Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

CRUSHBACK ft.

GHOSTING
- Keirangkie
February 14, araw ng mga puso at pagmamahal pero heto ako ngayon tamang scroll at react lang
ng love sa mga post at my day nila kahit na gusto kong i-angry react lahat ng makita ko. Chocolates,
flowers, surprises tapos may sweet caption pa pero naglolokohan din naman, ay ‘wag kami. “Ikaw lang
sapat na”, “I love you to the moon and back”, “Ingat ka pakakasalan pa kita” mga laos na linya ng mga
kalalakihan. Tatawagin kang mahal, babe, baby, love, asawa ko, honeybunch, sugar pie, buko pie, pizza
pie, 3.14 pa! Ipakikilala ka sa mga barkada at magulang niya. Tapos isang araw malalaman mo na lang na
hindi lang pala niya sa’yo sinabi yung mga katagang ‘yun, hindi lang pala ikaw. Meron pa palang lima.
Tapos ang malala, hindi ka pa sigurado kung ikaw yung legal o sidechick ka lang niya. Ang saklap ‘di ba?
Kaya ikaw kung sa tingin mo mahal na mahal ka niya ay pwes the, BEWARE! Kahit gaano ka pa
kaganda kung ipagpapalit ka niya, IPAGPAPALIT KA NIYA! Kahit kontento ka na sa kanya kung siya
hindi makontento sa kaya mong ibigay, IIWAN KA PA RIN NIYA!
Sabi ng iba ang bitter ko raw, sinong hindi magiging bitter kung paulit-ulit ka na lang
nasasaktan/sinasaktan? Paulit-ulit ka na lang niloloko? Paulit-ulit ka na lang pinagpapalit? Tapos na
akong maging marupok, sana kayo rin. Kaya ‘yang pag-ibig na ‘yan? Isang malaking kalokohan. Isang
malaking HAKDOG! Tender juicy hotdog? No, of course not, hindi na tender, hindi na juicy kasi panis
na, makapasarwa. Ayoko ng magmahal, ‘yan yung pangako ko sa sarili ko pero nagbago ang lahat ng
makilala ko si Hans Gabriel Calinugan.
February 26, 2020, first day of Immersion. Nasa labas kami noon ng hospital habang hinihintay
naming ang WI adviser namin ng makarinig kami ng malakas na kalabog. Hinanap ng mata ko kung saan
ito nanggaling. Isang medyo payat na lalaki, matangkad at moreno na nagbubuhat ng semento ang
nakakuha ng atensiyon ko. Base sa aking nakikita, bata pa ang lalaki pero nagbabanat na ng buto,
makikita mo sa damit niya ang hirap na kanyang dinanas sa pagiging isang construction worker. Noon ko
rin napansin na nirerenovate na pala nila ang ilang bahagi ng hospital. Kapansin-pansin din ang mga ilang
construction worker na sumusulyap dito sa may banda namin. Hindi ko sila masisisi, nasa tabi ko kasi ang
isang beauty queen na si Lady Elaine Poquiz, sa harap ko naman ang dalawang napakacute na mga
dalagang may pambatang height at katawan na sina Mary Jane Cagurangan at Christine Mae Supnet, ang
pinakamagandang Dyosa naman na si Dianara Larah Ledda ay nakaupo sa may gilid at nagbabasa ng
Possessive series number 16, ang Dyosang may hotdog at itlog naman na si Dan Bryan Morales ay hayun
at naglalaro ng ML. Napapalibutan ako ng mga naggagandahang mga nilalang kaya kahit ang nagtitinda
ng buko juice ay nilibre niya pa kami. Muli ay sinulyapan ko ang batang lalaki ngunit wala na ito roon.
Naghiyawan ang mga construction worker sa isang tabi. Napatingin kami sa kanilang gawi. Pagkalipas ng
ilang Segundo, nakarinig na kami ng sari-saring mga salita na hindi namin alam kung compliment pa ba o
insult na. Tinawag na kami ng isang nurse para makausap ng kanilang hepe.
Pauwi na kami ng biglang may humarang sa amin. Ah! Isa sa mga construction worker. Base sa
naririnig ko, kinukuha nila yung mga pangalan namin kay Bryan. “Can you please get lost? You’re
blocking our way!” Nakuu puu ginalit na nila ang pnkmgndng Dyosa tsk. Get out of her way or else
you’ll regret it. Natakot ata yung lalaki kaya umalis na kakamot-kamot sa kanyang ulo. Mahigit sampung
minuto na akong naghihintay ng aking sundo. Usually hindi naman nalalate ng dating si manong Entie eh,
ngayon lang ata pumalya. Biglang bumuhos ang napakalakas na ulan, shocks wala pa naman akong
dalang payong sana nakisabay na lang ako kay Christine. I can’t just stand here and wait for my prince
charming to save my day kasi walang ganun. Duh! Nasa Korean drama ka ghorl? Wala akong choice
kundi suungin ang galit nag alit na ulan pero bago pa man ako mabasa ay may umakbay na sa akin. “Tara,
sabay na tayo”, unti- unting nilingon ko ang nangahas na hawakan ako. I was about to scold him ng
biglang tumingin siya sa akin. It’s him! Oh my golly gulay to the highest mountain dew! Hindi ako
pwedeng magkamali. Pumayat siya at umitim but he’s definitely him. Tinitigan ko siya at habang nasa
iisang payong kami, I felt my heart pounding really fast parang sopas.
It’s been a year since I last saw him. Katabi ko siya noon sa room number 16 sa CSU EE and I’m
shocked na namukhaan niya ako kanina. I can’t imagine na yung crush ko noon, nakakausap ko na
