Professional Documents
Culture Documents
Kabanata I
Kabanata I
I. INTRODUKSIYON
Ang mga pagkaing kalye o street food ay mga pagkaing nakikita sa kalye.
Kilalang-kilala ang mga ito sa Pilipinas. Halimbawa ng mga sikat na pagkaing kalye dito
sa Pilipinas ay inihaw o pritong isaw at betamax, fish balls, squid balls, chicken balls,
barbecue, kwek-kwek o tokneneng, kikiam, camote cue o banana cue, siomai,
empanada, taho, pati na rin ang pampatulak na palamig, buko juice, at marami pang
iba. Ang karamihan sa mga ito masarap iterno sa suka, toyo, at kung ano-ano pang
mga kondimentong tatak Pinoy. Halos lahat ng mga Pilipino ay tinatangkilik ang mga
pagkaing kalye, lalong-lalo na ang mga kabataan dahil madalas itong makita sa labas
ng mga paaralan. Laganap ito sa iba't-ibang lugar sa Pilipinas. Hindi lamang ito
maituturing na "uso", dahil ito rin ay nagsasagisag at sumisimbolo sa ating kultura.
Ang iba’t ibang food stalls ay nagsikalat na sa mga paaralan, lalo na sa mga
pampublikong paraalan kung saan maraming estudiyante ang mahilig at patuloy na
nahuhumaling sa mga pagkaing ito kaya’t patuloy itong tinatangkilik mula sa lumang
panahon hanggang sa kasalukuyan. Ika nga ng karamihan, “Lahat ng mga bilihin ay
nagmamahal, buti pa ang street food, hindi.” Ang sikat na linyang ito ay isa pa sa mga
kadahilanan kung bakit hanggang ngayon ay hindi nalalaos ang mga pagkaing kalye na
talaga nga namang pasok sa badjet ng karamihan at hindi maipagkakailang masarap
ang mga ito kaya’t patok na patok sa panlasa ng mga Pilipino, pati na rin ang mga
banyagang bumibisita dito sa ating bansa.
Ang mga kababayan nating mga tindero’t tindera ng mga pagkaing kalye ay hindi
lamang pagod at kahirapan ang hinaharap sa pang-araw-araw na pagkakayod. Puno
ang listahan ng mga kadahilanan kung bakit mahirap kumita ng pera mula sa
paghahanap-buhay tulad ng pagbebenta ng mga pagkaing kalye. Ang ekonomiya ng
Pilipinas o ng kahit anong bansa ang pinaka-nakakaapekto sa mga negosyo o
paghahanap-buhay ng mga mamamayan dahil nakadepende ang mga presyo ng mga
bilihin at mga proseso ng produksiyon at distribusyon sa lebel at progreso ng
ekonomiya ng bansa.
2. LAYUNIN NG MAG-AARAL
ng pagkaing kalye?
Ano ang dahilan bakit nalulugi ang mga tindero't tindera sa pagbebenta ng
pagkaing kalye?
3. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
kabataan kung ano ang iba't ibang suliraning kinakaharap ng mga sector na
isyung ito.
mga tindero't tindera sa Brgy. Don Antonio Village, Rosales, Pangasinan. Sa taong
2018.
Kumakatawan dito ang labinlimang (15) piling mga tindero't tindera sa Brgy. Don
suliraning ito. Ang pananaliksik na ito ay isasagawa sa Brgy. Don Antonio Village,
Rosales, Pangasinan.
SEKTOR – ahensiya;
PAGKAING KALYE – mga pagkaing itinitinda sa mga kalye o gilid ng kalsada; pagkain
o inumin
RESPONDENTE - katugon;
Kabanata II
Ayon kay Taryn W. Morrisse, isa sa author ng artikulong “Local food prices:
Effects on child eating patterns, food insecurity, and overweight” (2012), na ang pagkain
sa fast food ay nakaka bigay ng enerhiya para sa mga mag-aaral. Pero ito ay may
masamang epekto sa pangangatawan ng mag-aaral isang dahilan nito ay sa mga mga
chemical na ginagamit ng fast food para ma preserba nila ang pagkain. At ayon naman
kay Alison Jacknowitz, isa ring sa author ng articulong “Local food prices: Effects on
child eating patterns, food insecurity, and overweight” (2012), na ang mga pagkain sa
fast foods ay hindi dapat palage ang pagkain kasi maraming paring mga lingid na mga
epekto sa mga tao. Kagaya sa french fries sa McDonalds na marami teoryang tungkol
sa masasamang sakit na makuha ng isang tao, kagaya ng canser.
Ayon kay Peter Fellow at Martin Hilmi sa aklat na “Selling Street and Snack
Foods” (2012), na hindi lahat ng street foods ay nakakasira sa katawan ng mga tao, ito
ay nag dedepende sa; unang-una kung anung klaseng pagkain, ang lokasyon kung
saan nag luluto, at kung paano niluto. Kung hindi maayos itong tatlong kailangan may
malaking porsiyento na nag dala ito ng sakit, kagaya ng diarrhea, hepatitis, typhoid
fever, etc.
Ayon sa Pananaliksin nina John E. Ehiri, Marcel C. Azubuike, Collins N.
