Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III-central Luzon
Schools Division of Bulacan
Pandi South District
STO NINO ELEMENTARY SCHOOL
STO NINO, Pandi, Bulacan

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 3


Project ARAW: REHIYON III at mga produkto nito

I. Layunin:
A. Naisasalaysay ang mga likas na yaman ng Rehiyon III
B. Naiisa-isa ang produktong nagpapakilala sa bawat lalawigan
C. Naibabahagi ang kahalagahan ng mga likas na yaman sa mga produktong meron
ang bawat lalawigan

II. Nilalaman:

A. Paksa: REHIYON III at mga produkto nito


B. Mga Kagamitan: Brochure ng Rehiyon III, Manila paper, Tarpapel, powerpoint
presentation, video presentation
C. Sanggunian
http://masayasazambales.blogspot.com/2014/03/
https://brainly.ph/question/866385
https://www.slideshare.net/mstweety/rehiyon-iii-gitnang-luzon
https://www.slideshare.net/mstweety/rehiyon-iii-gitnang-luzon
D. Values Integration:
Pagpapahalaga sa mga likas na yaman.

III. Pamamaraan ng Pagkatuto:


A. Pagganyak:
Laro: “4 pics 1 word Logo”
Hatiin ang mag-aaral sa tatlong pangkat. Bigyan ang bawat pangkat ng
puzzle na may ibat ibang larawan na kelangan nilang huluan ang mga salitang
mabubuo. Sa hudyat ng guro, mag uunahan ang bawat grupo sa paghula ng mga
salita. Ang grupo na unang makakahula ng salita ay tatanghaling panalo.

B. Paghahabi ng Layunin ng Aralin:


1. Bigyan ng iba’t ibang kulay na ginupit na papel ang mga mag-aaral na
magsisilbing metacard. Ipasulat sa kanila ang mga impormasyon na
kanilang nalalaman tungkol sa “Produkto at likas na yaman ng Rehiyon
III”.

2. Itanong: “Ano produkto ang nagpapakilala sa ating lalawigan?”

C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin:

1. Panoorin ang bahagi ng dokumentaryo ukol sa impormasyon tungkol ka


produkto ng Rehiyon III
https://www.youtube.com/watch?v=lkAgDSgxeDU&t=174s

2. Matapos mapanood ang video, itanong sa mga mag-aaral kung ano ang
mga produkto ang kanilang nakita

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan :


1. Talakayin ang iba produktong pinagkukunan ng hanap-buhay. Sa Rehiyon
III gamit ang powerpoint presentation at brochure na ipamamahagi sa mga
mag-aaral.

2. Sagutin ang mga sumusunod:

a. Bakit imporante ang ating mga likas na yaman at anong koneksyon nito
sa ating mga produkto?
b. Ano-ano ang mga produkto ipinagmamalaki ng bawat lalawigan?

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan

Gawain1.
Indibidwal na Gawain:
Sa tulong ng Graphic Organizer, Sa tulong ng Graphic Organizer, magtala ng
mahahalagang produktong ipinagmamalaki ng bawat lalawigan. Maaaring ilagay ang
mga sumusunod na impormasyon upang mabuo ang graphic organizer.
 Produkto
 Lalawigan

REHIYON III

F. Paglinang sa Kabihasaan:

Pangkatang Gawain
Hatiin ang klase sa tatlong (3) pangkat at ipagawa ang mga sumusunod na
gawain:
Pangkat 1 – Role Playing (Paano maiingatan ang likas na yaman upang
magkaroon ng ibat ibang produkto)

Pangkat 2 – Paggawa ng Tula (Paano maipagmamamalaki ang produktong meron


sa isang lalawigan)
Pangkat 3- Jingle o Awit (Paano maipagmamamalaki ang produktong meron sa
isang lalawigan)

G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay

1. Bakit importante ang likas na yaman sa bawat produkto at kalakal sa isang


lugar o lalawigan?

2. Bilang isang mag-aaral, paano mo mapaipagmamalaki ang natatanging


produkto ng iyong lalawigan?

H. Paglalahat ng Aralin

 Ano-ano ang produkto ng bawat lalawigan sa Rehiyon III

I. Pagtataya ng Aralin:

Itambal ang mga inilalarawan sa Hanay A sa wastong sagot sa Hanay B.


Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

A B
_____1. Dito matatagpuan ang matatamis at ibat a. Tarlac
ibang uri ng manga.
_____2. Dito nagdiriwang ng Suman Festival. b. Pampanga
_____3. Sikat ang lalawigang ito sa kanilang c. Bataan
masarap na longganisa
_____4. Ang mga pangunahing produkto ay ang d. Aurora
mga marmol at pinakinis na apog, at mga alahas
_____5. Ang lalawigan ito ay mayroon masasarap e. Bulacan
na pasalubong at mga produktong pagkain na sikat
at tinatangkilik ng maraming turista tulad ng
kropek, ube halaya, bignay wine at iba pa.
_____6. Dito matatagpuan ang mga Mekeni f. Zambales
Corporationa gumagawa ng tocino, tapa at
longganisa.
g. Nueva Ecija

B. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano-ano ang mga produkto ng bawat lalawigan sa Rehiyon III?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2. Bakit tinaguriang “Rice Bowl of the Philippines” ang GItnang Luzon?


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

IV. Takdang Aralin

Gumawang poster tungkol sa pagkakaugnay ng kalakal o produkto sa isang


lalawigan.

Inihanda ni:

Genesis Catalonia
Teacher I, Sto. Niño Elementary School
Pandi South District

You might also like