Obra Maestra

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Reaksyong Papel

Sa Obra Maestra

Mond ay, September 27, 2010


Inihanda ni :
Darwin L Balat

Para kay :
Mr. Ariel Ramos
MARCELO H. DEL PILAR
( 1850 – 1896 )
Si Marcelo H. Del Pilar ay Isa sa mga kinikilalang Dakilang tao ng ating Bayan siya ay
ipinanganak noong Agosto 30, 1850 sa Kupang Bulacan kilala siya bilang propagandista at
satiristang rebolusyonaryong Pilipino. Nakapag – aral siya sa Colegio de San Jose at
nakapagtapos Naman NG kursong Abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas taong 1880.
Sinikap niyang itaguyod ang makabayang sentimyento ng mga ilustradong Pilipino, o burgesya,
laban sa imperyalismong Espanyol. Ginamit niya ang kanyang talino upang ipagtanggol sa
korte kababayang mahihirap na biktima deskriminasyon at pagpapahirap sa kagustohang
makamit ang katarungan laban sa mga pang-aabuso ng mga pari, inatake ni Del Pilar ang
pagkapanatiko at pagkukunwari Ipinangaral niya ang ebanghelyo ng trabaho, paggalang sa
sarili, at dignidad sa kapwa tao. Dahil si Del Pilar ay matatas at at dalubahasa sa Tagalog
ginamit niya Ito upang gisingin ang damdamin ng kapwa niya Pilipino sa matagal ng pang –
aalipin sa kanila mga Kastila.
Naiisip ni Del Pilar na magtatag ng isang pahayagan ng Diariong Tagalog dito ay ginamit niya
ang kanyang talino at dalubahasa sa tagalog upang ipalaganap ang mga demokratikong liberal
na ideya sa mga magsasaka at magbubukid. Gaya na nangyari kay Rizal inusig din si Del Pilar
ng mga kastila. Dahil dito mula sa pumunta sa Espanya upang tumakas siya sa panguusig mga
pari. Naging Editor din Ito ng La Solaridad na kilalang pahayagan ng mga repormistang Pilipino
sa Madrid.dahil dito Lalo lumakas at tuminbay Ang adhikain ni Del Pilar ginamit niya Ang
pahayagan upang maisiwalat at maisigaw ang mga karapatan ng mga Pilipino Aktibong
pagsali ng mga Pilipino sa mga gawain ng pamahalaan; Kalayaan sa pagsasalita, ng
pamamahayag, at ng pagpupulong; Mas malawak na kalayaan sa lipunan at pampulitika;
Pagkakapantay-pantay sa harap ng batas; Asimilasyon; At representasyon sa Espanyol Cortes,
o Parlyamento. Ilan sa mga karapatan ng mga Pilipino na si del Pilar Ang magbigay daan
sadyang humanga ako kay del Pilar dahil isinulong niya ang Ang kalayaan mula sa
pagkakapantay pantay o karapatang pantao, sinikap niya iangat Ang level ng mga Pilipino mula
sa pagiging alipin ng mga kastila
Ngunit kagaya sa napanood sa pelikula minsay natatalo din ang bida. Naghirap si Del Pilar
dahil naubos ang pera pondo para sana magamit sa pahayagan. Nakakalungkot isipin na ang
isang Bayaning kagaya ni Del Pilar na nagsusulong ng kalayaan sa Patas at mapayapang
paraan ay namatay sa nakakalungkot na paraan siya ay namatay dahil sa tuberculosis na dulot
ng kagutuman at napakalaking kawalan, tinanggihan ni Del Pilar ang posisyon ang gusto ng
asimilasyon o paglagom at magsimulang magplano ng isang armadong pag-aalsa. Malakas
niyang pinagtibay ang paniniwalang makakamit natin Ang kalayaan sa mapayapang paraan
hangang sa Huli niyang hantungan ay pinili ni del Pilar na makamit natin ang kalayaa. Isang
Bayaning matalino at tanging iniisip ay karapatan NG kanyang mga kalahi hangang sa huli ay
pagmamahal ba din sa kapwa ang pinairal niya dahil ayaw niya dumanak Ang dugo ng mga
kapwa niya Pilipino.

