WALANG SUGAT (1st Part)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

SARSuWELA

WALANG SUGAT
Ni: Severino Reyes

8 – OLIC

Mga pinuno MGA KATIWALA


Manedyer: Bianca Sayo

Faith David Juliana Alejandro

Direktor: Ivan Rafael

Charles Abad Patricia Alcoriza

Margie Ramirez

MGA TAUHAN
Julia – Adrienne Ronquillo Juana, ina ni Julia – Bianca Sayo

Tenyong – Jenson Yu Inggo, ama ni Tenyong – Ivan Rafael

Miguel – David Carsula Tadeo – Mylez Mendoza

Putin, ina ni Tenyong – Faith David Lucas, utusan ni Tenyong – Forth Alcaria

Monica, alila ni Julia – Janella Buddle Isang Heneral Pilipino – Alrisan Bajar

Mediko ng Batalyon – Juliana Alejandro Marcelo, Alcayde – Lance Joaquin

Padre Teban, Keligro – Charles Abad Pabling – Gustavo Santos

Isang Sakristan – John Castillo Isang Sarhento – Carlos Caringal

Isang Kabo – Ramon Dela Cruz 4 na Religioso – Edberg Diaz, Rev Jocson,

Isang Teniente – Carlo Navarro Justin Martinez, at Patrick Lopez

Mga Taong Bayan , Kawal, at Bilanggo Banda ng Musika ng Katipunero

Mga Bordadora at Coro: Patricia Alcoriza, Pamela Estillore, Caryll Sibayan,

Maryknoll Perez, Khryss Go, Sophia Bautista, at Sophia Yapchiongco


UNANG TAGPO
Tanggapan ng bahay ni Julia

Julia, Tenyong, Lucas, Juana, at mga Bordadora

Musika: Ang Karayom kung Iduro

Coro: Ang karayom kung iduro ang daliri’y natitibo kapag namali ng duro burda nama’y

lumiliko.

Julia: Anong dikit anong inam nang panyong binuburdahan tatlong letrang nag-agapay na kay

Tenyong na pangalan.

Coro: Hoy tingnan niyo si Julia pati panyo’y sinisinta kapag panyo nang ibig tinatapos na pilit.

Coro: Nang huwag daw mapulaan ng binatang pagbibigayan ang panyo’y sasamahan ng mainam

na pagmamahalan.

Julia: Ligpitin na ninyo ang mga bastidor at kayo’y mangagsiyaon na.

IKALAWANG TAGPO
Julia at Tenyong

SALITAAN

Tenyong: Julia, tingnan ko ang binuburdahan mo.

Julia: Huwag na Tenyong, masama ang pagkakayari.

Tenyong: Isang silip lamang, hindi ko hihipuin.

Julia: Sa ibang araw, pagkatapos na.

Tenyong: (nagtampo) Ay...

Julia: Bakit Tenyong? Napagod ka ba?

Tenyong: (hindi sasagot)

Julia: (sarili) Nagalit tuloy


Tenyong: Ay...

Julia: (sarili) Anong lalim ng butonghininga. Lalo ko ang pagagalitin (ihagis ang bastidor)

Tenyong: (pinulot ang bastidor at dinala) Julia, Julia ko... Patawarin mo ako, hindi na ako galit.

Julia: Masakit sa akin magalit ka at hindi laking bagay.

Tenyong: Lumalaganap sa dibdib ang masaganang tuwa. Minarapat mong ilimbag sa panyong
ito ang pangalan ko.

Julia: Hindi ah, hindi ukol sa iyo ang panyong iyan.

Tenyong: Sinungaling! At kaninong pangalan ito? A. Antonio, N. Narciso, at F. Flores.

Julia: Sa Among, iya’y iialay ko sa kaarawan ng pasko.

Tenyong: Kung sa Among bakit ang letra’y A,N, at F.

Julia: Sapagkat ang A ay Among, ang N ay Natin at ang F ay Frayle.

Tenyong: Julia magsabi ka ng katotohanan. Para sa Kura nga ba? Kapag hindi ko sinilaban ay

sinungaling ako. Susulsulan ko na.

Julia: Huwag mong silaban ang tunay mong pangalan.

Tenyong: Tuwing mabanggit mo ang kurang sukuban galit ay di mapigilan.

Julia: Ang panyong iyan ay talagang sa iyo sampu ng magburda si Juliang iniirog mo

Tenyong: Salamat, salamat Julia ng buhay ko.

Julia: Kay dali mo magtampo, oh irog ko, biro ko’y paglalambing di mo dapat damdamin.

Tenyong: Nabatid ko na kaya’t ako’y maligaya nais ko na maging akin ka habang buhay.

