1. Anong isang bagay ang mahalaga upang makalikha ng isang nasyon?
Bakit? Pag-iisa ng magkakahiwalay na lupaing binubuo ng mga taong may magkakatulad na kultura. 2. Bakit napakamahalagang puwersa ang nasyonalismo noong ika-20 siglo? Ang nasyonalismo ay puwersang maaring mag-isa sa loob ng isang bansa ngunit ito ay maari ding maging sanhi ng paligsahan ng mga nasyon na hangad magdaigan. Sa pagsisimula ng ika-20 siglo, nalinang ang mahigpit na paligsahan ng Germany. Austria-Hungary,Britain,Russia,Italy,at France.
Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na terminolohiya.
2. Nasyonalismo-Ang nasyonalismo ay ang pagiging mabuting mamamayan ng isang tao sa bayang sinilangan. Ito ay isa sa mga katangiang dapat taglayin ng bawat isa upang maipakita ang pagmamalaki at pagmamahal sa lupang tinubuan ng buong puso. Pagtangkilik at pagpapahalaga ang kailangan ng isang bansa sa mamamayan nito. 3. Militarismo-Ang salitang militarismo ay ang paniniwala o pagnanais ng isang gobyerno o isang tao na dapat mapanatili ng isang estado ang isang malakas na kakayahan sa militar at gamitin ito nang agresibo upang palawakin ang mga pambansang interes at mga halaga; Ang mga halimbawa ng mga modernong militaristang estado ay kinabilangan ng United States, Russia at Turkey. 4. Alyansa-Ang alyansa o alliance sa Ingles, ay tumutukoy sa isang uri ng kasunduan na mayroon ang isang tao, bansa, o ano pa man. Ito ay may layuning panatilihin ang kapayapaan sa bawat miyembro na kasapi nito at tulungan sa abot ng makakaya isa't isa. Ito ay isang paraan ng pagpapakita ng suporta ng isang kakampi o kasapi nito tungkol sa isa pang kasapi nito.