Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

ANG PASYON AT ANG PABASA

BAGAMAT parehong patula nasusulat ang Pasyong Pilapil at ang Pasyon na isinulat ni Padre
Aniceto de la Merced, ang pagkakasulat nila’y may malaking pagkakaiba. Sinasabing ang
Pasyong De la Merced ay mataas na uri; taglay ang dalawang malaking bahagi maging sa
paraan ng pagkakasulat. Ang bawat taludtod sa unang bahagi ay nasusulat sa
lalabindalwahing pantig (12 syllable). Ang ikalawang bahagi ay nasusulat sa wawaluhing
pantig (8 syllable). Narito ang halimbawa ng unang bahagi: “Ang Diyos ay Diyos
kapagkaraka na,/ Kapagkaraka na ay Tatlong Persona,/ Sa Persona’y walang nahuli’y
nauna,/Sapagkat ang tatlo ay Diyos na isa”.

Narito naman ang halimbawa ng ikalawang bahagi: “O, poon ko’t Amang Diyos/Katamis-
tamisng Jesus/ Iyo pong ipagkaloob/ Na mamatamisin kong lubos/Ang sa akin ay pag-
ayop.”
Binubuo naman ng walong pantig ang bawat taludtod ng Pasyong Pilapil at limang taludtod
sa bawat saknong (stanza). Sa panimula ng Pasyon ay may tatlong saknong na dasal sa
Diyos at mahabang patulang dasal sa Mahal na Birhen. Narito ang halimbawa: “Na kung sa
bilang ng tao, /Una ang Amang totoo,/ Ikalawa ay ang Brbo,/At ang Personang ikatlo,/Diyos
Espiritu Santo”.
Sa pagtatapos ng bawat kabanata ng Pasyong Pilapil ay may patula ring ARAL na hinango
sa kabanatang binasa. Ang ARAL ay binubuo ng ilang saknong alinsunod sa minarapat ng
sumulat ng Pasyon. Ang mga aral ay patungkol sa mga anak at sa mga magulang, sa mga
magkakaibigan at magkaaway, sa lahat ng mga nakalilimot sa kagandahang-asal, kabutihan
at iba pang bagay na may kaugnayan sa moralidad at buhay-Kristiyano. Ilang halimbawa ay
ang mga sumusunod: “Ikaw anak na suwail/ Walang munti mang pagtingin,/ Sa ama’t
inang nag-angkin,/ kung uusan ka marahil/ Dumadabog, umaangil.
‘Kahima’t tadtarin mo/Ang laman mo’t sampung buto/ ‘Di pa sukat ibayad mo/ Sa mga
hirap sa iyo.”
Ang pagbasa ng Pasyon ay naaayon sa kaugalian ng mga liping ating kapuluan noong araw.
Ang mga liping ito ay nagsisiawit ng mga alamat at ng buhay ng mga dakilang bayani, tulad
ng “Darangan” ng mga Moro”; “Maragtas” ng mga Bisaya; “Ibalon” ng mga Bikolano; at
‘Biag ni Lam-ang” (Buhay ni Lam-ang) ng mga Ilukano. Kaya, hindi kataka-takang sa
pagpasok at pagtubo ng binhi ng Kristiyanismo sa ating bansa, ang buhay at pagdurusa ng
Panginoong Jesukristo ay masulat sa awitin sa panahon ng Kuwaresma.
Sa panahon ng ating mga ninuno tuwing Mahal na Araw, ang Pasyon ay… malakas na
inaawit sa halos lahat ng tahanan sa malalayong baryo o barangay at lalawigang Tagalog at
nang lumaon ay maging sa Maynila. Ang pag-awit o pagbasa ay karaniwang nagtatagal ng
dalawa hanggang apat na araw at gabi. Ang tono o himig ay naaayon sa pook at lalawigan.
May nagsasabing ang himig sa pagbasa ng Pasyon ay hango sa isa sa mga matandang uri
ng awiting Pilipino na kung tawagin ay TAGULAYLAY. Ang Tagulaylay ay isang mahabang
pagsusunud-sunod ng halos iisang himig-panaghoy na naglalarawan ng pamimighati sa
isang kalunus-lunos na pangyayari. Karaniwan itong inaawit nang isahan at walang
sumasaliw. (Clemen Bautista)

You might also like