na upang bumuo

ng isang merkado.

Sa mga Pinoy isa na ang mga estudyante ang kadalasang parokyano ng mga

pagkaing kalye sa loob at labas ng paaralan kabilang na dito ang mga mag-aaral ng Paaralang

sekundarya ng Jose P. Laurel Ama. Ang mga pagkaing kalye na hindi maikukumpara sa iba

pang uri ng mga produktong pagkain sapagkat ‘pagkaing kalye’ man itong tawagin ay itinintinda

rin ito sa mga mall.


Layunin sa Pag-aaral

Ang layunin ng pananaliksik na ito’y mapag-aralan at malaman ang antas ng

satispaksyon ng mga mag-aaral ng Jose P. Laurel Ama. sa mga street food na kanilang

tinatangkilik at ito ang mga sumusunod :

• Naitatala ang halagang nakokonsumo ng Laurelians sa pagkaing kalye.

• Nailalahad ang epekto ng malaking budget para sa pagkaing kalye.

• Nailalahad ang mga uri ng pagkaing kalye na itinatangkilik.

• Matutuklasan ang antas ng satispaksyon sa pagkaing kalye ng mag-aaral.


Paglalahad ng Suliranin

• Ano ang nakakahikayat sa mga Pinoy para tangkilikin ang mga pagkaing kalye?

• Anong pagkaing kalye ang karaniwang nakokonsumo ng estudyante?

• Ano ang antas ng satispaksyon ng mga Laurelians sa pagkonsumo sa pagkaing kalye?

• Magkano ang nagagastos para sa pagkaing kalye?

Saklaw at Delimitasyon sa Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay ukol sa paglalahad ng antas ng satispakyon ng mga

estudyante, epekto at benipisyo nito na sumasaklaw sa mga mag-aaral at sa nagbebenta ng

mga pagkaing kalye.

Magkakaroon ng pagsisiyasat sa mag-aaral ng Jose P. Laurel Sr. High School na 25

mula sa grade 7, 25 mula sa grade 8, 25 mula sa grade 9 at 25 mula sa grade 10 na sa

kabuuan ay mayroong 100 na respondanteng magbibigay ng satispaksyon nila at budget sa

pagkaing kalye.
Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang halagahan ng pananaliksik na ito ay malaman kung dapat bang patuloy na

tinatangkilik ang pagkain kalye ng mamamayan. Kaakibat nito ay matutukoy din na kung

malaking tulong at ligtas ba na inaaraw-araw ang mga ito.

Ang mga makikinabang sa pananaliksik na ito ay ang mga sumusunod:

• Streetfood Vendors – Makakatulong ito para malaman nila ang dapat nilang gawin sa

mga pagkain na kanilang binebenta para sa kalusugan ng mga konsyumer.

• Estudyante – Malalaman nila kung makatutulong ba sa kanila ang pagkonsumo sa

pagkaing kalye na kanilang nakakasanayan na bilin sa araw-araw.

• Magulang – Malalaman nila ang pagkain na pinagkakagastusan ng kanilang anak.


KABANATA II

Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Sa kabanatang ito mailalahad ang mga kaugnay na pag-aaral at literatura patungkol sa

aming ginagawang pananaliksik isinasaad dito ang mg pag-aaral patungkol sa paglaganap ng

industriya ng serbisyong pagkain sa mundo at pati na sa mga paaralan. Nakatala din dito ang

mga ang pagkain ng street food ang nakatutulong sa mga tulad naming estudyante na

maraming ginagawang pang eskwela na pamatid gutom. Mas maliitang nakokonsumong oras

sa pagkain dahil sa mga ready to eat na ito. Sa pagkaing streetfood nakatutulong din ng malaki

dahil sa murang presyo nito na kungminsan ay mas pinababa pa para maluwang sa bulsa ng

mga estudyante.

Kaugnay na Literatura

Ang lasa, amoy at itsura ng pagkain ay makakatulong upang malaman ay makakatulong

upang malaman ang gustong pagkain at kung paano kumakain ang tao. Ang pagpili ng pagkain

at gustong pagkain ng populasyon ay nakabatay o kaakibat ng attidunal, social, and economic

variables such as income, ayon sa libro ni Adam Drew na TASTE PREFERENCES AND FOOD

INTAKE VOL.17: 237-253 (1997).

