Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A CALABARZON
Sangay ng Lungsod ng Lipa
Kolehiyo ng Lungsod ng Lipa

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 10

Panitikan

I. Layunin

A. Pamantayang Pangnilalaman

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag- unawa at pagpapahalaga sa mga


akdang pampanitikan ng Africa at Persia.

B. Pamantayan sa Pagganap

Ang mag-aaral ay nakapanghikayat tungkol sa kagandahan ng alinmang


bansa batay sa binasang akdang pampanitikan.

C. Mga Pamantayan sa Pagkatuto

F10PT-IIId-e79
Naihahanay ang mga salita batay sa kaugnayan ng mga ito sa isat isa.

II. Paksang Aralin

A. Panitikan: ARALIN 3.5 Ang Alaga


(Maikling Kwento mula sa East Africa)
ni Barbara Kimenye

B. Uri ng Teksto: Naglalarawan

C. Kagamitang Panturo:

1. Sanggunian

Mga pahina sa Gabay ng Guro: Panitikang Pandaigdig:Modyul para sa


Mag-aaral

2. Iba pang Kagamitang Panturo

Biswal, Laptop,Telebisyon,Chalk at BlackBoard

III. Proseso ng Pagkatuto

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


Pang-araw-araw na Gawain
Pambungad na Gawain
1. Pagbati sa klase
(THEME SONG NG SHOWTIME)
Its showtime!
Nais kong ipakilala ang aking sarili!
Ako lang naman nagpatibok sa puso ni Erwan
Heusaff at walang kahalili
Tingnan ang aking mga mata!
Tingnan ang labi kong kay pula!
Ako ba ay nakikilala?
Hindi po!
Ako lang naman ang tinatawag nilang dyosa ng
kagandahan at mapapatulala ka kapag ika’y
napadaan. Ako ang nag-iisang Anne Bunganga ng
Showtime.
Ako si Anne Curtis!

Gusto nyo bang sumama sa “Showtime”?


Opo!
Bilang Dyosa Ng Kagandahan, bibigyan ko kayo
bawat isa ng “Korona” at nais kong iputong nyo sa
inyong mga ulo at bilang tanda naman na kasama
kayo sa programa, bibigyan ko kayo ng tag-iisang
“Damit” at dahil dyan ay may tsansa na kayong
manalo ng mga naglalakihang papremyo.
(Ang lahat ng mag-aaral ay
ipuputong ang korona sa kanilang
mga ulo at susuotin nila ang
damit)
2. Pagdarasal
Bago magsimula ang programa
Gabay sa panginoon ay dapat mauna.
Magsitayo ang lahat,
Dahil ang dasal ay tunay na agimat!
(Tatawag ang guro ng isang mag-aaral na
siyang mangunguna sa panalangin)
(Pangungunahan ng isang mag-
aaral)
3. Pagsasaayos ng silid-aralan
Sa pagkakataong ito,
Upang hindi maligaw sa patutunguhan,
bibigyan ko muna kayo na dapat ninyong
tandaan.
Magkakaroon muna tayo ng tsek at ito ay
tatawagin nating “Alaga Tsek”.

A- yusin ang silya sa dapat nitong linya.


L- aging isa-isip at isa-puso ang bawat aral na
mapupulot
A- ng ngiti ay ibigay sa mga naggagandahan at
naggagwapohang kaklase
G- amitin ang mga kamay sa pagpulot ng mga
basura o kalat na maaaring makasagabal sa
programa
A- t sabay-sabay bumati ng “Magandang Hapon
at Mabuhay!”
4. Pagtatala ng Liban

Upang malaman natin kung sino ang hindi


makakasama sa programa, nais kong kantahin ninyo
ito:

Tingin sa Kanan, Tingin sa Kaliwa


Hanapin Hanapin
Kung sino ang wala.
(Ang ilang mag- aaral ay itataas
ang kanang kamay upang sabihin
kung sino ang liban ngayong
araw)
Itaas ang kanang kamay kung ang katabi ay wala.

A. Aktibiti

A.1 Balik aral sa nakaraang aralin at/o


pagsisimula ng bagong aralin

Tayo munang magbalik sa nakaraan, hindi


para masaktan kundi alalahanin ang
natutunan.
1. Ano nga muli ang paksang tinalakay
noong nakaraang araw?
Ang huli pong tinalakay noong
nakaraang araw ay Panunuring
Pampelikula.
2. Ano ang Panunuring Pampelikula?
Ang panunuring pampelikula ay
ang ebwalwasyon ng isang
pelikula.
A.2 Pagganyak

Sino sa inyo rito ang may alagang hayop sa bahay?


