Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

DOCUSIN, DOC GERALD B.

119-0453

Napaka raming wika saating mundo at isa sa mga iyon ay wikang Filipino, ito ay ginagamit ng mga tao sa
Pilipinas o kaya’y Pilipino. Ang wika saating bansa ay may ibat ibang diyalekto at Filipino ang pinakaugat
ng mga ito. Marami saatin ang di nakakaalam ng pinang galingan o kasaysayan ng ating wika. Pilipino ka
diba? Isa ka ba sakanila? Kung hindi mo alam ang kasaysayan ng ating wika halika at tignan natin ang
mga batas na nag saad ng ating wika.

Alam natin na ang pag kakaroon ng wika sa isang bansa ay mahalaga upang tayo ay makapag intindihan.
Ang wika din ay nag sisilbing pag kakilanlan ng isang tao kahit na siya ay nasa ibang bansa. Mahalaga ang
pagkakaroon ng iisang wika, o masasabing, ang "official language" ng isang bansa.

Nag simula ito noong 1896 nang itinatag ang saligang batas ng biak na bato at naka saad dito opisyal na
tinutukoy ng saligang batas nito bilang ang Republik ng Filipinas. Nasabi din dito na ang Wikang Tagalog
ang magiging opisyal na wika ng Pilipinas.

Ito ay sinundan ng PHILIPPINE COMMISSION, BATAS 74 (1901) Ingles ang naging opisyal na wikang
pambansa; ito rin and midyum na ginagamit sa mga paaralan. Ito ay nangyari noong tayo ay nasa kamay
ng bansang Amerika.

PAGGAMIT NG VERNACULAR SA PAGTUTURO (1931) Iminungkahi na gamitin ang vernacular ng iba't


ibang lugar sa pagtuturo sa primaryang antas. - George C. Butte (Bise Gobernador, Kalihim ng
Pampublikong Edukasyon, 1930) BATAS COMMONWEALTH 184 (1936)  Surian ng Wikang Pambansa na
naatasang pumili ng iisang katutubong wika na magiging batayan ng wikang pambansa. Disyembre 30,
1937 – iprinoklamang ang wikang Tagalog ang magiging batayan ng Wikang Pambansa. Magkakabisa ang
proklamasyong ito dalawang taon matapos itong mapagtibay.

1940 – ipinag-utos ang pagtuturo ng Wikang Pambansa sa ikaapat na taon sa lahat ng pampubliko at
pribadong paaralan at sa mga pribadong institusyong pasanayang pangguro sa buong bansa.

Hunyo 4, 1946 – nagkabisa ang Batas Komonwelt Blg. 570 na pinagtibay ng Pambansang Asambleya
noong Hunyo 7, 1940 na nagproklama na ang Wikang Pambansa na tatawaging Wikang Pambansang
Pilipino ay isa nang wikang opisyal.
1959 – ibinaba ng Kalihim Jose B. Romero ng Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7
nanagsasaad na ang Wikang Pambansa ay tatawaging Pilipino upang mailagan na ang mahabang
katawagang “Wikang Pambansang Pilipino” o “Wikang Pambansa Batay sa Tagalog”.

1987 – Filipino na ang ngalan ng wikang pambansa, alinsunod sa Konstitusyon na nagtatadhanang “ang
wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.” Ito ay hindi pinaghalu-halong sangkap mula sa iba’t ibang
katutubong wika; bagkus, ito’y may nucleus, ang Pilipino o Tagalog.

At nag karoon din tayo ng LINGGO NG WIKA (1954) na kung saan iniutos ni pangulong Magsaysay ang
taunang pag diriwang ng linggong wika, hanggang maging buwan ng wika. Noon ay nabanggit na ang
ating wika ay tagalog ngunit may ibang nag sasabi na ang wikang tagalog ay diyalekto ng mga tao sa NCR
kayat ipinilit nila na Filipino ang batayan ng tagalog hanggang maging pambansang wika ang FILIPINO.

Bilang isang Pilipino dapat nating pahalagahan ang ating wika, pag aralan, alamin ang kasaysayan at
igalang an gating sariling wika dahil ito ay isa sa mga simbolo na ng pagkakaisa ng bawat Pilipino, ito ay
isang bagay saating isapan na tayong mga Pilipino ay dapat mag kaisa at isa sa mga tulay ng ating pag
kakaisa ay ang ating wika. Kahit pa maraming mga banyaga ang dumarating saating bansa hinding hindi
satin matatanggal an gating wika. Dapat itong pag aralan dahil ito nga ang tulay para mag kaisa ang
Pilipino dahil may mga ibang Pilipino lalo na sa parte ng VIsayas at Mindanao ay hindi alam an gating
wika dahil pinalaki sila na ang gamit na wika ay kanilang diyalekto. Wikang Filipino ang nag sisilbing
komunikasyon natin saating kapwa Pilipino kahit na tayo ay nasa ibang bansa, ito ay sagisag at simbolo
na tayo ay may pusong Pilipino na may pag mamahal sa wika.

You might also like