Professional Documents
Culture Documents
Bakit Dala-Dala Ni Pagong Ang Kanyang Bahay
Bakit Dala-Dala Ni Pagong Ang Kanyang Bahay
Bakit Dala-Dala Ni Pagong Ang Kanyang Bahay
magmula sa alapaap upang tingnan kung maligaya ang ating mga ninuno. Kung minsan si
Barangaw ay nag-aanyong bahaghari upang pahintuin ang unos na maaaring makasira sa mga
pananim. Kung minsan ay nag-aanyong isang sultan, naglalagay ng putong, nagdadamit ng
kundiman at palakad-lakad sa loob at labas ng balangay. Isang baston o tungkod na nilalik na
kamagong ang kanyang dala-dala tanda ng kapangyarihan. Ito ang pinaparusa niya sa mga
malulupit at mga masasama, at ito rin ang ginagamit niya sa paggawad ng gantimpala sa
mabubuti.
Isang araw noong panahon ni Lakan Lumatay ay inutusan nga ni Bathala si Barangaw
na mamasyal sa Malanday upang malaman ang mga daing ng mga aliping namamahay
at aliping sagigilid. Samantalang naglalakad si Barangaw, nakaalinig siya ng abot-abot
na lagapak ng hagupit na kasabay ang malungkot na daing.
“Bakit kaya?” ang tanong ni Barangaw sa kanyang sarili. Walang kakila-kilatis siyang
nasok sa silid na pinanggagalingan ng daing ng taong hinahagupit ng lanubo ng
bayabas. Kitang-kita niyang namimilipit sa sakit ang taong hinahagupit na sa kahit saan
tamaan.
Walang nakakita kay Barangaw sapagkat ang tagaputong niya ay maysa tagabulag,
ngunit kitang-kita niya ang lahat.
Sandaling tinigilan ng palo ang alipin. Ito’y hubad ang baro at ang katawan ay halos
putok-putok na sa kapapalo.
“Hala, magsabi ka ng totoo. Pag hindi’y mauutas ka. Dapat mong ipagpasalamat na
Lakan pa at puno natin ay may ibig sa anak mo. Ano, magsasabi ka o hindi?”
Hindi umimik si Barangaw. Nakinig siya upang malaman ang puno’t dulo ng
paghahagupit na yaon. Hinintay na sumagot ang alipin, ngunit ito’y walang imik.
“Matigas ang ulo! Hala lantakan mo uli!” ang makapangyarihang utos ni Lakan Lumatay.
Pagkaunat-unat ng Magbitag ang kanyang bisig upang hagupitin na naman ang aliping
halos wala ng malay-tao.
“Lakan Lumatay! Ikaw ba ang nag-utos na hagupitin ang aliping ito?” ang tanong ni Barangaw.
“Hulihin ang pangahas!” ang mabangis na utos ni Lakan Lumatay sa kanyang mga
kampon. “Paluhurin sa monggo at timbain sa tubig.”
“Sayang, sa gulogod mo sana naubos ang lanubo ko. Kung hindi lamang sa utos ng
puno ko, masasarapan ka! Mata mo lang ang walang latay!” at inakmang hagupitin si
Barangaw.
Ngunit pinigil ni Barangaw ang lanubo, hinarap si Magbitag at ang wika, “malupit kang
walang kaparam wala kang awa sa kapwa. Ngayon din ay magsisi ka ng iyong mga
kasalanan.”
Dadaluhong sana si Magbitag ngunit ang mga paa nito ay parang natilos sa
kinatatayuan at nawalan ng lakas.
Kaya si Lakan Lumatay naman ang nagtangkang humagupit kay Barangaw, ngunit ito’y
nawalan din ng lakas.
“Ah, malulupit, magagara ang inyong damit, maiinam ang inyong bihis ngunit wala
kayong bait. Binigyan pa naman kayo ng Lumikha ng puso’t diwa, ang bagay sa inyo ay
ito!” at anyong hahatawin ang kanyang tungkod.
“Mabuti kang kampon, aliping tapat hanggang wakas. Bakit ang kalupitan ay sinusuklian
mo ng katapatan? Dahil sa iyong hiling ay hindi ko papatayin ang iyong puno at ang
humagupit sa iyo. Subalit sila’y hindi makatao, kaya’t sila’y dapat parusahan. Buhat
ngayo’y mag-uusad silang tulad ng ibang hayop; ngunit ng sila’y may masilungan,
dadalhin nila ang kanilang bahay.
Sinaling ang tungkod niya kay Lakan at kay Magbitag at ang wika sa mga ito ng, “mula
ngayon ay dadalhin ninyo ang inyong bahay at kayo’y uusad upang huwag ng
pamarisan.