Dueto: Habang buhay ako’y iyong-iyo

Julia: Di na magbibiro

Tenyong: Di na magtatampo

Dueto: Habang buhay ko pag-ibig ay di maglililo ‘yan ang sumpa ko ‘yo, irog habang buhay.

IKATLONG TAGPO
Tenyong, Julia, Juana, at Lucas

SALITAAN

Juana: Julia, Julia, saan mo inilagay ang baro kong makato?

Lucas: Mamang Tenyong, Mamang Tenyong.

Lucas: Dinakip po ang Tatang mo nang Voluntariong Santa Maria.

Tenyong: Saan kaya dinala?

Lucas: Sa Bulakan daw po dadalhin

Tenyong: Tia, ako po’y paparoon muna’t susundan si Tatang.

Juana: Hintay ka sandali at kami ay sasama. Julia magtapis ka.

Tenyong: Oh mundong sinungaling. Sa bawat sandaling ligayang tinatamo nang dibdib, ay

Tinutugunan kapagdaka ng matinding dusa. Magdaraya ka.

IKAAPAT NA TAGPO
Lucas at Coro

Lucas: Tayo na’t dalawin mga tagarito sa atin.

3 Lalaki(Justin, Lance, Rev): Dalhan sila pagkain at bihisan gayun din.

1 Babae(Caryll): Naubos na ang lalaki.

2 Babae(Anndrea at Ingrid): Lahat na ay hinuhuli. Labis na ang pang-aapi.

Lucas: Huwag kayong mag-alala. Marami pa ang lalaki.

3 Lalaki: Huwag kayong malumbay Kami’y nasa bahay at nakahandang tunay, laan sa lahat ng

Bagay.

Mga Babae: Mga lalaking walang damdam, kaming mga babae’y pabayaan, di naming kayo

kailangan, Mula ngayon at kailan man!

1 Lalaki: Makikita ko si Tatang!

1 pang lalaki: Kuya ko at kasamahan!


1 Babae: Asawa ko’y paroroonan!

Mag-asawa: At anak naming mahal!

IKALIMANG TAGPO
Bilangguan sa Bulakan, mga bilanggo na nakatli sa rehas, mga frayle, Marcelo, mga guwardiya
sibil, Putin, Tenyong, Julia, Juana, Lucas, religioso at mga babae at lalaking dalaw

SALITAAN

R1: Kahapon ilan ang namatay?

Marcelo: Walapo sana, datapuwa’t nang maumaga po ay pito na lamang

R2: Bakit ganoon?

R1: Si Capitan Inggo, pinagsaolan ng hininga! Narito si Kapitana Putin, ibig daw Makita si
Kapitan Inggo na asawa niya. Kung ganoon hindi na mamamatay si Kapitan Inggo.

Marcelo: Namatay pong walang pagsala.

R2: May buhay pusa si Kapitan Inggo. Saan naroon nagyon?

Marcelo: Nariyan po sa kabilang silid.

R1: Mabuti, mabuti Marcelo huwag mong kalilimutan na si Kapitan Inggo ay araw-araw
papaloin at ibibilad at bubuhusang ng tubig na ilon, at huwag bibigyan ng mabutin tulugan, ha?

Marcelo: Opo Among.

R1: Companeros, habeis traido el dinero para el Governador?

Mga religioso: Si, si homes traido.

IKAANIM NA TAGPO
R1: Kapitana Putin, nayon makikita mo na an tao mo, dadalhin dito: at sinabi ko sa Alkayde ng
huwag ng sasaktan at bigyan nan mabuting tulugan.
Putin: Salamat po, Among.

R2: Ya lo creo que va mal.

R3: Si, si a fusilar

R4: A fisular

IKAPITONG TAGPO
Putin, Tenyong, Julia, Kapitan Inggo

SALITAAN

Putin: Tenyong, kay sama mong bata. Bakit ba hindi ka humalik nang kamay sa Among?

Tenyong: Huwag ka pong maniwalang sasabihin niya sa Gobernador na si Tatang ay pawalan,


bagkus pa ngang ipagbibiling patayin ng tuluyan.

(Ipapasok si Kapitan Inggo na nakadapa)

Putin: Inggo ko!

Julia: Kaawa – awa naman.

Tenyong: Mahabaging langit. Tatang ikaw po’y ititihaya ko nang hindi mangalay.

Kapitan Inggo: Huwag na..... hindi na maaari, lurayluray na ang katawan ko... tayo’y maghiwlay
ng walang pagsala. Bunso ko huwag mong papabayaan ang Inang mo...Putin, ay Putin...
Juana.....Julia... Kayo na lamang ang inaasahang kong kakalinga sa kanila.... Ang kaluluwa ko ay
inihain ko na kay Bathala.... Adios mga kababayan.... Ako’y inyong patawarin.

