AGUSTIN - Position Paper

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Jianne Kate P. Agustin Grade 10 – Br.

Lucian Athanasius, FSC

K to 12: Isang Hakbang Tungo sa Pagbabago


Maraming taon na ang lumipas nang unang sinimulan ang implementasyon ng K to 12
Program sa Pilipinas. Kahit pa ito’y matagal-tagal na, may mga tao pa ring nagrereklamo laban
dito at may paiba-iba naman silang rason kung bakit ayaw nila. Ang iba ay hindi sumang-ayon
dahil masasayang lang daw ang kanilang pera, at ang iba naman ay nasasakdal dahil nag-aaksaya
lang din ito ng taon. Bilang isang Junior High School na mag-aaral, sinusuportahan ko ang K to
12 program at sumasang-ayon ako sa pag-iimplementa nito.

Sa programang ito, nabigyan tayong mga Pilipino ng pagkakataong makapag-aral ng


maaga bilang isang kindergarten na estudyante, na kung saan mas napataas nito ang porsyento ng
pagtatapos sa pag-aaral. Hindi na mahirap para sa mga bata pagdating sa elementarya dahil sila
ay nasanay na sa mga gawain sa kindergarten pa lamang. Ayon sa K to 12 Toolkit, ang
pagsasanay ng isang bata sa pangunahing mga aralin, simula sa edad na 0 hanggang 6 na taong
gulang, ay pinaka-kritikal na yugto sa kanilang paglaki dahil sa panahong ito, unti-unting
nabubuo ang kanilang utak kapareho sa laki ng utak ng isang normal na kabataan. Dito nila
makabisado ang alpabeto, mga numero, mga hugis, at kulay na magagamit nila sa pang-araw-
araw na buhay.

May pagbabago ring naganap sa curriculum na ituturo sa bawat baitang. Inihanay nila ito
at sinisiguradong ensakto sa edad ng mga mag-aaral para hindi sila mahirapang intindihin ito.
Hindi naman maiiwasang walang mahirap na mapag-aaralan pero, iyon ay pagsasanay na rin
para sa mga bagong aralin sa susunod na baitang. Ang mga mag-aaral ay hindi lang tinuturuan
ng pang-akademikong aspekto. Sila ay iminulat rin tungkol sa mga isyung panlipunan kagaya ng
Disaster Risk Reduction (DRR) at Climate Change Adaptation. Isang halimbawa nito ay ang
pag-aaral ng mga bata tungkol sa mga dapat gawin at iwasan sa panahon ng mga kalamidad at
krisis, simula elementarya hanggang kolehiyo.

Ngunit, hindi lang ‘yan. Ang pinakamagandang nabago ng K to 12 program na ito ay ang
pagkakaroon ng Senior High School. Kahit dagdag taon ito sa pag-aaral, nabigyan ang mga mag-
aaral ng mas mahabang panahon para sa pag-iisip kung ano talaga ang gusto nila sa buhay. Hindi
lamang pang-propesyonal na mga trabaho ang inalok para sa pagsasanay, kundi may mga
pagsasanay din itong inalok kagaya ng Technical-Vocational-Livelihood o TVL, na kung saan
iginahasa sila halos sa mga gawaing bahay. Ito ay makatulong ng malaki para sa isang
estudyanteng naghihirap pagdating sa pera. Halimbawa, kung makakapagtapos siya ng Senior
High School, maaari na siyang magtrabaho kagaya ng isang cashier o chef sa ilang mga
restawran. May posibilidad rin silang maging isang manager ng isang food company sa paglipas
ng panahon dahil alam na nila ang takbo ng kanilang trabaho. Nasasanay din kasi sila dahil sa
work immersion activity na kasali sa curriculum nila. Ito ang kalamangan ng mga nakapagtapos
ng Senior High School dahil kahit hindi pa man sila nag-aral ng kolehiyo, may konting
background na sila sa kung ano ang mangyayari sa kanilang pagta-trabahoan sa lalong madaling
panahon.
Jianne Kate P. Agustin Grade 10 – Br. Lucian Athanasius, FSC

Bagkus, masasabi ko talaga na kahanga-hanga ang programang ito dahil hindi lang ito
mabuti para sa mga mag-aaral kundi, makatutulong din ito sa pagbaba ng unemployment rate sa
Pilipinas. Kung iisipin natin, pagkatapos nilang mag-aral ng Senior High School, may
mapagpipilian silang desisyon, ayon sa kanilang gusto at kakayahang magpatuloy sa pag-aaral
ng kolehiyo o magtrabaho na kaagad para matustusan ang pamilya. Para sa akin, hindi sagabal
ang Senior High School patungo sa tagumpay ng isang pamilya at mismo sa estudyante. Ito
lamang ay isang pagsubok na dapat malampasan ng mga mag-aaral para mabigyan sila ng
kumpirmasyon na handa na silang harapin ang totoong hamon ng buhay. Kung ito man ay
kanilang ipa-unlad at linangin, magiging isang hakbang na ito para sa mga Pilipino patungo sa
pagbabago ng ating bansang Pilipinas.

You might also like