Ayon sa Food: A Fact of Life (2009) ang bawat tao ay ibat’iba ang gusting pagkain,

nakadepende ito sa pagiging kilala o hindi ng pagkain. Ilan sa mga nakakaapekto sa pagpili ng

pagkain ng mga tao ay ang lasa at itsura nito. Maging ang pagiging abeylabol ng mga pagkain

ay nakakaapekto sa mas tinatangkilik na pagkain.


Kaugnay na Pag-aaral

Ayon sa aklat na pinamagatang Quality Food Production, Planning, and Management

(Knight & Kotschevar, 2000), ang serbisyong pang pagkain ay isa sa pinakamalaking industriya

sa buong mundo. Ang nakukuha dito ay mahigit P16,284 bilyon sa taong 1999 lamang dahil sa

bawat P117 na nakukuha sa pagkain, P50 rito ay napupunta sa serbisyong pang pagkain. Bago

pa ang World War II, nagsimula na ng paglago ng industriyang ito at tumataas ng 5% sa bawat

taon kaya naman masasabinating ito ang may pinakamabilis na paglaki sa lahat ng mga tingian

sa buong mundo. Ayon kay Van Egmond-Pannell (1990), sa aklat na pinamagatang Food

Service Management, nag-umpisa ang pagunlad ng school food service o ang serbisyong

pangpagkain, sa pamamagitan ng National School Lunch Act na itinatag noong 1946. Ang

school foodservice ay lumawak at isinama sa agaha, miryenda, la carte at saibang kaso,

hapunan sa mga nakatatanda at sa mga kabataan.

Ang industriya ng pagkain ay naka base sa uri ng tao o kulturang meron ang isang

bansa. Naka depende ito sa mga kagustuhan, hilig o antas ng pamumuhay ng tao. Sa bansang

gaya ng Pilipinas kung saan ang ating bansa ay kabilang sa bansang pa unlad palamang kaya

hindi nakaka pag takang mabili sa atin ang mga produktong gaya ng streetfood dahil sa mura at

abot kaya nitong halaga.


Ang mga pagkaing kalye na kadalasang nakikita sa mga lansangan ng Pinas ay ang

mga sumusunod:

• Adidas: Ang inihaw na paa ng manok mas kilala sa tawag na adidas. Ito ay masarap

ipampulutan o pang ulam sa mainit na kanin.

• Balat ng Manok: Ito ay ginagawang chicharon at masarap ng pampulutan sa mga

inuman.

• Balut at Penoy: Ang balut ay tumutukoy sa itlog ng pato o manok na mayroon nang sisiw

sa loob. May dalawang pamilyar na klase nito, ang16 na araw at 18 na araw na itlog. Ang penoy

naman ay ang mas batang balut, o iyong wala pangsisiw. Ayon sa mga matatanda, ito ay

mainamna pampatibay ng tuhod.

• Banana Q at Kamote Q: Ito ang mga tawag sa saging na saba o kamote na nirorolyo sa

asukal at pinipirito nang lubog sa mantika at kapag naluto ay tinutuhog ng barbecue stick

(taliwas sa maaaring isipin na inihaw na saging o kamote).

• Betamax: Ito ang tawag sa inihaw na dugo ng baboy na hugis parihaba. Tulad ng

Adidas, ito ay pinampupulutan rin.

• Cotton Candy: Malambot, makulay at matamis, ito ang malabulak na kendi na tunay na

kinagigiliwan ng mga bata at kinakain ng mga hindi na bata upang maligayahan naman. Ito ay

mula sa asukal na may kulay na inilalagay sa espesyal na gawaan ng cotton candy. Kadalasan

ito ay nilalagyan ng gatas at isinusupot ng nagtitindang nakabisikleta kasama ang gawaan.


• Dirty ice cream at Ice Milk: Ang dirty ice cream ay, sa katotohana, sorbetes. Ang ice

cream at ice milk ay napakasarap lalo na at mararamdaman mong natutunaw ito sa iyong bibig.

Tunay naikagagalak ng mga taga tangkilik ang iba’t iba nitong panlasa, may durian na laganap

sa Davao, mangga, strawberry, tsokolate, keso,at marami pang iba.

• Fish balls: Ang fishball ay mga maliliit na bola-bolang gawa sa harina at hinimay na isda.

Ito ay kadalasang piniprito nang lubog sa mantika, at isinasawsaw sa suka o kaya’y sa sweet

and sour na maaaaring maanghang o hindi.