"Ang paghihimagsik ay ang huling lunas, lalo na kapag ang mga tao ay naniniwala na ang
mapayapang paraan ay walang saysay upang masiguro ang mga lunas sa kasamaan." 
JOSE P RIZAL

Si Jose P Rizal Ang ating Pambansang Bayani, para sa akin siya ang pinakamatalino sa lahat
ng ating mga bayani sa murang edad ay marami ng natutunan ang ating pambansang bayani
mula sa kanyang ina dalawang taon pa lang Ito ay marunong na siya magsulat, siyam na taon
siya noong siya ay pormal na pumasok sa paaralan sa Calamba. Si Rizal ay sobra layo na
pagkakaiba sa mga kabata Kung ikukumpara natin ang edad niya dahil sa Pagaaral paglalaro at
pagdarasal lamang umikot ang buhay niya. Matalinong Bata si Rizal alam na niya ang mga
tinuturo ng kanyang mga guro, Si Jose Rizal ay nag-aral sa mga prominenting unibersidad sa
Maynila. Kabilang na dito ay ang Unibesidad ng Santo Tomas kung saan siya ay nag-aral ng
Pilosopiya at sa Ateneo de Manila upang mag-aral ng medisina. Napakadalubhasa si Rizal sa
pagiging doktor ng mga mata, ang Optalmolohiya. Ito ay para magamot niya, ang noon ay
lumalalang karamdaman sa mata ng kanyang ina. At sa kanyang pag-oopera dito ay tuluyang
gumaling at nanumbalik ang kanyang paningin. Naging makulay Ang buhay pagibig ng ating
bayani sa kanyang angking katalinuhan at pagiging maginoo ay marami ang mga babae na sa
kanya ay umibig at nabighani
Ang unang pagibig ni Rizal ay Ang ating kababayang si Segunda Katigbak. Isang dalagang
Pilipina na taga-Lipa Batangas. Matagal silang magkasintahan ngunit Hindi sila nagkatuloyan
dahil ipinagkasundo si Segundo sa ibang lalaki
Si Josephine Bracken, ang babaeng kanyang nakasama noong siya ay ipiniit sa Dapitan. Sila
ay nagsama bilang mag-asawa. Nagdalang tao si Josephine ngunit namatay din ang bata dahil
ito ay kulang sa buwan
Halos nalibot ni Jose Rizal ang buong Europa at Asya. Sa katunayan ay natuto siya ng
dalawampu’t dalawang uri ng wika mula sa mga bansang kanyang pinuntahan. Mahilig gumawa
ng mga nobela at tula si Dr. Jose Rizal.
“ Ang Hindi Magmahal sa kanyang salita, ay mahigit sa hayop at malansang isda ” Ito ay isang
katagang nasusulat sa kanyang Tulang sa “ Aking mga Kabata ” talagang Bata pa lamang Ang
ating Pambansang Bayani at likas na sa kanya Ang pagiging makabayan Hindi Gaya ng mga
kabataan ngayon na kinain na NG sistema dulot ng mga Gadgets Lalo naging matunog ang
pangalan ni Rizal dahil sa kanyang mga sinulat na nobela ang naging napakalaking
kontribusyon sa asignatura ng mga Pilipinong mag-aaral. Ito ay ang Noli Me Tangere, na ang
ibig sabihin ay huwag mo akong salingin o huwag mo akong galawin na tumutuligsa sa
pagmamalupit ng mga kastila. Ang isa naman ay ang El Filibusterismo (Ang Paghahari ng
Kasakiman). Inalay niya ang El Filibusterismo sa mga tatlong paring martir na sina Padre
Gomez, Burgos, at Zamora. Ito ang Ang dalawa sa pinakasikat niyang naisulat na naging mitsa
din ng panganib sa kanyang bubay dahil dito tunugis siya ng mga kastila at ikinulong. Ito ang
mga pinakamangahas niyang nilimbag dahil na ipinagbabawal ito noong panahon ng mga
Kastila. Layunin ng mga nobelang ito na gisingin ang damdamin ng sinumang Pilipino na
makakabasa nito. Dito nakapaloob ang lahat ng mga pang-aapi at diskriminasyon na ginagawa
ng mga Kastila. Nagtatag din siya ng isang organisasyong tinawag na La Solaridad , matalino
so rizal at iniisip niya Ang kapakanan mga kapwa Pilipino ayaw niya dumanak Ang dugo sa
halip ay gusto niyang makamit Ang kalayaan sa pamamagitan ng panulat at gamit Ang kilusan
ay madami silang na ilimbag na tumutuligsa sa mga kastila.Ngunit hindi nagtagal ang La
itSolidaridad dahil sa iba’t –ibang pananaw ng mga kasapi nito. isa na rito ay si Andres
Bonifacio na lumaon ay nagtatag ng katipunan. Naging mainit ang mata ng mga kastila kay
Jose Rizal. Mula sa paglimbag ng mga subersibong babasahin ng patago siya ay dinakip at
kinulong sa Real Fuerza de Santiago o mas kilala sa tawag na Fort Santiago ng mahuli si Rizal
ay patung – patung Ang ikinaso sa kanyan kinasuhan ng rebelyon, sedisyon at
pakikipagsabwatan para ipataob ang pamamahala ng mga Kastila. Hinatulan siya na mamatay
sa pamamagitan firing squad. Talagang magiting na Bayani si Rizal dahil sa kabilang ng binggit
na kamatayan ay ginugol pa rin niya ang kanyang mga nalalabing oras sa paggawa ng isang
tula na pinamagatang Mi Ultimo Adios (Ang Huling Paalam). Sinulat niya ito sa salitang
Espanyol at isnalin ito sa wikang tagalog ni Andres Bonifacio.

