Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

KABANATA III

PAMAMARAAN AT METODOLOHIYA

Pamamaraang Ginamit sa Paglutas ng Suliranin

Nakapaloob sa bahaging ito ng pananaliksik ang mga instrumento at disenyong


ginamit sa pangangalap at pag-aanalisa ng mga datos na ginamit sa pag-aaral.

Ang Disenyo ng Pag-aaral

Sa pagsusuring isinagawa, gumamit ang mananaliksik ng paraang paglalarawan


o descriptive method na may layuning malaman ang talambuhay ng dati at
kasalukuyang pangulo ng Pilipinas. Gayundin, masuri ang antas ng wika na ginamit sa
talumpati at kung ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng antas ng wika na ginamit sa
talumpati.

Ang mga Instrumento

Sinuring mabuti ng mananaliksik ang mga datos na nakalap gamit ang iskrip o
kopya ng talumpati para sa ikabubuti ng pag-aaral.

1. Pangangalap ng Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Nangalap ang mananaliksik ng kaugnay na literatura at pag-aaral sa iba’t ibang


sanggunian tulad ng internet at libro na lubod na nakatulong upang tagumpay na
maisakatuparan ang pananaliksik na isinasagawa.

2. Pangangalap ng Kopya ng talumpating susuriin

Nangalap ang mga mananaliksik ng mga datos mula sa internet tulad ng google
para sa iskrip o kopya ng talumpati at matiyagang binasa ang talumpati upang masuri
ang nilalaman at masagot ang mga katanungan.

Pagkuha ng mga Datos

Nangalap ang mananaliksik ng kopya ng iskrip ng mga unang talumpati ng mga


Pangulo upang matiyak tumpak ang bawat ilalagay na detalye. Naging mahirap sa
simula ang pagkuha ng impormasyon dahil na rin sa masyadong mahaba ang bawat
kopya ng talumpati ngunit nagging matiyaga ang mananaliksik upang
mapagtagumpayan ang pag-aaral na ito.

Ang Paraan ng Pananaliksik

Gumamit ang mga mananaliksik ng pamamaraang paglalarawan (descriptive


method) upang malaman ang talambuhay ng bawat pangulo, kung anong antas ng wika
ang ginamit ng mga Pangulo sa talumpati at kung ano ang pagkakatulad at pagkakaiba
ng antas ng wikang ginamit sa talumpati ng mga Pangulo. Kumuha ng kopya ng iskrip
ng bawat talumpati ang mananaliksik upang mapaghambing ang mga antas ng wikang
ginamit sa kanilang talumpati.

Ang pag-aanalisa ng Datos

Sa pag-aanalisa ng datos, sinuri ng mga mananaliksik ang mga salitang makikita


sa talumpati ng mga Pangulo at maingat na sinuri upang malaman kung anong antas
ng wika nabibilang ang kanilang ginamit at upang malaman ang mga kasagutan sa mga
katanungang nakapaloob sa pag-aaral na ito.

You might also like