Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

1897 Consitution of Biak na Bato

Isabelo Artacho and Félix Ferrer

Original Filipino Version

Sa Biaknabato ngayong unang araw ng buan ng Noviembre ng taong isang libo,


walong daan at siyam na puo’t pito; nagkatipon ang mga Taga Pamagitang bayan
(Representantes) nang Sangkapuluang Filipinas, upang mabago ang Kautusang halal
(Constitucion) nitong Republika de Filipinas, na napagsuri na at naipahayag na sa
bayang Naik, Sakop ng hokomang Cavite ng ikadalawang puo’t dalawa ng Marso nitong
tumatakbong taon; at sa pagtupad sa inilagda sa kautusan 29 at pagkatapos ng
mahabang pagsusuri ay pinagkaisanhan nang kalahatan ang mga talatang sumusunod:

CONSTITUCION O HALAL NA KAUTUSAN SUBALING SUSUNDIN NITONG


REPUBLICA NANG FILIPINAS

Ang paghiwalay ng Filipinas sa kahariang España, sa pagtatatag ng isang bayang


may sariling pamamahala’t kapangyarihan na panganganlang “Republika ng Filipinas”
ay siyang layong inadhika niyaring Paghihimagsik na kasalukuyan, simula pa ng ika 24
ng Agosto ng taong 1896; kaya nga’t sa kaniyang pangalan at sa kapahintulutan ng sa
kaniya ay ipinagkaloob ng bayan ng katagalugan, sa paghahangad na matupad ang
kaniyang mga pita’t nasa, ang mga halal na nangangalinga nitong Paghihimagsik sa
pagkakatipon sa kanilang kapulungan na itinatag dito sa Biyak-na-bato ngayong unang
arao ng Noviembre ng taong 1897, binuko nilang pinagkaisanhan ang mga kasunod ng
mga liham utos ng bayan, na siyang aalinsunurin.

Unang-utos. Ang kataas-taasang kapangyarihan ng Republica (Gobierno Supremo


de la Republica) ay mananatili sa isang Kataas-taasang Sangunian (Consejo Supremo)
na pamamahalaan ng isang Unang Pangulong Taga Pangasiwa (Presidente), isang
Pangalawang Pangulo Taga Pangasiwa (Vice-Presidente) at apat na Kalihim ng Bayan
(Secretarios de Estado) sa paga-ayos at pagpapalakad sa lahat ng bagay na nahihingil
sa pakikipagtalastasan sa iba’t ibang kaharian o lupain (Relaciones Exteriores). Sa
pakikilaban (Guerra) Sa pamamahala sa loob ng bayan (Interior) at sa natutunkol sa
kaniyang mga pag-aari o yaman (Hacienda).

Ikalawang-utos. Ang katungkulan ng kataas-taasang Sangunian ng taga


Pangasiwaang bayan (Consejo-Supremo de Gobierno) ay ito: Una. Magnunukala ng
lahat ng mga nararapat na nahihigil sa ikapananatili at ikalalago ng kaniyang sariling
pamumuhay, ipag-utos na matupad ang mga kautusan na inaakalang makapagbibigay
ng kalingaan at katibayan ng bayan (Vida Civil y Politica de la Nacion). Ikalawa:
Lumikha at lumangap ng mga kabuisan, magtatag ng mga emprestito sa loob ng bayan
o sa labas man kung inaakalang kinakailangan, magpalimbag ng salaping papel,
gumawa ng salapi at ipatungkol ang nai-ipong kayamanan sa mga kailangan ng bayan,
alinsunod sa mga iba’t ibang bahagi. Ikatlo. Magkaloob ng kapahintulutan kailangan sa
panghaharang sa dagat (Patentos de Corso), maghiganti sa hindi natupad ng
pinagkasunduan (Represalias), magtayo at magtatag ng mga hukbo, papagtibayin ang
mga pinagkasundoan, at makipagkasundo’t tumahimik sa España na pagtitibayin ng
pulong ng kanikaniyang tagakalingang bayan (Asamblea de Representantes). Ikaapat:
Idulog sa Hokom na may kapangyarihan, kung minamarapat ang unang-Pangulo Taga
Pangasiwa (Presidente) o sino man kaya sa mga galawad ng Sangunian (Consejo)
kailan pa man at sila ay maparatangan ng mga bagay bagay na dapat kilanlin ng
Pangulong Hokom (Poder Judicial) at sumuri ng lahat ng mga panaing ng alin mang
mamamayan, tangi ang natutungkol sa mga Hokom na tagalining Sala. Ikalima:
Mamagitan at magbigay ng lubos na pagmamalasakit sa mga bagay na nau-ukol sa
mga labanan, kailan man at nararapat sa paghahangad na datuin ang mga layong
ninanasa: papagtibayin o subaling palitan ang mga Kautusan o bandong tinatawag at
Ordenanzas ng Hokbo, na ipaunawang nararapat ng Pang-Ulong Hokbo, magkaloob ng
mga katungkulan at kataasang buhat sa 1st Teniente, at magbigay ng dangal at mga
ganting-pala na dapat kamtan, ayon sa kanilang pamamahala’t pagsisiyasat sa Hokbo
na ipagpauna ng Pang-Ulong Hokbo (Capitan General) Ikaanim: Maghalal at magbuko
ng isang Pangulong Hokbo (Capitan General) at isang Pangalawang Pangulo (Teniente
General). Ikapito: Ipag utos ang pagtitipon ng pulong ng mga Taga Kalingangbayan,
kailan man at alinsunod sa mga kautusan nitong Constitucion ay kinakailangan.

