Banghay Aralin

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV- CALABARZON
Sangay ng Batangas
Taysan National High School

Petsa: 17 Pebrero 2020, Lunes


Yugto ng Pagkatuto: Linangin-Panitikan

LAYUNIN:

F8PT-Ia-c-19 Nabibigyang-kahulugan ang talinghaga

F10PS-Ia-b-64 Naipahahayag nang malinaw ang sariling opinyon sa paksang tinalakay.

F10PB-IIe-76 Nabibigyang reaksiyon ang pagiging makatotohanan/ di-makatotohanan ng mga


pangyayari sa maikling kuwento

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:
Panitikan: Aginaldo ng mga Mago
Maikling Kuwento mula sa United Staates of America
Salin sa Filipino ni Rufino Alejandro ng
“Gift of the Magi” ni O. Henry (William Sydney Porter)

Gramatika at Retorika: Pokus sa Kaganapan at Pokus sa Sanhi


Gamit sa Pagsasalaysay ng mga Pangyayari
Sanggunian: Modyul ng Mag-aaral (pahina 219-222)
Kagamitan: Powerpoint Presentation, T.v., pantulong na biswal, props, christmas Tree

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Balik-Aral / Paglalahad ng Bagong Aralin


PAGGANYAK - CONSTRUCTIVISM &
COLLABORATIVE APPROACH
Estratehiya : Awitin Mo, Ipasa Mo, Sasagutin Ko!

Magkakaroon tayo ng isang laro na ating


papamagatang Awitin Mo! Ipasa Mo, Sasagutin
Ko! Sa larong ito ay ihahanay ninyo nang pabilog
ang inyong upuan. Magpapatugtog ako ng isang
tagalog bersyon ng awiting “Twelve Days of
Christmas” Habang tumutugtog ang awit ay
sasabayan ninyo ito at habang kayo ay umaawit,
ipapasa-pasa ninyo ang kahon. Kung sino ang
mapapasahan ng kahon kapag huminto ang
tugtog ay siyang sasagot ng katanungan na
nakasulat sa papel na nasa loob ng kahon.

Naging malinaw ba ang aking panuto? Opo.

Kung bibigyan ka ng pagkakataon na


magbigay ng regalo sa iyong ka mag-aral, (Inaasahan sa mga mag-aaral na
sino ang gusto mong bigyan, anong regalo magkakaroon ng iba’t ibang kasagutan)
ang nais mong ibigay at bakit?
B. Paghahabi sa layunin ng aralin
INTEGRATIVE APPROACH
Estratehiya : “ Elevator Speech”

Basahin ng lahat ang winika ni Hesus sa


Bibliya. Ang inyong gagawin ay ilalahad ninyo ang
ipinahihiwatig ng pahayag nasa kahon sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na
inihanda ko.
Naging malinaw ba ang aking inihayag na
panuto?

Opo Maaam.
“Higit na mapalad ang
nagbibigay
kaysa sa tumatanggap ”

Kaugnay na tanong :

1. Ano ang nais ipahiwatig ng talinghaga?


Ang nais ipahiwatig ng talinghaga ay
nararapat na tayo ay magbigay sa ating
kapwa dahil binibiyayaa ng Panginoon ang
taong may kawang-gawa kaysa sa taong
naasa lamang sa bigay ng iba.
2. Sumasang-ayon ka ba sa mensahe nito? Bakit? Sumasang-ayon ako sa mensage ng
pahayag sapagkat ito ang turo ng magulang
at paraan mula nang ako ay nagka isip. Alam
ko na ito ang tamang gawin.

3. Sa inyong palagay, ano ang kaugnayan ng


pahayag sa ating akdang tatalakayin?
Marahil ang ating akdang tatalakayin ay ukol
sa pagbibigayan at uko; sa pagpapahalaga
sa pagbibigay sa kapwa.
C. Pag-uugnay ng Halimbawa sa Bagong Aralin
INQUIRY - BASED APPROACH & INTEGRATIVE
APPROACH

Ngayon ay inyo ng natapos ang gawain na


aking inihanda kung kaya’t nararapat na ating
simulan ang isang maikling kwento na nagmula pa
sa United States of America at sinalin sa Filipino ni
Rufino Alejandro na pinamagatang “Aginaldo ng
mga Mago”

Subalit bago ko simulan ang pagpapanood ng


akdang “Aginaldo ng mga Mago” ay atin munang
kikilalanin ang nagsalin sa Filipino ng akda na si
Rufino Alejandro.

