Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

BUOD NG NOLI ME TANGERE

Si Crisostomo Ibarra ay isang binatang Pilipino na pinag-aral ng kanyang ama sa Europa. Pagkatapos ng pitong
taong pamamalagi roon ay nagbalik ito sa Pilipinas. Dahil sa kanyang pagdating ay naghandog si Kapitan Tiyago ng
isang salo-salo kung saan ito ay dinaluhan nina Padre Damaso, Padre Sibyla, Tinyente Guevarra, Donya Victorina
at ilang matataas na tao, sa lipunan Kastila. Sa hapunang iyon ay hiniya ni Padre Damaso na siyang dating kura ng
San Diego, ang binata ngunit ito'y hindi na lamang niya pinansin at magalang na nagpaalam at nagdahilang may
mahalagang lalakarin.

Si Ibarra ay kasintahan ni Maria Clara. Siya kilala bilang anak-anakan ni Kapitan Tiyago, isang mayamang taga-
Binundok. Ang binata ay dumalaw sa dalaga kinabukasan at sa kanilang pag-uulayaw ay di nakaligtaang gunitain
ang kanilang pagmamahalan simula pa sa kanilang pagkabata. Di nakaligtaang basahing muli ni Maria Clara ang
mga liham ng binata sa kanya bago pa man ito mag-aral sa Europa. Bago tumungo si Ibarra sa San Diego ay
ipinagtapat sa kanya ni Tinyente Guevarra ng Guardia Sibil ang tungkol sa pagkamatay nga kanyang amang si Don
Rafael, ang mayamang asendero sa bayang yaon.

Ayon sa Tinyente, si Don Rafael ay pinaratangan ni Padre Damaso, na Erehe at Pilibustero, gawa ng di nito
pagsisimba at pangungumpisal. Nadagdagan pa ng isang pangyayari ang paratang na ito. Minsan ay may isang
maniningil ng buwis na nakaaway ng isang batang mag-aaral, nakita ito ni Don Rafael at tinulungan ang bata,
nagalit ang kubrador at sila ang nagpanlaban, sa kasamaang palad ay tumama ang ulo ng kastila sa isang bato na
kanyang ikinamatay. Ibinintang ang pagkamatay na ito ng kubrador kay Don Rafael, pinag-usig siya, nagsulputan
ang kanyang mga lihim na kaaway at nagharap ng iba-ibang sakdal. Siya ay nabilanggo at ng malapit nang malutas
ang usapin ay nagkasakit ang matanda at namatay sa bilangguan. Di pa rin nasiyahan si Padre Damaso sa
pangyayaring iyon. Inutusan niya ng tagapaglibing na hukayin ang bangkay ni Don Rafael sa kinalilibingan nitong
sementeryo para sa katoliko at ibaon sa libingan ng mga Intsik at dahil umuulan noon at sa kabigatan ng bangkay
ay ipinasya ng tagapaglibing na itapon na lamang ito sa lawa.

Hindi binalak ni Ibarra ang maghiganti sa ginawang kabuktutang ito ni Padre Damaso at sa halip ay ipinagpatuloy
ang balak ng kanyang ama na magpatayo ng paaralan.

Sa pagdiriwang ng paglalagay ng unang bato ng paaralan ay kamuntik nang mapatay si Ibarra kung hindi siya
nailigtas ni Elias. Sa paglagpak ng bato habang ito'y inihuhugos ay hindi si Ibarra ang nasawi kundi ang taong
binayaran ng lihim na kaaway ng binata.

Sa pananghaliang inihandog ni Ibarra pagkatapos ng pagbabasbas ay muling pinasaringan ni Padre Damaso ang
binata, hindi na lamang niya sana ito papansinin subalit nang hamakin ang alaala ng kanyang ama ay hindi na siya
nakapagpigil at tinangkang saksakin ang pari, salamat na lamang at napigilan ito ni Maria Clara.

Dahil sa pangyayaring ito ay itiniwalag o ineskomonyon si Ibarra ng Arsobispo ng simbahang Katoliko Romano.
Sinamantala ito ni Padre Damaso upang utusan si Kapitan Tiyago na sirain ang kasunduan sa pagpapakasal nina
Ibarra at Maria Clara. Nais ng pari na ang mapangasawa ng dalaga ay si Linares na isang binatang kastila na
bagong dating sa Pilipinas.

