Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

INTRODUKSIYON

Ang Paaralang Elementarya ay mayroong anim na taon. Nahahati ito sa primary at

intermediate level. Ang Paaralang Sekundarya ay mayroong anim na taon base sa sistema ng pag-

aaral sa Amerika. Sa Pilipinas, ang sekundarya ay mayroon lamang apat na taong paglilinang ng

mga estudyante. Ngunit sa taong 2012, ang sekundarya ay nadagdagan pa ng dalawng taon, ito ay

ang K-12 Curriculum.

Ang K to 12 ay dalawang taong dagdag sa pag- aaral ng mga estudyante sa Pilipinas na

kung saan ay nililinang pa ang kanilang isipan at ang kanilang kalinangan upang sila ay maihanda

para sa kolehiyo at para sa kanilang kinabukasan. Ito rin ay kailangan ng ating bansa dahil tayo'y

nahuhuli na sa sistemang pang edukasyon kumpara sa ibang bansa. At ayon sa pananaliksik, ang

Pilipinas ang huling bansang nag- implementa ng K to 12 Program bilang sistemang pang

edukasyon. Naisip ng ating gobyerno, sa pamumuno ni Pang. Benigno Aquino III na ipatupad ang

K to 12 dahil ito umano ang pag- asa ng bayan para tayo'y makaangat sa kahirapan. Ito ay

sinimulan noong ika-4 ng Mayo, taong 2012. Ang K to 12 naglalaman ng iba't ibang strand na

tinatawag na ABM o ang Accountancy and Business Management; HE o ang Home Economics;

ICT o ang Information and Communication Technology; HUMSS, Humanities and Social

Sciences; at ang STEM, o Science Technology, Engineering and Mathematics na kung saan

pagpipilian ito ng mga estudyante depende sa kanilang kursong kukunin sa kolehiyo.

Ang STEM o ang Science, Technology, Engineering and Mathematics ang strand kukunin

ng mga estudyenteng nagbabalak kumuha ng mga kursong kagaya ng Architecture, Engineering

at marami pang iba. Ayon sa DepEd Curriculum Guide, sa unang semestre ng pag-aaral sa ika-11

na baitang ay mayroon silang 5.8 na oras araw-araw upang talakayin ang kanilang mga sabjek. Sa

ikalawang semestre naman, may nakalaan silang 6.6 na oras araw araw.

Bilang estudyante, importante na may partikular na estilo ang pamamaraan ng pagkatuto.

Hinihingi ng mabisa at mabilis na pagkatuto ang paggamit ng mabuting pamamaraan ng

pagtuturo. Nakasalalay sa mabuting paraan ng pagtuturo ang matagumpay, kawili-wili at

mabisang pagkatuto ng mga mag aaral. Ngunit, nasa guro pa rin ang desisyong sa pamamaraang

kanyang gagamitin na alam niyang magiging angkop na bunga ng pagkatuto na nais niyang

makamtan ng kanyang mag-aaral at gayon din sa uri ng paksang aralin at asignaturang kanyang

ituturo. Maipapasok na rito ang pagdating ng agham at teknolohiya. Maaaring sabihing

napakalaki ng epekto sa kalidad ng edukasyon ang paraan ng pagtuturo ng mga guro sa isang

1
paaralan. Madami mang ibang salik ang maaaring magiging hadlang para sa matagumpay na

pagkatuto ng bata ay lubos pa ring nakakaapekto ang paraan kung gaano mailalahad o ilalahad ng

kanyang guro ang mga leksyon sa kanya ayon sa napiling estilo nito.

May iba't ibang paraan ng pagkatuto ang mga mag aaral. Una na dito ang Visual

Learning o ang pagkatuto gamit ang mga charts, visual aids, at ano pang mga bagay na nakikita

ng mga mata. Pangalawa naman ang Auditory Learning o ang pagkatuto sa pamamagitan ng

pagbigkas ng impormasyon ng malakas upang maintindihan ito. Mas maisasaulo nila ang isang

bagay sa paraang pakinig. Pangatlo, ang pagsulat at pagbasa. May mga mag-aaral na mas madali

umanong matuto sa paraang pabasa at pasulat. Sila ang kadalasang matataas sa mga pagsusulit o

mga written seatworks. Panghuli ay ang Kinesthetic Learning o ang pagkatuto sa paraang aktwal.

Ang mga ganitong uri ng mag-aaral ay natututo sa pamamagitan ng pag gawa.

Simula ng mapalaganap ang K to 12 kurikulum, maraming mga paaralan ang dali-daling

naghanda at nagpatayo ng mga dagdag na silid aralan para sa mga magiging estudyante ng

nasabing kurikukum. Kasama na rito ang mga iba't ibang paaralan sa La Union. Isa sa mga

paaralang ito ay ang Kolehiyo ng San Luis, sa bayan ng San Fernando La Union. Maraming

pagpipiliang strand kung nakatuntong na ang mga mag aral sa baitang 11. ABM, HE, HUMSS,

ICT at STEM. Sa ilalim ng strand na STEM, isang ssksyon ang namamayagpag hindi lamang sa

larangan ng akademika, at pati na rin sa iba't ibang aktibidades sa loob ng paaralan. Ito ay ang St.

Martin ds Porres.

You might also like