Maikling Kwento

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Duyan

“Hoy bata! Alis ka diyan”, pagsusungit ng batang lalaki.

“Ayaw, ako na una dito”, mahinang sagot ng batang babae.

Sa sobrang inis ng batang lalaki dahil ayaw talagang umalis nito sa duyan ay natulak niya
ito.Sumakit naman ang tenga nito dahil sa ingay ng pag-iyak ng batang babae.

“Oh iyakin eto panyo, tahan na ”, panunuyo ng batang lalaki. “Hindi ko naman sinasadya, ikaw
kasi ginalit mo ko”, dagdag pa nito. Nagka-ayos and dalawang bata at masayang naglalaro nang
may nakita silang itim na paru-paru. Maya-maya pa ay tinawag na ang batang lalaki ng kanyang
ina. Nagpaalam na ito sa kalaro at tuluyang umalis. Parang suntok sa buwan kung sila ay muling
magkita dahil kahit pangalan ng isa't isa ay hindi nila alam. “Siguro nga ay mga tao talagang
dadaan sa ating buhay ngunit hindi rin naman magtatagal”, iyan na lamang ang itinatak ng bata
sa kanyang isipan.

Dumaan ang araw, buwan, at taon, ang batang babae ay tila isang bukol ng bulaklak na
namumukadkad na, si Chloe Reyes. Napakaganda nito ngunit ang ugali ay hindi malamangan
dahil sa taglay nitong kasungitan. Wala siyang pakialam sa mga taong nasa paligid niya. Walang
masyadong kumakausap sa kanya maliban kina Stacey at Erika, ang dalawang matalik niyang
kaibigan.

“besh, sama ka ba mamaya”, tanong ni Stacey.

“San?” malamig nitong sagot.

“May party daw mamaya sa bahay ng isang kaklase natin, 7 pm daw”, dugtong ni Erika.

“Sige, hinatayin ko nalang kayo sa bahay”, ani ni Chloe.

Ang bahay ng dalaga ay gawa sa marmol at may dalawang palapag ito. Nag-iisang anak na
lamang siya kaya hindi nakapagtataka kung lahat ng gusto niya ay kanyang nakukuha. May
tiwala din naman ang kanyang mga magulang sa kanya dahil hindi din niya pinapabayaan amg
kanyang pag-aaral. Kung tutuusin nga kahit late pumasok sa klase ay kabilang pa rin siya sa mga
estudyanteng nangunguna sa loob ng kanilang silid kung akademya ang pag-uusapan.
Matiwasay man ang kanyang pamumuhay ay hindi ito naging dahilan upang magpabaya sa pag-
aaral at iasa lamang ang kinabukasan sa mga magulang. Gayunpaman ay may pangarap din ito,
iyon ang maging isang sikat na modelo ng mga damit na siya mismo ang gumawa.

“Chloe, may nagpapabigay”, takot na wika ng isang lalaki. Umagang-umaga may nagbigay ulit sa
kanya nang bulaklak at sulat. Halos araw-araw ay ganito na ang pangyayari, maraming
nagkakandarapang lalaki sa kanya ngunit hindi rin naman naglalakas loob na magpakita ang mga
ito. Takot ang mga ito na matulad sa ibang lalaking naglakas loob na lumapit dito. Napakapihikan
din kasi ni Chloe kaya wala pa siyang napipiling sagutin sa mga nanliligaw sa kanya. Dagdag pa
rito ay hindi pa kasi siya handang buksan muli ang puso niyang sugatan.

Minsan na kasi siyang nagmahal noon, sa murang edad ay nagkaroon siya ng kasintahan. Hindi
man ito ang unang nagpatibok ng kangyang puso ngunit minahal din niya ito ng tapat at lubusan.
Sobrang lapit nila sa isa't isa at suportado pa sila ng kani-kanilang pamilya. Ngunit isang araw
habang sila ay nasa biyahe patungo sa kanilang babakasyunan ay may nakitang itim na pusa sa
daan si Chloe at sabay nito nangyari ang isang malaking trahedya. Trahedyang sarili niya ang
kanyang sinisi kung bakit nangyari iyon at halos gumuho ang kanyang mundo. Bukod pa roon,
simulang nangyari iyon ay nag-iba na ang ugali ni Chloe. Malimit na lamang itong ngumiti at
naging masungit na ito, lalong lalo na sa mga nanliligaw sa kanya. Ibang iba na ito sa dating
Chloe na nakilala nang karamihan.