Ubbaonu, Ebere C. Anyanwu, Kasimir M. Ibe, at Michael O. Ogbonna “Critical Control
Points of Complementary Food” (2001), Tuwing nagluluto , ang lahat ng mga pagkain
ay natatamo ang tamang temperatura na may kakayahang patayin ang mga bakterya
sa pagkain. Gayunpaman, ang panganib ng kontaminasyon ay nadagdagan tuwing
iniimbak ang mga pagkain sa maling temperatura. Ganun din sa pagpapainit nito sa
maling paraan at pagdaragdag ng mga sangkap na kontaminado na. Bagaman, hindi
ligtas ang kapaligiran kung saan maraming mga panganib sa pagkain ng mga
estyudante,tulad ng kalinisan at kalidad ng hinandang pagkain. Maaaring maging
panatag ang mga magulang kung ang pangunahing prinsipyo ng mga bendor ay
kaligtasan ng pagkain at ang kalinisan nito.
Ayon sa Urban Food and Employment in Developing Countries (1997) ang mga
nagtitinda ay kadalasang hindi nakapagtapos ng pag-aaral at hindi nasanay sa
paghahanda ng pagkain. Madalas nagtratrabaho din sila na hindi man lang iniisip ang
kalinisan at kaligtasan ng mga mamimili. Kaya, ayon sa mga pananaliksik, nagpapakita
ang karamihan ng mga tinitindang pagkain ng mga bakterya at bayrus. Na siyang
nagiging dahilan ng pagkakasakit ng mga kumakain nito, at sa kasamaan palad marami
na ring namatay rito. Dahil paminsan hindi nila tinitingan ang kanilang sanitasyon sa
kanilang kapaligiran kung ito ba ay marumi, alikabok, maraming ipis or daga, at iba pa.
Isa rin ang kanilang ugali na binebenta parin nila kahit bulok na. hindi nila iniisip kung
anong maging epekto nito.
Ayon sa Natural News, ang mga bagay na kumain ka ay may direktang epekto
sa iyong estado ng isip, at kahit ang kapangyarihan sa labis na baguhin ang iyong mga
asal na pattern. Ito ang mga resulta ng isang bagong pag-aaral sa labas ng Oxford
University sa UK, na ipinahayag na pagkonsumo ng naproseso junk pagkain ay
maaaring humantong sa pagsalakay, pagkamagagalitin, at kahit marahas tendencies.
I-back up ang mga claim na ito, Dr. Ramsey nagpasya upang pag-aralan kung
paano nakakaapekto ang diyeta kalooban at pag-uugali sa isang pangkat ng mga
inmates sa bilangguan. Ayon saCBS Boston, Dr. Ramsey nagbigay ng ilang mga
supplement bitamina sa ilan sa mga inmates bilangguan, at kumpara sa kanilang mga
pag-uugali at mga pattern ng pag-iisip sa mga inmates bilangguan pagkain ng mga
tipikal na pagkain ng junk.
Ayon kay Edward Leigh Gibson (2006), ang sensory, physiological at sikolohikal
na mga mekanismo ay sinusuri na maging batayan ng emosyonal na impluwensya sa
pagpili ng pagkain. Parehong isinasaalang-alang ang mood at emosyon. Ang pagkain
ay inaasahang nakapagbabago ng mood at emosyonal na predisposisyon ng isang tao,
karaniwang nakapagbaba ng arousal at pagkamayamutin at mas nakakakalma at
nagbibiga ng positibong epekto. Subalit, nakadepende ito sa dami at komposisyon ng
kinakain sa pagsasaalang-alang sa kinasanayan, ekspektasyon, at pangangailangan ng
kumakain. Ang mga hindi pangkaraniwang pagkain – e. g. masyadong maliit ang dami,
masama sa katawan – ay nakakadulot ng negatibong epekto sa mood ng isang tao.
Ayon naman kay Janice Polansky, MS, MBA (1997), ang pagkain ay maaaring
makaapekto sa utak sa pamamagitan ng pagbago sa kemikal na composition ng
katawan ng tao. Halimbawa dito ay ang Prozac, isang “feel good” na droga na patok sa
America, pinapadami nito ang serotonin sa utak ng tao. Ang whole grains are may
parehong epekto sa Prozac kung saan pinapadami nito ang serotonin na nagdudulot ng
magandang pakiramdam at pagiging mas mahusay sa pagdala ng stress. Ang ibang
pagkain naman ay maaaring makaapekto sa memorya at abilidad na maka pokus,
makapag-isip ng malinaw, ang makapag-relaks. Maraming paraan na kung saan ang
pagkain iyong pinili ay makaapekto sa iyong pag-iisip, emosyon at pangangatawan.
Kabanata III
1. Disenyo ng Pananaliksik
3. Instrumento sa Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa pamamagitan ng pag susurvey. Ang mga
mananaliksik ay naghanda ng surve-kwestuner na siyang gagamitin na instrument
upang makakalap ng mga datos upang masuri at mapag-aralan ang mga suliraning
kinakaharap ng mga street vendor sa Mataas na Paaralan ng Rosales sa Brgy. Don
Antonio Village, Rosales, Pangasinan.
Ang mga mananaliksik ay nangangalap din ng mga impormasyon sa mga
naunang tesis, sa internet at sa iba pang sors/referensyonal na maaaring
mapaghanguan.