Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Alegorya ng Yungib:

       Ang kwento ng alegorya ng yungib ay tungkol sa isang tao na matatagpuan sa loob ng kweba na
nakatali at nakaharap sa dingding ng yungib. Sa kanyang likuran ay may apoy at ang tanging nakikita niya
ay ang mga anino ng mga bagay na nasa labas ng kweba. upang makita niya ang katotohanan sa mga
aninong ito, kinakailangan na siya ay makakawala sa pagkakagapos at makalabas ng kweba.

Mensahe:

      Ano nga ba ang nais iparating ni Plato sa kanyang sanaysay na "Alegorya ng Yungib"? Nais ipabatid ni
Plato na ang karunungan ay matatamo lamang kung sisikapin ng tao na pangatwiranan ang mga
konsepto ng mga bagay bagay na nasa ating isipan mula ng tayo ay ipanganak dito sa mundo. Tulad ng
tao sa loob ng yungib, kinakailangan na tayo ay kumawala sa pagkakagapos at tuluyan ng lumaya mula
sa kwebang ating kinaroroonan. Sa ganitong paraan, malalaman natin ang katotohanan sa kabila ng mga
anino na nakikita natin mula sa labas ng kweba. upang maunawaan ang mensaheng ito, kinakailangan na
maunawaan natin ang kanyang konsepto ng rasyonalismo.

Kahalagahan:

     Bakit isinulat ni Plato ang sanaysay na "Alegorya ng Yungib?" Sa pagnanais ni Plato na maunawaan ng
tao ang kahalagahan ng pagkatuto at karunungan, ginamit niya ang sanaysay na ito upang ihalintulad
ang mga tao sa tao sa yungib na pilit na kumakawala upang makita ang realidad sa labas ng yungib. Nais
niya na makita ng mga tao ang kaibahan ng mga anino na nakikita ng taong sa yungib sa loob na
nagmumula sa labas at ng mga totoong bagay sa labas ng yungib na lumilikha ng mga anino sa
pamamagitan ng apoy na nagsisilbing liwanag para sa taong nasa loob ng yungib. Sapagkat ito ay isang
alegorya, hayaan ninyo na isa - isahin ko ang mga simbolismong ginamit ni Plato.

Simbolismo:

     Ang yungib sa "Alegorya ng Yungib" ay sumisimbolo sa bahagi ng mundo na humahadlang sa tao para
makita ang realidad o ang katotohanan. Ang tao sa yungib ay kumakatawan sa lahat ng tao sa mundo.
Ang apoy sa likuran ng tao sa yungib na nagsisilbing liwanag sa loob ng kuweba ay ang mga karunungang
natatamo ng tao dito sa mundo. Dahil sa mga karunungang ito, nakikita ng tao ang mga bagay sa mundo
ngunit hindi ang kanilang kabuuan sapagkat sila ay nakagapos at nakakulong sa loob ng yungib. Sa oras
na sila ay kumawala sa pagkakagapos at lumabas sa yungib, dito pa lang nila matatamasa ang kabuuan
ng karunungang natamo.

Depinisyon:

    Ang rasyonalismo ay sangay ng pilosopiya na nagsasabing ang pangangatwiran ang siyang


pinagmumulan at basehan ng karunungan. Ayon kay Plato, kinakailangan na magkaroon ang tao ng
basehan ng kanyang karunungan at ito ay matatamo lamang sa pamamgitan ng paglabas sa yungib na
kanyang kinaroroonan. Patunay lamang na ang personal na karanasan ay mahalaga sapagkat ito ang
matibay na batayan ng pagkatuto higit sa karunungan na natamo sa pagbabasa at pagmumuni muni
lamang.

Upang lubos na maunawaan ang kwento ng alegorya ng yungib, basahin ang mga sumusunod na links:

brainly.ph/question/406231

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/135170#readmore

Alegorya Ng Yungib  (buod)

Ayon kay Plato, ang ating buhay ay tila nasa loob ng isang kuweba na nakatanikala at nakaharap sa
dingding ng yungib. Tanging ang mga anino lamang sa labas ng kuweba ang ating nakikita dahil sa apoy
na nagpapaliwanag sa ating likuran. Ang larawang ito ang buod ng rasyunalismo ni Plato at tinaguriang
“Alegorya ng Yungib.”  