(Nagtaasan ng kamay ilang mag-
aaral)
(Tatanungin ng guro ang isa sa mga nagtaas ng
kamay)
Paano mo inaalagaaan ang iyong alagang hayop?

Inaalagaan ko po aking alagang


hayop sa pamamagitan ng
pagpapakain, pagpapaligo at
pagbibigay ng matitirhan kung
saan ligtas siya sa kapahamakan
(Ang ilang mag –aaral ay may iba
pang kasagutan)
Maraming salamat!

Ang inyong mga sinabi ay may kaugnayan sa ating


paksang tatalakayin.

Ngayong araw na ito dadako na tayo sa unang


bahagi ng programa kung saan ay magkakaroon tayo
ng isang laro na kung saan gagayanin nyo kung ano
ang nakalagay sa larawan at tatawagin nating
“Copy Cut”

Sa pagpapangkat ay nakaalinsunod sa kulay ng


“Damit” na ibinigay ko sa inyo kanina.
Tingnan ang inyong mga suot na damit.
(Magsasama-sama na ang mga
mag-aaral sa kani- kanilang
grupo)
Bibigyan ko lamang kayo ng isang (1) minuto upang
gawin ang gawain at kung sino ang may wastong at
tamang kasagutan ay makakatanggap ng premyo.
(Tie Breaker)
Ano ang napansin nyo sa mga larawang ginaya nyo?
Tungkol po sa mga alagang
hayop.
Sa inyong palagay, ano ang kabutihang dulot
ng pag-aalaga ng hayop?
Ang kabutihang dulot po ng pag-
aalaga ng hayop ay
pampatanggal ng pagod sa
maghapon at kaya ka nyang
mahalin pabalik.
(Ang ilang mag-aaral ay may iba
pang kasagutan).
Ang mga kasagutan nyo ay may malaking kaugnayan
sa paksang ating tatalakayin.

A.3 Paglinang ng Talasalitaan

Sa nanalong pangkat ay may pagkakataon umupo sa


maswerteng upuan. Ngunit pumili lamang ng limang
(5) representante.
(Ang limang (5) represent eng
nanalong pangkat ay uupo na sa
maswerteng upuan)
Pansinin ang regalong nasa ibabaw ng inyong mesa.
Buksan at kuhanin ang nasa loob nito.
Napapansin nyo ito ay naglalaman ng isang salita
bawat isa sa inyo. Nais kong basahin nyo ito. Ibigay
ang kahulugan at gamitin sa makabuluhang
pangungusap.
1. Retiro- Pamamahinga; kalagayan na pagiging
retirado
2. Gobyerno- Pamahalaan
3. Trabaho- Hanapbuhay
4. Sumiksik- Pinagpilitan
5. Pasalubong- Alaala o “souvenir” na ibinigay
ng bagong dating na galing sa paglalakbay sa
ibang pook o bansa.
(Babasahin ng mag-aaral ang
nakuha nilang salita , ibibigay ang
kahulugan at gagamitin nila sa
makabuluhang pangungusap.)
B.Analisis
B.1 Pagkilala sa may akda na si Barbara Kimenye

Ngayon ay tutungo na tayo sa ikalawang bahagi ng


programa at ito ay tatawagin nating “Sine Mo to!”

Bago tayo tumungo sa kwento, kilalanin muna natin


ang “awtor” o sumulat ng kwento.

Barbara Kimenye (Disyembre 19, 1929 - Agosto 12,


2012), ay isa sa pinakatanyag at pinakamahusay na
nagbebenta ng mga may-akda ng mga bata sa East
Africa. Ang kanyang mga libro ay nagbebenta ng higit
sa isang milyong mga kopya, hindi lamang sa Kenya,
Uganda at Tanzania, ngunit sa buong Ingles na
nagsasalita ng Africa.

B.2 Pagtatalakay sa akda ukol sa “Ang Alaga”


(Maikling Kwento mula sa East Africa)
ni Barbara Kimenye

Sa pagkakataong ito,makinig na sa aking kwento


bubunot ako dito sa aking mahiwagang “bowl” na
naglalaman ng mga pangalan nyo na gaganap sa
mga tauhan ng aking ikukwento.

