Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Oktubre 28, 2019

Mga minamahal naming mga Magulang,

Pagbati mula sa mga kabataang manunulat ng “Ang Maquina at “Angler’s Quill,” mga opisyal na
pahayagang pampaaralan at kumunidad ng ating sintang paaralan.
Muli na namang sumapit ang panahon ng patimpalak sa larangan ng pagsusulat sa pahayagan
kung saan ay mayroon tayong mga mag-aaral na lalahok sa nasabing patimpalak.
Kaugnay ng paglahok ng ating mga mag-aaral ay may kaakibat ana pangangailangang pinansyal
para sa rehistrasyon ng mga kalahok.
Alinsod sa Repubic Act –(RA) No. 7079 o mas kilala sa tawag na CAMPUS JOURNALISM ACT OF
1991 at may kaugnay sa Division Order bilang 41 ng taong 2012, ay ang pagpapatupad ng mga
alituntunin sa paniningil ng boluntaryong pagbabayad ng mga mag-aaral para sa pagkakaroon ng
pahayagang pampaaralan.
Kaugnay ng kautusang ito ay magkakaroon ng boluntaryong pagbabayad ang mga mag-aaral na
nagkakahalaga ng P90.00 para ipanggugol sa pagpapalimbaf ng mga pahayagang pampaaralan at ibang
pang pangangailangang pinansyal ng mga kalahok sa mga School Press Conferences.
Sampu ng bumubuo ng “Ang Maquina” at “Angler’s Quill,” kami po ay humihingi ng inyong taus-
pusong pagsuporta para sa mas lalong ikatatagumpay ng ating mga kabataang manunulat.
Ang petsa ng huling pagbabayad ng mga mag-aaral ay sa ika- 30 ng Oktubre.
Maraming Salamat po sa inyong malawak na pang-unawa

Sama-sama nating iwawagayway ang husay ng mga batang baybay!

Mga lubos na gumagalang,

Jonell John O. Espalto


Tagapayo – Ang Maquina

Jeffrey N. Lozada
Tagapayo – Ang Maquina

Frencie B. Cenon
Tagapayo – Angler’s Quill

Sinang-ayunan:

Ma. Cristina C. Pegollo


Punungguro II

You might also like