Ang Paglilitis Kay Rizal

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Pinili ni Rizal ang Kanyang Manananggol.

Ang tanging karapatang ibinigay kay Rizal ng mga awtoridad na Espanyol ay ang piliin ang abogadong
magtatanggol sa kanya. At kahit limitado dahil binigyan siya ng listahang mapagpipilian niya.

• Disyembre 8, - Pista ng Inmaculada Concepcion, isang listahan ng 100 na una at ikalawang tenyente
ng Sandatahang Espanyol ang ipinakita kay Rizal upang piliin ang tagapagtanggol niya.

Don Luis Taviel de Andrade, Unang Tenyente ng Sandatahang Lakas. Ang pangalan ay pamilyar kay Rizal
kaya pinili niya ang tenyente na maging tagapagtanggol niya sa hukuman. Ang kapatid pala ni Ten. Jose
Taviel de Andrade, “bantay” ni Rizal noong 1887.

Pagbabasa sa Akusado ng mga Impormasyon Hinggil sa mga Kaso

Disyembre 11, Impormasyon hinggil sa kaso ay pormal na binasa kay Rizal sa loob ng kanyang selda,
kasama ang kanyang tagapagtanggol. “pangunahing tagapagtatag at buhay na kaluluwa ng
insureksiyong Pilipino, ang tagapagtatag ng mga samahan, pahayagan, at librong nag-papaapoy at
nagpapalaganap ng mga ideya hinggil sa rebolusyon” -Ang akusasyon kay Rizal.

Bilang akusado, hindi nagpahayag ng pagtutol si Rizal sa awtoridad ng hukuman, ngunit ipinagtanggol
niyang wala siyang sala sa kasong rebelyon. Gayunman, inako niyang sumulat ng Kontitusyon ng La Liga
Filipina, na isa lamang asosasyong pansibika. Iniurong niya ang kanyang karapatan magbago o
magdagdag mg mga pahayag, liban sa katotohanang hindi siya naging aktibo sa politika sapul ng
mapatapon sa Dapitan.

Ipinadala ni Dominguez ang mga papeles ng kaso ni Rizal sa Malacañang noong Disyembre 13, sa araw
nang si Gobernador Camilo G. de Polavieja, sa tulong ng mga makapangyarihang Dominikong prayle, ay
naging Gobernador Heneral ng Pilipinas, hinalinhan si Gobernador Blanco. dahil mas makatao si Blanco
kaysa kay Polavieja at isa pa'y maniniwala ang una na si Rizal ay hindi traydor sa Espanya.

Ang Manipesto ni Rizal sa Taumbayan.

Disyembre 15,

-Isinulat ito ni Rizal habang siyang ay nakapiit sa kanyang selda sa Fuerza Santiago.

-Isinulat niya ito dahil gusto niyang ibahagi sa taumbayan na makakamit lang natin ang kalayaan sa
pamamagitan ng edukasyon at pagsisikap.

-Sinasabi rito na ikinagulat niya na ang ngalan niya ang naging pamansag ng ilang mga rebolusyon.

- Nililinaw din dito na tinutulan na niya ang balak ng rebolusyon dahil hindi pa raw tayo handa dito.

Ito ang manipesto isinulat ni Rizal:


Huwes Tagapagtanggol Heneral Nicolas de la Peña -inerekomenda niya kay Gobernador Heneral
Polavieja na huwag ipalabas ang manipesto ni Rizal.

Pinakinggan naman ng huli ang rekomendasyon kaya ang manipesto ni Rizal ay hindi naipamahagi sa
taumbayan. Si Rizal “nailigtas sa kahihiyang maidudulot ng kanyang manipesto sakaling nagkamali ang
taumbayan sa interpretasyon at di ito sundin ng mga nag-aalsang Pilipino”

Pinakamalungkot na pasko ni Rizal.

Disyembre 25, 1896 -Ito ang malungkot at madilim ang paskong ito ni Rizal dahil siya ay nag-iisa at
nalulumbay sa kanyang selda.

Pasko ng 1896- ang kanyang huli ditto sa lupa at pinakamalungkot sa buhay ni Rizal. Siya ay sumulat kay
Taviel de Andrade. Ito ang kanyang liham:

Fuerza Santiago, Disyembre 25, 1896

Sa aking iginagalang na tagapagtanggol:

Ipinaalam sa akin ng huwes na nagiimbestiga na bukas ay diringgin na ang aking kaso sa hukaman.
Hinihintay kita ngayong umaga para sabihin sa iyo ang isang mahalagang bagay, ngunit walang-dudang
dahil sa dami ng iyong Gawain ay di ka nakapunta gaya ng inaasahan ng huwes na nag-iimbestiga.
Sakaling may panahon ka, nais ko sanang makipag-usap sa iyo bago tayo humarap sa hukuman;
tatanawin kong malaking utang na loob kung makapupunta ka rito ngayon hapon, ngayon gabi, o bukas.