ATING UUMPISAHAN NA ANG


KWENTO...
May isang matanda na nagngangalang
Kibuka at ito ay si_(bubunot ang guro)_.
Sya ay magpapakilala gamit ang pagkanta.

“Ako nga pala si Kibuka. Ako’y


isang matandang ayaw magretiro
sa aking trabaho sa gobyerno.
Dahil umabot na ako sa edad ng
pagreretiro , napilitan akong
tumigil sa pagtatrabaho at
Ngunit dumating ang kanyang apo at ito ay si nalulungkoy dahil wala na akong
(Bubunot ang guro). Siya muna ay magsasampol ng ginagawa sa buhay.”
isang sayaw.

Masayang-masaya si kibuka habang nanginginig na


niyakap ang apo.

Ang kanyang apo ay may dalang pasalubong na biik.


Ang biik na tinutukoy ay si (Bubunot ang guro). Siya
muna ay magsasampol ng isang rampa/model.

Babasahin ng apo ang nakalagay sa telebisyon na


kinikilig.

“Isang biik ang pasalubong kop o


sa inyo mula sa “Farm School.
Tuwang-tuwa si kibuka. Ngayon lang siya nakakita Naisip ko nab aka gusto ninyong
ng napakaliit na biik. Masayang nagpaalam si kibuka mag-alaga nito.”
sa apo at habang kumakaway siya rito, sumiksik
naman sa kaniyang dibdib ang biik.

Ang baboy ay magtutunog baboy na himig ng


kantang “Buwan ni Juan Carlos”

Babasahin ni Kibuka ang nakalagay sa


telebisyon na malaboyet ang pananalita. “Oink! Oink! Oink!”

“Itinuturing kitang bilang isang


alaga. Magkasama tayo kahit
saan man ako magpunta kahit sa
Hahawakan ni kibuka ang pisngi ng alagang baboy. pagtulog ko magkasama tayo.”

Mabilis na lumaki ang biik hangga’t hindi na


makayanan ni kibuka na bilhan ito ng pagkain. Nang
malaman ito ng kanyang mga kapitbahay. Ang mga
kapitbahay ay sina (Bubunot ang guro) at sila ay
magsasampol ng isang sayaw na budots.
Inalok ng mga kapitbahay si kibuka na bigyan ang
baboy ng makakain.

Babasahin ng mga kapitbahay ang nakalagay sa


telebisyon ngunit mahiyaing pagalit ang pagsasabi
nila.

Kapitbahay 1: “Ito kibuka, sana ay


makatulong ito.” (Iaabot ang
pagkain at kakainin ito ng baboy)
Kapitbahay 2: “Tuwang-tuwa kasi
kami sa iyong baboy.”
Kapitbahay 3: “Oo nga. Parang
alaga na rin naming ang alaga mo
at dadalawin naming ang alagang
baboy mo.”

Isang araw, namasyal si Kibuka at ang alagang


baboy. Sa di inaasahan ay nasagasaan sila ng isang
motorsiklo. Sa kassawiang palad ay naipit ang leeg
ng baboy sa kung saan ito ay binawian ng buhay.

Iniuwi ng ligtas at buhay si kibuka.

Babasahin ni Kibuka ang nasa telebisyon na


malungkot at umiiyak sa harap ng baboy.

“Hindi kailanman sumagi sa isip


ko kainin ka kaya hahayaan ko na
Nalungkot siya dahil nalaman ang alaga niyang lamang na paghati-hatian ka na
baboy ang inihandang pananghalian. lamang ng ating mga kapitbahay.”

**WAKAS**

Dito nagtatapos ang kwentong “Ang Alaga ni Barbara


Kimenye”

B.2 Pagtalakay sa Akdang Pampanitikan-Maikling


Kwento

Bago tayo tumungo sa ikatlong bahagi ng programa.


May nais sabihin sa atin si “Kuya Kim”.

(Pagpapanood ng Bidyo)
Ang akdang “Ang alaga ay isang maikling kwento
na may isang masining na anyo ng panitikan na
naglalaman ng isang maiksing salaysay tungkol sa
isang mahalagang pangyayari na kinabibilangan ng
isa o ilang tauhan. Nag-iiwan ito ng isang kakintalan
sa isip ng mga mambabasa.

Nauunawaan ba?