• Helmet: Ito ang tawag sa inihaw na ulo at palong ng manok. Isinasawsaw rin ito sa

sawsawan ng fishball upang higit na maging malasa at masarap.

• Hotcake: Ito ay tinapay na kadalasang ding tinatawag na pancake sapagkat iniluluto ito

sa kalan at hindi sa oven. Malinamnam at gustong-gusto ng mga bata, ito ay mabibili sa

halagang P5 bawat isa.

• Ice scramble: Ito ay pinaghalo-halong kinakaskas na yelo, pampalasa at evaporadang

gatas na kadalasan ay nilalagyan ng tsokolate. Ito ay matamis ang malamig, at

nakaeenganyong kainin lalo na kapag mainit.

• Isaw: Ito ang tawag sa inihaw ng bituka ng manok na mabibili nang P5 bawat tuhog.

Madalas na may kasama itong balunbalunan ng manok.


• Kikiam: Ang kikiam ay prinosesong manok, na niluluto nang lubog samantika at

sinasawsaw sa suka o sweet and sour sauce. Tulad rin ng fish ball at squid ball, ito ay madalas

tinutuhog sa barbecue stick at kinakain ng nakatayo.

• Kwek- kwek o Tokneneng: Ito ay nilagang itlog ng manok o itlog ng pugo na binalutan ng

harina, pinirito ng lubog sa mantika at kadalasanay isinasawsaw sa asin at suka. Ang tinatawag

na tokneneng ay iyong yari sa itlog ng manok samantalang ang kwek-kwek ay ang yari sa itlog

ng pugo ngunit madalas na rin itong napagpapalit.

• Mais Nilaga man o inihaw: Ito ay pangmatagalang paborito ng madla.

• Mani Nilaga, adobo, mixed nuts, kornik, kasuy: Ilan lang ito sa mga kutkutin na talaga

namang patok na patok sa panlasa ng mga Pilipino ibinibenta man ito sa kariton o nilalako sa

mga bus. Masasabi na ngang ito ay isang panghabambuhay na paborito ng madlang Pilipino.

• Pampalamig buko, orange, gulaman o sago: ito ay mga inuming tunay namakakapawi

ng uhaw ng kahit sino.

• Squid balls: Ang Squidball ay halos katulad ng fishballs, ngunit ito ay mas bilog at mas

malaki. Batay nga sa pangalan nito, ito ay gawa sa hinimay na laman ng pusit na ihinalo sa

arina tulad ng sa paggawa ng fishball.


• Taho: Ang taho ay bean curd, isang malambot na pagkain na parangtokwa, na gawa sa

soya. Ang inilalakong taho sa kalye ay ang pinaghalong taho, arnibal ang maitim na

pampatamis na gawa satinunaw na asukal, at sago.

• Turon: Turon na ube, maruya, turon na saging, pinaypay, ginanggang. Anumang luto ng

saging o ube ang naisin mo, ito ay siguradong perpektong pangmerienda. Kadalasan, ang turon

ay tumutukoy sa piniritong saging na saba, nanakabalot sa wrapper ng lumpia at asukal.

• Waffle: Sa halip na tinapay at palaman, may mga alter n atibong waffle na itinitinda na

mayroong iba’t-ibang palaman, ang pinakakaraniwan ay keso o hotdog.

• Walkman: Ito ang tawag sa tainga ng baboy na inihihaw sa kalye at kadalasang kasama

ng isaw, adidas at betamax. Ito ay isa sa mga masasarap na pampulutan.

Ang pagkaing naitala ay ang klase ng pagkain patok sa mga estudyante ng paaralang

Jose P. Laurel, Ama ito ay kalimitang nabibili sa labas mismo ng paaralan at minsan nama’y sa

sarili nila barangay.


KABANATA III

DISENYO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Ang pananaliksik na ito ay maipapakita ang datos mula sa isinagawang pagsisiyasat sa

mga piling mag-aaral ng Jose P. Laurel Sr. High School.

Metodolohiya at Paglaganap ng Datos

Gumagamit ng deskriptibong metodolohiya ang pananaliksik at pakikipagpanayam na

naisagawa sa pag-aaral. Pinaniniwalaan ng mga mananaliksik na mas mapapadali ang

pangangalap mula sa maraming respondente dahil sa angkop ang desinyong ito para sa

paksang pinag-aaralan.

Upang Ang pagsisiyasat ng mga datos ay nagsimula noong Pebrero 19, 2018 hanggang

Pebrero 21, 2018.

