Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

PANG-ARAW ARAW Paaralan Lipa City National High School Baitang Baitang 9 - Iron

NA at Seksyon
TALA (DLL) SA Guro Raymond Joseph S. Makalintal Asignatura Filipino
Teacher III
FILIPINO 9
Petsa at Hulyo 25, 2019 Markahan Unang
Oras 2:20 – 3:20 Markahan
SEMI-DETAILED LESSON PLAN

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng
Timog-Silangang Asya.

Ang mga mag-aaral ay nakapagsasagwa ng malikhaing panghihikayat tungkol sa isang book fair ng
B. Pamantayan sa Pagganap
mga akdang pampanitikan ng Timog-Silangang Asya.

C. Kasanayan sa Pagkatuto
F9PUIg-h-45 Nasusuri ang pagiging makatotohanan ng ilang pangyayari sa isang dula.

II. NILALAMAN Dula sa Pilipinas


Lunsaran: Sa Pula, Sa Puti ni Francisco “Soc” A. Rodrigo
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian (Ibang Hanguan) Pinagyamang Pluma 9 p. 59-75

B. Iba pang Kagamitang Panturo laptop, video clip,


mga iba’t ibang larawan, at telebisyon

IV. PAMAMARAAN Gawin natin ang DULA tsek.


A. Balik-aral sa mga unang D – ulot na kaalaman ay makakamit natin, kung kalinisan ng silid ay bibigyang pansin.
natutunan U – puan ay ayusin, ang sarili’y gayundin upang sa talakayan ay maging handa rin.
L –awakan ang imahinasyon ngunit bigyang limitasyon, at huwag lalampas sa iba ang atensyon
A – raw na ito’y tunay na pinagpala dahil aral ng dula ay ginituang sadya! Magandang Araw, Mabuhay!

Alam kong masakit balikan ang nakaraan, ngunit may mga bagay na dapat balikan upang maiwasto ang
pagkakamali ng nakaraan at nang maging handa sa kasalukuyan. Ano nga muli ang tinalakay natin kahapon?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin


(Pagganyak) Ngayong batid kong lubos nyo nang naunawaan ang paksang ating tinalakay kahapon ukol sa elemento ng dula
ngayon naman ay ating buksan ang panibagong paksa. Sa pagkakataong ito’y nais kong malaman ninyong ang
katotohanan ay sadyang mahalaga sa pakikibaka at pagpapahalaga. Kaya naman ating laruin ang larong pang-
artista na sa GMA 7 ay ating makikita.
Welcome to Celebrity Bluff

Narito ang mekaniks ng laro kung saan hahatiin ko ang klase sa dalawang pangkat- ang pangkat PULA kung
saan ay kabibilangan ng mga lalaki at pangkat PUTI kung saan ay lalahukan ng mga babae. Magbibigay ako
nng mga plakards na may nakasulat na FACT na nangangahulugang KATOTOHANAN at BLUFF na ang ibig
sabihin ay DI- MAKATOTOHANAN o pawang opinyon lamang. Kailangan ninyong magkasundo kung anong
sagot ang inyong itataas sa bawat pahayag na aking sasabihin. Tandaan ang pagkakasundo’y kailangan upang
ang pangkat ay magtagumpay! Ang pangkat na magwawagi ay bibigyan ng karagdagang puntos para sa araw
na ito! Mangyaring pumunta ng tahimik sa inyo-inyong pangkat.

Mga Pahayag:
1. Ang sabong ay isa sa paboritong laro sa ating bansa at impluwensya ito ng mga Hapon. Is it a fact or
a bluff? - BLUFF
2. Ang larong ito ay may kasamang taya o pustang pera kaya madalas ang libangang ito ay maituturing
ding sugal. Is it a fact or a bluff? - FACT
3. Ang ligal na sabong ay ginagawa sa cockpit o sabungan samantalang ang iligal na sabong naman ay
tinatawag na tupada. Is it a fact or a bluff? - FACT
4. Gayunpaman na may bahagi na ng kulturang Pilipino ang sabong ngunit sa Pilipinas ay walang
palabas na pantelebisyong nagtatampok sa sabong. – BLUFF
5. Sa katunayan, ang sabong ay maituturing na isa sa masasamang bisyo o nakaugaliang libangan ng
mga Pilipino. – FACT

Matapaos nating isagawa ang Celebrity Bluff anong kaisipan ang pumasok sa inyong isipan? Tungkol saan
kaya ang paksang ating tatalakayin?

