Kung Tayo

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PAGSASANAY 2

Kung tayo’y magbabalik sa nakaraan hanggang sa kasalukuyan, mapapatunayan natin kung gaano kahalaga
ang pambansang wika sa isang Arkipelago.

Ang wikang sarili ay mabisang instrumento o kasangkapan ng komunikasyon sa isang arkipelago. Ito ay
nagiging tulay upang magkaunawaan ng maayos ang bawat mamamayan sa isang bansa. Hindi lingid sa
mamamayan ng Pilipinas na kada buwan ng Agosto ay pinagdiriwang ang buwan ng wika sapagkat ang okasyon
na ito ay may malalim na kahulugan. “Ang pagdiriwang sa Buwan ng Wikang Pambansa ay isang pagpapaalala sa
mga Pilipino, na katulad ng ibang lahing malalaya, ang Pilipinas ay may sarili ring wikang pambansa.” Sa okasyon
na ito mas naipapakita ang kahalagahan ng pambansang wika sa ating bansa mula noon hanggang ngayon.
Nasasalamin nito kung anu-ano ang mga pinagdaanan ng ating mga ninuno at kung paano sila nagkaisa na
magkaroon ng isang wikang pambansa. Mula sa iba’t ibang etnolingguwistikong grupo ng ating bansa ay nabuklod
at naging tulay ang wikang pambansa upang magkaroon ng mabisang pagkakaunawaan ang mga mamamayan sa
ating arkipelago. Isa na ring halimbawa na nagpapakita ng kahalagahan ng wika sa isang arkipelago ay ang ating
pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal. Hindi dahas kundi wika ang kanyang ginamit upang magising ang
kaisipan ng mga mamamayan at magkaisa sila upang makamit ang kalayaan. Hindi man nya unang nilathala ang
kanyang mga nobela sa salitang tagalog ay isinalin naman ito upang maunawaan ng mga mamamayan sa Pilipinas.
Isa sa tanyag na katagang nagmula sa ating pambansang bayani ay “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit
sa hayop at malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala.” na nagbibigay
kahalagahan sa wika sa buhay ng isang tao Sa paraang ito ay mapapatunayan na agad natin kung gaano kahalaga
ang wikang sarili para maging tulay sa mabisang pagkakaunawaan ng mga mamamayan sa isang arkipelago.

Ang pagkakaroon ng iisang wika ay nangangahulugang nagkakaisa ang mga mamamayan at


nagkakaintindihan ang lahat para sa iisang hangarin. Dahil kung hindi pinahalagahan noon na magkaroon ng
pambansang wika ay hindi magkakaintindihan at magulo ang pakikipag-komunikasyon at talastasan. Hindi
magiging maayos ang buhay kung iba’t-ibang wikang etniko ang dapat nating kabisaduhin. Ngayong nasa tuwid
na landas na tayo, ating ipagmalaki at ipagbunyi na mayroon tayong iisang wika at ito ang Filipino na daan sa iisa
nating hangarin, at ito ang pagpapaunlad ng ating arkipelago.

“Good morning Engr. Lorena!” mga salitang bumungad sa isang dalaga na bumisita sa isang unibersidad.
Masaya namang ngumiti ang dalaga sa mga ito. Bumisita ang isang dalaga sa unibersidad sapagkat siya ay
naimbitahan upang magbigay ng mga insprasyonal na salita para sa mga mag aaral ng unibersidad na kanyang
pinasukan. Ilang saglit lang ay nakaupo na ito sa unahan. Napansin niya ang katahimikan ng mga mag aaral at
natuwa sya sa inaasal ng mga bata. Makalipas ang ilang minuto ay nakarinig siya ng batang nagsalita mula sa
likod, “nakakainip naman”. Napatawa na lang ang dalaga sapagkat ganyan din siya noong siya ay mag aaral pa
lamang ngunit napawi ang ngiti niya ng marinig niya ang katagang “akin na ang limampiso mo” na sinabi ng isang
mag aaral mula sa batang nagsabi ng nakakainip naman. Nagulat ang dalaga at nagging kuryoso sa narinig kaya
naman napatanong siya sa isang mag aaral mula sa likod niya. “Bakit humihingi siya ng limampiso?” “That’s her
punishment from speaking Tagalog ma’am” sagot ng kanyang natanungan.

You might also like