B.3Pag-aanalisa sa akdang tinalakay


Opo.
Kung lubos nauunawaan an gating tinalakay ay may
inihanda akong katanungan at ito’y tatawagin nating
“Mr. and Ms Q&A”. May iikot na korona. Sa pagtigil
ng tugtog, kung sino matapatan nito kinakailangan
niyang suotin ang korona at sa pagsagot nya ay
dapat magsisimula sa salitang “I Believe”.

1. Sino-sino ang mga tauhan sa “Ang Alaga”?

Ang mga tauhan po ay sina


2. Ano nais maipabatid ng kwentong iyong narinig at Kibuka,alagang baboy, apo, at
nakita nyo? mga kapitbahay po.
Ang nais maipabatid ng kwentong
aking narinig at nakita na lahat ng
mga bagay o buhay man ay may
katapusan katulad ng nangyari sa
alaga nyang baboy.
3. Paano mo ilalarawan ang isang alaga nang may (Ang ilang mag-aaral ay may iba
pagpapahalaga? pang kasagutan)

Kapag ang isang hayop ay


nakatanggap ng pagmamahal
mula sa kanyang tagapag-alaga,
ito ay sinusuklian din niya sa
pamamagitan ng pagsunod sa mg
autos nito (lalo na kung ito ay
napaamo ito ng mabuti.)
(Ang ilang mag-aaral ay may iba
C. Abstraksyon (indibidwal na gawain) pang kasagutan)

Bilang pasasalamat sa inyo dahil dumalo kayo sa


programa, hatid ng ating sponsor ng “Lydia’s
Lechon”. May pagkakataon kayong makatikim ng
Lechon.

Habang kinakain nyo ang lechon, ano ang inyong (Ang mag-aaral titikim ng lechon)
naramdaman o iiniisip na kunware na alagang baboy
ni kibuka ang inyong tinikman? Ilahad ang natutunan
at pagpapahalaga sa mga alagang hayop.

Bigyan ako ng tatlong (3) ng mga natutunan at


pagpapahalaga na dapat mayroon ang isang tao sa
kanilang alagang hayop.

1. Dapat tayo'y matutong


magpahalaga at
pangalagaan ang ating
mga alagang hayop.
2. Dapat tayong matutong
tumanggap ng mga
pangyayari na hindi natin
inaasahan katulad ng
pagkamatay ng kanyang
alaga.
3. Kahit na nawala ang
alagang hayop, patuloy pa
rin siyang namuhay at
tinanggap ang
pangyayaring ito.

Mahusay!

1. Ang labis na pagmamahal ng pangunahing


tauhan sa kanyang alaga na humantong sa
isang sitwasyon na hindi niya inasahan.
Kagaya ng mga bagay na labis nating minahal
dahil sa mga pakinabang na nakukuha natin
dito ngunit hindi natin namalayang nawala na
ito ng paunti-unti. Isa na dito ang pagkasira ng
ating kalikasan.
2. Ang kanyang puso't isipan ay nagtatalo kung
ano ang dapat niyang gawin. Ang kanyang
labis na pagmamahal sa kanyang alaga ang
nagtulak sa kanya na magdadalawang isip.
Ngunit, sa isang pangyayaring hindi niya
inaasahan, napilitan siyang gawin ang noo'y
hindi niya magawa. Sa kalauna'y natanggap
niya ito at naisip na ang kanyang desisyon ay
nagdala ng mabuti sa kanyang kapwa.
3. Tulad ng kwento sa akda, maihahalintulad
natin ito sa mga nagaganap ngayon sa ating
lipunan kung saan kailangan nating isakripisyo
ang isang bagay para sa kabutihan ng
nakararami.

D. Aplikasyon (Pangkatang Gawain)

Sa pagkakataong ito ay dadako na tayo sa huling


bahagi ng programa na tatawagin nating TNT,
“Tawag ng Talento!”

Papangkatin ko kayo sa Apat(4). Kung anong


pangkat nyo kanina. Yun ulit ang inyong
kapangkat

Pangkat Mega Star


(Pag-arte/drama)
Pangkat I: Gumawa ng isang dula dulaan, bigyang
wakas ang kwentong “Ang Alaga”

Pangkat The Voice


(Pagkanta/Singing)

Pangkat II: Bumuo ng isang awit na nagpapatungkol


sa pagmamahal sa mga alagang hayop.

Pangkat Baltazar
(Pagbigkas)

Pangkat III: Lumikha ng isang tula na


nagpapaliwanag sa isang kasabihan na “Ang hayop
ay parang mga tao rin”

Pangkat Patrol
(Pagbabalita)

Pangkat IV: Gumawa ng pagbabalita tungkol sa mga


pang-aabuso sa mga hayop.