Dahil sa pagkasindak sa gumuhong bato noong araw ng pagdiriwang si Maria Clara'y nagkasakit at naglubha. Dahil
sa ipinadalang gamot ni Ibarra na siya namang ipinainom ni Sinang gumaling agad ang dalaga.
Sa tulong ng Kapitan Heneral ay napawalang-bisa ang pagkakaeskomulgado ni Ibarra at ipinasya ng arsobispo na
muli siyang tanggapin sa simbahang Katoliko. Ngunit, nagkataon noong sinalakay ng mga taong pinag-uusig ang
kwartel ng sibil at ang napagbintangang may kagagawan ay si Ibarra kaya siya ay dinakip at ibinilanggo. Wala
talagang kinalaman dito ang binata sapagkat nang kausapin siya ni Elias upang pamunuan ang mga pinag-uusig ay
tahasan siyang tumanggi at sinabing kailanman ay hindi siya maaring mamuno sa mga taong kumakatawan sa
bayan.

Napawalang-bisa ang bintang kay Ibarra sapagkat sa paglilitis na ginawa ay walang sino mang makapagsabi na
siya'y kasabwat sa kaguluhang naganap. Subalit ang sulat niya kay Maria Clara na napasakamay ng hukuman ang
siyang ginawang sangkapan upang siya'y mapahamak.

Nagkaroon ng handaan sa bahay nina Kapitan Tiyago upang ipahayag ang kasunduan sa pagpapakasal ni Maria
Clara kay Linares at samantalang nagaganap ito ay nakatakas ni Ibarra sa bilangguan sa tulong ni Elias.

Bago tuluyang tumakas ay nagkaroong ng pagkakataon si Ibarrang magkausap sila ng lihim ni Maria Clara,. Anya'y
ipinagkaloob na niya rito ang kalayaan at sana'y lumigaya siya at matahimik na ang kalooban. Ipinaliwanag ni
Maria Clara na ang liham na kanyang iniingatan at siyang ginamit sa hukuman ay nakuha sa kanya sa
pamamagitan ng pagbabanta t pananakot. Ippinalit sa mga liham na ito ang dalawang liham na isinulat ng
kanyang ina bago siya ipanganak na nakuha ni Padre Salvi sa kumbento at dito nasasaad na ang tunay niyang ama
ay si Padre Damaso.

Sinabi niya kay Ibarra na kaya siya pakakasal kay Linares ay upang ipagtanggol ang karangalan ng kanyang ina
subalit ang pag-iibig niya saa binata ay di magbabago kailanman.

Samantala, tumakas na si Ibarra sa tulong ni Elias. Sumakay sila ng bangka, pinahiga si Ibarra at tinabunan ng
damo at pagkatapos ay tinunton ang ilog Pasig hanggang makarating sa Lawa ng Bay. Ngunit naabutan sila ng mga
tumutugis sa kanila. Inisip ni Elias na iligaw ang mga ito kaya naisipan niyang lumundag sa tubig kung saan
inakalang si Ibarra ang tumalon kaya hinabol at pinaputukan siya ng mga sibil hanggang mahawi ang bakas ng
pagkakalangoy at magkulay-dugo ang tubig.

Nakarating sa kaalaman ni Maria Clara na si Ibarra'y napatay ng mga Sibil sa kanyang pagtakas. Ang dalaga'y
nalungkot at nawalan ng pag-asa kaya't hiniling niya kay Padre Damaso na siya'y ipasok sa kumbento ng Santa
Clara upang magmadre. Napilitang pumayag ang pare sapagkat tiyakang sinabi ng dalaga na siya'y
magpapakamatay kapag hindi pinagmadre.

Noche Buena nang makarating si Elias sa maalamat na gubat ng mga Ibarra, sugatan at nanghihina na doon niya
nakatagpo si Basilio at ina nitong wala nang buhay.