Tirtment ng Datos

Ang mga nalakap na datos ng mga mananaliksik ay susuriin upang mapadali ang

pagtataya dito. Ginamit ang Descriptive Statistical Analysis para iprisinta ang datos na kanilang

nalakap kung saan gagamitin ang talaan upang masuri ang nasabing mga datos. Ito ang napili

ng mga mananaliksik sapagkat mas madali nitong mapapaintindi ang mga datos dahil

nakabukod na ang mga ito gamit ang iba’t ibang uri nga talaan katulad ng talahanayaan, tsarts,

graph.
Sa pagbuo ng inerpretasyon sa resulta naging pinaka maiga para sa mga

mananaliksik ang paggamit ng talahanayan at graphs kaya masasabing ang Descriptive

Statistical Analysis ay naging epektibo para sa pag-aaral na ito.

Mga Respondante

Ang mga piniling respondante para sa pag aaral na ito’y nag mula sa iba’t ibang baitang

ng paaralang sekundarya ng Jose P. Laurel AMA schoolyear 2017-2018

Ang mga mananaliksik ay kumuha ng 25 na estudyante kada baitang (Grade7, Grade 8,

Grade 9 at Grade 10). Ang nasabing 25 na na estudyante kada baitang ay nagmula sa iba’t

ibang section ng kanilang baitang ang mga napiling respondante ay dumaan sa random

sampling upang magkamit ang pantay na representasyon ng mga datos. Sa kabuohan

nagkaroon ang mga mananaliksik ng 100 respondante para sa pag-aaral na ito.

Ang mga respondante’y pinagkalooban ng maikling oryentasyon ng mga mananaliksik

bago tuluyang sumagot sa tanungang papel. Ito ay ginawa upang magkaroon ng malinaw na

pagkakaintindihan ang dalawang panig patungkol sa pagsasagot ng survey questionaire. Ang

oryentasyon ay nakatulong sa mga mananaliksik makamit ang banayad na daloy ng nasabing

interview.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang pag-aaral ay ginawa sa pamamagitan ng pagsasarbey. Ang mga mananaliksik ay

naghanda ng survey questionaire na nag lalayong makalakap ng datos na magsasabi ng kanila

pananaw at kadahilan sa pagkunsumo ng mga pagkain kalye.


Kabilang sa ginamit ng mga mananaliksik ay ang ilang mga aklat at internet site na

panghahanguan ng ilang imposrmasyon at kaalaman patungkol sa pananaliksik. At para sa

mga ilalahad na datos ay mapadali ginamitan ito ng percentage formula.

Persyento ng sumagot %

Bilang ng kabuuang respondante 100

KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Sa kabanatang ito maipapakita ang mga pagsusuri at pagpapakahulugan ng mga datos

na nalakap tungkol sa antas ng kaalaman sa pag-aaral. Ang pagtatalakay ng mga sagot ay

nakabatay sa pagkaka-ayos ng mga tanong sa unang kabanata.

I. Pagsisiyasat

Sa pag-usad ng panahon nakasanayan na ng mga pilipino ang pagkain ng mga

panindang kalye. Kung tutuusin kasama na ito sa pang araw- araw na pagkain ng mga pinoy

dahil bukod sa nakakabusog ay abot kaya ito ng mga mamimili.

At dahil sa marami na ang tumatangkilik sa pagkaing kalye, katulad ng fishball, isaw,

kikiam, betamax , gulaman at iba pa ay kadalasan sinasama na nila ito sa kanilang pang araw-

araw na budyet na nagdudlot ng pagtaas ng demand.


Ang pag-aaral na ito ay malalaman ang magiging antas ng satispaksyon ng estudyante

sa pagkaing kalye.

Pagkaing kalye na palagiang binibili ng mga estudyante ng Jose


P. Laurel Sr. High School

Kwek-Kwek Kikiam

Kalamares At iba pa

Pigura 1

Sa isinagawang pagsisiyasat lumalabas na ang kwek-kwek ay mayroong

tatlumpu't-anim na bahagdan na nagsasabi na ito ay palagiang binibili ng mga estudyante.


Pumapangalawa ang kikiam na dalawampu’t-pito ang bahagdan at sinundan ng kalamares ang

nasa labing-anim na bahagdan. Samantala, ang dalawampu’t–isa na bahagdan ay iba pang

pagkaing kalye na binibili katulad ng betamax, isaw, fishball, somia at mais nilaga.

