Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Abstrak

Castillo, Eanna Joyce T., Coronado, Maria Mica S. Del mundo, Jastine Mae R., Esguerra, Jose
Mari L., Lagaya, Jonna Breatriz L., Tupa, Eugen T. “Salik Sa Pagkakaroon ng Motibasyon at
Determinasyon Sa Napiling Kurso Ng Mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar”
Pamantasang Centro Escolar, Lungsod ng Makati, March 2015.

Tagapayo: Angel Michael C. Lerios

Ang motibasyon at determinasyon ay napakahalagang salik sa matagumpay na


pagkatuto. Nakakatulong din ito sa pagkakaroon ng tiwala sa sarili na magagawang
malampasan ang kahit na ano ngunit ano nga ba ang salik ng pagkakaroon ng
determinasyon at motibasyon? Ang layunin ng pag-aaral na ito ay malaman ang salik sa
pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa napiling kurso ayon sa pamilya at
relasyon ng mga mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar. Sa pananaliksik na ito
ginagamit sa paaralang palarawan, ang pangunahing instrumenting ginamit ay
talatanungan upang makalap ang datos tungkol sa salik sa pagkakaroon ng motibasyon at
determinasyon ng mga mag-aaral. Papoporyento ang ginamit sa pag-aaral upang malaman
ang mga kasagutan sa mga suliraning kinaharap ng pag-aaral na ito. Sa kinalabasan ng
pag-aaral na ito ang salik sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa napiling
kurso sa kolehiyo na nagmula sa pamilya ay ang presyur at ang salik sa pagkakaroon ng
motibasyon at determinasyon mula sa relasyon sa kapwa ay ang aksiyahan sa mga
nakatakdang gawain. Batay sa kinalabasan ng isinagawang pag-aaral iminungkahi na
huwag masyadong mag paapekto sa presyur dahil nais lamang ng mga magulang ay ang
nakabubuti sa mga anak at ipagpatuloy lang ang mabuting pakikipagrelasyon sa kapwa
nang sa gayon ay patulorin ang pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa pag-
aaral.

Mga Susing Salita: Pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon

You might also like