Professional Documents
Culture Documents
Ang Pagpapahayag NG Kalayaan NG Pilipinas Ay Iprinoklama Noong Hunyo 12
Ang Pagpapahayag NG Kalayaan NG Pilipinas Ay Iprinoklama Noong Hunyo 12
Ang Pagpapahayag NG Kalayaan NG Pilipinas Ay Iprinoklama Noong Hunyo 12
Cavite II el Viejo (ang kasalakuyang Kawit, Cavite), Pilipinas. Binasa sa publiko ang (Kastila:
Acta de la proclamación de independencia del pueblo Filipino) na isinulat ni Ambrosio
Rianzares Bautista. Inihayag ng puwersang rebolusyunaryong Pilipino sa ilalim ni Heneral
Emilio Aguinaldo ang kalayaan at soberenya ng kapuluan ng Pilipinas mula sa pamumunong
kolonyal ng Espanya.
Mga nilalaman
1 Kasaysayan
o 1.1 Karanasan
2 Ang pagpapahayag ng Hunyo 12
o 2.1 Pakikibaka para sa kasarinlan
o 2.2 Ang kasalukuyang lokasyon ng Pagpapahayag
3 Ang teksto ng "Akto ng Pagpapahayag ng Kasarinlan ng Mamamayang Pilipino"
4 Mga tala
5 Tignan din
6 Talasanggunian
7 Panlabas na Kawing
Kasaysayan
Karanasan
Nagsimula ang Rebolusyong Pilipino noong 1896. Noong Disyembre 1897, nilagdaan ng
pamahalaang Espanya at mga rebolusyonaryo ang isang kasunduan, ang Kasunduan sa Biak-na-
Bato, na siyang nangangailangan sa Espanya na magbayad ng 800,000 piso sa mga
rebolusyonaryo at maipatapon si Aguinaldo at iba pang mga lider sa Hong Kong. Noong Abril
1898, noong pumutok ang Digmaang Espanyol-Amerikano, naglayag si Komodoro George
Dewey lulan ng U.S.S. Olympia mula Hong Kong patungong Look ng Maynila at pinamunuan
ang pagdating ng Asiatic Squadron ng Hukbong Dagat ng Amerika. Noong 1 Mayo, 1898, ginapi
ng Estados Unidos ang Espanya sa Labanan sa Look ng Maynila. Nagpasiya si Emilio Aguinaldo
na bumalik ng Pilipinas para tulungan ang hukbong Amerikano na labanin ang Espanya.
Pumayag ang Hukbong Dagat ng ng Amerika na dalhin siya pabalik lulan ng USS McCulloch, at
noong 19 Mayo, nakarating siya ng Cavite.
Idineklara ang kasarinlan noong 12 Hunyo, 1898, sa pagitan ng ikaapat at ikalima ng hapon sa
Cavite sa pinamanang tahanan ni Heneral Emilio Aguinaldo, 30 kilometro timog ng Maynila.
Nakita sa pangyayaring ito ang pagwagayway ng Pambansang Watawat ng Pilipinas, na siyang
ginawa sa Hong Kong ni Marcella Agoncillo, Lorenza Agoncillo at Delfina Herboza, at ang
pagpapatugtog ng Marcha Filipina Magdalo bilang pambansang awit, na kilalala ngayon bilang
Lupang Hinirang, na siyang sinulat ni Julian Felipe at pinatugtog ng bandang San Francisco de
Malabon.[2]
Kinalaunan, noong 1898, ibinigay ng Espanya ang Pilipinas sa Estados Unidos sa ilalim ng
Kasunduan sa Paris ng 1898 na siyang nagtapos sa Digmaang Espanyol-Amerikano.
Hindi kinalala ng Pamahalaang Rebolusyonaryong Pilipino ang kasunduan o ang soberanya ng
Amerika, at nakipaglaban sa Estados Unidos ngunit sila ay nagapi. Sila ay unang kinilala ng mga
puwersang Amerikano bilang, minsa'y opisyal, na "Insureksiyong Pilipino" (Philippine
Insurrection) ngunit kinalaunan tinawag ding itong Digmaang Pilipino-Amerikano, na siyang
nagwakas noong madakip si Emilio Aguinaldo ng mga hukbong Amerikano,[6] at nagpahayag ng
kaniyang pagkilala at pagtanggap sa soberanya ng Estados Unidos sa Pilipinas.[7] Sinundan ito
noong 2 Hulyo 1902, noong nagpadala ng telegrapo ang Kalihim ng Digmaan ng Estados Unidos
na si Elihu Root, na nagtapos na ang insureksiyon laban sa Amerika at naitatag ang mga
pamprobinsiyang pamahalaang sibil sa halos lahat ng mga lugar liban sa mga lugar na tinitirhan
ng mga tribong Moro.[8] Gayunpaman, may mga maliliit na rebelyon ding naganap sa mga
sumunod na taon.
Noong mga bandang dekada '80 o '90, ninakaw ang Pagpapahayag mula sa Pambansang Aklatan.
[1]
Dahilan sa pagkakaroon ng malawakang imbestigasyon ukol sa malawakang pagnanakaw ng
mga makasaysayang dokumento at sa sinundang pampublikong apela para maibalik ang mga ito,
ang Deklarasyon ay naisauli sa Pambansang Aklatan noong 1994 ni Milagros Guerrero, isang
propesor ng Pamantasan ng Pilipinas.[11]