Presyo ng pagkaing kalye na palagiang binibili

Uri ng Pagkaing kalye Presyo

Kwek-kwek Php 2.50

Kikiam Php 1.00

Kalamares Php 2.50

Ang mga mananaliksik ay nagtala ng presyo ng pagkaing kalye base sa pinakabinibili

ng mga estudyante, aming inalam ang halaga ng kwek-kwek, kikiam at kalamares mula sa

mga nagtitinda ng pagkaing kalye sa loob at labas ng paaralan.

Hindi lang ang nasa tsart ang ginagastos na pagkaing kalye ng mag-aaral dahil

mayroon pang iba. At sa pangalawang pigura ay ipapakita ang halaga na nilalaan nila upang

bumili ng mga pagkaing kalye.


Pigura 2

Halaga na nagagastos para sa pagkaing kalye


60

50

40

30 Bilang ng estudyanteng
gumagastos ng halaga

20

10

0
Php 5.00 - 20.00 Php 25.00 - 40.00 Php 45.00 - 60.00 Php 65.00 pataas

Pinapakita ng pigurang ito na limang piso hanggang 20 pesos ang kadalasang budget

ng mga mag-aaral para sa pagkaing kalye malinaw itong pinapakita ng bar graph na iginamit sa

paglalahad ng halaga na nilalaan ng estudyante sa nasabing pagkain.

II. Pagsisiyasat

Ang pangalawang pagsisiyasat ay magpapakita ng antas ng satispaksyon ng mga mag-

aaral ng Jose P. Laurel, Ama .Ilalahad din ang patuloy na pagtangkilik ng mga pagkaing kalye
sa ating bansa.

Pigura 3

Antas ng satispaksyon sa pagkaing kalye


45

40

35

30
Antas ng satispaksyon sa pagkaing
25 kalye
20

15

10

Pinapakita sa pigurang ito na hinatulan ng very satisfactory ng karamihan ng mga


laurelian ang kanilang satispaksyon sa mga pagkaing kalye sinusndan ito ng satisfactory at

pumapangatlo ang excellent. Dito masasabi na ang mga laurelian ay merong mataas na

satispaksyon sa kanilang mga pagkaing kalye. Pinapakita din nito na walang laurelian ang hindi

nasiyahan sa kanilang paboritong streetfood.


Pigura 4

Mga nakakahikayat sa estudyante upang tangkilikin ang


pagkaing kalye

Masarap
Mura
Gutom
Iba pang kasagutan
Pinapakita sa pigurang ito na ang pagiging masarap ng pagkaing kalye ay ang numero

unong dahilan ng kanilang patulot na pagtangkili ditto. Ang pagiging mura naman ang

pangalawang dahilan kaya naging patok ang pagkaing kalye kahit saan mang siyudad.

Kabanata V

Lagom

Ang pag-aaral na ito’y tungkol sa antas ng pagkunsumo ng mga mag-aaral ng

paaralang sekundaryang Jose P. Laurel AMA sa mga pagkaing kalye. Napili ang paksang ito

sapagkat kapansin pansin ang pagiging patok ng mga street food sa sa mag-aaral ng nasabing

paaralan. Makakatulong ang pananaliksik na ito upang malaman ang mga dahilan ng pagiging

mabenta nito. Makakatulong din ito mapalawig ang kaalaman ng mga estudyante patungkol sa

paborito nila street foods.

Konklusyon

Batay sa mga datos, nagbigay ang mga mananaliksik ng pagpapatunay sa konklusyon.

Sa isinagawang survey napagalaman ng mga mananaliksik na numero unong mabiling

streetfood sa mga mag-aaral ay ang kikiam. Sapagkat sa mura’t masarap nitong lasa.

Napagalaman din ng mga mananaliksik na umaabot sa 200 ang pinamalaking gastos ng mga
estudyante sa streetfood piso naman ang pinaka mababang halaga.

Rekumendasyon

Ang mga mananaliksik ng pag-aaral na ito’y maghahain ng mga rekmendasyon para sa

mga street food vendors, estudyante at magulang. Ang mga masasabing rekumendasyon ay

nakabase sa naging output ng ginawang pag-aaral.

