Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ABRIL 12, 2020

LOCKDOWN EXTENSION NI DUTERTE –


MILITARISTA, HINDI SAPAT ANG AYUDA,
WALANG PAKINABANG SA MARALITA
PAHAYAG NG COURAGE AT CITIZENS’ URGENT RESPONSE TO END COVID-19 (CURE COVID)

Sa pagpapahaba ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) hanggang Abril 30, 2020, nag-
aalala ang Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees
(COURAGE) sa pagpapatuloy ng militaristang pagpapatupad ng ‘lockdown’.

 Mabagal pa rin ang ayudang pagkain at pera sa mga maralita


Kagimbal-gimbal isiping napakabagal pa rin ng pagdating ng tulong na pagkain at
pinansyal sa mga mahihirap nating kababayan gayong isang buwan na halos ang
lockdown. Hanggang ngayon ay hindi pa rin maayos ang sistema ng Rehimeng Duterte
sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para
ipamahagi ang 5,000 hanggang 8,000 pisong ayuda mula sa Social Amelioration Program
(SAP). Ito’y bagamat may 275 bilyong pisong handa na dapat gamitin alinsunod sa
Bayanihan We Heal as One Act of 2020. Dadagdagan pa ito ng 500 milyong US dolyar na
utang mula sa World Bank. Ayon naman sa IBON Foundation, 296.2 bilyong piso ang
kailangan para masiguro na lahat ng pamilyang Filipino ay makatatanggap ng ayuda.
Samakatuwid, may pera ngunit pinapatagal ng burukrasya ang proseso ng pamamahagi.
 Wala pa ring malinaw na plano para sa Solusyong Medikal
Ang huling exposé ni Arnold Clavio hinggil sa hindi na binibilang na mga namatay na
pasyenteng hinihinalang may COVID-19 sa isang ospital sa Quezon City ay sadyang
nakababahala. At bagamat naitakda nang simula Abril 14, 2020 ay magma-mass testing
na para sa mga Persons Under Investigation (PUI), Persons Under Monitoring (PUM) at
mga frontline health workers, sa parehong petsa rin idineklara ng PhilHealth na hindi na
sasagutin ang lahat ng gastos medikal para sa mga pasyenteng may COVID-19.
Ipinapanawagan ng COURAGE na ngayon mas higit kailangang ipatupad ng Rehimeng
Duterte ang Solusyong Medikal imbes na Militar sa lockdown na ito. Kaugnay nito,
kagyat dapat na tugunan ang mga sumusunod:
- Pagbigay ng buong suporta para sa mga kawani ng pamahalaan na
nagpapatuloy sa serbisyo sa gitna ng lockdown
- Pamamahagi ng mga Personal Protect Equipment (PPE) para sa lahat ng mga
frontline workers
- Pag-una sa mga PUM, PUI, frontline workers at mga mahihirap na komunidad
para sa Mass Testing
- Pagpapatuloy ng libreng coverage ng PhilHealth para sa mga pasyente ng COVID-
19
 Paglaganap ng sakit at pang-aabuso sa karapatang pantao
Umabot na sa 21,000 katao ang inaresto ng Philippine National Police (PNP) sa paglabag
sa mga regulasyon ng halos mag-iisang buwan na lockdown. Kahindik-hindik ang mga
natampok na kaparusahang ipinataw ng mga lokal na tagapagpatupad – pagdetine sa
kulungan ng aso, pagpapaupo sa initan, at sa sukdulan ay pamamaslang.
Ang ipinatupad lockdown ay nagmistula ring ‘crackdown’ laban sa mga kritiko. Sa
internet at social media, matindi ang paniniktik ng mga elemento ng National Bureau of
Investigation at kapulisan laban sa mga lantad na kritiko ng pamamalakad ng Rehimen.
May iniulat na ang Abugadong si G. Chel Diokno na ipinatawag sa NBI bunga ng simpleng
post sa social media na pinupuna ang pamahalaan sa pagsasabing ‘wala ng pondo’
gayong diumano’y may pambili ito para sa Presidential Jet.
At sa aktwal, ang pinakamarahas na aksyon ng mga armadong pulis ay laban sa mga
nagpoprotestang mamamayan ng Sitio San Roque noong Abril 2, 2020. Ang mga
residente ay nagtipon lamang para mangabang ng ayudang pagkain mula sa lokal na
pamahalaan, ngunit nang walang dumating ay naging protesta ang pagtitipon. Umabot
sa 21 ang inaresto; napalaya lamang ang mga ito pansamantala sa pamamagitan ng
15,000 pisong piyansa.
 Tuloy-tuloy na palakasin ang ating mga boses para sa hinaing ng mamamayan!
Inirerehistro ng COURAGE ang lubos na pagkundena sa nanatiling militaristang
pagpapatupad ng lockdown ng mga armadong galamay ng Rehimen. Ito’y habang tuluy-
tuloy pa rin ang pagpapabaya ng Rehimeng Duterte sa kapakanan at kagalingan ng
mamamayan. Asahan ng Rehimen na lalo lamang lalakas ang panawagan ng mga kawani
sa pampublikong sektor kasama ang mamamayan para sa mga sumusunod:
1) Libreng Mass Testing at pagpapagamot para sa mamamayan!
2) Pamimigay ng mga PPE lalo sa mga kawani at healthcare workers!
3) Pagsiguro sa sahod at benepisyo ng lahat ng mga kawani – kasama ang mga Job
Order at Kontraktwal!
4) Pagsiguro sa ligtas na pook-paggawa sa mga kawani
5) Pagsiguro sa hazard pay ng lahat ng mga nagpapatuloy sa pagtatrabaho sa
panahon ng lockdown
6) Tuluyang pagregularisa sa lahat ng mga kontraktwal na mga kawani at
manggagawa, pagpapatupad ng pambansang minimum na sahod na 16,000 piso
kada buwan!

You might also like