Ang Alegorya ng Yungib ay isang sanaysay na ginawa ni Plato upang masaksihan nating mga tao ang
hirap o suliranin na ginawa ng tao sa mundo patungo sa liwanag. brainly.ph/question/127911

Ano ang punto ni Plato?

Ang punto ng may akda sa alegorya ng yungib ay nagpapahiwatig ng pagpapakita ng isang anyo na dapat
nating mabatid o hindi mabatid tungol sa ating kalikasan. Pinapahiwatig niya rin na may mga taong
naninirahan sa yungib na may lagusan patungo sa liwanag na sila’y gumagawa ng paraan upang
makalabas. Ang punto niya ay nagnanais na masaksihan ng tao ang kaganapang nangyayari dito sa
mundo dahil inaabuso nating mga tao ang mundo at ginagawa nating isang magulo ang ating pag iisip na
sa araw araw ay nakakaranas tayo ng mga suliranin at problema sa buhay.

Ayon kay Plato

Ang tunay na pag-iral ay nasa ‘Mundo ng mga Ideya.’ Ang mga konsepto ng bagay ay naroroon na sa
isipan na natin mula  kapanganakan. Kakailanganin lamang nating gamitin ang ating pangangatwiran
upang sila’y matuklasan.Taliwas naman ang turo ni Aristotle, na kanyang naging estudyante.
Ayon kay Aristotle

Ang katotohanan ay nagmumula sa mga bagay na nakikita ng ating mga mata, naririnig ng ating tenga,
nararamdaman, naaamoy at nalalasahan. Ang mga ideya ay wala pa sa ating isip noong tayo’y
ipinanganak, taliwas sa turo ng guro niyang si Plato. Para kay Aristotle, ang isip ng tao ay
maihahalintulad sa isang blankong tableta.  Tinawag niya itong ‘Tabula Rasa’ . Dito isinusulat ang bawat
karanasan sa pamamagitan ng ating senses. Ang kaisipang ito ay tinawag na empirisismo.

Sa paglipas ng panahon, mas pinanigan ng mga pilosopo at mga siyentipiko ang empirisismo. Bagama’t
mali si Plato, may binuksan siyang pinto sa pagtahak sa mundo ng rasyunalismo; ang pagtingin lampas sa
realidad na ating nakikita.  

Sa aninong tinuran ni Plato, hindi ibig sabihi’y hindi katotohanan ang ating nakikita kundi may
katotohanang mas makapag-papalaya na hindi makikita sa hugis. Hindi ba’t ang batong ating nakikita ay
binubuo ng mga ‘atomos’ na iminungkahi ng dakilang si Democritus? Misteryo pa rin ang pinagmumulan
ng grabiti at ang particle na mas maliit sa quark ay di pa rin natutuklasan. Kung titigil tayo sa mga bagay
na ating nakikita lamang, wala nang pag-unlad sa ating agham.

Ang hugis ng mga bagay na ating nakikita ay hugis ng kanilang gamit at ito’y buod ng relatibiti ng
ebolusyon ng pakikisalamuha sa iba pang materyal. Ang konsepto ni Plato ay mga lohika na may
kaugnayan sa pagtuklas sa mas malawak at makapagpapalayang realidad.

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/406231#readmore


Ang kuwento natin ngayon ay tungkol dito.

Sa isang liblib na lugar, may mga naninirahan sa loob ng isang madilim na kuweba.

Malawak ang kuweba subali’t hindi makagala ang mga naninirahan dito. Kasi naman, nakatanikala ang
kanilang mga kamay, paa, at leeg mula pagkabata. Ni hindi nga sila makalingon man lang upang tignan
ang kanilang mga katabi. Lahat sila ay nakaharap sa dingding ng yungib.