Ikatlong Utos. Ang ikalawang Pangulo (Vice-Presidente) ay siyang gaganap ng


katungkulan ng Unang Pangulo (Presidente) kailan man at ito’y hindi makaganap.

Ikaapat na Utos. Ang bawa’t isang Kalihim (Secretario) magkakaroon ng isang


pangalawa (Sub Secretario), na tutulong sa pagpapalabas ng mga bagay bagay na
kaniyang nasasakop at hahalili sa tunay na Kalihim (Secretario) kung ito’y hindi
makaganap; at sa bagay na ito ay magkakaroon siya ng bibig o boto sa Sangunian ng
Pamahalaang bayan (Consejo de Gobierno).

Ikalimang Utos. Sa alin mang katungkulan sa Republica ay hindi magagamit ang


Unang-Pangulo (Presidente), Ang Ikalawang Pangulo (Vice-Presidente), mga Kalihim
(Secretarios) at ang kanikanilang mga pangalawa (Sub-Secretarios).

Ikaanim na Utos. Isa sa mga kinakailangan para maging Pangulo (Presidente),


Ikalawang Pangulo (Vice-Presidente), Kalihim (Secretario) at pangalawang Kalihim
(Sub-Secretario) ay ang gumaganap sa gulang na 23 taon.

Ikapitong Utos. Sa mga paghahalal at pagkakaloob ng katungkulan sa alin mang


Taga Pangasiwa ng Republica ay kinakailangan sanguni-in ang kaniyang karapatan
ayon sa katungkulang sa kaniya’y ipagkakaloob.
Ikawalong Utos.​ Ang wikang tagalog ay siyang mananatiling wika ng Republika.

Ikasiam na Utos. Ang mga tatag ng Sangunian ng Taga Pangasiwang bayan ay


dapat pagkayariang masunod ang buko at bibig ng karamihan at sa kanilang mga
pulong dapat umabuloy ang lahat ng kaniyang galawad.

Ikapulong Utos. Ang kapangyarihan sa pagtupad ng lahat ng pinagkayarian (Poder


Ejecutivo) ay nalalagi sa Pangulong Taga Pangasiwa (Presidente) sa kanyang ikalawa
(Vice-Presidente) at sa bagay na ito ang kaniyang katungkulan ay ang kasunod; bigyan
ng lakas at ilathala sa nasasakupan ang lahat na itinatag ng Kataastaasang Sangunian
ng taga Pangasiwang bayan (Consejo Supremo de Gobierno); ipatupad sa loob ng
siyam na araw na ikalat ang mga kalatas (Secreto) kautusan (Reglamento) o kabilinan
(Instrucciones) na nauukol sa kaniyang katuparan. Tangapin ang mga sugong
embajada, makipagyari ng pakikipagkasundo at maggawad ng mg katibayan sa lahat
ng mga nangangatungkulan.

Ikalabing isang Utos. Kung sakali’t alin man sa mga katungkulan ng Pangulong
Taga Pangasiwa (Presidente), ikalawang Taga Pangasiwa (Vice-Presidente) ang mga
Kalihim (Secretarios) ay mawalan ng gumanap gaya nanga kung mamatay, magpahalili
o iba pang bagay na nararapat dingin, ay dapat tipunin sa pulong ng mga
Tagakalingang bayan (Asamblea de Representantes) sa paglalagay at pagbubuko ng
sukat gumanap na humalili sa mga nasabing katungkulan.

