Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

MAKINIG! SUNDIN ANG TINIG!

(Ikaapat na Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon - TAON A)

Dumating si Hesus sa piling natin sang-ayon sa Kasulatan at namuhay ayon sa


Kalooban ng Ama. Ang tinig ng Diyos sa ating buhay ang magpapanuto sa atin
upang dalhin tayo sa buhay na walang-hanggan.

Nagbigay ng palatandaan ang Diyos sa pamamagitan ni Isaias kung paano


isisilang ang Emmanuel. Si Hesus ang Bugtong na Anak ng Diyos, ang tanda at
unang sakramento ng Pag-ibig ng Diyos na nagturo sa atin ng pagkamasunurin
sa Ama na sa pamamagitan Niya ay natupad ang nasusulat. Si Jose din naman
ay sumunod sa ipinamalita ng Anghel sa Kanya na pangalanan ang Sanggol na
Hesus na nangangahulugang "Si YHWH ay nagliligtas".

Pinili ni Hesus na isilang sa isang payak na paraan at sa isang munting pamilya.


Sa gitna ng kapayakan at lingid sa iba, si Hesus ay mula sa lahi ni David - ang lahi
ng mga Hari. Bagaman taglay ni Kristo ang pagkahari at pagkaDiyos sa simula
pa lamang, hinangad Niyang makiisa sa atin sa isang payak na paraan at
mapangalanan sa isang magandang halimbawa. Tunay ngang napanindigan
Niya ang Kanyang Pangalan sa Kanyang Buhay na kakikitaan ng kapayakan at
pagkamasunurin na tunay na nagligtas sa ating lahat.

Lumapit tayo sa Diyos at manalanging tayo ay matuto sa halimbawa ng Anak


Niyang nagpakumbaba at nang masunod natin nang tapat ang lahat ng
Kanyang mga alituntunin sa atin. Ipanalangin din nating mapanindigan natin
ang ating Pangalang Kristiyanong kay Kristo natin tinanggap na ang kalakip ay
hamon ng pagliligtas - hindi lamang ng sarili kundi unang-una ay ng ating
kapwa. Amen.

You might also like