Bulaon Ward Stake Primary Christmas Presentation 2016

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

BULAON WARD STAKE PRIMARY CHRISTMAS PRESENTATION 2016

ACT 1. Sa Paaralan..(background instrumental music)

Sis. Joan: Isang araw sa isang munting paaralan, isang bata ang tila hindi mapakali na nagpapaikot ikot sa isang tabi.

Sammy: Siya ay gutom na gutom na, subalit wala na siyang pera, at wala din siyang baon.

Diana: Walang magawa si Christine kung hindi maupo na lamang.

Sammy: Dumaan ang isang barkada.

Diana: Napansin ni Angelica na tila may problema si Christine, at kanila itong nilapitan.

Sis. Joan: Napagalaman nila na sya pala ay gutom na gutom na, at agad nilang hinatian si Christine ng pagkain, at sila ay masayang
nagsalo salo habang nagkwekwentuhan. Maya maya ay isinama na nila Christine, at silang lahat ay masayang umalis.

(Exit)

Act 2. Sa tahanan ni Angelica (Himig ng pasko instrumental)

Sammy: Sa tahanan ng mga Agustin, masaya ang lahat na nagaayos ng dekorasyon para sa Pasko.

Sis Joan: Dumating si Angelica mula sa eskwela, at nagtawag na ang kanyang tatay Arlo upang simulan ang kanilang family home
evening. Ngayong kapaskuhan, plano ng pamilya Agustin na mag sagawa ng isang service project sa isang pamilya, at hinihintay
lamang nila si Angelica upang isagawa na ito.

Diana: Naalala ni Angelica ang kwento ni Christine kung bakit sya ay hindi nakabili ng pagkain, at kung bakit wala siyang dalang
baon.

Sis. Joan: Ang kanilang pamily pala ay kinakailangan nang umalis ngaung gabi sa kanilang tinitirihan dahil nawalan ng trabaho ang
kanilang ama, at hindi na nila mabayaran ang upa dito. Dagdag pa doon ay wala na silang perang natitira.

Sammy: Pinagusapang mabuti ng pamilyang Agustin ang mga bagay na maari nilang itulong.

Dianna: Nang mabuo nila ang plano, bawat isa ay nagtulungan upang isagawa ito, at sila ay nagtungo na sa lugar ng mga Santos.

(Exit)

Act 3. Sa harap ng bahay ng mga Santos (give love on Christmas day instrumental)

Diana: Hindi na alam ni Tatay Justine kung ano ang kanyang maaring gawin. Nagdadasal na lamang sya na sana may isang milagrong
mangyari.

Sammy: Lungkot na lungkot din ang buong pamilyang Santos. Dala dala ang kanilang mga kagamitan, sila ay lumabas na ng kanilang
tahanan.

Sis. Joan: Hindi nila akalain na makikita nila ang pamilyang Agustin na may mga dala dalang pagkain at regalo para sa kanila. Inawitan
ng pamilya ni Anjelica ng isang carol ang pamiya ni Christine. (Give love on Christmas Day chorus)

Sammy: Kinausap ni Tatay Arlo si Tatay Justine na mayroon silang alam na lugar na maari munang matuluyan pansamanatala ng
pamilyang Santos.

Sis. Joan: Laking pasasalamat ng pamilya Santos sa biyayang dala ng pamilya Agustin. (hugs) Nagsimula ang lahat sa simpleng
kabutihan na naipakita ni Angelica kay Christine. Dahil sa kabutihan na iyon, mas malaking biyaya din ang naidala nila sa pamilya ni
Christine. Ating laging tandaan: “ A simple act of kindness can make a tremendous impact on someone’s life”.

(Finale dance)

You might also like