Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

CARLOS PALANCA AWARDS

Ang buong pangalan ng timpalak pampanitikang ito ay Carlos Palanca


Memorial Awards for Literature na binuksan noong 1950 bilang pagalaala ng mga
tagapagmana ni Don Carlos Palanca Sr. May layunin itong tumulong sa pagpapaunlad
ng panitikan ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagbibigay ng premyo sa mga manunulat
para sa pagpapahusay nila ng kanilang mga akda; at maging tagapag- ingat ng mga
hiyas pampanitikan ng Pilipinas at tumulong sa pagpapalaganap ng mga ito, lalo na sa
hanay ng mga mag- aaral.

Nagsimula ang timpalak para sa maikling katha sa mga wikang Ingles


at Filipino na iginawad noong 1951. Naging matagumpay ang timpalak, kaya
nagdagdag ito ng mga kategorya: dulang may isang yugto noong 1953, tula noong
1963, sanaysay noong 1979, nobela noong 1980, maikling kuwentong pambata noong
1989, dulang pantelebisyon noong 1990 iskrip pampelikula noong 1994. Noong 1997,
idinagdag ang mga dibisyon sa wikang rehiyonal at nagkaroon ng timpalak sa
maikling kuwentong Iloko, Sebwano, at Hilagaynon. Marami pang ibang kategoryang
binuksan sa paglipas ng panahon bukod sa tumaas ang salaping gantimpala para sa
nagwagi.

Sa kasalukuyan, may koleksiyon ang Palanca ng daan- daang nagwagi


hanggang dekada 80 sa mga antolohiya na ipinamudmod sa mga aklatan. May mga
pansariling koleksyon ng mayakda ang nalimbag na. Marami rin sa mga nagwaging
dula ang naitanghal sa entablado. Ang Foundation Library ay nakabukas sa mga mag-
aaral at iskolar na nais magsaliksik. Noong 1995, binuksan ang Palanca Hall of Fame
na kumikilala sa sinumang limang ulit nagwagi ng unang gantimpala. May 22 awtor
nang nagawaran ng Palanca Hall of Fame. Nagsimula rin ng palihan sa malikhaing
pagsulat ang Palanca noong 1996.

You might also like