Bago siya nalagutan ng hininga ay sinabing, namatay siyang hindi nakikita ang pagbubukang-liwayway ng kanyang
bayan at makakikita ay huwag sanang kalilimutan ang mga nangamatay dahil sa pagtatanggol sa bayan.
Ang Noli Me Tangere ay isang nobelang isinulat ni Jose Rizal, at inilathala noong 1887, sa Europa. Hango
sa Latin ang pamagat nito at "huwag mo akong salingin" ang ibig sabihin nito. Kinuha ito ni Rizal sa ebanghelyo ni
Juan: 20: 13-17 sa Bibliya na tumutukoy kung paano pinagsusuot ng mga patalastas ang mga may ketong upang
lubayan sila ng mga nakakasalubong nila. Mas itong madalas tawaging Noli; ang salin sa Ingles nito ay Social
Cancer.

Unang nobela ni Rizal ang Noli Me Tangere. Inilathala ito noong 26 taong gulang siya. Makasaysayan ang aklat na
ito at naging instrumento upang makabuo ang mga Pilipino ng pambansang pagkakakilanlan. Sa di-tuwirang
paraan, nakaimpluwensiya ang aklat ni Rizal sa rebolusyon subalit si Rizal mismo ay isang nananalig sa isang
mapayapang pagkilos at isang tuwirang representasyon sa pamahalaang Kastila. Sinulat sa wikang Kastila ang
Noli, ang wika ng mga edukado noong panahong yaon.

Sinimulan ni Rizal ang nobela sa Madrid, Espanya. Kalahati nito ay natapos bago siya umalis ng Paris, at natapos
ito sa Berlin, Alemanya. Inilaan ni Vicente Blasco Ibáñez, isang bantog na manunulat, ang kaniyang serbisyo bilang
tagapayo at tagabasa.

Bumuo ng kontrobersya ang nobelang ito kung kaya't pagkatapos lamang ng ilang araw na pagbalik ni Rizal sa
Pilipinas, tinanggap ni Gobernador-Heneral Terrero sa Malacañang at inabisuhang puno ng subersibong ideya ang
Noli. Pagkatapos ng usapan, ang napayapa ang liberal na Gobernador Heneral ngunit nabanggit niya na wala
siyang magagawa sa kapangyarihan ng simbahan na gumawa ng kilos laban sa nobela ni Rizal. Mahihinuha ang
persekusyon sa kaniya sa liham ni Rizal sa Leitmeritz: "Gumawa ng maraming ingay ang libro ko; kahit saan,
tinatanong ako ukol rito. Gusto nila akong gawing excommunicado dahil doon . . . pinagbibintangan akong espiya
ng mga Aleman, ahente ni Bismarck, sinasabi nila na Protestante ako, isang mason, isang salamangkero, isang
abang kaluluwa. May mga bulong na gusto ko raw gumawa ng plano, na mayroon akong dayuhang pasaporte at
gumagala ako sa kalye pagkagat ng dilim ... ".
Kahalagahan

Ang nobelang ito at ang sumunod rito, ang El Filibusterismo (o El Fili), ay ipinagbawal sa Pilipinas dahil sa
pagpapakita nito ng korapsyon at abuso ng pamahalaan at simbahang Espanya. Halimbawa nito ay si 'Padre
Damaso' na sumasalamin sa pangangasawa ng Kastilang kaparian. Sa nobela, nabuntis ni Padre Dámaso ang isang
babae. Ilang sipi ang nakapasok sa Pilipinas at nang umuwi si Rizal pagkatapos ng kaniyang pag-aaral ng medisina,
nagkaroon siya kaagad ng sigalot sa lokal ng pamahalaan. Unang pinatapon sa Dapitan, inaresto siya sa asuntong
rebelyon dahil sa kaniyang mga sulatin. Binaril siya sa Maynila noong 1896 sa edad na 35 taong gulang.