Ang pamamaalam na tula niyang ito ay puno ng pasakit, panghihinayang at pag-asa. Hanggang sa
kanyang huling hininga ay hindi siya nawalan ng pag-asa na darating ang panahon na ang kanyang mga
sakripisyo sa bayan ay hindi mauuwi sa wala.

Bukod sa sedisyon, rebelyon at pakikipagsabwatan, si Jose Rizal ay inakusahan din na isang erehes.
Noong panahon ng Kastila, erehes ang tawag sa mga taong hindi nagsisimba at nanampalataya sa
simbahang katoliko.

Pinatay si Jose Rizal sa pamamagitan ng firing squad sa Bagumbayan na ngayon ay tinatawag nating
Luneta Park, noong Desyembre 29,1896

Isa si Rizal sa napakagiting na Bayani ng ating bayan para saakin Hindi lamang siya isang Bayani si Rizal ay
sumisimbolo sa Kagitingan katalinohan kayamanan kasaysayan at pag – asa dahil kung wala si Rizal na
nanguna gumising sa diwa ng ating mga kababayang Pilipino Malaya Kaya Tayo ngayon? Malungot man
Ang naging pagwawakas ng kanyang buhay may mabuti Naman itong naidulot sa atin. Dahil Ang kanyang
pagkamatay ang gumising sa diwa ng mga Pilipino na lumaban para sa kalaya at magpasahangang
ngayon ay atin pang natatamasa hindi nabigo Ang pangarap ni Rizal sa kanyang huli sulat Ang pangarap
niya makalaya Ang pilipinas ay atin ng natatamasa kayat sanay wag natin kalimutan Ang naging ambag
sakripisyo ng Bayaning ni Dr Jose Rizal

Dahil Sabi nga niya “ Ang Hindi Magmahal sa kanyang salita mahigit pa sa hayop at malansang isda ”
DASALAN AT TOCSOHAN
Ni Marcelo H. Del Pilar

