Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region XII
Division of Sarangani
Malapatan II District
TUYAN INTEGRATED SCHOOL

CONSTITUTION A BY-LAWS NG
ARALING PANLIPUNAN CLUB

ARTIKULO I. Pangalan

Pangalan Ang samahan ay tatawaging ARALIN PANLIPUNAN CLUB o AP


CLUB.

ARTIKULO II. Ang mga Layunin

Hinahangad o layunin ng samahan na:


1. Maitaguyod ang ugnayan ng mga mag-aaral ng Aralin Panlipunan.
2. Mailahok ang sarili sa pansibiko at panlipunang Gawain sa
kumonidad.
3. Mahubog ang kakayahan, kaalaman at talento gayundin and pag-
uugali upang lalong mapaunlad and sarili at maibahagi ito sa kapwa.
4. Maihanda ang mga mag-aaral bilang mga responsableng pinuno sa
mga gawain at tungkulin na maiatas sa kanila sa hinaharap.

ARTIKULO III. Miyembro

Seksyon 1. Ang lahat ng mag-aaral sa Araling Panlipunan sa ikapito,


ikawalo, ikasiyam at ikasampung taon ay opisyal na miyembro ng nasabing
samahan.

Seksyon 2. Ito ay eksklusibo sa lahat ng mag-aaral sa sekundarya na


kumukuha ng asignaturang Araling Panlipunan.

ARTIKULO IV. Ang Pondo

Seksyon 1. Napagpasyahan na ang pondo ng samahan ay magmumula sa


tulong pinansyal ng paaralan at “fund-raising projects”.

Seksyon 2. Ang pondo ng samahan ay ipagkakatiwala sa nahalal na


mamumuno kabilang ang Tagapayo, Pangulo, at Ingat-Yaman ng samahan.

Seksyon 3. Ang “deposit” at “withdrawals” ay gagawin lamang ng Tagapayo,


Pangulo at Ingat- Yaman ng samahan.
Seksyon 4. Ang pondo ng samahan ay gagamitin sa mga Gawain, proyekto
at mga mahahalagang bagay na may kaugnay sa samahan o organisasyon.

Seksyon 5. Tanging ang Ingat- Yaman at Tagapamanihala ang may


karapatan na gumawa ng ulat pinansyal na susuriin ng Tagasuri.

ARTIKULO V. Ang Pagpupulong

Seksyon 1. Ang regular na pagpupulong ng mga nahalal na pinuno ng AP


Club kasama ang mga tagapayo ay tuwing ikatlong Biyernes ng buwan.

Seksyon 2. Ang nahalal na mga pinuno o opisyales ng samahan ay dapat na


magbigay ng paalala sa gaganaping pagpupulong bago ito gawin.

Seksyon 3. Ang pulong ay maaaring ipatawag ng Pangulo o Tagapayo ng


samahan depende sa hinihingi ng pagpupulong.

ARTIKULO VI. Ang Mga Namumuno

Seksyon 1. Posisyon

Seksyon 1.1. Ang mga pinuno ng samahan ay nahalal sa


pamamagitan ng malayang pagboto ng mga kinatwan sa bawat antas o
taon. Ito ay binubuo ng Pangulo, Pangalawang-Pangulo, Kalihim, Ingat-
Yaman, Tagasuri, PIO, Business Manager at tig-aapat (4) na Kinatawan mula
sa ika-Pito hanggang ika- Sampung antas na hinalal ng mga miyembro ng
nasabing samahan.
Seksyon 1.2. Ang magsisilbing mga Tagapayo o Adviser ng
samahan ay ang regular na guro na nagtuturo ng Araling Panlipunan na
inatasan ng Punong Guro.
Seksyon 1.3. Ang Pangulo ng Araling Panlipunan sa iba’t ibang
seksyon ay tuwirang itinalaga bilang Kinatawan ng AP Club subalit hindi
nangangahulugang opisyal ng AP Club sa School Level.
Seksyon 1.4. Kung sakaling maluklok ang Pangulo ng seksyon sa
mataas na
posisyon, ang Pangalawang-Pangulo ay inaasahang gaganap ng tungkulin
bilang Kinatawan.

Seksyon 2. Tungkulin ng mga Namumuno

Seksyon 2.1. Ang Pangulo/President ay tatayong ehekutibo ng


organisasyon. Ang kanyang mga tungkulin ay ang mga sumusunod:
1. Mangunguna sa pangkahalatang pagpupulong ng organisasyon.
2. Magpanukala ng anumang proyekto ng organisasyon.
3. Lumagda at sumang-ayon sa mga dokumento, sulat, at kautusanng
organisasyon.
4. Magpatawag ng pulong.
Seksyon 2.2. Ang Pangalawang- Pangulo/Vice President ay tatayong
tagapanguna kung sakaling ang Pangulo ng organisasyon ay lumiban o kaya
ay may dinaluhang ibang pagpupulong o gawain.
Seksyon 2.3. Ang Kalihim/Secretary ang mamamahala at mag-
iingat ng lahat ng dokumento ng organisasyon. Siya rin ang maghahanda at
magtatala ng napag-usapan sa naganap na pagpupulong na
napagkasunduan ng bawat miyembro.
Seksyon 2.4. Ang Ingat-Yaman/Treasurer ang siyang mag-iingat at
maghahawak ng pondo o salapi ng organisasyon gayundin ang mga datos at
dokumento na may kinalaman sa pananalapi ng organisasyon,
kinakailangang may Official Receipt o anuumang resibo sa bawat
reimbursement na gagawin sa organisasyon.
Seksyon 2.5. Ang Tagasuri/Auditor ang mangangasiwa sa pagsusuri
sa usapang pampinansyal at magtatabi at mag-iingat ng mga resibo/reports.
Seksyon 2.6. Ang Public Information Officer ang siyang magiging
tinig at mukha ng organisasyon sa pagpapalawig ng mga impormasyong
makakatulong para sa pangkalahatan ng organisasyon.
Seksyon 2.7. Ang mga kinatawan / Representatives ng bawat taon
ang siyang maghahatid ng updates, impormasyon, sa kani-kanilang antas.
Sila ang magsisilbing tagahatid balita at boses ng bawat kinakatawang
antas.

