DK - Todos Los Muertos

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

ALALAHANIN MO, PANGINOON!

(Paggunita sa Lahat ng Mga Yumaong Kristiyano)

Buo ang ating pag-asa sa Diyos na hinding-hindi niya pababayaan ang ating
kaluluwa gayundin ang mga mahal natin sa buhay na yumao na. Higit na
makapangyarihan ang awa at pag-ibig ng Diyos kaysa sa kamatayan.
Inihihiwalay tayo ng kamatayan sa daigdig na ito upang sa wakas, tayo ay
pumiling sa Diyos dahil kailanma ay walang makapaghihiwalay sa atin sa
Kanyang Pag-big. Ang kamatayan na bunga ng ating mga pagkakasala ay
nagkaroon ng bagong kahulugan sa Kamatayan at Muling Pagkabuhay ni
Kristo. Ang kamatayang kinatatakutan dati ay naging larawan ng pag-asa at ng
paglaya sa mundo at sa mandaraya nitong ligaya.
Sa Diyos lamang nasusumpungan ang kapahingahan ngunit hindi lahat ay
pinapalad na marating agad ang Gloria pagkapanaw dahilan sa nalalabing sala.
Ngunit dahilan sa malaking awa ng Diyos, hindi niya pinababayaan ang tao sa
huli nitong sandali, binibigyan Niya ito ng pagkakataong makatanggap ng mga
Sakramento bago pumanaw, maranasan ang estado ng pagpapagindapat sa
Purgatoryo at ng karapatang tumanggap ng ating mga panalangin para sa
kanila. Ipinararanas pa rin ng Diyos ang Pag-ibig Niya, maging sa nangabubuhay
o nangamatay na.
Dumalangin tayo sa Diyos na tayo ay lagi Niyang bahaginan ng kanyang mga
pagpapala na maghahanda sa atin sa kamatayan, magbibigay sa atin ng
kahandaang harapin ito at ng pusong matiyagang nananalangin para sa
kapayapaan ng mga nangamatay na. Ipanalangin natin na wala nawang
makapaghiwalay sa atin sa grasya ng Diyos at pawiin Niya ang anumang pag-
aalinlangan o takot sa ating mga puso nang sa gayon ay makalakad tayo sa
Kanyang Daan at mabuhay sa Kanyang Katotohanan na maghahanda sa atin sa
isang Banal na Kamatayan. Amen.

You might also like