Ang akdang ito ay sumasalamin sa matinding kalupitan at kasakiman ng mga prayleng kastila noon.
Katapat ng masamang gawa ay itinago nila ito sa likod ng matatalim na salita para kagiliwan at madaling
isalin ito sa mga Pilipino. Ginamit ni Gat. Marcelo H. Del Pilar ang mga dasal at paniniwala na itinuro ng
mga prayle. Gaya ng Ang Tanda, Pagsisisi, Ang Amain Namin, Ang Aba Guenon Baria, Ang Aba Po Santa
Baria, Ang mga Utos ng Fraile at iba pang mga kasabihan at paniniwal na. Isinalin ni Del Pilar sa
matatalim na salita.Isa sa tatlong kilalang dasal na kasama sa akdang ito ay ang “Ang Amain Namin”.
Mula sa orihinal nitong dasal na “ Ang Ama Namin”. Sa mga salitang “ Amain namin, sumasaconvento ca,
sumpain ang ngalan mo, malayo sa amain ang kasakiman mo, quitlin ang liig mo ditto sa lupa para nang
sa langit.”Ang dasal na para sa Diyos Ama ay ginawa niyang dasal para sa “Amaing Fraile.” Kitang kita
ang masidhing muhi ni Del Pilar at ng mga Pilipino sa mga paring kastila noon. “Dasalan at Tocsohan” ay
isang akda ni Marcelo H. Del Pilar na hawig sa katesismo subalit pagtuya laban sa mga prayle na
inilantad sa Barcelona. Dahil dito’y tinawag siyang “Pilibustero.” Kahanga-hanga ang himig na panunuya
at ang kahusayan ng pananagalog. Natawa ako sa mga linyang aming binasa katulad nito, “Aba guinoong
Baria nakapupuno ka nang alcancia ang Fraile’I sumasainyo bukod ka niyang pinagpala’t pina higuit sa
lahat, pinagpala naman ang kaban mong mapasok. Santa Baria Ina Deretsos, ipanalangin mo kaming
huag anitan ngayon at cami ipapatay. Siya naua.” Sa aking palagay ay lubhang napakatindi ng galit ni
Marcelo H Del Pilar sa mga Prayle kung kayat pati mga banal na dasal at mga utos ng mga Prae na sobra
sagrado para sa kanila ay kanyang nilapastangan upang ipakita ang lubos na pagtutol sa mga Prayle.
Ginamit din niya itong kasangkapan upang gisingin ang mga kapwa niya Pilipino sa Kung anong totoong
hangarin ng mga prayle na sa likod ng kagalang galang nilang suot at pagsamba sa diyos ay ang madilim
nila hangarin para sa bayan
IBONG ADARNA
Sa pag- aaral ko noong ako High school una kong nabasa ang ibong Adarna bawat kabanta
nito ay aming inaaral at itinanghal namin ito sa pamamagitan ng dula – dulaan. Ang Ibong
Adarna ay isang halimbawa ng korido. Ang korido ay tulang pasalaysay na ang bawat taludtod
ay may sukat at tugma. Samantalang sumasalamin namin ito
sa pananampalataya, alamat at kababalaghan.