Napakadilim sa loob ng kuweba. Ngunit sa bandang gitna ay may naglalagablab na apoy. Sa bandang
dulo naman ay ang lagusan palabas. Sa harap ng apoy ay may mga puppeteer, o ‘yung  mga gumagawa
ng iba’t ibang hugis. Katulad nito. (Gagawa ng hugis ng ibon sa pamamagitan ng mga kamay) Ano ito?
(Audience: ibon!)

(Pagagalawin ang ibon at gagayahin ang tunog ng ibon) Tama! E ito naman. (Gagawa naman ng hugis ng
aso) (Audience: Aso!)

(Pagagalawin ang ibon at gagayahin ang kahol ng aso.)Tama muli. Ang gagaling ninyo! Ngayon, kung
may apoy sa gitna ng kuweba at may mga puppet sa harapan nito, ano kaya ang makikita ng mga taong
kuweba sa harap ng pader? (Audience: Mga anino!)

Mga anino! Anino ng mga tao, hayop, at kung anu-anong mga bagay.

Ang buong akala ng mga taong kuweba, ang mga nakikita nilang anino sa dingding ay mismong mga
tunay na tao, hayop, halaman, at mga bagay. Halimbawa, kapag nakakakita sila ng hugis ng pusa ay
hindi nila alam na anino lang pala ‘yun. Para sa kanila, yun na ang totoong pusa. Ang mundo nila ay
binubuo lamang ng mga anino. At kuntento na sila dun. Masaya na sila sa kanilang kalagayan.

Hanggang isang araw, ang isa sa mga taong kuweba, na tatawagin nating Pablo, ay may naranasang
kakaiba. Lumuwag ang tanikalang nakagapos sa kanyang katawan. Nang makawala siya sa tanikala,
lumingon si Pablo at nakita niya ang naglalagablab na apoy. Tumakbo siya patungo dito. Palibhasa at
nasanay sa dilim, humapdi ang mga mata ni Pablo nang makita niya ang maliwanag na apoy. Natakot si
Pablo kaya’t kumaripas siya ng takbo papalayo. Tumakbo siya hanggang sa makalabas ng kuweba.
Tanghaling tapat noon at tirik na tirik ang araw, kaya’t nang tumingala si Pablo sa kalangitan ay
tuluyan nang nawala ang kaniyang paningin. 

“Wala na akong makita! Bulag na ako!” sigaw ni Pablo

Ngunit, panandalian lamang pala ang kanyang pagkabulag. Unti-unting nanumbalik ang kanyang
paningin, at nagulat siya sa kanyang nakita.

“Wow! Ang ganda ng mga bulaklak… Hmmmm, at kaybango! Makulay pala ito!” Paglingon niya sa kanan,
nakita naman ni Pablo ang isang kalabaw. “Ganito pala ang tunay na kalabaw!” wika niya. Tuwang
tuwa siya sa kanyang mga nakikita. Nabatid ni Pablo na may totoong mundo pala na lubos na mas
maganda kaysa sa mundo ng anino sa loob ng yungib.

Habang patuloy na nagmamasid-masid si Pablo, may tumigil na tricycle sa kanyang harapan. Muli,
natuwa siya. “Wow, ganito pala ang tunay na driver at ang tunay na tricycle!” Manghang-mangha si
Pablo.

“Ano, sasakay ka ba o hindi?” Tanong ng iritableng driver. “Sasakay po, manong?” tugon ni Pablo. “Saan
mo gustong pumunta?” tanong muli ng drayber. “Sa river po manong, maganda rin siguro doon,” sagot
ni Pablo na gustong gustong makapunta sa isang tunay na ilog. “Sige, dobliem ton ah?” sabi ng drayber.
At sumakay na si Pablo sa tricycle.
Ngunit hindi sa ilog dinala ng drayber si Pablo, kundi ay sa Riverside, isang meriendahan sa Batac.
Doon, nakakita si Pablo ng tunay na empanada. Tuwang tuwa siya! “Ganito pala ang kulay ng
empanada,” naibulalas niya. At natikman ni Pablo ang tunay na longganisa, tunay na itlog, tunay na
monggo at papaya sa loob ng empanada. “Ang sarap pala talaga ng tunay! Nangingibabaw!”

