EXAM-KOM 2nd

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Pangasinan Division II

CIPRIANO P. PRIMICIAS NATIONAL HIGH SCHOOL


Alcala

IKALAWANG KUWARTER NA PAGSUSULIT PARA SA SHS GREYD 11


KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

Pangalan:__________________________________________ Taon/Pangkat:___________________ Iskor:___________

I. PAGPILI :
Panuto : Basahing mabuti ang mga pahayag o tanong at isulat sa papel ang titik ng napiling sagot.

Kelot nanghablot ng selfon, tiklo


Pinosasan ng mga nagpapatrulyang pulis ang isang lalaki matapos biktimahin ang isang dalagita at
agawan ng selfon sa Sta. Cruz,Maynila kamakalawa ng hapon.Naghihimas na ng rehas ang suspek na si
Eruel Pacia, alyas “Robin” ng 69 Lico Street, Tondo Maynila at nahaharap sa kasong robbery
snatching.Ang kanyang biktima ay si Kimberly Flaviano, 13, estudyante at residente ng Sta Cruz,
Maynila.Sa imbestigasyon ng mga pulis, nabatid na papapuwi na mula sa eskwelahan ang biktima nang
bigla na lang umanong hablutin ng suspek ang kanyang selfon.Kaagad na rumesponde ang mga pulis na
nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

1.Alin dito ang hindi nagbigay ng tamang kahulugan sa mga salita?


A.kelot – magnanakaw B.tiklo – huli C.hablutin – kunin D.himas rehas - nakakulong
2. Kasong ipinataw sa suspek ayon sa teksto.
A. pagnanakaw B. robbery snatching C. rape D.homicide
3. lesbo : tomboy A. bading C. lasing
parak : ________ B. tanod D. pulis
4. Anong hugot line ang nagsasaad ng tungkol sa kasawian sa pag – ibig?
A. Lagi na lang ninyong sinisisi ang mga taong “paasa”. Hindi kaya, kasalanan mo dahil “assuming” ka
lang?
B. Kapag sumama ka sa matatalino, tatalino ka rin. Kapag sumama ka sa adik, magiging adik ka rin.
Try mong sumama sa akin, baka sakaling maging akin ka rin.
C. Kaysa mabuwisit, love your “haters”. Sila ang ebidensiya na hindi ka pa nga artista, may mga fans
ka na.
D. Aanhin pa ang tiwala, kung ang hinala ay laging tumatama?

KABATAAN NGAYON : Tapos maghihirap ang


Pabebe sa social media buhay
Pabobo sa school Bato – bato sa langit
Pababa yung grades Ang matamaan sapul !
Ang ending padede ng bata ( Sen. Merriam Defensor
Santiago )

5.Anong paksa ang hindi binigyang - diin dito?


A. Kahirapan B. Korapsyon C. Teenage pregnancy D. Edukasyon
6.Anong pinagmulan ng salitang “PAK GANERN” ?
A. Tumpak at ganoon C. Pakpak at ganito raw
B. Palakpak at ganito D. Tulak at ganire
7.Alin dito ang may maling kahulugan?
W. matalas ang dila – masakit magsalita
I. kaututang dila - mabaho kapag nagsasalita
K. maanghang ang dila - bastos magsalita
A. matamis ang dila - mahilig sa tsokolate at candy
A. W at A B. I at A C. K at W D. lahat ay tama
W. Umiiyak ang bata – young
I. Bata ng senador ang babaing iyan. - anak
K. Bata ng senador ang kuya ko. - protege
A Nakita ko ang magbata sa Luneta. – mga batang naglalaro