Ang sukat nito ay aapating taludtod at ang bawat saknong at wawaluhing pantig bawat
taludtod. Isahan ang tugma nito. Ito ay isang uri ng tulasinta o metrical romance Binubuo ito ng
1,034 saknong sinasabing ang may-akda nito ay si Huseng Sisiw na palayaw ni Jose de la
Cruz. Ang akdang ito ay isang kwentong kapululutan natin ng aral sa buhay. Masaya itong
basahin dahil napakakulay kanyang kwento tungkol sa isang prinsipe na matapang at gagawin
ang kahit ano para sa kanyang pamilya. Na Kung iisipin ay malateleserye Ang mga tagpo at
pangyayare mahalaga itong basahin dahil matututunan mo kung gaano katibay ang iyong
pagmamahal sa isang tao. Kung sa panahon ngayon Ang kwento ito ay puno NG hugot sa
buhay Lalo na sa larangan ng pag – ibig. Nagpalakita ito ng tunay na pagmamahal yung tipong
masaktan ka man o masugatan okey lang iyan sayo basta masaya ang minamahal
mo.sinasalamin din sa kuwento ang tunay na pagmamahal ng kapatid sa kanyang kuya dahil sa
kabila ng ginawa kasalanan ng kanyang nakakatanda kapatid ay napatawad pa din niya Ito. Isa
pang natutunan ko sa Ibong Adarna ay hindi mo alam kung sino mong pwedeng tiwalaan dahil
si Don Juan ay nagtiwlala sa kanyang kuya pero sa huli binugbog siya at iniwan sa gubat.
Nalaman ko din na kung binigyan ka nang isang opportunidad gawin mo ng maayos at
patunayan mo na kaya mo talaga.
Ang ibong Adarna ay isang kwentong dadalhin Tayo sa kakaibang mundo dahil napakakulay
nito at halo – halong emosyon ang nararamdaman mo kapag binasa mo Ito maari sa una ikaw
ay malungkot, sumaya, magalit, kiligin, matakot pero sa dula ay pagmamahal pa din ang nanaig
sa kwento. Lahat ay naroon sa kwentong Ibong Adarna. Ito malateleserye kung saan bawat
tauhan ay may Mahahalagang ginampanan. Si Don Juan ay mailalarawan ko bilang
mapagmahal na binata, kapatid at anak at matapang, malakas at likas sa kanya ang pagiging
matulongin. Ang dalawa Naman niyang nakakatanda kapatid ay ganid makasarili at traydor. Si
Don Fernando Naman ay salamin ng isang mapagmahal na ama mabuting hari sa kwentong ito
ay sinubok Kung gaano makapangyarihan pagmamahal na kahit ano pagsubok Ang dumating
kung mahal mo ang taong nangangailangan gagawin mo pa din Ito kahit kapalit ay kamatayan
at naging kasangkapan lamang ang ibong adarna upang tumibay at mabuo ang pamilya ni
Doon Juan naging susi din Ito sa to tunay na pagmamahalan
Para sa akin ko mahalagang aralin ang Ibong Adarna sa mga eskwelahan dahil maraming
matututunan ang mga bata dito at mahalaga ang pagbabasa ng mga Libro. Marami ako
natutunan sa Koridong Ito kayat Sana ay mabasa pa din Ito ng mga kabataan sa susunod pa
henerasyon
FLORANTE AT LAURA
Ni Francisco Baltazar

Ang Florante at Laura ay isang awit na kinikilalang isa sa pinakamahusay na ginawa