ngayon. I am shocked more than shookt kasi kaya raw siya nandito sa Quezon ay dahil lumayas siya. I
don’t know his reason but nevertheless I don’t know what to react. At mas lalo pang nashocked yung
motor organs ko ng sinabi niyang isa siya sa mga construction worker na nagtratrabaho sa hospital. He
thought na narecognize ko siya kanina kaya ako nakatitig then it hit me. Siya pala yung payat na lalaki
kanina, medyo malayo kasi siya kaya hindi ko inakalang si crushyyy yun. From that day, naging close na
kami, sabay na kaming umuuwi tuwing gabi kasi it turns out na malapit lang pala sa bahay yung boarding
niya. I am so busy para sa preparation ng graduation that I almost forgot Hans. Thanks to my beloved
friends, nakuha ni Hans yung number ko at tuwing may free time siya eh nangpipiste ang gwapo este
gago.
Graduation day, hinanap ko siya kasi sabi niya pupunta siya. I remember his voice while saying
those lines. “Makita lang kita sa stage na may hawak na diploma at may malawak at magandang ngiti,
parang nakagraduate na rin ako”. I feel so sad dahil sayang yung talino niya well I can’t blame him kung
ba’t siya nag-stop. As the MC announced my name, Hans have the most brilliant smile. He’s really happy
for me, makikita mo yun sa mga mata niya. Hindi siya tumitigil sa malakas na palapak niya he even
mouthed “congratulations, job well done …” After the ceremony, syempre picture taking na. Dali-dali
akong bumaba ng stage para puntahan si Hans pero bago pa man ako makarating hinarangan na ako ni
Albert Mendoza at binigyan niya ako ng bulaklak at chocolate. Albert congratulated me, he’s, generous
and he have been very vocal on his feelings for me and I’ve been honest with him. I don’t like Albert but
we’re in good terms naman kaya I can’t ignore him. Pagkatapos kong makipagbatihan kay Albert at sa
mga iba pang kakilala ko, lumabas ako ng gym and there I found him.
“Oh! Ba’t parang sinakluban ka ng langit at lupa?”, tanong ko kay Hans ng makarating ako sa
lilim ng punong manga. He didn’t respond, ay wow badtrip ang koya niyo. “Ba’t parang galit ka? Ba’t
parang kasalanan ko?” I tried to mimic Bea Alonzo’s famous line but to my dismay, wala pa rin siyang
reaction. I was about to turn my back but he finally spoke. “Hindi ako galit, naiinis pwede pa.” I can’t
help but to smile, ang cute niya kasi, para siyang batang may tantrums. After a long pause, “Nagseselos?
Ako nagseselos? Tangina! Oo! Nagseselos ako!” he said it more likely to himself. I definitely froze when
I realized what he said. Damn! Eto na ba ‘yun? Magkakalovelife na ba ulit ako? Wait lang! Hindi pa ako
handa, imi. Waaaaaaahhhhhh!!!!! Mommy heellllpppp meeeee. Oh my golly gulay to the highest
mountain dew! Yes, Hans, I do--- Naputol ang pagmomonologue ko ng bigla siyang nagsalita, he’s more
serious na gosh I’m scared, ‘wag pa Hans, bata pa akooooo ayoko pang mabuntis Hans naman e--- “Hindi
mo kasalanan kung ba’t ako nagseselos, anong magagawa ko hulog na hulog na ako sa’yo.” Then, Hans
take a deep breath. “Alam kong matagal mo na akong crush, sa CSU, Carig pa lang ramdam ko na. Well,
you got my attention kasi hindi ka papansin gaya ng iba. Hindi ikaw yung babaeng kunware nagseselfie,
pinipicturan na pala ako. Hindi rin ikaw yung babaeng ilang beses ng naglakad sa harap ko. Hindi rin
ikaw yung babaeng intentionally ihuhulog yung gamit para tulungan ko. In short, hindi ikaw yung
babaeng trying hard magpapansin. Napakasimple mong babae, liptint at pulbo lang sapat na, t-shirt,
pantalon, rubber shoes at may backpack ang datingan hindi yung halos kita na ang kaluluwa. But those
made you standout that day. Simple yet exquisite beauty.” Habang sinasabi ni Hans yung mga
compliment na ‘yun, he’s staring at me intently. Kinilig yung clavicle ko saka bone marrow mga sis, yung
ovaries nanginginig tapos pati ang petchay nangingisay. Is he going to kiss me? Unti-unting inilalapit ni
Hans ang kanyang mukha sa akin ng biglang “ate! Ate! Tara na raw sabi ni mommy, uwi na tayo sa
susunod niyo na ituloy yung gagawin niyo.” Napangiti na lang kami ni Hans. “Maria Claudette A.
Aggasid, crushback na kita” sabay halik sa aking noo.
After the “aminan feeling”, I never heard anything about Hans. Hindi ko na rin siya macontact.
Nagresign na rin daw siya sa pinagtratrabahuan niya. Damn that jerk, pinagtataguan niya ba ako? Ano
yun, crinushback pero ‘di niligawan? Ang ending eh ghosting? Nakuu pisting Hans.
“Haaaaaanssss! Haaaanssss! Haaaanssss!!”
“Nurse Adel, may nagwawala na naman sa cell number 16, sigaw ng sigaw ng Hans nakuuu
parang sirang plaka”.
“Ang sayang talaga, balita ko matalino raw ‘yan, ang gandang dalaga kaso nabaliw dahil
crinushback lang pero ‘di niligawan tapos na-ghosting pa, tsk, tsk tsk Maria Claudette A. Aggasid.”

You might also like