Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Ang tulang ito ay isinulat ni Proceso Burgos Katindig.

Ang Kawayan at Ang Anahaw

Sa gilid ng isang malawak na parang


Ay mayrong mataas na punong Kawayan;
Ang Kawayang ito ay may kaagapay
a isang mababa’t mahinhing Anahaw…

Minsan ang Kawaya’y palaong nagturing


Sa abang Anahaw na kanyang kapiling;
“Ano ka’t ayaw mong pumantay sa akin,
Nang hindi ka tila kawawang malasin?

“Tingnan mo’t sa aking tayog na nasapit


Ay kahalikan ko ang bughaw na langit;
king natatanaw sa buong paligid
Ang bundok, ang dagat, ang talon, ang batis!”

“Ako nga’y mababa, sagot ng Anahaw


Na tinitingala ang punong Kawayan
Datapwa’t sa aking iwing kababaan
Kaya napapansing mataas kang tunay!”

S”aka kung ako man sa tingin mo’y hamak


Ay matatag naman kahit humabagat;
Ang pagkakatayong halos walang tinag,
Sa hampas ng bagyo’y hindi mabagabag!”

“Hindi katulad mo, nagpapakatayog,


Subali’t sa hangi’y napabubusabos;
Kung saan hutukin, doon nahuhutok,
At yukong parating napapahinuhod!”

Ang usaping iyan kung uunawain


Sa tao’y ganito ang nahahabilin;
‘Higit na dakila ang hamak sa turing
Na mayrong matatag namang Simulain!

O kabinataang bagong sumisibol,


itong abang lagda sa iyo’y patunkol.
Pakatandaan mo itong mga hatol
na dangal at buhay ng lahat ng dunong.

Ang pagpipitaga’t pakikipagkapua


ay siyang sagisag ng pagka-dakila;
kapág sa sinuman ito ay nawala,
iyan ay di dapat, humarap sa madla.

Di sukat ang ganda, di sukat ang yaman,


di sukat ang dunong at lahat ng inam;
kapag ang sagisag na aking tinuran
ay siyang nawala, ang lahat ay kulang.

Ang pagkamabaít, ang pagka-mahinhin,


ang pagka-matapat at anyong butihin
ay siyang palamuting sa tuina’y dadalhin,
ang iyong ugali upang magluningning.

Sapul pa ng ikaw ay batang maliit


may tungkulin ka ng lubhang mahihigpit,
gaya ng huwag bigyan ng munting ligalig
ang kawawang inang sa iyo’y ninibig.

Ikaw ay lumaki at lumaki naman


ang iyong tungkuling akin ng tinuran:
ng una’y ang iyong mundo ay kandungan
ng inang malugod, ngayon ay ang bayan.

You might also like