Ano Ang Diarrhea

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ano ang diarrhea?

Ang diarrhea o pagtatae ay isang laganap na kondisyon kung saan ang dumi ay basa at hindi
buo. Ito ay nagdudulot ng mga sintomas tulad ng madalas na pagdumi (tatlong beses o
mahigit), pananakit ng tiyan, panghihina, at dehydration.
Ang diarrhea ay maaaring maging sanhi ng kamatayan sa mga bagong silang na sanggol at
maliliit na bata dahil sa dehydration. Ito ay laganap sa mga lugar na may maduming
pinagkukunan ng tubig at pagkain.

Ano ang mga sanhi ng diarrhea?


Ang pinakakaraniwang sanhi ng pagkakaroon ng diarrhea ay ang pagkakaroon ng
impeksyon ng virus sa mga bituka. Ang kondisyong ito ay tinatawag na intestinal
flu o stomach flu. Narito ang ilang pang maituturong sanhi ng pagtatae:

 Impeksyon ng bacteria sa bituka na maaaring dahil sa pagkaing marumi o panis na.


 Impeksyon ng ibang pang buhay na organismo o parasitiko gaya ng amoeba.
 Pagkain hindi tinatanggap ng tiyan, gaya ng gatas para sa mga tao na may kaso ng
lactose intolerance.
 Iba pang sakit sa bituka gaya ng Crohn’s Disease at Ulceratice Colitis, o kaya Kanser.
 Nakalipas na operasyon o gamutan sa tiyan
 Sobrang pag-inom ng alak
 Sobrang pag-inom ng mga gamot

Ano ang mga sintomas ng diarrhea?


Maraming sintomas ang nauugnay sa diarrhea. Karamihan dito ay hindi malala at nawawala
matapos ang isa hanggang dalawang araw. Ang mga pangkaraniwang sintomas ng diarrhea ay
ang mga sumusunod:

 Pananakit ng tiyan

 Madalas na pagdumi

 Basa at kalat na dumi

 Pagsusuka

 Paglaki ng tiyan

 Pamumulikat

 Pagkakaroon ng dugo o “mucus” sa dumi


 Lagnat
 Pagbawas ng timbang

Ang madalas na pagdudumi ay maaaring magdulot ng dehydration o ang pagkukulang ng tubig


sa katawan. Ito ang mga sintomas nito:
 Pagkatuyo ng bibig (dry mouth)
 Pagbilis ng tibok ng puso
 Panghihina
 Pagsakit ng ulo
 Pagkatuyo ng balat
 Pagkahilo
 Low blood pressure

Ano ang mga pagsusuri para malaman kung


ikaw ay mayroong diarrhea?
Dahil indikasyon ang diarrhea ng maraming uri ng sakit, mahalagang magpatingin agad sa
doktor upang matiyak ang tunay na sanhi nito. Ang sumusunod ay ang mga pagsusuri na
kinakailangang gawin:

 Physical Exam 
 Stool Test 
 Blood Test 

Paano malulunasan ang diarrhea?

Kapag hindi malala, ang diarrhea ay maaaring gumaling makalipas lamang ng 1-2 araw at hindi
na kinakailangan ng paggamot. Gayunpaman, mahalaga ang pag-inom ng malinis na tubig
upang maiwasan ang dehydration. Depende sa kalubhaan ng pagtatae, maaari ding uminom ng
oral rehydration solution o ORESOL upang maiwasan ang mga malalang komplikasyon dulot
nito.

Para mapabilis ang paggamot ng diarrhea, gumamit ng anti-diarrheal medication tulad ng


loperamide at bismuth subsalicylate. Samantala, magpatingin agad sa doktor kung ang iyong
diarrhea ay may kasamang mataas na lagnat o pagdudugo.

Paano maiiwasan ang diarrhea?

 Ang wastong kalinisan sa kinakain at pamamahay ang mga susi sa pag-iwas sa diarrhea.
 Ugaliin ang paghuhugas ng kamay bago, habang, at pagkatapos magluto.
 Ugaliin ding maghugas pagkatapos humawak ng mga maduduming bagay. Tandaan na
dapat gumamit ng sabon at kuskusin ang mga kamay ng 20 segundo.
 Iwasan rin ang pagkain at pag-inom ng kahit anong bagay na hindi mo alam ang
pinanggalingan. Imbes na uminom galing sa gripo o drinking fountain, uminom na
lamang ng purified water na nabibili sa mga bote.
 Para sa mga kabataan, ugaliin ding iwasan ang pag-kain ng street food tulad ng isaw,
dugo, tenga ng baboy, at iba pa.

You might also like