Ayon sa aklat na kulay kayumanggi na


pinamagatang Buhay at Diwa ni Rizal ng 1972 si
Rufino Alejandro ay isang manunulat at nakatira sa
Pampanga. Nagtapos siya ng kaniyang pag-aaral
sa Unibersidad ng Pilipinas at maaga siyang naulila
sa kaniyang Ama. Siya ay tinaguriang mahusay na
manunulat sapagkat marami na din siyang naisulat
na akdang pampanitikan na tinangkilik ng mga
mambabasa.

Ngayon ay kilala na natin ang nagsalin sa


Filipino ng akda kung kaya’t dadako na tayo sa
pagpapanood ng video clip ng akdang “Aginaldo ng
mga Mago”. Nais kong buksan ang inyong mga
tenga, gayundin ang inyong mga mata isanama na
din ang inyong isip dahil matapos ninyong panuodin
ang video ay may inihanda akong ilang mga
katanungan upang masubok ang inyong kakayahan
sa pag-unawa sa inyong pinanood.

(Pagpapanood ng video clip tungkol sa akdang


“Aginaldo ng mga Mago”)

Matapos mapanood ang isang videoclip ay


itatanong ang sumusunod na katanungan:

1. Tungkol saan ang akda na ating pinanuod?


Ang akda po ay tungkol sa mag-asawa na
kapus sa buhay subalit ginawa ang lahat
upang mayroong pangregalo sa isat-isa.

Magaling! Ang atin ngang akdang tinalakay


ay tungkol sa mag-asawa na kapus-palad
subalit ginawa ang lahat upang makabigay
ng regalo sa isa’t isa sa araw ng pasko.

2. Sino-sino ang mga pangunahing tauhan sa


maikling kwento? Ilarawan nga ninyo ang
mga pangunahing tauhan batay sa pisikal
nilang anyo. Ang mga pangunahing tauhan po sa kwento
ay sina Jim at Della. Si Jim po ay may
kapayatan at si Della naman po ay may
maamong mukha, may maganda at
mahabang buhok.
Tumpak! Si Jim at Della nga ang mga
nagbigay-buhay sa ating akdang “Aginaldo
ng mga Mago”. Si Jim ay mayroong di
kalakihang pangangatawan at tama na si
Della ay may mahaba at umaalon-alon na
buhok.

3. Sa inyong palagay, ano kaya ang mga bagay


na iniingatan ng mga pangunahing tauhan?

Ang mga bagay po na iniingatan ni Jim ay


ang kaniyang minanang relo samantalang
kay Della naman po ay ang kaniyang
maganda at mahabang buhok.
Tama! Ang labis na iniingatan ng mag-
asawang Jim at Della ay ang mamahaling
relo ni Jim at ang kay Della ay kaniyang
napakahabang buhok.

4. Anong mahalagang kaisipan ang binigay ng


akda?
(Inaasahan sa mga mag-aaral na
magkakaroon ng iba’t ibang kasagutan)
Magaling! Ang diwa na nais iparating ng
akda ay ang pagsasakripisyo ng mga bagay
na labis na mahalaga sa iyo kapalit ang saya
o tuwa ng taong mahal mo subalit mas
mahalaga pa din ang pagmamahal sa isa’t
isa kaysa sa mga materyal na bagay.

5. Kung ating iuugnay naman sa asignaturang


Araling Panlipunan, gaano kahalaga ang
pagiimpok ng salaping iyong pinamaskuhan
o di kaya nama’y pinaghirapan? Mahalagang mahalaga po ang pag-iimpok sa
salaping pinamaskuhan o di kaya nama’y
pinaghirapan sapagkat pag may inimpok
tayo, may madudukot tayo sa oras ng ating
pangangailangan.
D. Paglalahad sa Bagong Konsepto
COLLABORATIVE APPROACH

Upang lubusan ninyong maunawaan ang


ating paksang tinalakay ngayong araw ay dadako
na tayo sa pangkatang gawain.Hahatiin ko kayo
sa apat na pangkat.Bibigyan ko kayo ng 10
segundo upang pumunta sa inyong mga pangkat
at kailangan ay nakabuo na din kayo ng bilog
bago matapos ang aking bilang.

Subalit bago kayo magtungo sa kani-


kaniyang pangkat ay nais kong malaman mula sa
inyo kung ano ang dapat isaalang-alang sa
pagsasagawa ng pangkatang gawain.

