FEMINISMO

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang buhay ng tao ay patuloy na nagbabago at umuunlad kasabay ng panitikan

winika ni Arogante, 1983 na ang panitikan ay talaan ng buhay dahil dito isinisiwalat
ng tao sa malikhaing paraan ang kulay ng kanyang buhay, ang buhay ng kanyang
daigdig, ang daigdig na kanyang kinabibilangan at pinapangarap. Dagdag pa ni G.
Abadilla na ito’y nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga
karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. At ito rin ang pinakapayak na paglalarawan
lalo na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula na ang panitikan ay bungang-isip na
isinatitik. Sa madaling salita ang bawat galaw ng tao sa kanyang lipunan ay nakaukit
at nakatala sa iba’t ibang uri at anyo ng panitikan.
Mula sa pahayag ni G. Azarias na ang panitikan ay nagpapahayag ng
damdamin ng tao tungkol sa iba’t ibang bagay sa daigdig, sa pamumuhay, sa
pamahalaan sa lipunan at sa kaugnayan ng kanilang kaluluwa sa Dakilang Lumikha.
Sa pagusbong at paglago ng panitikan, sumibol din ang iba’t ibang teorya o dulog
kung saan nabibilang ang bawat uri ng panitikan na nalilikha.
Ang Teoryang Feminismo na nagsisiwalat sa sangkatauhan patungkol sa
kakayanan at pagiging angat ng mga kababaihan sa iba’t ibang aspeto o larangan ng
buhay. Kasabay nang pakikibaka ng mga kababaihan sa kanilang karapatan, sumibol
ang mga feministang manunulat/pilosopo na nagsusulong ng pagkakapantay-pantay sa
pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan at kalalakihan.
Ang mga kababaihan na siyang tunuring na ilaw ng tahanan, katuwang ng
mga kalalakihan at bulaklak ng sambayanan. Hindi lahat ng mababagong salita
patungkol sa mga kababaihan ay kanilang nararanasan. Ang mga kababaihan simula
noon hanggang nagyon ay nakararanas pa rin ng diskriminasyon sa iba’t ibang aspeto
ng kanilang buhay partikular nasa kanilang karapatan, trabaho, edukasyon, politika at
pamilya, at ito’y patuloy na madadalumat sa mga panitikan sa bawat sulok ng mundo.

You might also like