Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Kaye Andrea D. Rico G.

Reglos
BSN 1B April 29, 2019

Amoebiasis
Ano ang amoebiasis?
Ang amoebiasis o entamoebiasis ay isang uri ng impeksyon na nakakaapekto sa bituka o
intestinal tract. Ito ay laganap sa buong mundo at maaaring magdulot ng kamatayan kapag
lumala at hindi naagapan. Nasa 40,000-110,000 ang namamatay bawat taon dahil sa amoebiasis
na dulot ng Entamoeba histolytica.

Anu-ano ang mga sanhi ng amoebiasis?

Kahit sino, bata man o matanda,  ay maaaring magkaroon ng amoebiasis. Ang


pangkaraniwang impeksyon ng malulubhang sintomas ng amoebiasis ay dulot ng
Entamoeba histolytica. Mas karaniwan ito sa mga lugar na may maduming
kapaligiran tulad ng Pilipinas at iba pang mga developing countries. Kadalasan,
nagkakaroon ng amoebiasis ang isang taong nakakain o nakalunok ng kahit anong
bagay na dumikit sa dumi ng taong may Entamoeba histolytica. 
Anu-ano ang mga sintomas ng amoebiasis?
 Ang mga sumusunod na sintomas ay maaaring palatandaan na kailangang bigyan ng pansin ang
iyong kondisyon:
 Pananakit ng tiyan
 Lagnat
 Pagtatae
 Dehydration
 Pagbilis ng tibok ng puso
 Pagkahilo

Paano ginagamot ang amoebiasis?

Ang lunas sa amoebiasis ay ang pag-inom ng antibiotics. Karaniwan ding


pinapayuhan ang pasyente na uminom ng pinakuluang tubig at iwasan ang tubig
na nanggaling sa kahina-hinalang pinagkukunan upang maiwasan ang paglubha ng
impeksyon o kaya ay hangga’t maaari, kumain lamang ng lutong bahay.
Paano maiiwasan ang amoebiasis?
Wastong pag-iingat, kalinisan sa paligid at pagiging mausisa sa kinakain o iniinom
ang mga dapat tandaan upang maiwasan ang amoebiasis. Ugaliin ding hugasan
nang husto ang mga gulay at prutas bago kainin o lutuin. Kasama rin sa pag-iingat
ang pag-iwas sa paggamit ng yelo, pag-inom sa drinking fountain at pag-kain ng
street food o pagkain na nakikita sa mga lansangan gaya ng isaw, dugo at iba pa.

You might also like