Kayo ay pipili ng isang representate upang kuhanin


ang nakaatang na gawain sa unahan. Bibigyan ko
lang kayo ng limang(5) minuto upang tapusin ang
nakalaang na gawain sa inyo.
At narito ang panukatan sa pagmamarka ng inyong
Presentasyon.

Pamantayan sa Pagmamarka:

Presentasyon 5 Puntos
Nilalaman 8 Puntos
Patisipasyon 2 Puntos

Kabuuan 15 puntos
(Ang mga mag-aaral ay pupunta
sa kani-kanilang pangkat at
Maaari na kayong magsimula. magsisimula na sa kanilang
gawain)
*Paglalahad ng Pangkatang Gawain
*Pagbibigay FeedBack at input ng guro
Batid kong sapat na ang inyong kaalaman ay nais
kong sagutin ang aking inihandang mga katanungan.

IV. Ebalwasyon(Pagtataya)

Panuto: Hanayin ang mga salita batay sa kaugnayan ng mga ito sa isat isa. Sagutan
ang bawat hinihingi ng bawat bilang. Isulat sa patlang ang tamang kasagutan.
(Analohiya)
1. Nelson Mandela:Bayani ng Africa;Ang Alaga:_________.
A. Barbar Kimen
B. Barbara Kimenye
C. Barbara Kiminye
D. Barbaro Kimen
2. 18:Tamang edad para makapagtrabaho;60:__________.
A. Retiro
B. Senior Citizen
C. Pensyon
D. Magpahinga na
3. Lydia’s:________;Manok:Baliwag
A. Aso
B. Pusa
C. Baboy
D. Kambing
4. Apo:Nagbigay ng Baboy;______:Nag-alaga sa Baboy.
A. Kapitbahay
B. Kibuka
C. Veterinarian
D. Gobyerno
5. Kapitbahay:Masayang naghati-hati sa baboy;Kibuka:______________________.
A.Malungkot, dahil na wala syang alagang baboy at wala ng katabi sa pagtulog
sa gabi.
B.Masaya, dahil nagkaroon sya sa maraming pera.
C. Malungkot, kulang ang napuntang bahaging nilutong baboy sa kanya.
D. Masaya, wala ng makulit na sumusunod sa kanya.

Kasagutan:
1.B
2.A
3.C
4.B
5.A

V. Takdang aralin

1. Sagutin ang katanungang ito,Ano ang suliraning nangibabaw sa akda? Iugnay ito sa
pandaigdigang pangyayari sa lipunan. Gawin ito sa isang buong papel. Ihanda ang
sarili sa pagbabahagi sa klase.
Index of Mastery

SEKSYON BLG. NG MAG-AARAL INDEX

Inihanda ni:

_________________________________
Maybelyn de los Reyes
Gurong Nagsasanay

Iniwasto ni:

_______________________________
G. Ariel Ramos
Gurong Tagapatnubay
Ang Alaga
ni Barbara Kimenye
Isinalin sa Filipino ni Prof. Magdalena O. Jocson

Naniniwala si Kibuka na hindi para sa kaniya ang pagreretiro. Isa siyang mapagkakatiwalaang
kawani sa Ggogombola Headquarters. Hanggang isang araw, may pinapunta mula sa
Komisyon ng Serbisyo Publiko sa kanilang tanggapan upang alamin kung sino ang mga
kawaning dapat nang magretiro. Ang sumunod na pangyayari sa likod ng maitim na kulay ng
kaniyang buhok, may pensiyon na siya, may Sertipiko ng Serbisyo, at wala ng trabaho.

                Sa pagkakaretiro niya, nag-aalala pa rin siya kung paano ginagawa sa kasalukuyan
ang dati niyang trabaho. Minsan, ipinatawag siya sa dati niyang tanggapan upang tingnan kung
kailangan ng kaniyang kapalit ang payo at tulong. Hindi siya makapaniwala sa nadatnan niyang
makalat na mga papeles at napatunayan niya ang kawalan ng kaayusan. Sa buong paligid ng
tanggapan, nagkalat din ang iba’t ibang papeles, maging ang mga kompidensiyal na papeles na
hindi dapat makita ng kung sino-sino ay nababasa na ng lahat. Sa ganitong sitwasyon tila
walang pakialam ang kaniyang kapalit. Mas binibigyang-pansin pa nito ang pakikipag-usap sa
telepono habang napaliligiran ng ilang babae.

