Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Letter of Rizal to the women of Malolos/ Sa Mga Kababaihang Taga-Malolos

Noong ika-12 ng Disyembre 1888, isang pangkat ng kababaihan ang iginiit sa pamahalaang Kastila ang
kanilang hangaring makapag-aral. Nang mabalitaan ito, sinulatan sila ni Jose Rizal ng liham na
naglalaman ng pitong habilin, na para sa kaniya ay dapat magsilbing panata ng bawat Pilipina. Bilang
pag-alala sa anibersaryo ng pagkasilang ni Rizal, narito ang mga pagsasalarawan ng mga habiling ito.
Kalakip ng orihinal na mensahe ni Rizal na nasa lumang Tagalog ang bersyong isinakonteksto para sa
ating panahon.

“Unang-una. Nagiging taksil ang ilan dahil sa kaduwagan at kapabayaan ng iba.”

“Ikalawa. Ang taong nagpapaalipusta ay kulang ng pagmamahal sa sarili at labis na nasisilaw sa


umaalipusta.”

“Ikatlo. Ang kamangmangan ay pagkaalipin; sapagkat kung ano ang isip ay ganoon ang tao: ang taong
walang sariling isip ay taong walang pagkatao; ang bulag na tagasunod sa isip ng iba ay parang hayop
na susunod-sunod sa tali.”

“Ikaapat. Kapag nagtago ka, para mo na ring hinimok ang ibang magtago rin, dahil kung pabayaan mo
ang iyong kapwa ay pababayaan ka rin naman; madaling baliin ang nag-iisang tingting, pero mahirap
baliin ang isang bigkis na walis.”

“Ikalima. Kung hindi magbabago ang babaeng Tagalog, hindi siya dapat magpalaki ng anak, at sa halip
ay gawing paanakan lamang; dapat alisin sa kaniya ang kapangyarihan sa bahay, sapagkat kung hindi
ay walang-malay niyang ipapahamak ang asawa, anak, bayan, at lahat.”

You might also like