Seksyon 3. Ang Halalan

Seksyon 3.1. Ang eleksyon o halalan ng samahan ay magaganap


tuwing ikalawang linggo ng Agosto ng taong pampaaralan.
Seksyon 3.2. Ang pamunuan o opisyales ng ibang organisasyon ay
hindi pinahihintulutang tumakbo sa anumang posisyon ng ESPC upang
maiwasan ang pagkakahati ng prayoridad ng tungkulin.
Seksyon 3.3. Panunungkulan o Termino Ang lahat ng mga inihalal na
pinuno ng organisasyon ay manunungkulan sa loob ng isang taon. Subalit
kung walang hahadlang sa bawat kinatawan, ang bawat isa ay maaaring
tumakbong muli sa halalan o eleksyon
Seksyon 3.4 Ang kinatawan/representative sa bawat antas na
ihahalal ay magmumula sa ibat-ibang seksyon at bubuuin ng dalawang
lalake at dalawang babae sa bawat antas.
Seksyon 3.5 Desisyon ng Adviser/s kung lilimitahan sa muling
pagkakahalal ang mga opisyal sa susunod na School Year. Magkakaroon ng
deliberasyon ang mga advisers sa mga opisyal kung nagampanan ng maayos
ang kanilang tungkulin ng nakaraang termino.
Seksyon 4. Pagpataw ng Karampatang Parusa

Seksyon 4.1. Ang pagliban ng madalas ng inihalal na pamunuan sa


oras ng pagpupulong, gawain at proyektop ay mapapasailalim sa
kaparusahan o pagkakaalis sa posisyon batay sa kadahilanan ng kanyang
pagliban at pagkabigong magampanan ang kanyang mga tungkulin.
Seksyon 4.2. Sa bawat dalawang (2) beses na pagliban, magbabayad
siya ng halagang Php. 20.00. bilang multa at ito ay ilalagay sa pondo ng
organisasyon.
Seksyon 4.3. Subalit, kung siya ay makakapagpakita ng mga
katanggap-tanggap na dokumento tulad ng sertipikong medical, at sulat
maaari siyang hindi mapatawan ng kaukulang multa.
Seksyon 4.4 May karapatang hindi pirmahan ng mga Advisers ang
papeles para sa extra-curricular ng isang officer na palagiang may liban na
hindi bababa sa lima.

ARTIKULO VII.

Ang mandato ay masusing pinaghandaan at pinagkasunduan ng


samahan. Ang anumang susog o pagbabago ay maaaring sa mga
alituntuning panloob kung ito ay mahigpit na pinagkasunduan ng ¾ na boto
mula sa kabuuang bilang ng samahan.

Ang titik o nilalaman ng mga By-Laws ng Araling Panlipunan Club ay


totoo at tama na pinagtibay ng mga halal na pinuno ngayong ika-
_______________ ng ________________ taong 2019-2020.

Pinagtibay:

DONNA ROSE C. LANGRES HANNA BABE C. GAFA ALHAIRA A. HARID


President Vice-President Secretary

NORHAMIA B. HARID JUN REY S. TOGONON, JR ALMANSOUR P. HARID


Treasurer Auditor PIO
ALEXIS ABORDAHE ALEHA B. MARUHOM
Grade 7 - Representative Grade 8 - Representative

JOHN GABRIELLE O. PALANCA ANGELO M. CALAGSAN


Grade 9 - Representative Grade 10 – Representative

ROSE MAE Z. MARAMBA


Araling Panlipunan Coordinator

Republic of the Philippines


DEPARTMENT OF EDUCATION
Region XII
Division of Sarangani
Malapatan II District
TUYAN INTEGRATED SCHOOL

MINUTES OF THE MEETING


July 2,2019

ARALING PANLIPUNAN CLUB


AGENDA:

1. Election of Officers
President : Donna Rose C. Langres
Vice-President : Hanna Babe C. Gafa
Secretary : Alhaira A. Harid
Treasure : Norhamia B. Harid
Auditor : Jun Rey S. Togonon, Jr.
PIO : Almansour P. Harid

Grade 7 Representative : Alexis Abordahe


Grade 8 Representative : Aleha B. Maruhom
Grade 9 Representative : John Gabrielle O. Palanca
Grade 10 Representative : Angelo M. Calagsan

2. Discussing the Rules and Regualtions of Araling Panlipunan Club

 Layunin ng Araling Panlipunan Club


 Tungkulin at Responsibilidad bilang miyembro ng club.

Prepared by:

ROSE MAE Z. MARAMBA


Araling Panlipunan Coordinator

Noted by:

RENNIE T. QUIACHON
School Principal

You might also like