Gamit ang Concept Map ay ibigay ang mga salitang may kaugnayan sa salitang sabong.

C. Pag- uugnay ng mga


halimbawa sa bagong
aralin(Presentation)

(Pagkatapos masagutan ng mga mag-aaral ang tanong at ang mga salitang may kinalaman sa
sabong, may isang QR code ang mabubuksan upang malaman ang mensaheng hatid ng aktibiti.)

Aral: Ang pagkagumon sa bisyo ay tunay na nakapeperwisyo.

Ang mga mag-aaral ay manunuod ng isang video tungkol sa akdang tatalakayin ang dulang “Sa Pula, Sa Puti”.
D. Pagtatalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng bagong
kasanayan No. 1

E. Pagtatalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng bagong Matapos nating mapanood ang dulang “Sa Pula, Sa Puti” ay dumako naman tayo sa pagsagot sa ilang mga
kasanayan No. 2 katanungan ukol sa paksa:

1. Sino-sino ang mga tauhan sa dula? Ilarawan ang bawat isa.


2. Sa anong paksa umiikot ang dulang pinanood?
3. Bakit nahilig sa pagsasabong si Kulas?
4. Ano ang dahilan ng pagpusta ni Celing sa sabungan?
5. Tama ba ang kanyang dahilan? Pangatwiranan.
6. Ano kaya ang maaaring mangyari sa kanilang buhay kung hindi ito ginagawa ni Celing?
7. Kung ikaw si Celing gagawin mo rin ba ang ginawa niya sa dula? Pangatwiranan.
8. Kung ikaw naman si Kulas, susundin mo rin ba ang ipinayo sa iyo ni Castor? Bakit?
9. Ano ang mensahe o aral na nais ipahiwatig ng dula?

Sapagkat batid kong lubos ninyong naunawaan ang paksa ay narito ang isa pang QR code na naglalaman ng
isang aral na magagamit natin sa araw-araw nating buhay.
(tatawag ang guro ng mag-aaral na gagamit ng cellphone upang mabasa ang laman ng QR Code.)

Aral: Ang pagsusugal at pandaraya’y kailanman hindi magiging tama.

Ngayon naman, upang mapalalim pa ang inyong pag-unawa sa paksang tinalakay ay dadako naman tayo sa
pangkatang pag-uugnay sa teksto. Hahatiin ko ang klase sa apat at ang bawat pangkat ay bibigyan ko ng
gawain. Ang gawain ito ay tatawagin nating LIPARIN MO! Tulad ng mga tinali o manok na panabong ni Kulas ay
liparin natin ang mundo ng inyong imahinasyon upang masubok natin ang inyong kakayahan.

(pupunta ang mga mag-aaral sa kani-kaniyang pangkat)

Pangkat I – Dula ko, Iugnay Mo!


Bumuo ng isang islogan na magtatampok ng aral na hatid ng dulang tinalakay.

Pangkat II –Mensahe Ko, Itula Mo!


Bumuo ng isang tula ukol sa mensaheng nais ipabatid ng dula at bigkasin ito sa harap ng klase.

Pangkat III- Katotohanan Ko, Iakto Mo!


Magsadula ng isang pangyayari kaugnay sa dulang pinanood na nagpapakita ng katotohanan.

Pangkat IV – Simbolismo ko, Iguhit Mo!


Gumuhit ng isang simbolo na nagpapakita ng mensaheng nais ipahatid ng akdang tinalakay.

Rubriks para sa Pamantayan ng Pagmamarka ng Pangkatang Gawain


Nangangailangan pa ng Pagsasanay 1
Napakahusay Katamtaman
Pamantayan
F. Paglilinang sa Kabihasan 3 2
(Tungo sa Formative Assessment)
Ang mga mag-aaral Ang mga mag-aaral Ang mga mag-aaral ay nakapagpakita ng isang
ay mahusay na ay nakapagpakita ng senaryo na may kinalaman sa paksang
Nilalaman nakapagpakita ng wasto at angkop na tinalakay.
wasto at angkop na Gawain na may
mga gawain na may kaugnayan sa
kaugnayan sa paksang tinalakay
paksang tinalakay

Kahusayan Mahusay na Natalakay ng bawat Hindi natalakay ng bawat pangkat ang mga
ng natalakay ng pangkat ang ilan sa gawain na may kaugnayan sa paksa.
pagpapalut bawat pangkat mga gawain na may
ang ng ang mga gawain kaugnayan sa paksa
mensahe at na may
pagkamalik kaugnayan sa
hain paksa.
Presentasy Mahusay at Mahusay subalit may Hindi gaanong naipresenta nang maayos ang
on nakiisa ang bawat ilang miyembro ang gawain.
miyembro sa hindi sumali sa
presentasyon presentasyon.