Ikalabing dalawang Utos. Ang mga Kalihim (Secretarios) ay magkakaroon ng


sariling bibig o voto sa mga pagbibigay liwanag sa lahat ng itatatag sanhi sa anomang
bagay.
Ikalabing tatlong Utos. Ang mga Kalihim (Secretarios) sila ang pipili ng kanikanilang
kahalili o pangalawa (Sub-Secretario) at iba’t iba pang mga kawani sa kanikanilang
pinamamahalaan, na siyang dapat na ihalal.

Ikalabing apat na Utos. Ang Kalihim sa pakikipagsalitaan sa iba’t ibang kaharian


(Secretario de Relaciones Exteriores) ay siyang mamamahala ng lahat ng
pakikipagsagutan sa lahat ng bayan ng naturang ibang kaharian; ang pakikpagkayari ng
pakikipagkasundo sa anomang bagay sa paghahalal ng mga Taga Pamagitan sa mga
nasabing bayan, at sa pagbibigay ng kanilang katibayan: bumalak at iliham ang mga
kakailanganin ng nasabing mangangatungkulan na niyari sa Sangunian ng Mag
Pangasiwang bayan (Consejo de Gobierno) na dapat mangagtumira doon sa mga
bayan sa itaas nito’y nababangit, at gayon din naman sa pagkakaloob ng mga
katibayang kinakailangan.

Ikalabing limang Utos. Ang Kalihim sa loob ng nasasakupan (Secretario del Interior)
ay ang pangangasiwaan: ang gumawa ng kabilangan ng lahat ng nasasakupan ng
Republica, ang pagbubukas ng mga daan sa loob at labas ng bayan mga tulay at iba’t
ibang gagawin sa pag-i-ingat at ikapagtitibay ng mga nasabing bagay, ang pagbibigay
ginhawa at pagpapala sa mga pagtatanim sa lupa (Agriculttura); sa paghahanap buhay
(Industria); sa pangangalakal (Comercio); mga Artes, oficios at manufacturas, ang
pagtuturo sa bayan (Instruccion Publica) sugong sulat (Correos) habilinan ng mga
hayop at kabayo na gagamitin nitong Paghihimagsik (Revolucion), pagkakalinga ng
ikatatahimik ng mga bayanbayan at gayon din naman ang pagpapaganap ng nau-ukol
sa mga kalayaan at kaginhawahan ng isa’t isa na ipinagkakaloob nitong Halal na
Kautusan (Constitucion) at ang pag-i-ingat ng mga kayamanan ng Bayan.

Ikalabing anim na Utos. Ang Kalihim sa pakikibaka (Secretario de Guerra) siyang


mangangasiwa at tatangap ng lahat ng mga sugong sulat na natutungkol sa Hokbo: sa
pagdaragdag o pagbabawas sa pagkakalinga, sa pagtuturo sa mga kawal ng Hokbo: sa
mga pagtatatag ng kaniyang Estado Mayor sa mga nayon na may hokbo, Taga
Pangasiwa ng kawal (Gobernadores Militares) mga pananamit sa mga alagaan ng mga
sakit, sa mga kinakailangan ng hokbo sa pagkain at sa laban, sa pag-gawad ng ganting
biyaya bagay sa mga pagkakalinga sa laban, at sa paghahalal ng mga pulong na
mananatili (Comisiones Permanentes) na mga mangangasiwa sa gagamitin ng hokbo
(Administracion Militar) at sa isang katawang bilang na mangangasiwa sa may sakit na
kawal (Sanidad Militar).

Ikalabing pitong Utos. Ang Kalihim sa pag aaring bayan (Secretario de Hacienda) ay
siyang mangangasiwang magbibigay ukol at magkakalal ng Kayamanang Bayan
alinsunod sa mga kautusan at kalatas na mangagaling sa pagkakayarian ng Sangunian
ng Taga Pangasiwang bayan (Consejo Gobierno): gumawa ng salapi at lumikha ng
salaping papel at liningen, siyasatin at pamahalaan ang utang ng Bayan (Deuda
publica).

Ikalabing walong Utos. Ang lahat ng Kalihim (Secretarios) siyang mangangasiwa ng


pagtatatag ng lahat ng pagbibigay utos Punong kautusan (Leyes) at Likhang Liham na
aalinsunurin sa kanikaniyang pinamamahalaan.

