Kasaysayan NG Pasakat

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Kasaysayan ng Pasakat

Ang Katutubong sayaw ng Santa Rosa.

Ang sayaw na ito ay nagmula sa bansang Pransya na ipinakilala ng mga Kastila sa


Pilipinas at ng mga Pilipinong nagbalik bansa mula sa kanilang paglalakbay mula
sa Europa noong panahon ng ikalabinsiyam na siglo.

Tanging mga Pilipinong may mataas na antas sa lipunan ang sumasayaw nito
noong panahon ng pananakop ng Kastila. Isa itong payak na sayaw subalit
kakikitaan ng eleganteng paggalaw. Kilala ang sayaw na ito sa tawag na “Pas de
Quarte” o “Paseo de Quatro,” ngunit hindi rin nagtagal ay kinilala ito sa pinaigsing
katawagan na PASAKAT ng mga Pilipino.

Ayon sa kasaysayan, ang sayaw na ito ay minsan nang ipinagbawal ng mga pinuno
ng simbahan at ng mga relihiyosong magulang sapagkat tangan ng mga
kalalakihan ang mga baywang at mga kamay ng mga kababaihan.

Ang katutubong sayaw na ito ay unang natuklasan sa bayan ng Santa Rosa,


lalawigan ng Laguna daantaon na ang nakalipas.

Pasakat… Maituturing na sariling sayaw ng mga Rosenian.


Katutubong sayaw ng ating bayan.

Source: FRANCISCA REYES AQUINO, Philippine National Dances


Philippine Folk Dance Society, Cultural Center of the Philippines
(Samahan ng mga Tagapagtaguyod ng mga Katutubong Sayaw, Sentrong
Pangkultural ng
Pilipinas)

Nagsaliksik: HOLY ROSARY COLLEGE, Center For Cultural Affairs.

You might also like