ni Francisco Baltazar o mas kilalang sa pangalang Balagtas

Ang mga linya, taludturan at tugma nito  pinag isipan ng mabuti at ang
paksa ay tumatalakay sa away sa gitna ng mga Kristyano at di-mananampalataya,pagmamahal, 
kataksilan, pagkakaibigan at marami pang isyung panglipunan. Ang
tagpuan ng Florante at Laura ay ginanap sa mga banyagang lugar tulad ng Albanya atPersya, n
a lalong nagpakulay sa
kwento. Ang wikang ginamit sa istorya ay sadyang naguudyok sa mga mambabasangmag-isip 
na mabuti gumamit siya ng matatalinhagang salita, salawikain, at sari saring tayutay na
magtatanim ng mabubuting asal, moral, emosyonal, sosyal at panrelihiyon aral sa
mambabasa. Marami sa nilalaman ng Florante at Laura ay nasa anyong patalumpati opangwika
in, at gumagamit ng mga simbolo upang magrepresenta ng kanya-kanyang
katangian ng mga tao sa lipunan. Katulad, talinghaga, pagpapalit-saklaw, eksaherasyon, kudlit, 
maliwanag na halimbawa o personipikasyon,  at marami pang sangkap na magpapakulay
osa awit.
Umikot ang awit sa istorya ng pagmamahalan nina Florante, isang matapang namandirigma at t
agapag-adya ng Albanya, at Laura, ang mapagmahal at magandangkasintahan ni Florante. Ang 
ibang tauhan sa awit ay binubuo nina Aladin, PrinsesaFloresca, Flerida, Adolfo, Duke Briseo, M
enandro, King Linceo, Antenor, Menalipo,Sultan at madami pang
tauhan.Si Florante, sa kabila ng paglalarawan ni Balagtas bilang isang makisig at
matapang na lalaki
ay maaari ding mag representa nang pagiging inosente, mahirap,at pang aabuso sa mga Pilipin
o sa mga panahong iyon. Si Laura naman ay kumakatawan sa isang bansang pinag-
aagawan ng dalawang nasyon tulad ninaFlorante at Adolfo. Sa awit, si Laura ay inilarawan bilan
g isang kaakit-akit na babae namaaaring maikumpara sa bansang Pilipinas sa mga panahong iy
on. Si Adolfo ay isang ganid at ginagamit Ang kanyang kapangyarihan upang gumawa ng
masama kagaya NG ginawa ng mga dayuhang  Espanyol sa mga Pilipino. 
Ang ibangtauhan naman tulad nina Aladin na may napakabuting puso si
Menandro sa pagkakaibigan, si Antenor para sa karunungan, Sultan Ali-adab gahaman at
makasarili. Miramolin sa katapangan at Osmalik sa kamatayan. Pinapakita sa awit na ito
ang pagmamahal, at kataksilan. Ang Florante at Laura Ang Isa sa pinaka sikat na lovestrory na
naisulat ng Pilipino halo – halo emosyun ang nararamdaman mo kapag binasa mo
Ito . Ang Florante at Laura ay nagtapos sa isang masayang wakas, di tulad ng Noli meTangere 
at El Filibusterismo, maaaring sa ibang tao ito ay di-makatotohanan,pero para sa akin
sumisimbolo Ito sa pag-asa sa kabila ng
lahat ng pagmamalabis na kanilang nararanasan sa mga Espanyol

Sa Katapusan ng kwetong Florante at Laura nalaman ko kung gaano makapangyarihan ang


pagmamahalan. Gaano pa man tayo nagpapakahirap, ang pag-ibig natin kahit kanino man ay hindi
nawawala. Nakikita ko ito sa buong kwento sa karakter ni Flerida na lahat ay kayang gawin para sa pag –
ibig. Si Laura na pililiin pang mamatay kaysa makasal sa taong di niya mahal. Si Menandro na matalik na
kaibigan ni Florante na magpapasaksak para lang mabuhay si Florante. Sa buhay ko ngayon masasabi ko
na bata pa ako, marami pa akong oras na ipagbuti ang mga pagkakamali ko dati at ang mga karanasan na
masama at gawin ng mabuti. Huwag nating hayaan pangunahan tayo ng ating emosyun sa bawat
disisyon na gagawin natin sa buhay kagaya ng natutunan ko sa pagbasa ng Folrante at Laura nakahit ano
pagsubok Ang dumating a t kahit paulit ulit tayo madapa di tayo dapat mawalan ng pag- asa dahil kagaya
ng nangyari sa kwento nagtapos Ito ng sa happy ending at Alam ko na lahat ng kwento o buhay ng tao ay
may happy ending basta magsikap lang tayo makakamit din natin Ang tagumpay. Alam ko na madami pa
Itong maituturo sa mga taong babasa at sana nga ay madami pa kabataan Ang makabasa ng awit na ito
dahil Ito ang Isa pinakamagandang Obra maestra ng ating lahi. Marami aral sa likod ng awit na ito na
maaring nating ipagkumapara sa ating buhay at nasa atin na ang desisyon kung gagamitin natin ang mga
aral na ito.
Noli Me Tangere
Ni Dr. Jose P Rizal