Kalagitnaan na ng buwan ng pasukan, halos hindi na niya namalayan ang takbo nang panahon.
Papunta na ulit siya sa kanilang paaralan. Pagdating palang niya sa gate ay maraming bulungan
na ang kanyang narinig.

“Pogi naman niya, bago ba siya?” ani ng isang babae.

“Ang hot, lalo na kapag nagsusungit”, tili naman ng isa.

May nakita din siyang nagkukumpulang mga estudyante sa Dean's Office ngunit hindi na lamang
niya pinansin ang mga ito. Nagmamadali siyang lumakad patungo sa kanyang silid ng may
biglang bumangga sa kanya, sa kasamaang palad ay napa-upo ito.

“Ano ba yan, tatanga-tanga kasi”, bulong ng lalaki. Pag-angat ni Chloe ng kanyang mukha ay
matigilan ito sa kanyang nakita dahil parang pamilyar sa kanya ang mukha nang lalaking nasa
harapan nito. Subalit ang inisip na lamang nito ay baka nagkakamali lang siya.

“Hoy! Ikaw nga itong bumangga sakin”, galit na sagot ni Chloe. Hindi naman agad nakasagot ang
lalaki. “Bahala ka na nga diyan, nagsasayang lang ako nang laway ko dito”, dagdag pa nito.
Tumayo na si Chloe at hindi namalayang nahulog ang kanyang panyo at nakita ito ng binata.

Inis na pumasok sa silid nila si Chloe. Napansin ito ng kanyang mga kaibigan kaya agad silang
lumapit dito at tinanong. Sinalaysay naman ng dalaga ang nangyari at nagjatinginan ang
dalawang kaibigan nito. Ang buong akala ni Chloe ay ipagtatanggol siya ng mga ito ngunit sa
halip ay nagulat siya nang pinagtawanan siya ng mga ito at pinagsabihan pa siyang, nahanap na
niya daw ang kanyang katapat.

Sumandal nalang si Chloe sa kanyang upuan at ipinikit nito ang kanyang mga mata. Nakalipas
ang ilang minuto ay narinig niyang pinaalis ang katabi niya nang isang pamilyar na boses. Hindi
niya lamang ito pinansin sa kadahilanang naiinis pa rin ito sa lalaking bumangga sa kanya. Ngunit
biglang napamulat siya nang kinurot ang magkabilang pisngi niya. Parang sasabog na bulkan si
Chloe ng makita niya kung sino ang may gawa nito.

“Ay gising pala”, bulong ng binata.

“Hoy lalaki, kung wala kang magawa, pwes huwag kang manggulo”, bulyaw ni Chloe.

“Hoy din babae, may pangalan ako”, sabat naman nito.

“Paki ko?” pagtataray ni Chloe.

Napahinto naman ang dalawa sa pagbabangayan ng biglang dumating ang kanilang guro.
Tinawag ng Ginang ang kanyang katabi upang magpakilala.
“Third Monteverde, nice meeting you all”, maikling wika nito. Muling bumalik ito sa kinauupuan
niya at habang nagsasalita ang kanilang guro ay parang aso't pusa ang dalawa. Sa kabilang dako
naman tanaw ng kanyang mga kaibigan, natutuwa ang mga ito dahil ngayon lang nila nakitang
inis na inis si Chloe sa bago nilang kaklase. Karagdagan pa dun ay nasa isip ng dalawa na baka si
Third na ang magsisilbing liwanag sa madilim na buhay ng kanilang kaibigan.

Mabilis dumaan ang mga araw, dalawang buwan nalang at matatapos na ang pasukan. Malaking
pasalamat din ni Chloe dahil malimit na kung kulitin ito ni Third. Ngunit meron ding parte ng
kanyang sarili na namimiss niya ang pangungulit ng binata.

“Chloe, pinapabigay”, ani ng kanyang kaklase. Pag-alis ng kanyang kaklase ay may bigla namang
tumugtog na isang musika at nakita niya ang taong kinaiinisan niya na kumakanta patungo sa
kanya. Hindi naman na malayan ng dalaga na singpula na nang kamatis ang kanyang mukha.

“Anong trip mo naman ngayon at naisipan mo pang magbigay ng pulang rosas at may pakanta-
kanta kapang nalalaman ha? ” naguguluhang tanong ng dalaga.

“Bakit masama ba?” tanong ng binata.