8. Alin dito ang may maling salin?


A. W, I, A B. I, K, A C. W, I, K D. A, W, K
Suriing mabuti ang mga pangungusap.

A. Mayroon kang LOVEnat kaya kailangan mo ng KISSpirin at yaCAPsule


B. Ang mahal naman ng bilihin sa mall.In fairness, magaganda naman lahat.
C. Jolina walang dangal talaga ang taong yan.Dahil purita,kailangan pa niyang mag – Lupin
D. Hey, man, watcha doin?Ang cool ng gig ninyo last week.
9.Nagpapahayag na nagagamit ang mga salitang hiram upang miangat ang sarili sa lipunan o
pagpapa - impress?
10.Ito’y nagbibigay-diin na maaaring ginagawa ang panghihiram ng salita upang mabago ang daloy ng
usapan.
11.Nagpapahiwatig na ang mga Pilipino ay masayahin kung kaya’t ang mga hiram na salita’y nagagamit
sa pagbibiro at pagpapatawa.
12.May mga pagkakataong gumagamit ng mga salitang hiram upang itago ang pinag – uusapan sa ibang
mga taong nakaririnig.
13.Ang wika bilang impukan – kuhanan ng kultura ay nangangahulugang _______________.
A. Sa wika pumapaloob ang pag – uugali,isip at damdamin ng isang grupo ng tao.
B. Sa wika nakasaad ang tradisyon ng isang bansa
C. Sa wika nasasalamin ang buhay ng mga Pilipino
D. Lahat ay tama
14. Sa paniniwalang Pilipino, bawat bahagi ng mukha ay may sari – sariling kakanyahan: noo, kilay, pilik-
mata, mata, ilong, bibig, labi, dila at ngipin.Ano ang kahulugan ng taong salubong ang kilay?
A. nasasaniban B. nagtatampo C. galit D. nababagot
15. kabuntatala : morning star A. kabunlalakaw C. kabunhari
__________ : rainbow B. kabuntaractarac D. kabunkulaylay
16.Ang adidas, bj, betamax, helmet, walkman, at proven ay mga rejister ng wika sa _________________
A. pagkaing - kalye B.teknolohiya C. kakaibang putahe D. kagamitan
17.Alin dito ang hindi kabilang sa grupo?
A. coitus B. punlay C. masokista D. bj
Ang Mundo ng Bisnes
Negosyo at kalakalan ang nagpapaikot sa mundo.Saanmang parte ng daigdig ngayon,lugmok
ang ang bansang walang negosyo dahil nananatili lamang siyang konsyumer.Narito ang ilan sa mga
terminolohiyang pambisnes:Investment – Kung walang salapi, walang negosyo; Industry – Mas
maraming negosyo, mas maunlad ang bansa; Individual consumers – Bawat isang tao ay
konsyumer.Sa dami ng mapagpipiliang produkto, ang kompetisyon ay mas mahigpit at Supportive
organization – Ang masaya at produktibong organisasyon ay bunga ng sama – samang pagkilos ng
lahat ng individwal sa organisasyon.
18.Kapag wala raw negosyo, ang tao’y mananatiling _________________.
A. kostumer B. manajer C.konsyumer D.bisnesman
19.Ang mga sumusunod ay tama maliban sa _________
A. Maunlad ang bansa dahil maraming bisnes o negosyo
B. Kapag kakaunti ang produkto, hindi mahigpit ang kompetisyon
C. Nagpapaikot sa mundo ang kalakalan at negosyo
D. Hindi maituturing na konsyumer ang isang tao lamang
20.Ang ______ ay wika na nagpapakita ng di pagkakuntento at isang payak na pagtutol laban sa
dominanteng wika.
A.Grabatea B. Graffiti C. Grasfiti D. Graftaday
21.Ang mass media o _________ ay iba’t ibang midyum ng teknolohiya na
nililikha para sa mga tiyak na tagatanggap ng mensahe.
a. Social media c. Midyum
b. Pangmadalang artikulasyon d. Pangmadlang komunikasyon
22. Ano ang malaking nagagawa ng mass media sa lipunan?
a. Kaya nitong impluwensiyahan ang isipan ng mga mamamayan
b. Naaalis nito ang agam-agam sa isipan ng mga mamamayan
c. Serbisyong totoo ang ibinibigay nito sa mga mamamayan.
Nasisira nito ang pagtitiwala ng tao sa kapuwa.
23. Anong konteksto ng social media ang nagpapakita ng dahilan ng
pagbabago sa wika?
A.Limitado ang espasyo.
B.Kanluranin ang kultura.
C.Mabilis ang takbo ng usapan.
D.Hindi binibigyang-pansin ang estruktura ng wika.
LONDON ( Reuters) – Nakumpirma sa mga naunang resulta mula sa mahalagang case – control study