Ang saya-saya ng ating bida. Naalala ni Pablo ang mga kasamahan niya sa loob ng kuweba. “Dapat ay
makalabas na rin sila,” wika niya. Kaya’t bumalik siya sa kuweba upang kalagan ang kaniyang mga
kasama at palabasin sila sa yungib.

“Mga kasama, hindi pala ito ang tunay na mundo! Napakaganda at napakakulay pala sa labas ng
kuweba!”

Hindi natuwa ang kanyang mga kasama. Bagkus ay nainis pa sila. “Tumigil ka nga, istorbo ka!” Huwag
kang maingay diyan at may dumaraang magandang babae (guapong lalake)!”

“Hindi yan totoo! Puppet lang ‘yan! Anino lang ‘yan!,” paliwanag ni Pablo.

Sa kagustuhan niyang makalabas din ng kuweba ang kanyang mga kasamahan, kinalagan niya ang
tanikala ng mga ito.

Ngunit nang makalag ang tanikala ng mga taong kuweba ay lalo silang nagalit. “Nababaliw ka na, Pablo!
Sinungaling ka! Niloloko mo kami!”

Hindi. Totoo ang sinasabi ko. Masaya talagang lumabas sa tunay na mundo. Andoon ang mga tunay na
tao, tunay na hayop, tunay na halaman, tunay na mga gamit, at iba pa. Try niyo.

Hindi talaga naniwala ang mga taong kuweba. Puno ng poot, tumayo sila at pinagtulung-tulungan nilang
tadyakan, suntukin, at hampasin ang walang labang si Pablo hanggang siya ay madurog at masawi.

Pagkatapos ay bumalik sa pagkakaupo ang mga taong kuweba, humarap silang muli sa dingding ng
yungib, muling ikinabit ang kanilang mga tanikala, at patuloy na nagmasid sa mga anino.

Alegorya Ng Yungib Buod Ayon Kay Plato At


Aristotle
ALEGORYA NG YUNGIB BUOD – Sa paksong ito, alamin at tuklasin natin ang
Alegorya ng Yungib (Buod) na sanaysay ayon kay Plato at Aristotle.
Ang Alegorya ng Yungib ay isang essay na ginawa ng pilosopong Griyego na si
Plato. Ang layunin nito ay para makita natin ang kahirapan o suliranin na ginawa
ng mga tao sa sanlibutan papunta sa liwanag.

Ito rin ay itinuro rin ng estudyante ni Plato na si Aristotle ngunit taliwas ito sa turo
ni Plato.

Buod
Plato
Ayon kay Plato, tulad ng nasa loob ng kweba ang isang tao na naka-tanikala at
nakaharap sa dingding ng yunib. Sa likuran ng tao ay may apoy at ang nakikita ng
tao ay mga anino ng mga bagay nasa labas ng yungib. Para makita ang mga bagay
at ang katotohanan nito ay kailangan ng tao na tanggalin ang tanikala at lumabas
sa kanyang kweba. Ang buod na ayon kay Plato ay tinatawag na rasyunalismo.
Kabilang sa buod nito ang mga sumusunod:

 Ang anino ng mga bagay ay imahe nito na nakikita natin sa mundo.


 Nasa Mundo ng mga Ideya ang tunay na pag-iral
 Naroroon na sa ating isipan mula nang ipinganak tayo an mga konsepto ng
mga bagay.
 Para matuklasan ito, kailangan nating gamitin ang pangangatwiran.
Aristotle
Ayon kay Aristotle, ang katotohanan ay ang pagraranas sa pamamagitan ng ating
limang pandama: mata, tenga, pandamdam, pang-amoy, at panlasa. Wala pa sa
isip natin noong ipininganak tayo ang mga ideya. Tinagurian ni Aristotle ang isip ng
tao na “Tabula Rasa” o blankong tableta. At sa tabletang ito nasusulat ang mga
karanasan sa pamamagitan ng limang pandama na tinaguriang empirisismo.

You might also like