“Hay, akala ko ba sumuko ka na sakin?” ani ni Chloe.

“Hinding-hindi mangyayari iyon, lalo na ngayon na……”Hindi na narinig ni Chloe ang huling sinabi
ni Third at bago pa umalis si Chloe ay may inabot muli si Third.

“Paano yan napunta sayo? Alam mo bang nahirapan ako sa kahahanap niyan!” bulyaw ni Chloe.
Napakaimportante kasi ng panyong iyon sa dalaga dahil iyon na lamang ang taging alaala niya sa
taong unang nagpatibok ng kanyang puso.

“Napulot ko ito nang mabangga kita”, ani ng binata. “TM? Alam mo ba kung anong ibig sabihin
ng dalawang letrang nakaburda sa panyo?” dugtong pa nito.

“Wala ka na dun! Akin na”, pagsusungit ni Chloe.

“Mahalaga pala sayo yan, akala ko naiwala mo na”, sabi ni Third. Naguluhan ang dalaga kaya
tinanong muli ito ni Third, “naalala mo pa ba ang batang tumulak sayo sa duyan?” Halos hindi
maintindihan ni Chloe ang kanyang naramdaman ng binanggit ng binata ang mga katagang iyon.
Ang agad na pumasok sa kanyang isipan ay baka ang matagal na niyang hinahanap at
inaabangang bumalik ay ang taong nasa harapan na niya.

“Ikaw yun?” nanginginig na tanong ni Chloe.

“Ah… ano kasi, halika upo muna tayo”, pagyayaya ng binata.

Pinaliwanag ng binata ang nangyari. Hindi inakala ni Chloe na yun na pala ang una at huling
pagkikita nila ng unang nagpatibok ng kanyang puso., si Tristan Monteverde dahil sa kasamaang
palad ay maaga din itong binawian ng buhay. Bago pa man tuluyang mawala ito ay
ipinagkatiwala na niya ang batang babae na iyakin sa kanyang kambal, si Third Monteverde.
Kaya naman simula nang namayapa ang kambal nito ay sinimulan na niya ang paghahanap sa
batang babae na bumihag sa puso ng kanyang kambal. Tanging panyo lang na may nakaburdang
“TM” ang makakapagpatunay na ito na ang kanyang hinahanap. Halos sumuko na ito sa
kakahanap dahil alam niyang napaka-imposibleng matagpuan pa niya ito. Ngunit sadyang
mapaglaro ang tadhana dahil sa paglipat niya nang paaralan ay hindi niya inaasahang dito pala
sila magtatagpo nang kanyang hinahanap. Sa pagsasalaysay ni Third, hindi na namalayan ni
Chloe na tumulo na ang kanyang mga luha. Iniisip niya kung bakit nangyayari ito sa kanya, kung
karma na ba lahat ng ito. Lahat nalang ng minahal niya ay nawala sa kanya.

Sobrang sakit ang naramdaman ni Chloe. Ngunit ika nga nila pagkatapos ng ulan ay may
bahagharing lalabas. Katulad ng naranasan ni Chloe, sa kabila ng pagkawala nang dalawang
taong importante sa kanya ay may isang tao namang dumating. Taong naging instrumento
upang mapunan ang malaking espasyo sa kanyang puso. Ang siyang nagiging dahilan na ng
kanyang mga matatamis na ngiti sa labi at ang nakapagpabalik ng dating Chloe na may
malambot na puso. Hindi lang napansin ni Chloe ngunit nahulog na pala ang kanyang loob sa
kambal ng taong unang nagparamdam sa kanya ng mga paru-paru sa kanyang tiyan. Hindi niya
inakala na sa isang Third Monteverde hihilom ang sugat ng kanyang nakaraan at siyang muling
nagpapatibok ng kanyang puso.

“Kung hindi dahil sa duyan, hindi tayo nakakilala”, sabay nilang sabi.

Natutong bumangon si Chloe sa masalimuot niyang nakaraan. Tumatak sa kanyang isipan na, “sa
buhay hindi ibig sabihin na kapag mahal o gusto mo ang isang tao ay siya na talaga ang
makakasama mo habambuhay. Minsan, nagiging daan lamang sila para makilala talaga natin ang
taong para sa atin. Hindi natin kailangang mamuhay sa madilim at malungkot na mundo
sapagkat hindi lang sa iisang tao umiikot ang ating mundo.”

You might also like