sa Brazil ang direktang kaugnayan ng Zika virus sa mga buntis at sa microcephaly o depekto sa utak sa
kanilang sanggol, sinabi ng mga scientist noong Huwebes.Ang outbreak ng Zika,isang sakit na ikinakalat
ng lamok ay nasuri noong nakaraang taon sa Brazil kung saan iniugnay ito sa mahigit 1, 700 kaso ng
microcephaly ng maliit na ulo at maaaring mauwi sa severe development problems.Kumalat na ang virus
sa America, Caribbean at Asia.
24.Anong epektibong pamagat ng balita o ulat?
A. Zika virus, ano nga ba ito? C. Zika: Isang Epidemya
B. Zika kumpirmadong nagdudulot ng microcephaly D. Ang epekto ng Zika sa ating buhay
25.Ang lahat ng pahayag ay mali maliban sa ___________
A.Ang Zika ay sakit na ikinakalat ng lamok
B.Ang Zika ay hindi nagsimula sa Brazil
C.Ang microcephaly ay depekto sa pag – iisip ng sanggol
D.Kumalat na sa America, Australia, at Asia ang virus
26. Alin sa sumusunod na mga pahayag ang HINDI tumutukoy sa salitang diskurso?
A. Nakabatay ito sa literal na kahulugan ng isang teksto.
B. Hindi ito maaaring bigyan ng kahulugan na labas sa konteksto nito.
C. Nagbubunsod ito ng iba’t ibang level ng pagpapakahulugan.
D. Nangangailangan ito ng pagtingin maging sa pinakamaliit na detaye ng teksto.
27.Anong angkop na salita sa Filipino ang dapat itumbas sa mga salitang Ingles na watch, watch out at
watch for?
A. saksihan, lumabas para saksihan, para saan ang pagsasaksi
B. tignan, manood, antabayanan
C. manood, mag – ingat, abangan
D. tunghayan, manood, tignan sa labas
28. Ano ang hinirang na salita ng taon noong 2006?
A. Missed call B. Selfie C. Lobat D. FB
29. Ano ang tamang kahulugan ng pangungusap na “Bata ng senador ang babaing iyan.”
A. mistress B. bestfriend C. daugther D. girlfriend
30. “ The eldest son of the King inherited the crown. Anong angkop na salin nito sa Filipino?
A. Ang panganay na anak na lalaki ng hari ang nakakuha ng korona
B. Ang panganay na lalaking anak ng pinuno ang nakamana ng posisyon
C. Minana ng panganay na lalaking anak ang hari ng korona
D. Minana ng panganay na anak ng Hari ang korona
31. Juel : Hoy Bruce, napakaampalayang – ampalaya mo talaga!
Bruce : Oo na! Ikaw na ang bulanggugo.
A. napakagulo, manloloko C. napakakuripot, galante
B. napakasama, mambobola D. napakakulit, masipag
32.Alin ang babalang tama tungkol sa pagtatapon ng basura?
A.Ang basura dito itapon! C. Ipagtapunan dito ang basura
B.Ang basura dito itapon. D. Itapon dito ang dumi
33.Bago sumagot ang bata sa tanong, kailangang siya’y:
A.makinig sa tanong C.tumigil sa usapan
B.ipagpatuloy ang usapan D.tumahimik muna
34. Alin ang nangangahulugang “kinakausap ang isang tiyo na Juan ang pangalan at
ipinakilala si Anton” ?
A. Tiyo Juan Anton ang pangalan niya. C. Tiyo Juan/Anton ang pangalan niya.
B. Tito/Juan Anton ang pangalan niya D. Tito Juan Anton/ang pangalan niya.
35.Ang salitang bridge o tulay ay ___________ sa Kapampangan.
A.tete B. tutu C. titi D. tata
Nabubuo ang varayti ng wikang Filipino ayon sa paggamit ng iba’t ibang etnolinggwistikong grupo.Kapag
nagpi-Filipino ang isang Zamboangueño, naiimpluwensiyahan ng Chavacano ang kanyang pagpi-
Filipino,gayundin ang Tausug kung siya’y magpi-Filipino maaaring maimpluwensiyahan ng mga salita at
tunog ng Muslim ang Filipino sa Mindanao,impluwensiyado ng mga tunog at salitang Ilonggo ang Filipino
ng Iloilo, at maaaring maimpluwensiyahan ng tunog at salita ng mga Cebuano ang Filipino ng
Cebu.Kaya,masasabing nag-iiba-iba ng anyo ang Filipino depende sa gumagamit ng lugar at sa unang
wika ng gumagamit.Kaya nga masasabing hindi totoo ang paniniwala ng tagaibang lungsod at probinsya
na nagmula lamang ang Filipino sa Tagalog.