Kabuuang puntos (9)

Pagbibigay ng puna ng kapwa mag-aaral sa bawat presentasyon.


(Gamit ang emoticons na makikita sa facebook, itaas ng bawat grupo ang like sign, heart, sad, o wow
sign.)

G. Paglalahat ng Aralin
(Generalization)
Bilang mag-aaral sa inyong palagay, tama bang gawing legal na lamang ang mga sugal para makadagdag pa
sa kita ng bansa?

Sa inyong palagay, tama bang umasa sa sugal para sa magandang kapalaran ng buhay?
H. Paglalapat ng aralin sa pang
araw-araw na buhay ONE- MINUTE JOURNAL
(Application/Valuing) Ang buhay ng tao ay parang isang dula. Maraming aksyon, maraming tagpo, nakaaaliw na pangyayari,
masalimuot na kabiguan o tagumapay na di inaasahan. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong mabago ang
isang bagahi ng iyong buhay, anong bahagi ng buhay mo ang nasi mong baguhin at bakit?

Kukuha ang guro ng typewriting at ang ilang mag-aaral ay bibigyan din. Itutupi ito sa gitna at ang kahati
ay gugusutin)

Kahalintulad ng mga hawak nyong papel ang inyong kapalaran at kahahatungan. Sa papel na inyong
mapapansing banayad, malinis, at walang bahid dungis ng dumi at kasalanan at sa kabilang banda naman ay
gusot, magulo at di maipipintang bahagi. Ngayon ay subukan naman nating ibalik sa dati ang gusot na bahagi
ng papel. Ano ang inyong napansin?

Tulad ng makatotohanang pangyayari sa dulang “Sa Pula, Sa Puti”, ang pandaraya kailanman ay hindi magiging
tama. Kasabihang magpapaalala sa atin na ang isang pagkakamali ay hindi maaaring pagtakpan ng isa pang
pagkakamali at kasalanan. Tulad ng anumang pandaraya, intensyon mo man ay mabuti o masama sa mata ng
lahat ikaw ay mandaraya. Mandaraya sa isip at salita. Walang katapusang husga ng mga taong walang
magawa. Pero lagi nating tatandaan na lahat ay pwedeng gawing tama kung may takot tayo sa Diyos at sa
Dakilang Lumikha.

I. Pagtataya ng Aralin
Upang mataya natin kung lubos ninyong naunawaan ang akdang ating tinalakay ay magkakaroon atyo ng
maikling pagsusulit. Kumuha ng ‘sang-kapat na papel.

Panuto: Isulat sa sagutang papel kung KATOTOHANAN o OPINYON ang sumusunod na pahayag batay
sa dulang pinanood.

1. Mas mahal ni Kulas ang kanyang mga tinali kaysa kay Celing.
2. Sina Celing at Kulas ay madalas mag-away dahil sa pagsasabong nito.
3. Ang tinatayaan ni Celing ay ang manok na kalaban ni Kulas.
4. Si Teban, ang madalas utusan ni Celing na pumusta, ay hindi naging tapat sa kanya.
5. Hindi umani ng biyaya si Kulas nang siya ay mandaya sa sabong.

Susi sa Pagwawasto:

1. OPINYON
2. KATOTOHANAN
3. KATOTOHANAN
4. OPINYON
5. KATOTOHANAN

J. Karagdagang gawain para sa Bumuo ng isang islogan na may kaugnayan sa dulang tinalakay at isulat ito sa isang oslo paper.
takdang-aralin (Assignment)

V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral
na nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation.

C. Nakatulong ba ang
remedial?
Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin.

D. Bilang ng mga mag-


aaral na magpapatuloy
sa remediation.

E. Alin sa mga estratehiya ng


pagtuturo ang nakatulong ng
lubos?
Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang
aking naranasan na
solusyunan sa tulong ng
aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuho na nais kong ibahagi sa
mga kapwa ko guro?
Inihanda ni:

PANGALAN
Gurong Nagsasanay

Binigyang-pansin:

Guro sa BEM 105


Gurong Tagapagsanay

You might also like