                Hindi naging maganda ang pagpunta niya sa dating tanggapan. Maging ang dati
niyang mga kasamahan ay hindi na interesado sa sinasabi ni Kibuka.

                Ngayon, gugugulin niya ang kaniyang buhay sa maliit niyang dampa sa tabi ng ilog sa
Kalansanda na maraming muling babalikan ngunit hindi gaano sa kaniyang haharapin.
Nagkataon pa na ang matalik niyang kaibigan na si Yosefu Mukasa ay nasa Buddu Country
para sa pagnenegosyo. Naiisip ni Kibuka na kaawa-awa na siya at mabuting mamatay na
lamang. Paulit-ulit niya itong naiisip habang nag-iinit ng tubig para sa iinuming tsaa. Sa
ganoong sitwasyon, nakarinig siya ng tunog ng paparating na kotse. Sabik niyang tinungo ang
pinto ng bahay upang alamin kung sino ang dumating. Siya ang pinakamatanda sa kaniyang
mga apo, mataas, payat, at kaboses ni Kibuka.

                Masayang-masaya si Kibuka habang nanginginig na niyakap ang apo.

                “Napakagandang sorpresa! Tuloy ka mahal kong apo, tamang-tama naghanda ako ng
maiinom na tsaa.”

                “Lolo, sandali lang po ako. Hindi po ako magtatagal. Tiningnan ko lamang po ang
katayuan ninyo at dinalhan ko po kayo ng pasalubong.”

“Napakabuti mo, aking apo. Ang biglang pagbisita mo at may pasalubong pa ay lubha
kong ikinatuwa.” Dahil dito, nabaligtad na lahat ang hindi niya magagandang naiisip tungkol sa
buhay, puno na siya ng kapanabikan.

                “Isang biik ang pasalubong ko po sa inyo mula sa Farm School. Hindi na siya
mapakain doon at naisip ko na baka gusto ninyong mag-alaga nito.”

                Kinuha ng apo ni Kibuka ang itim na biik.

                Tuwang-tuwa si Kibuka. Ngayon lang siya nakakita ng napakaliit na biik. Sampung
minuto ang ginugol niya para tingnan ang kabuuan ng biik: ang mapupungay na mata, mga
kuko sa paa, at pagwagwag ng buntot. Masayang nagpaalam si Kibuka sa apo at habang
kumakaway siya rito, sumisiksik naman sa kaniyang dibdib ang biik.
                Sinabi niya sa apo na dadalhin niya sa Markansas ang biik at kakausapin si Miriami
na ihanda ang biik bilang espesyal na pagkain sa hapunan para sa pag-uwi ni Yosefu.

                Nagdalawang-isip si Kibuka para sa planong gagawin sa biik sapagkat sunod nang
sunod ang biik at bawat pag-upo niya laging nasa paanan niya ito. Hindi ito umaalis sa tabi niya.
Parang taong nakikinig sa bawat sasabihin ni Kibuka.

                Pagdating ng gabi, biglang maiisip ni Kibuka na pakainin ang biik ng tirang pagkain sa
sarili niyang pinggan, bukod pa sa talagang kinakain niyon. Pagkalipas ng ilang araw, lumalaki
na ang biik, malakas nang kumain at kailangang manguha ng matoke si Kibuka sa mga
kaibigan at kapitbahay.

                Nalaman na sa buong Kabzanda na may alagang baboy si Kibuka. Mula noon, hindi
na nagbabahay-bahay si Kibuka upang manguha ng matoke para sa alaga niyang baboy
sapagkat ang mga babae at bata na nag-iigib ng tubig na malapit sa bahay ni Kibuka ang
nagdadala na ng mga matoke. Nagiging dahilan iyon upang makita at makipaglaro sila sa
alagang baboy ni Kibuka. Para na nilang kamag-anak ito na sinusundan at inaalam ang paglaki
nito.

                Ito lamang ang baboy na napakalinis dahil naaalagaan ito nang maayos. Dahil dito,
pinapayagan ni Kibuka na matulog ito sa kaniyang paanan bagaman ingat na ingat siya na
malaman ito ng kaniyang mga kapitbahay. Naging mabilis ang paglaki ng alagang baboy.
Lumaki ito sa maayos na kapaligiran at higit sa lahat, napamahal na iyon kay Kibuka.