Muli binabati kita ng “Maligayang Pasko” Ang sa iyo’y nagmamahal na lingcod at kliyente,

Jose Rizal

Ang Paglilitis kay Rizal,

Alas otso ng umaga, Disyembre 16 1896 -Sinimulan ang hukumang-militar ni Rizal sa gusaling Cuartel de
España.

Pitong miyembro ng hukumang-militar

-Ten. Kol. Jose Togores Arjona (pangulo)

-Kapt. Ricardo Muñoz Arias

-Kapt. Manuel Reguera

-Kapt. Santiago Izquierdo Osorio

-Kapt. Braulio Rodriguez Nuñez

-Kapt. Manuel Diaz Escribano


-Kapt. Fermin Perez Rodriguez

Naroon din sa silid-hukuman

-Dr. Rizal (ang akusado)

-Ten. Taviel de Andrade (kanyang tagapagtanggol)

-Kapt. Rafael Dominguez (Huwes Tagapagtanggol)

-Ten. Enrique de Alcocer (Tagapag-usig)

- Kasama rin si Josephine Bracken, ilan mamamahayag at maraming Espanyol.

Nakaupo si Rizal sa isang bangko sa pagitan ng dalawang sundalo. Suot niya ay isang itim na ternong lana
at putting tsaleko at itim na kurbata.

Ang paglilitis ay binuksan ng Huwes Tagapagtanggol Dominguez na nagpapiwanag ng kaso laban kay
Rizal. Sunod si Tagapag-usig Alcocer ay nagbigay ng talumpating nagbigay ng buod sa mga kaso laban
kay Rizal at humikayat sa hukuman na ipataw ang kamatayan sa akusado. Sumunod si Tagapagtanggol
de Andrade at binasa ang kanyang pagtatanggol kay Rizal “Ang mga Huwes ay di kailangang maging
mahiganti; ang mga huwes ay dapat maging makatarungan” Pagkatapos, binasa ni Rizal ang ulat ng
pagtatanggol na sinulat niya sa Selda na may 12 puntos ng pagiging inosente niya:

1. Wala siyang kaugnayan sa rebelyon dahil siya pa mismo ang nagpayo kay Dr. Pio Valenzuela noon sa
Dapitan na huwag na silang mag-aklas.

2. Hindi siya nakipagsulatan sa mga elementong radikal at rebolusyonaryo.

3. Ginamit ng mga rebolusyonaryo ang kanyang pangalan nang hindi niya alam. Kung siya'y maysala,
disinsana'y tumakas siya sa Singapore.

4. Kung may kaugnayan siya sa rebolusyon, disinsana'y tumakas siya sakay ng isang vintang Moro at di
na nagpatayo ng tahanan, ospital, at bumili ng lupain sa Dapitan.

5. Kung siya ang pinuno ng rebolusyon, bakit hindi siya kinonsulta ng mga rebolusyonaryo?

6. Totoong sinulat niya ang Konstitusyon ng La Liga Filipina, ngunit ito ay isa lamang asosasyong
pansibiko, hindi isang rebolusyonaryong samahan.

7. Hindi nagtagal ang La Liga Filipina dahil pagkaraan ng unang pulong ay ipinatapon siya sa Dapitan.

8. Kung muling nabuhay ang La Liga Filipina pagkaraan ng siyam na buwan, hindi niya alam.

9. Hindi itinataguyod ng La Liga ang mga simulain ng mga rebolusyonaryo. Kung hindi, sana'y di na
itinatag ang Katipunan.
10. Kung totoong may mapapait na komentaryo sa mga sulat ni Rizal, ito ay dahil isinulat ito noong 1890
nang ang kanyang pamilya ay inuusig, kinukumpiska ang bahay, bodega, lupain, atbp., at ang kanyang
kapatid na lalaki at mga bayaw ay ipinatapon.

11. Ang buhay niya sa Dapitan ay kapuri-puri gaya ng mapatutunayan ng mga komandanteng politiko-
militar at misyoneryong pari.

12. Hindi totoong pinukaw ng kanyang talumpati (sa bahay ni Doroteo Ongjunco) ang rebolusyon, gaya
ng ipinaparatang ng mga oposisyonistang gusto niyang makaharap. Alam ng mga kaibigan niya ang
kanyang pagtutol sa armadong rebolusyon. Bakit nagpadala ang Katipunan ng isang sugo sa Dapitan na
hindi niya kakilala? Dahil yaong mga kakilala niya ay batid na hindi niya sasang-ayunan ang anuman
kilusang marahas.

Ten. Kol. Togores Arjona - pangulo, ay pinalabas na ang mga tao sa korte. Pagkaraan ng maikling
delibirasyon, nagkaisa ang mga bumubuo ng hukumang-militar na ipataw ang sentensiyang kamatayan.

Disyembre 26, -desisyon ng korte ay sinumite kay Gobernador Heneral Polavieja na sentensiyang
kamatayan.

Nilagdaan ni Polavieja ang Pagbitay kay Rizal

Disyembre 28, 1896- inaaprubahan ni Polavieja ang desisyon ng hukumang-militar at pinagutos na


barilim si Rizal sa ganap na 7:00 ng umaga ng Disyembre 30 sa Bagumbayan (Luneta).

You might also like