Ikalabing siyam na Utos. Ang Pangulong Digma ng kawal (Capitan General del
Ejercito) siyang may lubos na kapangyarihan sa lahat ang kawal nabarilan at
sandatahan na namamalagi sa mga bayanbayan, nayon at pulutong; ang pamamahala
sa mga labanan, tangi ang nau-ukol na sarili sa Sangunian ng taga Pangasiwang bayan
(Consejo Gobierno) na natatala sa ikalawang utos sa ikalimang tagubilin; at siya rin
naman ang magpapahayag ng balang kautusan na inaakalang ikagagaling sa
pagpapasunod, pagbibigay lakas at pagpapasunod ng kawal.
Ikadalawang puong Utos. Ang Pangalawang Pangulong Hokbo (Lugar-Teniente
General) ay siyang gaganap ng pamamahala kung sakali at magkakahilanan ang unang
Pangulo (Capitan General del Ejercito).

Ikadalawang puo’t isang Utos. Ang bawa’t bayan ng Sangkapuluang Filipinas ay


dapat magkaroon ng kanikanilang halal na taga Pamagitan na ibinuko ng kalahatan na
siyang haharap nilang kahalili sa mga pulong (Asamblea).

Ikadalawang puo’t dalawang Utos. Ipinahihintulot na makapagtatag ng sarisaring


kaniyang pananampalataya (Libertad de Cultos) mga Katipunan (Libertad de
Asociaciones) mga pagtuturo (Libertad de Enseñanza) at paglilimbag (Libertad de
imprenta) gayon din naman ipinahihintulot sa lahat ang makapagtatag ng sarisaring
profesion, Artes, Oficios at iba’t iba pang pagkakakitaan.

Ikadalawang puo’t tatlong Utos. Ang lahat ng sakop na mga mamamayan ay may
kapahintulutang humingi o manaing ng sa ano pa mang bagay kahi’t pa kanya rin tunay
o isang kahalili kay sa harap ng Sangunian ng Taga Pangasiwaang bayan nitong
Republica (Consejo de Gobierno de la Republica).

Ikadalawang puo’t apat na Utos. Ang alin man at sino kahit taga ibang bayan ay
hindi maibibilango o maaabala kaya kundi rin lamang sa isang kautusan na dapat
ipagkaloob ng tunay na Hokom, liban lamang kung sakali’t ang salang nagawa ay ang
laban sa Bayan at sa Hokbo.

Ikadalawang puo’t limang Utos. Tangi rin namang ipagbabawal na ang alin ma’t
sino ay hindi mababawian ng kaniyang paga-ari kahit taga ibang bayan kundi rin
lamang ayon sa pagtupad ng isang ganap na hatol ng Hokom na may kapangyarihan.
Ikadalawang puo’t anim na Utos. Ang lahat ng mamamayang kadugo ay may
katungkulang gumanap na sumuyo sa Panghihimagsik sa katawan niya at pagaari sa
nakakaya.

Ikadalawang puo’t pitong Utos. Ang manga-utang-utangan at iba pang sinasagot na


nangyari una dito sa pagkalathala nitong halal na kautusan (Constitucion) ng mga
Pangulong Hokbo nitong paghihimagsik o kaya ng mga utusan o katiwala na binibigian
nilang kapahintulutan ay kinikilala at pinagtitibay ngayon, gayon din naman ang lahat ng
naging utang sa dakong huli kailan man at may pagkakakilanlang katibayan, gawad ng
Taga pangasiwang bayan (Gobierno).

Ikadalawang puo’t walong Utos. Ang mga nangangatungkulan sa Sangunian Taga-


Pangasiwang bayan (Consejo de Gobierno) ay dapat pagbigian ng tanging galang na
nararapat ayon sa kanilang mga katungkulan samantalang kanilang ginaganap, sa
bagay na ito sila’y magkakaroon ng isang ganting biyaya (jubilacion) alinsunod sa mga
tatag na naliliham na aalinsunurin.

Ikadalawang puo’t siyam na Utos. Ang Sangunian ng Taga pangasiwang bayan


(Consejo de Gobierno) ay may kapahintulutan, alisin o bawian ng katungkulan ang sino
mang sa kaniyang mga galawad, kung may totoo’t tunay na kadahilanan na dapat
liningin sa isang hablang-sulat (Expediente) na dapat itatag ng isang tanging halal na
tagasuri, na magbibigay bahala, kalakip ang kaniyang palagay sa isang Hokom na
tatawagin na “Tribunal Jurado.”