Si Jose Rizal ay ituturing nating Pambansang Bayani, nakilala siya dahil sa paglaban niya at pagaaklas sa
mga Kastila gamit ang panulat at Ilan sa kanyang mga akda ay tinuligsa niya ang mga Kastila mga Prayle
at doon nga ay nagising ang damdamin makabayan ng mga Pilipino sa mga panahong iyon, Si Jose P Rizal
ipinanganak noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna. Ang kanyang mga magulang ay sina Francisco
Mercado Rizal at Teodora Alonzo y Realonda.   Bata pa lamang, marunong na itong magsulat ng
kuwento.  Kayat’t ng lumaki ito ay napakahusay na siyang sumulat ng mahahabang nobela.   Sa edad na
26 na taong gulang, ay nakapag imprenta na ito ng kanyang unang nobela na pinamagatang, “Noli Me
Tangera ang nobela Ito ay tumutuligsa sa pananakop at pagpapahirap ng mga Kastila. Isinulat niya ang
nobelang Ito upang gisingin ang mga kapwa niya Pilipino tungkol sa pagmamalupit ng mga dayuhan sa
ating bansa.

Sa kasalukuyan ay isinasadula ito ng mga mag-aaral sa mga paaralan upang lubos nila maunawaan ang
kwento sa likod ng nobela.  Nagpapakita ito ng tunay na pagmamahal ng dalawang magkasintahan,
ng  magulang at ng bayani sa kaniyang bansa.  Ito rin ay nagpapakita ng pang-aabuso ng mga kastila sa
ating mga kababayan.  Ang bawat tauhan ng nobelang ito at nagsisimbulo ng makabuluhang pangyayari
sa ating bayan.

And nobela lang Ito ay pinagaaralan namin nun ako ay nasa sekondarya pa lamang. kung saan
pagkatapos namin itong mapagaralan ay isinagawa namin ito sa pamamagitan ng isang dula – dulaan,
pagkatapo ng mahaba naming pagaaral at dula, masasabi ko na marami akong na natutunan tungkol sa
ating kasaysayan.   At kung muli nating babasahin ang akdang Ito malalaman natin napakaraming
pinagdaanang hirap ang ating mga ninuno at maraming hindi makaturangang pangyayari ang naganap sa
atin noon.  Kagaya ng sinapit ng ilang mga tauhan sa nobela sa kamay ng malupit na paring si
Damaso. Ipinakita din sa Nobela ang pagiging mahina ng mga babae sa panahong iyon ang kaawaawang
kalagayan ng Ina binugbog ng asawa ngunit sa kanila noon ay mahal pa din niya ang kanyang asawa. Ang
pagiging sunod – sunuran at alipin ng mga Pilipino sa saraling bayan ang Isa sa pinakamalungkot na
pangyayare nais ipabatid ng nobelang Ito.Ngunit napagisip – isip ko rin na maraming mabuting bagay
ang naipakita ng Nobela.  Naisip ko na sa gitna ng malungkot na pangyayari, ang mga Pilipino ay kayang
bumangon at magsimula ng bagong buhay.  Naisip ko na kung gaano katalino at kadiskarte ang mga
Pilipino sa panahong iyon kaya’t lumalabas ang ating tunay na tapang at pagka-malikhain.  Alam ko rin,
na pag nagka-isa, malalampasan natin ang kahit na anong hirap at pagmamalupit ng ibang tao sa
atin.  Lagi tayong may pag-asa sa ating mga puso kaya tayo ay magtatagumpay bilang isang
bayan.   Patuloy itong magiging inspirasyon sa akin upang lalo pang magsumikap hangang sa maabot ko
din ang aking mga pangarap
ANG EL FILIBUSTERIMO