                Sa paglipas ng mga linggo, habang lumalaki ang alagang baboy, maraming problema
ang dumarating. Halimbawa, kailangan na nang mas maraming pagkain at hindi naman ganoon
karami ang makukuha sa mga kapitbahay kaya kapag wala nang makain ang baboy, pupunta
ito sa shamba ng mga kapitbahay at kakainin ang tanim na mga gulay at kape. Maging si
Kibuka ay naninimot sa sarili niyang mga pagkain maibigay lamang sa alagang baboy.

  Hindi na rin gusto ni Kibuka na natutulog sa kaniyang paanan ang alagang baboy gaya noong
biik pa lamang ito. Ngayon, napakalakas niyong maghilik na nakapagpapapuyat kay Kibuka.
Isang mabigat na desisyon na hindi na magtatagal ay ilalabas na niya ang alagang baboy at
itatali na lamang sa puno.Kung sino kaya ang magdurusa, si Kibuka o kaniyang alagang baboy
ay mahirap na sagutin. Walang malayang alagang baboy at si Kibuka lamang ang
makapagsasabi.

                Sa araw, malayang nakagagala pa ang baboy, bagaman laging nahuhulog sa ilog.

                Hindi tiyak ang lalim ng ilog sa Kalansanda. Karaniwang naliligo o nagtatampisaw ang
mga taga-Kalansanda sa nasabing ilog. Minsan, kapag umuulan, malakas ang agos ng tubig na
maaaring madala nito ang isang bata. Ibig na ibig ng alagang baboy na magtampisaw rito.
Naglalaro sa imahinasyon ni Kibuka na baka paglaruan ang alagang baboy ng mga batang
naglalaro na maaaring hulihin at dalhin sa gitna ng ilog at lunurin ang baboy.

                Para hindi ito mangyari, tuwing magdidilim na, pinapasyal niya ang alagang baboy na
kinasanayan nang makita ng mga taga-Kalansanda at tanging hindi  mga tagaroon ang tila
nagugulat sa ginagawa niyang pagpasyal sa alagang baboy habang may tali ito. Naging
magandang ehersisyo ito ni Kibuka dahil sa pananakit ng kaniyang mga kalyo na sa bawat
hakbang niya upang masiyahan ang alagang baboy ay katumbas naman ng labis na sakit ang
dulot sa kaniya na halos ikaiyak niya. Sinabi niya kay Daudi Kulubya na nagmamalasakit sa
papilay-pilay niyang lakad na nasisiyahan naman siya sa ginagawa niya sa alagang baboy.
Masaya siyang uuwi at ibababad ang mga paa sa isang palanggana ng mainit na tubig ng isang
oras. Hindi na niya iisipin ang pananakit ng kaniyang mga kalyo.
                Gaano pa katagal ang ganitong sitwasyon? May mga pagkakataon na kinakausap ni
Kibuka ang ilang kilala niyang bumibili ng alaga niyang baboy. Ngunit ang pagmamahal sa
alagang baboy ang namamayani kay Kibuka kaya hindi niya ito maipagbibili dahil para na rin
itong pagtataksil sa alaga.

                Isang araw, habang papunta si Kibuka sa Sagradong Puno at habang naghahalukay
sa kumpol ng mga sanga ang alagang baboy, isang di inaasahang pangyayari ang naganap. Si
Kibuka, ang alagang baboy, at ang drayber ng isang motorsiklo ay tumilapon sa iba’t ibang
direksiyon. Nasagasaan sina Kibuka at alagang baboy ng isang motorsiklo. Nang magkamalay
na siya, natuwa siya sapagkat buo pa rin ang kaniyang katawan maliban sa isang balikat na
sumasakit at dugo sa mga kamay niya. Nakilala niya ang drayber na si Nathaniel Kiggundu na
tila hindi naman gaanong nasaktan. Inalis niya ang mga damong nakatabon sa kaniyang mukha
at makikita ang mahabang punit ng pantalon sa tapat ng isa sa kaniyang tuhod.