Naging susi ang katha niya na bumuo ng pagkakakilanlan ng mga Pilipino at isang pag-iisip taliwas sa nakaugaliang
rehiyonismo. Ipinakita ng Noli ang iba't ibang elemento ng lipunang kolonyal.
* Sisa - ang ina nina Basilio at Crispin na nabaliw at asawa
[baguhin] MGA TAUHAN ni Pedro
[baguhin] I. Angkan ni Crisostomo Ibarra * Pedro - masamang asawa ni Sisa at iresponsableng ama
sa kanyang mga anak
* Crisostomo Ibarra - ang anak ni Don Rafael Ibarra na * Basilio - panganay na anak ni Sisa
nag-aral sa Europa at kasintahan ni Maria Clara * Crispin - bunsong anak ni Sisa na sinaktan ng Sakristan
* Don Rafael Ibarra - ang ama ni Crisostomo Ibarra na Mayor at pinagbintangang magnanakaw
pinaratangang Erehe at Filibustero. Kaibigan ni Padre
Damaso. [baguhin] VI. Elia
* Don Saturnino - ang lolo ni Crisostomo Ibarra * Elias - nagligtas kay Crisostomo na anak ng angkang
* Don Pedro Eibarramendia - ang ninuno ni Crisostomo kaaway ng mga ninuno ng mga Ibarra
Ibarra na naging sanhi ng pagkamatay ng lolo ni Elias * Balat - tiyo ni Elias, pinugutan ng ulo dahil sa pagiging
tulisan
[baguhin] II. Angkan ni Maria Clara
* Maria Clara - ang kasintahan ni Crisostomo Ibarra na [baguhin] VII. Don Anastacio
anak ni Kapitan Tiago * Don Anastacio - mas kilala bilang Pilosopong Tasyo at
* Kapitan Tiago - bilang Don Santiago de los Santos na Tandang Tasyo na isang pantas sa mga may pinag-aralan
ama ni Maria Clara at mayaman at maimpluwensiya sa ngunit baliw para sa mga taong walang pinag-aralan ayon
simbahan at gobyerno sa noli me tangere.
* Doña Pia Alba - ang ina ni Maria Clara
* Tiya Isabel - ang tiyahin at nag-alaga kay Maria Clara at [baguhin] VIII. Don Filipo Lino
pinsan ni Kapitan Tiago * Don Filipo Lino - ama ni Sinang at tenyente mayor
[baguhin] IX. Nol Juan
[baguhin] III. Mga Pari * Nol Juan - namahala sa pagpapatayo ng paaralan
[baguhin] X. Lucas
* Padre Damaso Verdolagas - isang paring Franciscano na * Lucas - kapatid ng taong madilaw na nagtangkang
tunay na ama ni Maria Clara patayin si Crisostomo Ibarra
* Padre Bernardo Salvi - kura sa San Diego na pumalit kay [baguhin] XI. Alfonso Linares
Padre Damaso at malapit ang kanyang kalooban kay * Alfonso Linares - Napili ni Padre Damaso na
Maria Clara mapangasawa ni Maria Clara.
* Padre Hernando de la Sibyla - kura ng Tanawan, [baguhin] XII. Kapitan Basilio
Batangas * Kapitan Basilio - isang kapitan ng San Diego
* Padre Manuel Martin - isang paring Agustino mahusay [baguhin] XIII. Tarsilo at Bruno
magsalita * Tarsilo at Bruno - Magkapatid na sumama sa pag-aalsa
[baguhin] IV. Mga Mag-asawa na pakana ni Padre Salvi
* Doña Victorina de los Reyes de Espadaña - asawa ni Don [baguhin] XIV. Inday, Sinang, Andeng, at Victoria
Tiburcio de Espadaña na nagpapanggap na Kastila at
laging kagalitan ni Doña Consolacion * Inday, Sinang, Andeng, at Victoria - mga kaibigan ni
* Don Tiburcio de Espadaña - pilay na Kastilang asawa ni Maria Clara na kasama niyang maligo sa batis
Doña Victorina na nagpapanggap na doktor
* Doña Consolacion - tinaguriang "Paraluman ng mga [baguhin] XV. Mga Manang
Gwardiya Sibil" na asawa ng alperes at kaaway ni Doña
Victorina * Hermana Pute
* Alperes/Komandante - asawa ni Doña Consolacion na * Hermana Rufa
isa sa makapangyarihan sa San Diego * Kapitana Maria
* Kapitana Dorya
[baguhin] V. Pamilya ni Sisa * Kapitana Tinchang

You might also like