Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Ang Pangungusap

Ang pangungusap ay salita o lipon ng mga salita na


nagpapahayag ng buong diwa o kaisipan.

Halimbawa:

Si Aling Alicia ay naglalaba ng damit at sapatos ng


mga bata at nagpapakain naman ng baboy si Mang Kanor.

Ang mga sumusunod na salita ay masasabing pangungusap


dahil nagpapahayag ito ng buong diwa o kaisipan.

Aray! Lumilindol! Bumabagyo!

Dalawang Bahagi ng Pangungusap


May dalawang bahagi ang pangungusap:
1. simuno o paksa
2. panaguri

I. Simuno o paksa
 Ang simuno o paksa bahagi ng pangungusap na
nagsasaad ng pinag-uusapang paksa.
 Ang simuno o paksa ay maaaring tao, bagay,
pook, o pangyayari na pinagtutuunan ng pansin
sa pangungusap.
 Karaniwan ang simuno ay ang pangngalang
pinangunguhunan ng ang at ang mga, o si at
sina.
 Maaaring ang simuno ay pangngalan, panghalip,
pang-uri, o pang-abay.
 Ngalan ng tao- ako, kami, ikaw, kayo,
siya, sila
 Ngalan ng pook- ito, iyan, iyon, dito, diyan,
doon
 Ngalan ng bagay- ito, iyan, iyon

Halimbawa:

1.Si kuya Jan Marc na taga Imelda Pudtol Apayao ang


pinakagwapo sa lahat. (pangngalan)
2.Siya ay aming namataang dumating kahapon.
(panghalip)
3.Ang maganda ay narito na. (pang-uri)
4.Ang matuling tumakbo ay nakarating na. (pang-abay)

 Ang simuno ay maaring nasa unahan, gitna, o hulihan


ng pangungusap.

Halimbawa:

1.Ako ay isang Pilipino. (unahan)


2.Nagbuhat tayo sa lahing Malay. (gitna)
3.Maganda ang Pilipinas. (hulihan)
II. Panaguri
 Ang panaguri ang bahagi ng pangungusap na nagsasabi
o nagpapaliwanag tungkol sa simuno.
 Maaaring ang panaguri ay pangngalan, pang-uri,
pandiwa, o pang-abay.

Halimbawa:

1.Si Jose Rizal ay Pambansang Bayani. (pangngalan)


2.Matalino ang batang iyan. (pang-uri)
3.Nagbabasa ng libro si kuya Jan Marc. (pandiwa)
4.Mabilis magtrabaho ang masipag na bata. (pang-
abay)
 Ang panaguri rin ay maaring nasa unahan, gitna, o
hulihan ng pangungusap.

Halimbawa:

1.Magigiting ang mga bayani n gating lahi. (unahan)


2.Si lapu-lapu ay kinikilalang kauna-unahang
Pilipino na nagtanggol sa kalayaan n gating
bayan. (gitna)
3.Siya ay ating dinadakila. (hulihan)

Uri ng Simuno o Paksa


1.Payak na Simuno- ito ay nagpapahayag ng isang
simuno.
Halimbawa:
Ang Pilipinas ay may mayamang panitikan.
2.Buong Simuno- ito ay nagpapahayag ng buong simuno.
Halimbawa:
Ang kultura at panitikan ay magkaugnay na
bahagi ng bansa.

Uri ng Panaguri
1.Payak na Panaguri- ito ay nagpapahayag ng payak o
iisang panaguri.
Halimbawa:
Ang pabula ay isang kwentong bayan.
2.Buong Panaguri- ito ay nagpapahayag ng buong
panaguri.
Halimbawa:
Dapat magsuot ng tamang uniporme ang mag-aaral.
Dalawang Ayos ng Pangungusap
May dalawang ayos ang pangungusap:

1.Karaniwang Ayos/ Tuwid na Ayos


2.Di-Karaniwang Ayos/ Kabalikang Ayos

 Nasa Karaniwang Ayos ang Pangungusap kapag nauuna


ang panaguri sa simuno o paksa. Hindi ito
ginagamitan ng ay.
Halimbawa:
1.Makulay ang kasaysayan ng buhay ni Andres
Bonifacio.
2.Ginamit niya ang kanyang tatak at panitik
laban sa paniniil ng mga Espanyol.
3.Watak-watak sila.
 Nasa di-karaniwang Ayo sang pangungusap kapag
nauuna ang simuno o paksa sa panaguri. Ito ay
ginagamitan ng ay.
Halimbawa:
1.Si Rizal ay isang pangunahing Propagandista.
2.Sina Rizal at Bonifacio ay nagngungunang
maghimagsikan.
3.Ako ay isang magaling na bata.

Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit


 Gumagamit tayo ng ibat-ibang uri ng pangungusap sa
pagpapahayag ng sariling kaisipan o damdamin.
 Apat na uri ng pangungusap ayon sa gamit: paturol o
pasalaysay, pautos o pakiusap, patanong, at
padamdam o pahanga.
1.Paturol o Pasalaysay

Ang pangngusap na nagsasalaysay, nagkwekwento,

You might also like