Ni Dr. Jose P Rizal


Ang nobelang El filibusterismo ay ang pangalawang nobelang isinulat ng ating pambansang
bayani na si José Rizal, Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig
at nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at
karapatan ng bayan. Ito ay inialay niya sa tatlong paring martir na kilala sa bansag
na Gomburza sila ay sina Marciano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora. Ito ang karugtong
ng unang nobela niya naisulat ang Noli Me Tangere at tulad sa Noli, dumanas din si Rizal ng
hirap habang sinusulat ito, nakasulat din Ito sa wikang Kastila. Sinimulan niyang isulat ang El
Filibusterismo noong Oktubre ng 1887 habang nagaaral Ito ng medisina sa Calamba. Gumawa
siya ng maraming pagbabago sa plot at pinagbuti niya ang ilang mga kabanata taong 1888.
Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagtatrabaho sa kaniyang manuskrito habang naninirahan
sa Paris, Madrid, at Brussel, at nakompleto niya ito noong Marso 29, 1891, sa Biarritz. Inilathala
ito sa taon ring iyon sa Gent. Isang nagngangalang Valentin Ventura na isa niyang kaibigan ang
nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag at mailathala ng maayos ang aklat
noong Septyembre 18, 1891.

Marami Tayo matutunan sa nobelang Ito Kung ating uunawain. Ang El Filibusterismo ay isang
napakagandang likha ni Jose Rizal, pNaipakita niya kung paano nababago ng katiwalian sa
buhay ng tao kung paano nito nababaliktad ang pananaw ng kahit na sino kung sila ay
nahaharap sa ganitong sitwasyon.Naging interesado ako nang basahin kong muli ang akda
dahil sa taglay nitong ganda talagang napakatalino ni Rizal , napakaraming damdamin ang
pinalitaw ni Jose Rizal sa mga karakter ng Nobela kung saan mauunawaan ng mga inaapi ang
kanilang sinsapit, may mga tauhan, tulad ni Kabesang Tales na katakotakot Ang hirap na
inabot sa kamay ng mga kastila at si Basilio na binago ang isip dahil sa pagnanais niyang
maghiganti. Ang akdang Ito ay punong – puno ng puot at galit halos lahat ng karakter ay
pinangungunahan ng emosyon upang gumawa ng mga bagay. Ang mga layunin ng karakter ay
maliwanag. Kailangang makapaghigante, makapatay man o hindi. Kailangan mapatalsik ang
baluktot na mamumuno ng kanilang lipunan. Nakakalungkot at nakakapanghinayang ang
katapusan ng akda dahil sa masakit na pangyayari kay Crisostomo, namatay ang kanyang nais
iligtas at hindi pa gumana ang kanyang mga plano, samantalang si Isagani naman ay
nagpabulag sa pag-ibig na kailanman ay hindi na maibabalik sa kanya.Si Padre Florentino ay
isa sa mga mahahalaga karakter siya ang nagalaga kay Kapitan Tiago nang nalolong ito sa
opyo at siya ay hindi nasilaw sa kayaman Nakita niya ang totoong mensahe ng pagkamatay ni
Crisostomo na ang paghahangad ng kayamanan at kasakiman ay nagdudulot ng lahat ng
kasamaan sa mundo. Si Paulita na pinili lamang si juanito na anak ng mangangalakal dahil sa
pera kahit na hindi naman niya ito mahal, mas mahalaga sa kanya ang kayamanan kaysa sa
pagmamahal ni Isagani na isang obrero, Sobra akong nalulungkot para kay julio dahil sa
kanyang sinapit, dahil bago pa man siya magpakamatay ay madami nang trahedya ang
nangyari as kanya, matagal niya nang alam na nananamantala ang prayle ngunit dahil sa
desperasyon at dahil sa pamimilit ni Hermana Penchang ay napilitan pa din siyang humingin ng
tulong dito. Sa kabuuan, ako ay natuwa sa El Filibusterismo sa pagbabagong naganap
paguugali ng mga pangunahing tauhan at kung paano ipinakita ni Rizal ang mga suliraning
panlipunan sa ating bansa. hindi man nagging matagumpay ang plano ni Simoun sa Nobela,
ngunit nagtagumpay naman si Rizal sa pagbuhay at paggising sa damdaming nasyonalistiko ng
mga Pilipino. Nagtagumpay si Rizal sa pagpukaw ng damdamin ng mga Pillipino at ginising ng
nobela Ito Ang ating kamalayan sa tunay na nangyare sa lipunan noong panahong iyon

You might also like