Adb - Ika-2 Linggo

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

KATURANGAN, KALIGTASAN, KAHARIAN

(Ikalawang Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon - TAON A)

Masarap mabuhay sa katarungan kung saan pantay-pantay at maligaya ang lahat, sa


kaligtasan kung saan panatag ang ating loob at sa kaharian ng Diyos kung saan tanging pag-
ibig lamang ang naghahari na sa Kanya lamang masusumpungan.

Ipinakita sa atin ni Isaias ang larawan ng katarungan sa isang matulaing tanawin ng


pagsasama ng mababangis at maaamong mga hayop at ipinahayag ni Pablo sa Kanyang sulat
sa mga Taga-Roma na si Kristo ay naparito upang tubusin ang lahat. Binigyang-diin ng
dalawang pagbasa ang kaisahan ng tanan sa katarungan ng Diyos at tayong lahat na
tumatahan sa silong ng langit ay saklaw ng Kanyang Katarungan, maging Hudyo man o
Hentil at ang bawat isa ay magtatamasa rin ng pangako ng Kaligtasan kay Kristo Hesus.

Nangaral si Juan Bautista sa ilang taglay ang Espiritu ng isang propeta mula sa Diyos at
nagtatawag para sa binyag ng kapatawaran at pagsisisi sa mga kasalanan. Ang panawagan
ni Juan ay hindi lamang para sa Judio. Sa halip, ito ay para sa lahat maging sa panahon natin
ngayon. Matagal nang inaakala ng mga Judio na ang Mesiyas ay isang sugo ng Diyos para
lamang sa kanilang Bayan at upang palayain sila mula sa kamay ng mga dayuhan. Lingid sa
kaalaman nila, ang sugo ng Diyos na si Hesus ay hindi magpapalaya sa kanila sa kamay ng
mga Romano kundi sa totoong umaalipin na pagkakasala at isa rin palang Hari na ang
Kaharian ay paparating na at daratal lamang ang paghahari Niya sa atin kung tayo ay
magbabalik-loob sa Diyos.

Inihahanda tayo ng panawagan ni Juan na magbalik-loob lalo na sa Panahong ito ng


Adbiyento sa pamamagitan ng mataimtim na pananalangin, matikang pagsisisi sa
pamamagitan ng Sakramento ng Kumpisal at mabinyagang muli sa pamamagitan ng ating
pagsasariwa sa ating mga Pangako sa Binyag. Dumalangin tayo sa Diyos na makamtan natin
ang Kanyang katarungan nang tayo ay matutong humatol sa ating kapwa sa katuwiran, ang
Kanyang kaligtasan nang makaakay tayo ng marami tungo sa landas ng kabutihan at ang
Kanyang Kaharian upang sa pamamagitan ng ating pagiging lingkod sa Kanya ay
mapapurihan natin ang Kanyang Banal na Ngalan at lumawig pa ang Kanyang paghahari sa
lahat. Amen.

You might also like