Tronong MR

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Korona ng Mr. and Ms.

Ambassador ng QUESAA nabawi ng QNHS


Llynette Licuanan
Matagumpay na nasungkit nina Kizer Ganaba estudyante sa ika-siyam na
baitang at Reylyn Raquino esudyante sa ika-labindalawang baitang ang
titulong Mr. and Ms. Ambassador of QUESAA 2019 sa nakaraang QUESAA
Meet noong Setyembre 20-21 na ginanap sa himnasyo ng Quezon National
High School.

Umangat ang angking alindog at galing sa pag-iisip ng mga kandidata sa


naganap na Search for Mr. and Ms. Ambassador of QUESAA na dinaluhan
ng iba’t ibang paaralan sa bayan ng Quezon.
Napuno ng hiyawan ang himnasyo nang lumabas ang sampung kandidato
para sa kanilang production number at hindi nila binigo ang mga manonood
sa pagrampa nila ng sports attire at sa pagpapalabas ng kani-kanilang
natatanging talento.
Mas lalong umingay ang mga manonood ng itanghal ni Ganaba ang
kaniyang talentong pagsasayaw ng kantang The Eve ng Koreanong
Boyband group na EXO.
Kasabay ng nakabibinging hiyawan ay ang pagtawag sa pangalan ni
Ganaba dahil siya ay umani ng apat na parangal kabilang na ang Best in
Production Number, Best in Creative Jeans, Best in Talent, at Best in Sports
Wear.
Samantala, nakamit rin ni Raquino ang dalawang parangal na Best in Talent
at Best in Production in Number.
“Excited at the same time kinakabahan kasi mas lumawak ang kompetisyong
aking sasalihan at mas marami na akong makakasalamuha”.ani ni Raquino.
“Masaya at thankful ako kay God, ganoon na rin sa pamilya ko at sainyo na
laging sumusuporta” sagot ni Ganaba nang tinanong siya tungkol sa
naramdaman niya.
Buong pusong suporta ang ibinigay ng mga guro at studyante ng QNHS sa
naganap na kompetisyon
Matatandaan na si Ganaba ay isang mahiyaing mag-aaral at kwalipikado
noong nakaraang taon sa CAVRAA sa larangan ng larong Boxing.
Parehong lalaban sina Ganaba at Raquino sa Search for Mr. and Ms. LD5
2019 na gaganapin sa Mallig, Isabela kasama ang kanilang tagapagsanay
na sina Gng. Cresslyn Bajo at Gng. Rhea Mabanta.

You might also like