(Inaasahan sa mga mag-aaral na


magkakaroon ng iba’t ibang kasagutan)

Bawat pangkat ay babalikan ang mga


pangyayari na isinalaysay sa akda pagkatapos ay
malaya kayong makapipili ng estratehiya na
inyong gagamitin upang masagot ang graphic
organizer. .
AGINALDO NG MGA MAGO

DI-
MAKATOTOHANANG
MAKATOTOHANANG
PANGYAYARI
PANGYAYARI

REAKSIYON

(Bago magsimula ang gawain ay ilalahad muna


ng guro ang kaniyang pamantayan sa
pagmamarka)

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

10 8 5 3

NILALAMAN Ang Di gaanong Bahagyang Walang


mensahe ay naipakita magulo ang mensaheng
mabisang ang mensahe naipakita
naipakaita mensahe

KASININGAN Napakagan- Maganda at Maganda Di


da at masining ngunit di maganda at
napaka ang pag- gaanong hindi
sining ng kakalahad masining masining
pagkakala- ng pangkat ang pag- ang pag-
had ng kakalahad kakalahad
pangkat ng pangkat ng pangkat

KAUGNAYAN May Di gaanong Kaunti lang Walang


SA PAKSA malaking may ang kaugnayan
kauganyan kaugana- kaugnayan sa paksa
sa paksa yan sa sa paksa ang
ang pre- paksa ang ang presen-
sentasyon presen- presenta- tasyon ng
ng pangkat tasyon ng syon ng pangkat
pangkat pangkat

KALINISAN/ Malinis na Malinis at Di gaanong Hindi


KAAYUSAN malinis at maayos malinis at di malinis at di
napakaayos ang gaanong maayos
ang presen- presenta- maayos ang
tasyon ng syon ng ang ipinakitang
pangkat pangkat presenta- presenta-
syon ng syon ng
pangkat pangkat

(Presentasyon ng pangkatang gawain)


(Pagbibigay ng feedback ng guro at mag-aaral)

E. PAGLALAHAT NG ARALIN
CONTRUCTIVISM APPROACH
DUGTUNGAN MO AKO…

Matapos marinig ang “Aginaldo ng Mago”


nalaman ko na ________________________
Naramdaman ko rin _______________ Dahil
dito, nais kong baguhin ang pag-uugali ko mula
ngayon na _________________________
F. Pagtataya ng Aralin
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na
katanungan. Isulat ang inyong sagot sa sangkapat
na papel.

1. Anong uri ng akdang pampanitikan ang ating


tinalakay?

a. Dagli (Inaasahan sa mga mag-aaral na


b. Sanaysay magkakaroon ng iba’t ibang kasagutan)
c. Anekdota
d. Maikling Kwento

2. Sino ang sumulat ng akdang ating tinalakay


ngayon?

a. Rufino Delos Santos


b. Alejandro Abadilla
c. Rufino Alejandro
d. Severino Reyes

3. Sa inyong palagay sa pamagat ng akdang


tinalakay na “Aginaldo ng mga Mago” ano ang
ibig sabihin ng salitang “Mago”?

a. Taong Mapagbigay
b. Taong Mapagmahal
c. Taong Marurunong
d. Lahat ng nabanggit

4. Anong regalo ang natanggap nina Jim at Della


na bigay nila sa isa’t isa?

a. Kadenang Platino at Pang ipit sa buhok


b. Damit at Kadenang Platino
c. Sapatos at Pang ipit sa buhok
d. Relo at Mamahaling Alahas

5. Ano ang diwa na nais ipabatid ng akdang


“Aginaldo ng mga Mago”?

a. Kayang ibigay at isakripisyo ang lahat para


sa minamahal.
b. Kayang talikuran ang lahat ng luho para sa
taong minamahal.
c. Kayang ibigay ang mga bagay sa taong
mahal mo sa pamamagitan ng
pagtatrabaho.
d. Wala sa Nabanggit

Susi sa Pagwawasto
1. D
2. C
3. C
4. A
5. A

Bahagdan ng Pagkatuto

Iskor Bilang ng Mag- Kabuuan


aaral

KABUUAN

BAHAGDAN NG PAGKATUTO

J. Karagdagang Gawain para sa Takdang-Aralin


at Remediation

Sa isang short bond paper ay gumuhit ng isang


bagay na nais niyong iregalo sa inyong mahal sa
buhay. Sa likod nito ay lagyan niyo ng maiksing
paliwanag tungkol sa bakit ang bagay na ito ang
inyong napili?

Inihanda ni :

ANGELICA N. ALCANTARA
Teacher I - Applicant

You might also like