Ikatatlong puong Utos. Ang kapangyarihan sa paghatol ng matuwid ay matangi sa


isang kataastaasang Sangunian ng Biyaya at parusa (Consejo Supremo de Gracia y
Justicia) na dapat itatag at bigian ng sariling kapamahalaan ng kataastaasang
Sangunian ng Taga Pangasiwang bayan (Consejo Supremo de Gobierno).
Ikatatlong puo’t isang Utos. Ang Sangunian ng Biyaya at parusa (Consejo de
Gracia y Justicia) ay mangangasiwa sa kaniyang sarili, na tanging di
mapaghihimasukan ng ibang kapangyarihan tungkol sa pagtupad ng mga kautusan ng
katwiran.

Ikatatlong puo’t dalawang Utos. Ang lahat ng Tagapangasiwa ng Republica ay


dapat magtulong-tulong sa kanikanilang dapat tupdin sa kanilang pangangasiwa.

Ikatatlong puo’t tatlong Utos. Sa pagtatatag sa kapanahunan ng kinakailangang


hokbo sa dagat na magtatangol ng lupain nitong SangKapuluan Filipinas at
pagkakalinga sa dagat ay maglilikha ng isang Kalihim sa Hokbo sa dagat (Le cretario
de Marina) na ang kaniyang ganap na pangangasiwaan ay magiging adhika nang isang
kautusang magdaragdag dito sa nasabing Halal kautusan (Constitucion).

Ikatatlong puo’t apat na Utos. Ang Constituciong ito ay siyang gaganapin,


aalinsunurin dito sa Filipinas sa loob ng dalawang taon buhat sa araw ng kaniyang
pagpapaganap kung sakaling hindi sa magkatapos itong paghihimagsik. Kung sakali’t
matapos itong panahong ito ay muling tatawagin sa Pulong ang mga Halal na taga
kalingang bayan at ayon dito ay mababago itong nasabing Halal-Kautusan
(Constitucion) at maghahalal ng bagong Sanguniang Taga-pangasiwang bayan at sa
pagsusuri sa hinahalinhan.

Ganito ang pinagkayarian ng mga Taga Pamagitang bayan (Representantes) ng


bayang Tagalog at sa pangalan ng Republica ay ipinaguutos nitong itinatag na Pulong
na ipinangakong tutuparin ng lahat sa ilalim ng kanilang pangungusap ang lahat ng
natatala dito sa Halal Kautusan at sa lubos na katotohanan ay nagpirma kaming mga
halal na Tagakalinga ng bayang Katagalugan na naghihimagsik= nangasapagitang
talata=mga=bi=hawang kasama = mga ginuhitan= Pangalawang Kalihim
(Sub-Secretario) at=gagamitin ng hokbo=pawang walang
saysay=marurumi=at=ang=l=b=ay=pawang may halaga.=Presidente; Emilio Aguinaldo=
Severino de las Alas = Pascual Alvarez, Mariano Llanera= Mamerto Natividad=Isabelo
Artacho= Vicente Lukban y Rilles = Melecio Carlos = Simeon Tecson = Mariano Noriell
= Baldomero Aguinaldo = Salvador Estrella = Pantaleon Garcia = Escolastico Viola =
Julian de la Cruz = Ciriaco Sartore = Jose Ignacio = Agustin de la Rosa = Celestino
Aragon = Gregorio H. del Pilar = Andres Presbitero = Benito Natividad = Pedro Dungon
= Eduardo Llanera = Herminio Miguel = Deodato Manahan = Pedro Gualdes =
Ambrocio de la Cruz = Matias Gan-Borra = Miguel Catajan = Modesto Porciuncula =
Clemente Valencia = Claro = Emiliano Tecson = Bembenuto Ramirez = Francisco M.
Soliman = Maximo Kabigting = Ramon Tombo = Artemio Ricarte Vibora = Sinforoso de
la Cruz = Agapito Buson= Valentin Diaz = Tomas Ago Suzano = C. Pacheco = Manuel
Tinio = Anastasio Francisco = Serviliano Aquino = Wenceslao Viniegra = Doroteo Lopez
= Secretario, Vito Belarmino, Teodoro Gonzales, Antonio Montenegro. = Ito’y Salin.

ENDNOTES:

Ang “Copia ng Constituciong Halal sa Biak-na-bato,” na isinalin ni Francisco Macabulos


y Soliman noong 12 Mayo 1898 sa Hongkong, ay makikita sa Philippine Revolutionary
Records, reel#8, folder#55, document#6.

Source: ​https://thecorpusjuris.com/constitutions/1897-constitution.php

You might also like