                Mula sa kung saan, narinig nila ang napakalakas na iyak ng alagang baboy ni Kibuka
at doon nagpunta ang dalawang lalaki. Pagdating nila, ay umiiyak ang baboy dahil sa
pagkakaipit ng leeg nito at namatay na. Totoong nakasama kay Kibuka ang aksidente na nag-
iwan sa kaniya ng kondisyong walang katiyakan. Habang nakaupo siya sa tabi ng namatay na
alagang hayop, iniisip niya ang kasunod na mga pangyayari. Marami nang taong nag-uusyoso,
titingnan si Kibuka at namatay na alagang hayop at pagkatapos ang motorsiklo naman ang
kanilang titingnan. Dumating si Musisi, ang
Hepe ng Ggogombola. Kinuha ang pahayag ni Kiggundu at pagkatapos nilapitan si Kibuka at
pinipilit na isakay sa kaniyang sasakyan upang iuwi sa bahay niya.

                “Sir, mukhang hindi pa maganda ang lagay ninyo, bukas na lang kayo kukunan ng
pahayag. Magpahinga muna kayo.” “Pero hindi ko maaaring iwanan ang namatay kong alagang
baboy.”

                “Maaari po nating ilagay sa likod ng aking sasakyan kung ibig po ninyo. Mas mabuti
sana kung puputol-putulin na ito ng matadero dahil hindi na ito maaaring magtagal sa klase ng
klima ngayon.”

                Kailanman ay hindi pumasok sa isipan ni Kibuka na kainin ang alagang hayop. Iniisip
niya kung saang bahagi ng  shamba ililibing ang alagang hayop. Sinabi niya  na ang pagkain ng
isang napamahal na alaga ay isang barbarong gawain. Naiisip niya na naghuhukay na siya ng
paglilibingan ng alaga. Natitiyak niyang hindi siya tutulungan ng mga taga-kalsada na gawin ito.
Sa bandang huli, naisip niya na bakit hindi magkaroon ng bahagi ang kaniyang mga kapitbahay
sa namatay niyang alaga. Sila naman ang nagpakain sa nasabing alaga.

                Dinala sa Ggogombola Headquarters ang nasabing alaga ni Kibuka at ipahahati-hati


ito sa askaris na naroon. Sinuman ang may gustong kumain ng baboy ay pumunta roon bago
mag-ikapito ng gabi, ayon kay Musisi na siya nang nag-asikaso sa namatay na baboy.

                Sa pagbalik ni Kibuka sa kaniyang tahanan, ginamot niya ang kaniyang balikat ng
gamot na karaniwang ginagamit niya sa anumang sakit na nararanasan niya. Umupo sandali
habang umiinom ng tsaa. Maaga siyang natulog at nagising sa magandang sikat ng araw.
Nasabi niya sa kaniyang sarili na ito ang pinakamaganda niyang pagtulog at nasiyahan siya
pagkatapos ng maraming buwan na nagdaan. Dumating si Musisi habang papaalis na si Kibuka
upang tingnan kung ang pata ng alaga niyang baboy ay nadala kay Yosefu at Miriamu.

                “Hindi pa, Sir, ngayon ko pa lamang dadalhin doon, ibig ba ninyong sumabay na sa
akin pagpunta roon?”

                Pumayag si Kibuka na makisabay. Tinanggihan naman niya ang laman ng baboy na
dinala sa kaniya ni Musisi.

                “Sa iyo na iyon, anak, hindi ako mahilig kumain ng baboy.”  Kinuha ni Miriamu ang
pata ng baboy at ang interes naman ni Yosefu ay ang mga detalye ng aksidenteng naranasan
ni Kibuka. Pinilit ni Yosefu at Miriamu na mananghalian sa kanila ang dalawa. Ngunit
kailangang dumalo sa isang pulong ni Musisi sa Mmengo, kaya si Kibuka na lamang ang
iniwan. Maraming napag-usapan sina Kibuka at Yosefu. Matagal silang hindi nagkita kaya
magiging masarap ang pagkain nila ng pananghalian.

                “Talagang napakahusay mong magluto, Miriamu,” wika ni Kibuka habang naglalagay
ng maraming pagkain sa kaniyang pinggan.”

                “Napakalambot ng karne ng baboy na iyon na parang isang manok at napakasarap


pa,” pahayag naman ni Miriamu.
                May ilang sandali na nalulungkot siya sapagkat alam niya na karne ito ng mahal
niyang alaga at masaya niyang kinakain ito. Ngunit sandali lamang ito at patuloy pa rin niyang
nilalagyan ng karne ang kaniyang pinggan. Natatawa siya sa sarili at alam niya na hindi na siya
maglalakad tuwing hapon at sa halip makakatulog na siya nang maayos.

You might also like