Street food vendors: Sa dami ng mga mag-aaral na mamimili ng inyong produkto nararapat

lamang na tiyakin nyo ang kaligtasan ng kanilang kalusugan. Nararapat din na bigyan nyo ng

kasigraduhan ang inong mga mamimili na ang inyong mga panindang bagamat nasa kalye ay

malinis at malayo sa anumang maaring makuha sakit.

Estudyante: Ang mga estudyanteng mamimili ng mga pagkaing kalye ay dapat malaman ang

limitasyon ng kanilang pagbili sa mga ganitong uri ng pagkain. Dahil hindi taliwas sa lahat na

anumang sobra’y nakakasama. Hindi lang partikular sa inyong kalusugan kundi pati narin sa

paraan ng inyong pag-gastos.

Magulang: Para sa mga magulang, siguraduhing maroon patnubay at gabay ang inyong mga

anak patungkol sa pagkain ng street food. Maganda rin na magkaroon ang mga magulang ng

oryentasyon sa kanilang mga anak tungkol; sa masamang dulot ng sobrang pagkain ng street

food.
Bibliograpiya

Adam Drew, (1997), Taste Preferences and Food Intake VOL.17: 237-253, nakuha sa

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pubmed/9240927

Knight & Kotschevar, (2000), Quality Food Production, Planning, and Management

A Fact of Life, (2009), ang bawat tao ay ibat-iba ang gustong pagkain nakadepende ito sa

pagiging kilala, nakuha sa

https://www.scribd.com/doc/243817155/Pananaliksik-ukol-sa-mga-pagkain-na-tinatangkilik-ng-

mga-estudyante-ng-ISHRM-Dasmarinas

Van Egmond-Pannell, (1990), Food Service Management, nakuha sa

https://www.academia.edu/20020285/KABANATA_II?auto=download
Apendiks

Antas ng Satispaksyon ng mga Laurelians sa Pagkonsumo sa Street food

1. Ano ang pinaka kinokonsumo mong pagkaing kalye?

__________________________________

2. Magkano ang halaga na iyong inilaan para sa pagkaing kalye?

_______- Php 5.00 – 20.00 _______- Php 45.00 – 60.00

_______- Php 25.00 – 40.00 ______- Php 65.00 pataas

3. Ano ang iyong antas ng satispaksyon pagkaing kalye?

____- 1 Poor ____- 3 Satisfactory _____- 5 Excellent


____- 2 Fair ____- 4 Very Satisfactory

4. Ano ang nakahikayat sayo upang tangkilikin ang pagkaing kalye?

__________________________________

Talaan ng Nilalaman

Pamagat …………………………………………………………… i

Abstrak …………………………………………………………… ii

Pasasalamat …………………………………………………………… iii

Kabanata I :

PANIMULA ………………………………… 1

Layunin sa Pag-aaral ………………………………… 2

Paglalahad ng Suliranin ………………………………… 3

Saklaw at Delimitasyon sa Pag-aaral …………………………………

Kahalagahan ng Pag-aaral ………………………………… 4

Kabanata II :

KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL ………………………………… 5

Kaugnay na Literatura ………………………………… 5


Kaugnay na Pag – aaral ………………………………… 6

Kabanata III :

DISENSYO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK ………………………… 11

Metodolohiya at Paglaganap ng Datos ………………………… 11

Tirtment ng Datos ………………………… 11

Mga Respondante ………………………… 12

Instrumento ng Pananaliksik ………………………… 12

Kabanata IV :

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS …………………... 13

Unang Pagsisiyasat …………………...13

Pangalawang Pagsisiyasat …………………...17

Kabanata V :

Lagom …………………...18

Konklusyon …………………...18

Rekumendasyon …………………...18

Bibliograpiya …………………... 19

Apendiks …………………... 20
Abstrak

Ang pananaliksik na ito’y pinamagatang “antas ng satispakson ng mga Laurelian sa

pagkunsumo ng street food”. Ang pananaliksik na ito’y nagsasaad ng antas ng satispaksyon ng

mga Laurelians sa pagkunsumo ng mga street food na nabibili sa loob at labas ng paaralan.

Makakatulong ito sa mga estudyante na mapagtanto ang kanilang gastos para sa masarap at

mura nilang paboritong street food. Ang benisyo naman na makukuha ng mga magulang dito ay

malalaman nila ang antas ng halagang nagagastos ng kanilang mga anak para sa street food.

Para sa mga street vendors, matutukoy nila ang dami ng mamimili na dapat nilang bigyan ng

mahusay na serbisyo.

You might also like