Tenyong: Dios na makapangyarihan. Ano’t ipinagkaloob ang ganitong hirap? Oh ama kong ibig,
asahan mo po at igaganti kang pilit kahit na ano ang aking masapit sa ulo ng frayle isa sa kikitil.

Julia: Oh Tenyongko’y huwag nang isispin ang ipaghiganti buhay ng iyong ama may Dios na
totoo na nakakakita sa lahat nang gawa nang frayleng kuhila.

Tenyong: Inang, masdan mo po... at masama ang lagay ni Tatang... Inang.... Tingnan mo’t
naghihingalo..... Tatang.... tatang

Putin: Inggo, Inggo ko.....

Tenyong: Patay na! (hagulgol ng iyak may luha)


IKAWALONG TAGPO
Julia, Tenyong, Juana, Putin, Lucas, Monica, Mga taong Bayan, Pabling, Mga Lalaki at Babae

Putin: Julia nangangatal ang buong katawan ko.... Nagsisikip ang aking dibdib. Ang sakit ay taos
hanggang likod... Tenyong di ako makahinga... Ang puso ko’y pinipitpit sa palihang bakal.

Tenyong: Inang, lakasan ninyo ang iyong loob

(Mahahandusay si Kapitana Putin. Bubuhatin ng mga lalaki at babae)

Tenyong: Langit na mataas.

Tenyong: Mga kasama, magsikuha ng gulok at ang may rebolber ay dalhin.

L1: Ako’y mayroong iniingatan.

L2: Ako ma’y mayroon din.

Tenyong: Tayo na sa Estacion ng Guiguinto

Lahat: Mga tampalasan! Walang patawad!

Julia: Tenyong... Tenyong....

Tenyong Julia....

Julia: Diyata’t matitiis na Ina’y lisanin mo sa kahapis-hapis? Di mo nalalaman na ika’y siyang


nagbibigay aliw kay Inang pati ang lunas sa damdam niyang may hinagpis. Bakit mo siya
papanawan?

Julia: Oo nga Tenyong, ngunit hindi kaila sa iyo.... Tenyong huwag kang umalis!

Julia:( Hubarin ang gargantilyang may medalyita at isusuot kay Tenyong.)

Kung saka-sakali na irog ko’y masaktan pahatid agad sa aking kandungan ang mga sugat mo’y
aking huhugasan ng masaganang luhang sa mata’y mumukal.

Tenyong: Sa Dios nananalig.

Julia: Puso ko’y dinadalaw nang malaking hapis.

Tenyong: Huwag mamanglaw, huwag ipagdusa ang aking pagpanaw.

Julia: Mangungulimlim na ang sa matang ilaw.

Tenyong: Ang ulap ko’y di mananatili, darating na ibig ang pagluluwalhati.


Julia: Balot waring puso ng matinding lumbay bumalik kang agad ng di ikamatay.

Dueto at Coro: Sa hirap at ginhawa pag-asa ko ay ikaw, sinta at kahit sa libingan ikaw pa rin
magpakilanman. Sumpa ko’y asahan mong hinding-hindi magbabago iwasang mag-alinlangan
puso ko’y sa iyo lamang. Ay, mamahalin kita hanggang ako ay humihinga sa hirap at ginhawa
ikaw lamang, aking sinta.

(Darating si Pabling)

Pabling: Tenyong kayo daw ay tutungo sa parang.

Tenyong: Oo, bakit?

Pabling: Sasama ako.

Tenyong: Pabling, hindi ka maaaring sumama sa amin, napakabata mo pa.

Pabling; Ang bata bang katulad ko ay hindi marunong magmahal sa bayan?

Coro at Tenyong, Julia, Pabling, Lahat: Ang bayan kong Pilipinas Lupain ng ginto’t bulaklak
Pag-ibig ang sa kanyang palad Nag-alay ng ganda’t dilag At sa kanyang yumi at ganda Dayuhan
ay nahalina Bayan ko binihag ka Nasadlak sa dusa.Ibon mang may layang lumipad Kulungin mo
at umiyak Bayan pa kayang sakdal dilag Ang di magnasang makaalpas Pilipinas kong
minumutya Pugad ng luha ko’t dalita Ang adhika Makita kang sakdal laya.

IKASIYAM NA TAGPO
Sa Estacion ng Guiguinto, Mga Frayle at mga kasama ni Tenyong

Mga Lalaki: Mga lahi ni Lucifer! Magsisi na kayo’t oras na ninyo! Ikaw ang pumatay sa ama ko!

Mga Frayle: Perdon! Perdon!

You might also like