36.Base sa teksto,anong wika ang hindi binanggit?


A. Zamboangueño B. Cebuano C. Chavacano D. Kankana – ey
37. Alin ang hindi sinambit sa teksto?
A. Nabubuo ang varayti ng wikang Filipino ayon sa paggamit ng iba’t ibang etnolinggwistikong grupo.
B. Kapag nagpi-Filipino ang isang Zamboangueño, naiimpluwensiyahan ng Chavacano
ang kanyang pagpi-Filipino.
C. Kaya,masasabing nag-iiba-iba ng anyo ang Filipino depende sa gumagamit ng lugar at sa unang
wika ng gumagamit.
D. Kaya nga masasabing totoo ang paniniwala ng tagaibang lungsod at probinsya na nagmula
lamang ang Filipino sa Tagalog
38.Chavacano ang wikang sinasalita ng mga Zamboangueño.Ito’y tinatawag na pidgin Spanish subalit
naging creole na dahil ___________________.
A. may sariling gramatika C. may sariling sintaks
B. may sariling panitikan D. may sariling morfoloji
39.Ang mga sumusunod ay gamit ng walong dagdag na letra ( C,F,Ñ,J,Q,V,X at Z) maliban sa ______.
A. pambalanang ngalan C. salitang teknikal at pang - agham
B. simbolong pang – agham D. salitang katutubo mula sa sa ibang wika sa Pilipinas
40.Upang umunlad at yumabong ang wikang Filipino, kailangan itong dumaan sa proseso ng _________.
A. Globalisasyon B. Rehistrasyon C. Intelektuwalisasyon D. Lokalisasyon

1.Pagpapahayag ng Suliranin 4. Saklaw at Limitasyon ng Pag - aaral


2.Rasyonal/Panimula 5. Pagbibigay-kahulugan sa mga Katawagan
3. Layunin at kahalagahan ng Pananaliksik 6. Batayang Konseptuwal

41. Anong sunod – sunod na bahagi ng Tsapter 1 sa Pananaliksik?


A. 654321 B. 213645 C. 321456 D. 251436
42.Tungkulin ng isang mananaliksik na tumutukoy sa walang pagkiling sa resulta ng pag – aaral.
A.matapat B. objektiv C. responsible D. maingat
43. Kung wala ito, hindi natin malalaman kung paano isinagawa ang naturang pananaliksik.
A.Tsapter 1 B. Tsapter 2 C. Tsapter 3 D. Tsapter 4
44. ng malaking budget ng pangulo labis ang kasiyahan ng mga nasa LGU dahil binigyan sila.
1 2 3 4
A 1234 B. 4 1 2 3 C. 3 4 1 2 D. 2 3 4 1
45. wagas at dalisay na puso dahil sa kanyang ang kanyang asawang si James mahal ni Tracy.
1 2 3 4
A. 4 3 2 1 B. 2 4 1 3 C. 1 2 3 4 D. 2 3 4 1
46. sina Jaysabel at Carl Phillip nagsumpaang magsasama habambuhay.
1 2 3 4
A. 2 3 4 1 B. 2 3 1 4 C. 1 2 3 4 D. 1 4 2 3

Sa kontekstong Pilipino, minarapat ng mga tagapagtaguyod ng Sikolohiyang Pilipino na higit na


nagpapadama ang salitang participation sa terminong pakikiugali na higit na nagpapadama ng
sensibilidad ng Pilipino kapag siya’y nakikipamuhay.Sa ganang pakikiugali, hindi lamang basta
nakikibahagi o nakikisangkot sa mga gawain ng komunidad.Tahasan dito ang pakikibagay kung paano
mag-isip, dumama at kumilos ang tao.

47. Bakit itinumbas ang pakikiugali sa Ingles na Participation?


A. Dahil higit itong nagpapadama ng sensibilidad ng Pilipino
B. Dahil mas malalim
C. Dahil mas epektibong gamitin
D. Dahil nakikibagay kung paano ang tunay na asal
48. May tatlong wikang itinuturing na pinakamatanda sa kapuluan, ang Iloko – Ibanag, Cebuano –
Suluano at __________. A. Bikol B. Pangasinan C.Waray D. Hiligaynon
49.Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa kaisipang Pilipino?
A. Kaisipang “kasi” C. Kaisipang “Okey lang”
B. Kaisipang “ganyan lang ang buhay” D. Kaisipang “ pak na pak”
50.Karaniwang hindi aaminin ng Pinoy ang kanyang kahinaan.Sabi nga nila, “Nakikita niya ang butas ng
karayom ngunit di niya nakikita ang butas ng palakol”.Anong negatibong kaugalian Pilipino ang
tinutukoy rito?
A.Mapagtakip B. Mansusuhol C. Ignorante D. Manloloko

You might also like